Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Nalen Aguilar's Facebook Status Updates

        Nalen goodnight...goodbye!

        (Updated 8 hours, 36 minutes ago)

      Please visit this site
    Recent Comments
    Sponsors
In The Spotlight
By User Imagemanilenya | 12 CommentsLeave a Comment
Last updated: Wednesday, September 5, 2007

Wala ng pala-palabok sagutin ko na lang ang meme na ipinasa ni pixelus noong 19 kopong kopong pa.  Dahil sa hindi naman ako espesyal bilang isang blagista hindi ko na pinapangarap pa na magkaroon ng isang tao na magpapasikat sa akin at sa blog ko para maisulat sa dyaryo kung kailan ako nagumpisang magblog.  Mas lalong hindi ko rin kayang iprisinta ang blog ko para maisulat nila dahil hanggang dito lang sa pahinang ito nagiging makapal ang mukha ko.

Ang rules:

  • Gumawa ng post at pamagatan ng “In the Spotlight” katulad nito.
  • Syempre kailangan may linkback sa nagtag sa iyo.
  • Ang sabi huwag daw basta-basta kopyahin ang instruction, gumawa ka daw ng sarili mo.  Gusto mo lagyan mo ng art -hehehehe ang gumawa nyan uto-uto lol!- basta sabi dito ganun. Tapos. 
  • May mga pagpipiliang mga tanong dito (naku tyak ang taas ng google rank nito.)  Pumili ka na lang kung ano ang gusto mong sagutin.  Ako ginaya ko lang mga tanong na sinagot ni Pixelus.
  • Ipasa ang meme na ito sa lima pang gusto mong maging sikat kagaya ko ngayon at kagaya mo kapag nagawa mo na ito.  Wahehehehe! sikat na ko grabeh!

Ako naman sa spotlight:

What makes your blog unique?

Simple.  Yan na sagot.  Iyong tatlong bilang na bilang sa daliri ko na naging bokal na sabihing gusto nila ang blog ko ay dahil sa kasimplehan.

When did you start blogging?

June 2005, sawa na siguro ako sa pakikipag-usap ng mga walang kawawaang bagay sa IRC kaya nagpasya akong magsurf naman.  Kakasurf napadpad ako sa mga site ng mga magagaling na pinoy na nagkukwento ng kahit na ano pero hanggang pagbabasa lang ako.  Naaliw lang ako sa kanila, hindi ko sila ginagaya.  Una sa tingin ko mahal ang magkaroon ng sariling websayt, pangalawa kumplikado para sa akin yung pagmamaintain nito.  Ang akala ko noon kailangan mo pang mag-aral ng dalawa hanggang apat na taong kurso sa web designing bago ako makagawa nito.  Magastos kaya huwag na lang.  Pangatlo, isang simpleng bobo ako.  Hindi matalino kaya hindi ko kaya ang kaya nilang gawin.

Tamang tama namang isang kasamahang OP sa manila-dalnet ang nag-umpisa palang magblog, niyaya nya ako kasama pa ng ilang mga co-OP na maging contributor sa blog nya sa blogspot.  Naenganyo.  Nangulit sa mga comment.  Nangulit ng nangulit sa mga comment pero hindi nagpost ng entry.  Noong makaisip akong magpost huli na, ginawa na niyang blog tungkol sa sex scandal ang site nya.

Doon ako nagdecide mag-maintain ng sarili at nakagawa ng blog na ang mga entry e galing sa inbox ko.  Copy and paste at feeling ko ang galing galing ko na.  Tumatalino na yata ako.

At katulad ng pagchachat nakaka-adik din palang magblog.  Iyong pagiging adik nakatulong yun para madevelop ako bilang blogger.  Yun bang hindi na kailangang magcopy and paste para lang makagawa ng entry.  Nalaman ko kasi na iyong ultimong pagpasok mo sa banyo e pwedeng iblog.

Is this your first meme?

Nope.  Marami na.  Maraming marami na baka nga sa susunod puro meme na lang makikita dito e.

What do you hope to accomplish with your blog?

Hindi ba lapag sa lupa kung sabihin kong gusto ko itong gawing libro?  Kanina lang may nakausap ako na hindi kakilala.  Tinanong nya ako kung saan daw ako naging tibak -nabasa nya sa About Me ko-  yung salitang tibak pa lang parang keyword na yun sa akin na basta na lang nagsabi sa kanya na “gusto kong magsulat, nito ko lang nalaman nung natuto akong magblog.” nung tanungin nya ako ng “writer ka ba?”  Ang una kong sagot,”writer wannabe”.

If you were stranded on a deserted island what three things would you want to have with you?

mp3 player ko, libro at sunglass para sa init ng araw…masakit sa mata yun e.

