manilenya

Mga karanasan, haka-haka, opinyon at rebuttal ng isang bobang pinay
Subscribe

Day One with Doris

July 25, 2007 By: User Imagemanilenya Category: An Open Letter, blog, pinoy diaspora

Si Doris yung puting nakasama ko ng may isang tingkad na linggo.  Kung naalala mo yung puting gustong umitim na tulad ko? Oo siya nga yun.  Dati siyang boss ng tyahin ko.  Tumawag kay Tyang at nagpapatulong mag-ayos ng mga gamit nya dahil lilipat na nga daw siya ng Toronto.  May trabaho si tyang kaya nung nalaman nyang libre ako e ako na iyong hinila nya para pahirapan kasama ng sangkatutak nya mga gamit nya sa bahay.

No.  Hindi nya ako pinahirapan actually, charing ko lang yun para kunwari drama ang buhay ko.  Dahil bukod sa pagtulong sa kanyang ikahon ang mga gamit nya, itapon ang mga basura, tulungan syang dalhin ang ilang kahon sa storage nya walisan at i-mop ang floor ng iiwanan nyang bahay at punasan ang mga bintana nya ay naging constant companion nya ako sa tuwing bago kami magumpisa ng trabaho at bago nya ako ihatid sa bahay.

“First I want you to do my hair.”

“Ha?”,  medyo nagulat ako sa tinuran nyang iyon nung unang araw na sunduin nya ako.

“You’ll dye my hair, you know how to dye hair?”

“Oh no, you wouldn’t like me to color your hair.”

“Why not?”

“I’m afraid I may ruin your hair.”

“Of course not, you can’t ruin hair and if you do, there’s a lot of hair color and we can do it all over again.  Are you afraid sweetie?  Don’t be”

Kapag ganoon na ang tono ng boses ni Doris medyo napapanatag na ako, malayo sa dating ako na (ehem) takot makipag-usap sa mga hindi marunong magtagalog.

“I don’t do that you know, It’s not my cup of tea.  I only color somebody’s hair like my parents if they asked me to help them color those they couldn’t see.” , epal ko pa para hindi na ko piliting gawin ang gusto nya.

“Exactly, that’s why I want you to do my hair.  I know you can do that.”

Oh my gawd! nagkamali pa yata ako ng sinabi.  Wala akong nagawa kundi kulayan ang buhok nya bago ko simulang linisin ang cupboard nya.  Medyo na excite pa nga yata ako dahil habang kinukusot ng mga kamay ko ang buhok nya e di ko namamalayang nabibigyan ko na siya ng libreng head massage.

Habang nililinis ko ang cupboard nya siya namang show nya.

“Eynalin, Oh my God! I can’t wait for you to see this.  Oh I love it!  This is exactly what I want.  Look what you did!”

Halos mabitawan ko yung hawak kong baso.

“See.  I know you can do my hair.  Much much better than those in hair salon. Oh you’re an angel eyna-lin!”, sabay yakap at beso beso sa akin.

Uhmmnn one down.  Natulungan ako ni Doris na mag-umpisang magtiwala sa kakayahan kong……magkulay ng buhok ng mga puti.  Hindi ko alam kung makakatulong sa pag-usbong ng kahit na anong career na tatahakin ko sa mga susunod na panahon.

Rate this:
2.5

Viewed 1501 times by 300 viewers

RSS feed | Trackback URI

29 Comments »

Comment by no imageLAR (Who am I?)
2007-07-25 06:43:16

Kabayan, sign na iyan na kailangan mong mag-ipon para makapagpatayo ng business… PARLOR! he he he! :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageSchumey (Who am I?)
2007-07-25 07:45:56

Wow, ang anak ko, parlorista na! Dami mo nang natutunan dyan, driving tapos ngayon naman, pag-dye ng buhok. Buti di nagpa-manicure and pedicure ang lola. Ingat anak.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageGypsy (Who am I?)
2007-07-25 13:27:57

O, may bago ka ng career!! ;)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemaster (Who am I?)
2007-07-25 14:02:31

hindi ka na dakilang masahista ngayon! parlorista ka na eyna-lin!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagerHo (Who am I?)
2007-07-25 22:24:20

ayyyy…. eyna-lin!! cuteee!! aba naman at nagkukulay ka na ng buhok ha! galing, see?? napasaya mo ang puti. hehehehe!!

ingatz ka lagi dyan te at God bless po… missshuuu so much na!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagethet (Who am I?)
2007-07-26 05:08:52

hello po… la po ako sa canada..pero mga boss ko nagkalat sa north ontario, bc at chatham… minsan may video conferencing kaya alam kongna-snow jan… dito po me sa ortigas…kaya grave yard shift.. :)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageverns (Who am I?)
2007-07-26 12:18:38

magandang araw Eynalin!!! hehehe

anyway how ha! bagong raket mare..GO GO GO!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageverns (Who am I?)
2007-07-26 12:19:31

“wow” pala ang ibig kong sabihin hehe

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemyepinoy (Who am I?)
2007-07-26 20:19:10

Ha ha ha. Next time gawin mong Jolina ang buhok nya, lagyan mo ng borloloy, highlights at kung ano ano pa. Di ba masaya?

Anong malay mo, makita sya ng ibang kakulay nya at i promote ang ginagawa mo eh di ito na ang sinasabi mong “makakatulong sa pag-usbong ng kahit na anong career na tatahakin ko sa mga susunod na panahon.”

