furtive adversary - ewan ko kung ano ibig sabihin nito
Speaking of nocturnal - nakita ko sa komento - dinaluhong na naman yata ako ng hindi pagkatulog kahit na ramdam na ramdam ko na ang antok. Sabi ng tyuhin ko noon madalas ko daw kasing pinapalampas ang antok ko e, subukan ko daw ipikit ang mga mata ko pag inihit ako ng sunod sunod na hikab kung hindi ako makatulog.
Pero noong nabasa ko itong isang ending ng short essay ni Pula:
Loneliness is a furtive adversary. In Hong Kong (o sa kahit saang panig ng mundo yung malayong malayo sa pinas), it has a certain velocity: it loiters around conversations and at night lingers in the space between the blanket and the bed sheet where the woman - the mother, the daughter, the sister - curls up and dreams of home.
                                    (Loretta Brunio: Filipino                       pp.       258-261 The Poverty of Memory: Essays on History and Empire)
At nandoon nga ako sa likod ng comforter patuloy na pumapatak ang mga luha hindi dahil sa naiiyak ako kundi dahil sa patuloy na paghikab. Alam mo yun, yung hikab ng sobrang antok na may kasama ng mga luha. At yung luha ko bigla ng sinamahan ng lungkot.
Ang lungkot pala talaga kasi ng nag-iisa. Lalo na kapag nag-iisa ka dito sa malayo.Â
(Hindi ko na i-eedit, ang talim na ng tingin sa kin ng librarian e.)
| 2.5 |
Viewed 1340 times by 359 viewers

manilenya 
Welkam Bak Sa Akin!!!


ala bang tagalog na lang! hirap mag-ingles!
Mapaglalabanan mo ang homesickness tulad ng mapaglalabanan mo ang mga pagsubok sa buhay. Huwag mo lang paglabanan ang antok mo ha!
dumugo ang ilong ko pagkabasa ko ng FURTIVE ADVERSARY! HAHAHHAAHAHAHA!
Te Melai, napag labanan ko ang homesickness ko sa kakabasa ng mga blog at eventually hindi na nagbalik.
Pero hindi nman tlga maaalis un sa atin lalo na pag malayo sa pamilya diba.
Gawin mo e mag blog ng mag blog ng mag blog para makabili ng laptop.
hmmm furtive adversary? eto ata ay isang klase ng kalaban na kung ikukumpara sa isang sakit ay di tinatablan ng anumang klase ng antibiotic. hehe
blogging ang sagot dyan..hhehehehe.. makakatulog ka rin ng maayos at magiging at ease ka rin…it’s a matter of getting used to.. aja, ate nalen.. kakayanin mo yan kase ur tough woman..
This is the first time I’ve read about looking at loneliness as an adversary..hmm…well, we bloggers know one sure way of beating it, right…blogging therapy…;)
hala,, wala ka bang kasama jan???
mahirap talaga mag-isa… kailangan kasi kahit pano merong tao na anjan parati para sayo.,,
hayy..
ni link kita ha…
salamat!
Alam ko ‘yang nararamdaman mo. Ang sakit diba? Sa sobrang sakit, pisikal mong nararamdaman ang malalim na butas sa loob ng ‘yong bituka. Kaya mo ‘yan Melai. Magdasal ka lang. Diba dati mo pang ninanais makapunta jan? Kaya mo ‘yan.
Kaya mo yan. Kahit timba timba pa ang luha tumulo mula sa mga inaantok mong mga mata, bale wala yan.
Basta lang pang gising sa umaga, maghilamos ka kasi sigurado ako, madami yang nakadikit sa mga mata mo.
O di ba muta lang sya. LOL
ibibili sana kita ng kape asan na ung link? heheh!
Homesick? I hope you feel happier soon!
sana ngayon hindi ka na ganun kalungkot
ako pag nahohomesick raid ko ang kusina at ikain ko na lang.
may tag ako sa iyo
labanan ang homesickness!! pano? hmmmmm..
lab yah ate!!!!! usap na lang tayo ulit nxt tyms.. ^_^
titigan mo rin ng masama ang librarian, hehehe
Remember, dollar versus homesick. Anyway pls. help us to spread our petition, (http://petition.patnubay.com)
Hello Melai
Kaya mo yan..blog ka lang ng blog para di ka masyadong malungkot then get enough enough sleep din okay
Cheers!
makakatulong sa homesickness mo ang paggala pag off ka na sa trabaho. mukhang malayo ka nga sa siyudad pero siguro naman meron jang shopping center.. ganyan din ang ginawa ko nung umalis ako for 6 months, basta pasyal nang pasyal pag off.
kaya mo yan
ate musta ka na? okei ka na ba? mahirap nga ang mag-isa kapag nasa malayo, hope ma-overcome mo ang pagka-homesick. Pray ka, lagi. Ingat.
Ate!!! Kumusta ka na? Miss mo lang kaming lahat dito kaya ka ganyan heheheh… Miss u, te! Basta isipin mo na lang na konting tiis at pasasaan ba makakasama mo na rin family mo, te ng araw-araw
[...] manilenya pwedeng tawaging soap box pero blog pa rin ng isang bobang pinay Skip to content HomeAng Bobang PinayBlagistasNaisaydblog « furtive adversary - ewan ko kung ano ibig sabihin nito [...]