Speaking of nocturnal - nakita ko sa komento - dinaluhong na naman yata ako ng hindi pagkatulog kahit na ramdam na ramdam ko na ang antok. Sabi ng tyuhin ko noon madalas ko daw kasing pinapalampas ang antok ko e, subukan ko daw ipikit ang mga mata ko pag inihit ako ng sunod sunod na hikab kung hindi ako makatulog.
Pero noong nabasa ko itong isang ending ng short essay ni Pula:
Loneliness is a furtive adversary. In Hong Kong (o sa kahit saang panig ng mundo yung malayong malayo sa pinas), it has a certain velocity: it loiters around conversations and at night lingers in the space between the blanket and the bed sheet where the woman - the mother, the daughter, the sister - curls up and dreams of home.
                                    (Loretta Brunio: Filipino                       pp.       258-261 The Poverty of Memory: Essays on History and Empire)
At nandoon nga ako sa likod ng comforter patuloy na pumapatak ang mga luha hindi dahil sa naiiyak ako kundi dahil sa patuloy na paghikab. Alam mo yun, yung hikab ng sobrang antok na may kasama ng mga luha. At yung luha ko bigla ng sinamahan ng lungkot.
Ang lungkot pala talaga kasi ng nag-iisa. Lalo na kapag nag-iisa ka dito sa malayo.Â
(Hindi ko na i-eedit, ang talim na ng tingin sa kin ng librarian e.)
| 2.5 |
Viewed 956 times by 306 viewers

manilenya
Comment by 

