Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Please visit this site
    Recent Comments
      Shout Out!
    Sponsors
» 2007 » September

litrato.JPG

Tignan ang mga litrato sa mas malaking size dito

Rate this:
2.5

Viewed 90 times by 38 viewers

Should you be wanting to see this picture in a bigger size, just click this please.

A pond can be an attractive addition to any garden, giving life and motion contrasting against stillness and quiet. It can be very pleasing to the eye, and is also great for helping you unwind after a long, stressful day.

-from the web-

Continue Reading »

Viewed 114 times by 40 viewers

…….natalisod ko sa facebuk ko…….

capture.JPG

Uhmmnnnn!!! (habang hinihimas ang baba - nag-iisip pero mukhang malabo yung naiisip. kaya wag na lang. Hinto na ko mag-isip sabay subo ng Swiss Cake Roll.)

Rate this:
2.5

Viewed 96 times by 37 viewers

Medyo nagulat ako dito. Tama ba nakikita ko? Magcocomment ako sa mga blog sa blogspot pero bakit parang iba yung nakikita kong Blogger display name.

Magmulat, mag-organisa, magpakilos.

Ahh! naalala ko na. Naka log on pala ako sa blog ng isang dating kaskulmeyt/kateatro/komrad. Walang magtatanong kung bakit, hindi ko sasagutin.

Siya ang dating artistic director/chairman ng Dulaang Katig, alternatibong teatrong pangkultura na dati kong kinabibilangan.

Continue Reading »

Viewed 94 times by 38 viewers

This time, she didn’t ask another walk to the park because playing mud and dirt in the unfinished pond was enough.

My weekend snapshot entry for this week. Come and join the fun here.

Rate this:
2.5

Viewed 117 times by 48 viewers

I think Rino loves me. No, I repeat. I think Rino loves to tag me. It’s the second time and I’m pretty sure that I’m gonna wait for more. Well I don’t mind since he loves me. Hehehe again again again, okay as long as he never forgets me.

Sabi ko nga mahal niya ako at mahal ko rin siya. At isa pa may 2nd the motion, Beng of the prominent blog lukaret.com (sino naman kaya hindi magiging sikat kung ganyan ang URL ano lol!) would want to peek at my ever-urbane-desktop too.Hehehe! as if.

I guess Rino was disillusioned, who would imagine that I’m having candies, flowers and sunshine on my favorite top? No lah! Diabetic ako nyahahaha!! And I’m allergenic at this moment so no flowers. Definitely no sunshine since I stay in the basement after work lol!

As those previous bloggers who already did it described this meme as “I am my desktop,” well I think I really am my desktop. Very disorganized. See for yourself:

Continue Reading »

Viewed 135 times by 59 viewers

Naghahabol ako kasi baka tulad kagabi e maputol na naman linya ko (hirap ng nagnanakaw ng linya talaga oo!)

A-beinte na ngayon sa pinas baka pwede pang humabol itong imbitasyon ni Pula:

Dear friends,

Apologies for cross posting! To everyone who’ll be in Manila this coming
Friday — on behalf of the Constantino Foundation, I’d like to invite
all of you to the unveiling of the historic Macario Sakay and Lean
Alejandro
murals this coming September 21. It’s our way of marking the
35th year of the declaration of martial rule and the 8th death
anniversary of Tato Constantino, the Foundation’s first chairperson.
Attached is the invitation and the event’s program.

The murals project was undertaken in collaboration with TutoK, the
reknowned art group led by the distinguished painter Emmanuel Garibay
and formed in response to the killing of activists and journalists, and
the city governments of Makati and San Juan.

The Foundation would like to convey big thanks to Lidy and the Lean L.
Alejandro Foundation. A news story about the event is pasted below,
along with the URL where two studies of the murals can be viewed.

See you in Makati and San Juan this Friday! For further details, just
write me back…

Warm regards.

red

Continue Reading »

Viewed 85 times by 33 viewers

—————-
Now playing: Plain White T’s - Hey There Delilah
via FoxyTunes

I am currently testing ScribeFire - a mozilla add-ons where you can create entries without signing into your admin page. This is quite late to blog but since I am just starting to use Firefox now, I took a chance to download some add-ons that I might probably use online.

Just this short entries and I am so excited to hit Publish to “manilenya“. Yipeee! There it goes!There it goes!

Wait, there is this publishing options that I want to try….

Oh my goodness, this is how you get on waiting for a big file to download……tsk tsk tsk napapraning…

Pass my bedtime again and still online.

Hehehe! continue even the subject is blank daw? lol!

Powered by ScribeFire.

Rate this:
2.5

Viewed 91 times by 39 viewers

 

Continue Reading »

Viewed 121 times by 46 viewers

Sabi sa horoscope na nabasa ko, huwag daw akong maging judgemental ngayong buwan na to.  Tsk tsk tsk nahuli na siya dahil feeling ko naging judgemental ako sa post ko sa baba.  Malay ko naman e kung matino siya tapos e mas matino pa pala kaysa sa akin.