Are you a spiritual person?

Ewan ko.  Siguro oo.

Ngayon ipinapasa ko ang kasikatan sa aking tatay, sa pre kong mahal, kay kaibigan, kay melo at si manong.

Rate this:
2.5

Viewed 336 times by 84 viewers

RSS feed | Trackback URI

12 Comments »

2007-09-05 01:09:13

[...] ipagpatuloy ang pagbabasa…. [...]

 
Comment by no imagepixelus (Who am I?)
2007-09-05 03:18:00

Hay naku akalo ko inisnab mo na yung meme na ipinadala ko sa iyo. I just posted on my blog at na sorpresa ako sa nakita kong message mo. Salamat ng marami!!!

pixelus,
nye! hehehehe! hindi no, kahit na hindi naman tayo close the fact na pinasahan mo ko ng tag ibig sabihin
naalala mo ko..iisnabin ko ba naman yun? :)

Rate this:
1.6
 
2007-09-05 07:39:12

Oist Pinay Blog Idol! hehehe salamant sa tag.. cge try ko mag create ng meme

mElo,
naku wag na kaya?
masisira yung mga problogging entries mo :)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemalaya (Who am I?)
2007-09-06 03:02:01

sikat ka naman sa puso namin, ate Nalen.

karen,
pwede bang sa noo huwag sa puso nyo
para kitang kita agad kasikatan ko lol!!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagedodong flores (Who am I?)
2007-09-06 03:16:20

Glad to know more about you, my friend :)

Congratulations for your new layout, too!

dodong flores,
nagustuhan mo new lay-out ko my friend?

Rate this:
3.0
 
Comment by no imagemyepinoy (Who am I?)
2007-09-06 08:27:44

masama ba ang loob mo? Nagtatanong lang po. (reference: answer on question number 3.)

Ay naku, yan na lang muna, makulit na naman ako eh. Musta na ba dyan?

myepinoy,
hindi pa naman masama loob ko lol!! pero konti na lang :)
uy po kasama ka sa magiging sikat na pinasahan ko nito ha lam mo ba yun?
baka lang hindi e…

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagekingdaddyrich (Who am I?)
2007-09-06 09:05:12

dati rin akong squatter ng IRC at isa rin sa mga may pakana ng ilang channel don.. hanggang sa mauso ang pagboblog at dahil sa naaliw rin ako, hayun nagkwento na rin ako ng kung anu-ano…

teka, pag nagcomment ba rito magiging sikat na rin? ;)

hahahaha! nito ko lang napansin yung huli mong comment samantalang kanina ko pa nabasa
natawa ko dun ha :)
oo naman kapag sikat ang blog na nagcomment ka sikat ka na rin
wahehehehehe! kapalmuks ko talaga uu!!

teka anong mga chan mo dati? kung sa dalnet ka ha :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagecarlotta (Who am I?)
2007-09-06 21:17:37

nakakasawa nga magchat sa irc. :D

ganda ng bagong layout ah! :)

carlotta,
uy!
Irc chatter ka rin dati?

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagerHo (Who am I?)
2007-09-06 23:30:04

kaya naman proud na proud ako sa’yo dahil simple ka…. at di mahirap pakisamahan.
i’m so blessed for knowing you te…

ingatz ka lagi en God bless ha! mwuaaahugggz!

— sa wakas, nakapasok ako ng walang sagabal sa blog mo! hehehe! mabilis na ulit..

rHo,
mabilis?
hehehehe hinipan ko yata e :)
rHo blessed din ako for having you
as my friend :)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageverns (Who am I?)
2007-09-07 00:31:46

napapaindak naman ako sa “beautiful girl” mo mare hehe

nwei ibang-iba ka talaga…walang pakialam sa limelight kasi hinahatak naman ng spotlight hehehe nakkksss! ayos!

verns,
hehehehe bagay sayo yung kanta
lalo na dun sa entry mo tawa ako ng tawa habang nagbabasa :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagekaibigan (Who am I?)
2007-09-07 04:56:53

Alam ko po. Mahirap mag-isip ng sagot lalo na sa akin. ewan ko hirap ako gumawa ng ganito lagi. pero wag ka mag-alala gagawin ko ito. second mo na sa akin to no.

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagesasha (Who am I?)
2007-09-07 14:10:40

Te Nalen!!!

Kumusta na,te? Namamayagpag na ba ang byuti natin dyan sa Canada? :)

Tagal kong di nakadalaw dito ah. Busy sa kabuhayan kasi kaya bihira maka-bloghop hehe

Happy weekend, te! Ingat ka dyan lagi ha and God bless! Mwah!

Rate this:
2.9
 
Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.