nasty lurker?
Magtataka ka siguro kung bakit inabot ng halos dalawang oras yung maikling post ko kahapon, samantalang nasabi ko na na in 30 minutes nakakagawa ako ng post kung nandoon ang puso ko. Ako man nagtaka e. Nope sa totoo lang wala akong kabalak balak magpost pero nung eto na may nakausap ako sa YM umarangkada mga kamay ko dahil ayaw kong may masayang na sandali sa gitna ng pag-aantay ng reply, paghinga kasabay ng pagrefresh ng twitter at pagkampay ng mga kamay sa saliw ng stickam ko. Kaya nagdalawang-isip at nakapag-isip na sige na nga magpost na ako.
Bihira ako makipag-usap sa YM, madalas naka-invisible mode lang. Naghihintay sa pagdating ng dalawang kapatid kung sakali nga na mag-oonline sila. But this time ako ang unang nakipag-usap dahil ginanahan ako sa nalaman ko na isa sa nag-add sa akin sa YM lately ay isang blurker who created his own mybloglog. We chat and the rest is history…wala na. Nyak nyak nyak! wahehehe wala na. Tapos na go sago!
Seriously, hindi ko alam kung paano ako makikilaro sa takbo ng usapan sa taong ito, parang may nahuhuli ako na ewan pero di pa ako sigurado. Kung ano yung ewan na yun ako na lang nakakaalam. When I assessed our conversation (sinave ko kaya kwidaw ang makikipag-usap sa kin sa YM lol) mukhang hindi naman ako kayang paandapin ng kausap ko, though may napapansin ako na isa ito sa mga tao sa net na hindi dapat pagkakausapin. Pasensya na ha impresyon lang pero maari din namang magbago ang impresyon na yun. Ang problema ngayon baka kung sakaling mabasa ng nakausap ko itong entry na to e magwala siya o depende sa lawak pang-unawa nya. Ikaw na ang humusga:
siya: ok..mganda isang blog jan..ung about s girl n ng aral s sti..
siya:tama b??
ako: lol
ako: oo
ako: wow ha nabasa mo yun? (bigla ako na excite dahil sobrang tagal na ng entry na yun - ibig sabihin nagbabasa nga ng blog ko)
siya: kw b un??
ako: blog ko yun diba?
siya: oo nga e..
ako: pero hindi ako yun
ako: nagkukwento lang ako
siya: gusto ko kc ung mga ganung story..
siya: ah ok..
ako: ganun
siya: mejo..
ako: okey
siya: meron k p bng ibang ganun??
ako: so anong tingin mo sa story na yun?
ako: oh my goodness (reaksyunista ang lola! may naramdaman na agad ako why on earth naghahanap sya ng mga entry ko na may kaparehong tema ng isang babae na nag-iisip magbenta ng katawan dahil walang pang-enroll - medyo nagisip-isip na ako kung anong klase tong kausap ko e, kung may buntot ba siya, sungay o mahilig lang talagang magbasa - ng may ganung klaseng tema)
siya: mganda xa..
ako: panong maganda?
siya: bkit??
ako: meron akong gustong iparating dun (bluff bluff bluff….ano naman kaya ang gusto kong iparating dun ano? wala syempre)
siya: bsta ung sense ang timing.
siya: ah ok..ano un?
ako: ano ba nabasa mo beyond the story?
ako: i mean ano dating sayo?
siya: wla p nga e..
siya: putol b un??
ako: walang dating sayo?
ako: ok never mind \
ako: hanggang dun lang yun
ako: e yung tungkol sa singkwenta sentimos na kulang sa pamasahe? (this time gusto ko talagang malaman kung nagbabasa nga ng blog ko)
ako: nabasa mo ba?
siya: my dating nga e..
ako: dating?
siya: oo..malakas ang dating..
ako: ok
siya: ano p b ung mga ganung topic mong blog??(again again again……)
ako: wala na
siya: ok..
siya: busy?
ako: di naman\
siya: ah ok.. siya: so kmusta n ung blog mo??
ako: okey naman
siya: kwento k nman..
ako: anong kwento?
siya: khit ano..
siya: bat di mo tinapos ung babae s recto??(uhmmmnnn)
ako: uhmmn may nagsuggest sa kin na gawin kong book
ako: pero wala akong time saka hindi ako writer
siya: ah ok..
siya: pero hindi p un tpos db..
ako: tapos na yun siya: ah ok..kala ko hindi p.
ako: tapos na
ako: pag hinabaan ko pa yun nakakabato na
ako: ganun b..kc prang kulang ung kwento..