Ganyan ako e.  Sa tuwing may ginawa akong aksyon saka lang ako nakakapag-isip ng mas malalim kung tama ba o mali ang ginawa ko, tapos saka ako magsisisi.  Katulad din sa pag gawa ng mga entry,  pagkatapos kong mahit ang publish, pagkatapos may mga magcomment saka ako nag-iisip na teka, tama ba yung pinost ko?  O tama ba na ipinost ko iyon?

Madalas nagdududa ako sa kakayanan kong pangatawanan ang bawat entry ko, naduduwag ako.  Rerebyuhin ko siya ng rerebyuhin pero ang ending nandoon pa rin yung entry hindi dahil sa “nandiyan na iyan e” kundi dahil sa mga katagang “ahhh! naiintindihan naman nila ako e”. 

Teka, naiintindihan nga ba talaga nila ako?

Rate this:
2.5

Viewed 92 times by 34 viewers

Magtataka ka siguro kung bakit inabot ng halos dalawang oras yung maikling post ko kahapon, samantalang nasabi ko na na in 30 minutes nakakagawa ako ng post kung nandoon ang puso ko.  Ako man nagtaka e.  Nope sa totoo lang wala akong kabalak balak magpost pero nung eto na may nakausap ako sa YM umarangkada mga kamay ko dahil ayaw kong may masayang na sandali sa gitna ng pag-aantay ng reply, paghinga kasabay ng pagrefresh ng twitter at pagkampay ng mga kamay sa saliw ng stickam ko.  Kaya nagdalawang-isip at nakapag-isip na sige na nga magpost na ako.

Bihira ako makipag-usap sa YM, madalas naka-invisible mode lang.  Naghihintay sa pagdating ng dalawang kapatid kung sakali nga na mag-oonline sila.  But this time ako ang unang nakipag-usap dahil ginanahan ako sa nalaman ko na isa sa nag-add sa akin sa YM lately ay isang blurker who created his own mybloglog.  We chat and the rest is history…wala na.  Nyak nyak nyak! wahehehe wala na. Tapos na go sago!

Seriously, hindi ko alam kung paano ako makikilaro sa takbo ng usapan sa taong ito, parang may nahuhuli ako na ewan pero di pa ako sigurado.  Kung ano yung ewan na yun ako na lang nakakaalam.  When I assessed our conversation (sinave ko kaya kwidaw ang makikipag-usap sa kin sa YM lol) mukhang hindi naman ako kayang paandapin ng kausap ko, though may napapansin ako na isa ito sa mga tao sa net na hindi dapat pagkakausapin.  Pasensya na ha impresyon lang pero maari din namang magbago ang impresyon na yun.  Ang problema ngayon baka kung sakaling mabasa ng nakausap ko itong entry na to e magwala siya o depende sa lawak pang-unawa nya.  Ikaw na ang humusga:

Continue Reading »

Viewed 169 times by 48 viewers

It’s passed my curfew.  Sabi ko hanggang alas diyes na lang ako ng gabi sa harap ng pc e, pero heto ako basang basa sa ulan.  Naks Aegis!  Blame it to snitter and ADOBE AIR, kung hindi nyo alam ang dalawang yan hindi ko rin alam that’s why I cannot install Snitter properly.  Nope, Snitter is for twitter para di na ko papasok pa sa websayt.  Medyo naaliw ako magtwit dahil sa mga tsismaks, at bukod sa tsismaks doon ako naapdeyt ng mga away este ng mga bali-balita. Doon ko nga nalaman na guilty si Erap….tsk tsk tsk! pati si Erap pinagtsitsismisan hanu bayan.

So nagset nga ako ng curfew una para mahaba-haba ang pahinga, nakakapagod din naman yung maghapon kang nagvavacuum, naglilinis ng apat na inidoro, apat na kwarto, naglalaba, namamalantsa, nagluluto, umakyat panaog, sumilip-silip sa kompyuter, kumain, umihi.

Pangalawa kapag may curfew ako sa harap ng pc pwede ko ng maharap yung nakapending na libro na binabasa ko.  Hinahabol na ko ng library dahil sa 288 na pahinang yan na halos isang buwan ko ng binabasa di pa rin matapos-tapos.  Pati na rin yung dalawang magazine na binili ko about digital photography.  Opo tama ang nababasa nyo kung may nagbabasa man, digital photography.

Isang oras at sampung minuto na ang lagpas ko sa curfew ko, heto pa rin ako nakikipagniig sa keyboard ko at mukhang ni hindi makakapagbasa kahit man lang isang chapter at ni hindi mabubuklat ang mga magasin.  Isang oras at labing isang minuti na ang lagpas ko sa curfew ko pero heto ako nag-iisip na baka agahan ko ang pag gawa ng new years resolution ko.  On the contrary, hindi naman ako nagseset ng new years resolution kahit kailan.  So I better forget the curfew atsutsutsu.

note: 

In my post here I am not intending to make tsismaks to everybody on twitter……nagpapatawa lang ako at sana naman may tumawa.