Ano cp number mo para matawagan kita kasi baka maging milyonarya ka ng dahil sa buhok. LOL

Ingat.

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagejlois (Who am I?)
2007-07-27 13:33:48

ayus yan eyna-lin, paghusayan mo sa mga susunod pang araw, para makapagpatayo ka na nga ng sarili mong parlor. lol :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemalaya (Who am I?)
2007-07-27 15:48:26

naku Ate Eynalin ahehehe, may bago na naman tayong business venture niyan, aside sa dyaryo na itatayo natin in the future, mukhang kukumpitensiyahin na rin natin ng F salon. hehehe.
go,go,go Ate Nalen! Ingat lagi, mwah!

Rate this:
2.9
 
2007-07-27 19:33:27

ang aking pagbabalik…mula sa…gosh, basahin mo na lang, mare. Hugs! miss kta!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageJigs (Who am I?)
2007-07-28 00:34:36

Medyo demanding si Doris. Hehe!

With a little more practice and some business partners, you got yourself the makings of a beauty empire! Haha!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageLestat (Who am I?)
2007-07-29 22:07:23

o bago na name mo Melai >> EYNA-LIN ka na now.. :)
kita mo nga namna.. natulungan ka pa ni doris upang madiskubre ang natatago mong kakayanan.. Hindi ako magtataka na one day.. i blog mo ang business mo about hair dressing or parlor..

:) have a nice day..

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemousey (Who am I?)
2007-07-29 22:51:56

uy may new discovery… patayo na ng parlor. heheh

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagezherwin (Who am I?)
2007-07-31 10:49:00

eynalin!

next time try nya kamo ang ibang kulay, pink kaya o blue hehehe. :D

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagerazz (Who am I?)
2007-07-31 11:48:22

hay naku hindi na ako nasanay sa addition mo.. masahista, parlorista… ano kaya ang susunod.. hehehe. maraming raket na yan..ehehehhe

Rate this:
3.0
 
Comment by no imageate sienna (Who am I?)
2007-08-01 04:00:21

kakalurki naman ang iyong friend. feeling nya talaga nagpunta sya ng parlor. ang laki ng natipid nya, alam mo ba. eh nung andyan ako sa calgary at nagpapakulay ako ng buhok nun, aabutin ako ng mga $100 kasama na ang pagupit at tip. hehehe.. sana kahit tip nabigyan ka. :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagetutubi (Who am I?)
2007-08-01 18:10:32

magtayo ng parlor dyan business name: manilenya :)

Rate this:
2.5
 
2007-08-01 21:03:31

haba naman ng kwento.. hehehe
—————————
baka gusto mo bisitahi ang blog ko Paradise Philippines

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageSchumey (Who am I?)
2007-08-02 08:53:50

Hi anak! Musta ka na? Ingat ka lagi.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagetin-tin (Who am I?)
2007-08-02 12:58:20

wow naman! congrats! ayan! pwede mo gawin sideline yan jan. balita ko malaki daw bayad jan sa mga naggugupit and other parlor stuff :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemasaya (Who am I?)
2007-08-02 15:55:27

wow ayos tong blog! hehe na-enjoy ko ang pagbabasa :D yay! magaling ka naman pala mag-color ng hair kahit first time! hehe

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageLeah (Who am I?)
2007-08-03 10:06:09

Ako rin, magpapakulay at pamasahe ey-nalin. kelan mo ko bibisitahin?

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageishii (Who am I?)
2007-08-03 21:22:00

abay pwede ka ng magpatayo ng parlor mo,ne? lol

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageiskoo (Who am I?)
2007-08-05 17:26:45

aba baka magandang business yan, patayo ka kaya ng beauty salon, hehe. malaki na siguro income mo sa adsense mo. napipindot ko kasi eh.

Rate this:
2.9
 
2007-08-05 19:22:44

Gandahhh!~ Dulaaas!~ Para ka na ring nagpasalon. LOLz.

Ako ate, baka maisipan kong magpa-dreadlocks. Magpapatulog ako se’nyo.

Pero ayun, mabuti naman at nalampasan mo ang pakikibaka sa pagkulay ng buhok niya. Rakenrol.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagecheH (Who am I?)
2007-08-07 05:26:57

Hi Melai, musta na? tag kita ha! I hope you can join us:)

Rate this:
3.0
 
2007-08-13 06:00:38

wow… binabati kita para sa bago mong career.. hhehe

Rate this:
2.9
 
Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
  • Welcome

    Welcome

    Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

  • Add me

    Add to Technorati Favorites
  • Please visit this site

    I want to inform all EC droppers that this site will no longer using and accepting Entrecards ads. Please free to visit Journal of a Pinay Expat for your EC drops. Thank You!
    Get a better job today!
  • Nalen Aguilar's Facebook Status Updates

      Nalen is zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!!!!!

      (Updated 16 hours, 0 minutes ago)

  • They talked already

    Comment Count BadgeGet your Badge!
  • Facebook Me

  • Top Commentators

  • Sponsors

    Click here to view entire collection
    Visit AnyCreditAutoLoansNow.com And Get Pre-Approved Tomorrow!
    Booksfree.com
    CashAngelsOnline.com - Online Cash Advance Loans
    Christian Cash Assistance
  • Meta