siya: ung kung anong ngyari..
ako: ang nangyari hindi niya tinapos yung pangalwang course nya at nagtrabaho na lang ulit sya sa ibang computer shop
ako: the end
ako: ok..
siya: prang kulang kc..db nsa kahabaan plng xa non ng avenda(persistent ang kumag)
ako: lol
ako: baka naman telenobela ang hanap mo sus
siya: hindi nman po..kaya lng dib..di p nga xa nkpag decide after non..
ako: e kapag nabili na ng GMA 7 o ng channel 2 yung storyline ko pwede ng habaan
ako: hehehehe natatawa ko sayo
Mukhang may nakausap ako sa isa sa mga naghahanap ng mga site na may temang sekswal ha……..sana naman mali ang aking sapantaha. Oo nga, pwedeng mali. Wish ko lang.
****kung sakaling mabasa mo ito….peace man. Sabi nga ng mga nandidiri sa mga OFW e “I wrote what I thought and sensed“.
| 2.5 |
Viewed 1774 times by 330 viewers

manilenya 
Welkam Bak Sa Akin!!!


Ang kulit naman ng taong nakausap mo. Pero marami talagang malikot ang isip. Malay natin malikot in a way na medyo may pagka isip manunulat at sobrang na-internalize yung kwento mo po… o di kaya’y napukaw yung damdamin nya at “pinagpantasyahan” nya kung ano mangyayari sa babae. bitin ba? wehehehe ganyan talaga ang tunay na kwento ‘pre! yung tipong mapapaisip ka.
yan ang Galing ng Pinoy! kudos!
Parang nahilo ako dun ah…
hehehe. ANg labo niya sis! Parang paulit ulit ah. Oh well, yan ay aking sapantaha lang naman
din, based sa pagkakabasa ko sa YM ninyo….
parang may alam siya, na hindi niya alam sa mga kuwentong nabanggit. ang gulo ba?
Aba! may YM ka pala. Sana nakakakwentuhan din kita. Mukhang magandang tema ang usapan ninyo, magaya nga! he he he! I just hope hindi katulad ng dating niya ang talagang siya. Pero kung talagang ganon nga siya, it’s up to you to do what you think is the right thing to do. Bilib ako sa judgment mo e.
makikiraan lang po, ganda ng music ah, dito ba yun?
*please add 3 and 2 = 32? LOL
mukhang ang nakausap mo melai ay isang taong mainit pa sa kape hehehe. na nangangailangn ng matigas na tinapay para sa kanya idawdaw… LOL
medyo di ko rin na get ang mensahe doon sa usapan niyo sa YM. either clouded ang isipan ko kaya di maka get or tuyot na talaga ang utak. hehehe, meron ka pa bang ganun? ay ang lavohhh
parisukat,
kung malikot ang isip nya e
abah bagay pala kaming mag-usap kasi malikot din isip ko e
Scarlett,
masyado kasi akong pinipiga e..gusto nya tapusin ko e tapos na nga
karen,
sasabihin ko sana na hindi ka magulo e
pero naguluhan ako sa sinabi mo lol!@!
LAR,
wow! bilib ka sa judgement ko?
hehehhe buti ka pa bilib
ako hindi e
naku e hindi mo naman kasi tinatanong ang YM ko e
pano ko sasabihin sayo
melai
roni,
hindi dito yun
sa kabilang blog yun
lol
salamat sa pagdaan
kita kita sa blog ng reyna
panjet,
bwahehehehe
pelikula yata yan e
Beng,
nyahahahahaha!!!
yun lang
kasi wala na akong ganun lol!!!
Oo nga naman, hindi ko nga pala naitatanong. he he he! Sige naman, Kabayan, send mo sa akin sa email ko para naman makapag-usap tayo online. Nang may maasar naman ako.
Mag-ingat sa mga online stalkers
aba.. si frend melai..may stalker na..
hihihih iba talaga sikat..
peace.. and cheers…
masasabi ko lang naku kahit ako naguluhan.. kulit nga nya
one thing ang alam ko kung sa kulitan lang hindi uubra ang stalker na un sa iyo..
Out of topic… I just saw your sidebar about ukay-ukay.. I remember I just bought more than a dozen of oldies long playing album in a garage sale here..as in very old which includes one from the twenties …. My aunt asked me why I bought that..sabi ko wala lang. Now I am planning to buy a turn table for that
about your entry…there is conflicting argument running on my mind ….one agrees with your last two paragraphs and one thinks how to save the children without compromising the husband and wife’s personal choice since one is falling out of love.