Eksaktong isang oras at singkwenta minutos ang lagpas ko sa curfew ko.  Eksakto ring tapos na ang post na ito,

Rate this:
2.5

Viewed 127 times by 42 viewers

Guilty ang lolo ko sa plunder hindi ko man lang napanood, sayang.  Mukhang  madrama pa man din ang tagpo, syempre Joseph Estrada yan e.  Pagkatapos kong panoorin yung Impeachment trial 6 years ago, eto na ang ending ng latest na pelikula nya.  This time hindi na siya gumaganap ng ibang karakter kundi sarili na niya mismo.

He was convicted of life imprisonment pero knowing Erap, kayang kayang lumabas kapag birthday ni ano, kasal ni ano saka kapag may eleksyon at kailangan ng kampanya nya ng pasimple.

Hmmnn guilty si Erap, parang nakikini-kinita ko na yung ngiting hanggang ngala-ngala ni Gloria na hindi mapagkiiiiiitttttt. 

One down.

Oh 2 down dahil nahuli na daw yung isa ko pang lolo sa nederland.

Teka 3 down pala dahil sa patuloy na political killing.

Naks! mukhang naghahari talaga ang reyna ha.  Eh di sa susunod na eleksyon tiyak tatakbo ulit siya.  Baka daigin si Marcos.

Hmmnn, kung nahuli na sa bitag si Jose Velarde, Si Jose Pidal kaya nasaan?  Sorry, hindi pa rin ako naniniwala na bayaw niya si Jose Pidal.

Rate this:
2.5

Viewed 126 times by 42 viewers

Educating Migrants?

Here comes another brouhaha from a sosyal who happened to be a co-writer of Ms. Malou Fernandez in the great, very great Manila Standard. Now I think these people behind this infamous broadsheet are celebrating the mainstream.

Malou Fernandez got her name famous online and in the media as well so why not he, Emil Jurado? As the issue on discriminating OFW, the Domestic helpers and those Overseas Contract workers doing odd jobs is almost fading (getting warmer after the big heat),  here is Mr. Emil Jurado writing nonsense, a subject that most of us already know even without mentioning that there were movie producers who adopted the storyline in their films several times right? Remember Anak, Milan, Dubai and many more? They made big money. Moviegoers liked those films because they see themselves in the stories.

So what is new then? Nothing! What is the purpose? Simple, he just wants another page for himself and I’ll give him what he wants because I’m good.

Continue Reading »

Viewed 399 times by 130 viewers

Noong unang panahon hindi sa blog, chat, computer games, lalaki, babae, starbucks (hindi kape) adik ang mga pinoy kundi sa komiks. Bago pa nauso ang mga paketbuk na pangromansa este romance pocketbooks pala (tama ba yan walang space?) e komiks na muna. Napagod yatang magbasa ng puro teksto mga tao kaya iniwanan ang Liwayway at nagbasa na lang ng komiks.

Madalas pa kapag nagbabasa ng komiks e dalawang tao ang may hawak ng mga pahina. Isa sa kanan, isa sa kaliwa. Tapos palitan ng mga dayalogo.

Minsan naman habang nagbabasa e nakikinig ng mga drama sa radyo katulad ng Gabi ng Lagim. Kapag may tumili sa radyo sabay baba ng komiks sa lap (ano na nga tagalog ng lap?) na animong gulat na gulat. Naks parang pelikulang pinoy ha. Tapos babasa ulit.

Alam na alam ko yan. Dati hindi ako pumupunta sa tindahan na may mga nakasabit na komiks at nagpapa-arkila. Kami pinupuntahan ni aling ano -sumalangit nawa ang kaluluwa nya at sana huwag akong multuhin dahil sa hindi ko matandaan ang pangalan nya- para papiliin kung ano ang gusto naming basahin. Siyempre yung karugtong ng binasa namin kahapon ang aarkilahin namin. Mga apat hanggang lima. Tapos kinabukasan apat hanggang lima ulit.

Sikat na sikat ang komiks noon, ultimo mga notebook ng kinakapatid kong high school noon e parang komiks. Gumagawa sya ng sariling bersyon nya ng Darna at Nimfa. Ako naman kahit tapos ko ng basahin sa komiks, gusto ko pa ring basahin ang bersyon nya.

Ang usong ekspresyon noon: MAY BAGO BA?

Nawala ang komiks, hindi ko alam kung bakit at hindi ako nagtanong kung bakit nga ba. Kaya natuwa ako nung nakita ko to:

Continue Reading »

Viewed 103 times by 40 viewers