At long last! Yahoo! Yuhoo as in bilog na bilog ang bibig ko sa pagbigkas ng uuuuuuu - pero bibig ko lang yun kung baga read my lips ang drama ko - hindi ko mapalakasan dahil kakahiya diba? May kasama pa yang Praise the Lord, Alleluyah! Amen! Sana naman feel na feel nyo ang excitement ko ano?
Baket?
Weeeeeeeeeehhhhhhh!!! May connection ako ulanghiya kinapalan ko fez ko at sinabihan ko amo ko na “Can you please restart your computer/internet connection because there was an internet connection downstairs before the rain pours.”
Yebahhh!!! sabi ng amo ko “I did it already, go and check. You come here again if it’s still not working ok?”
Naks naman! unti-unti nagiging proud na ko sa sarili ko. Pangalawang beses ko ng tinanggal hiya ko sa bos ko, nung una nagpasundo ako from bahay. Wala akong choice dahil mukhang ayaw akong ihatid ng tito ko, masyadong abala sa tong-its. Now ko tuloy naiisip na kailangan ko na talagang mag take ng exam para makapag-aral ng magdrive nang hindi na ko maka-abala pa sa mga tao sa paligid ko. At isa pa para magkaroon na rin naman ako ng buhay hindi yung laging sabit na lang.
Pero sabi nga hinay-hinay lang. Hindi nakukuha sa isang banatan lang yung mga gusto ko. Pero yung kapal ng mukha kailangan pag-igihan ko dahil tama ang payo sa kin ng marami dito -hindi ako mabubuhay kung sobra kong mahiyain.
At bukod sa connection, sa tingin ko nandito na yung antibiotic ng furtive adversary ko ebudae88. Sana nga.

Utang yan. Kapal ko na talaga mwahehehe!
| 2.5 |
Viewed 557 times by 134 viewers

manilenya
Comment by 

