Si Doris yung puting nakasama ko ng may isang tingkad na linggo. Kung naalala mo yung puting gustong umitim na tulad ko? Oo siya nga yun. Dati siyang boss ng tyahin ko. Tumawag kay Tyang at nagpapatulong mag-ayos ng mga gamit nya dahil lilipat na nga daw siya ng Toronto. May trabaho si tyang kaya nung nalaman nyang libre ako e ako na iyong hinila nya para pahirapan kasama ng sangkatutak nya mga gamit nya sa bahay.
No. Hindi nya ako pinahirapan actually, charing ko lang yun para kunwari drama ang buhay ko. Dahil bukod sa pagtulong sa kanyang ikahon ang mga gamit nya, itapon ang mga basura, tulungan syang dalhin ang ilang kahon sa storage nya walisan at i-mop ang floor ng iiwanan nyang bahay at punasan ang mga bintana nya ay naging constant companion nya ako sa tuwing bago kami magumpisa ng trabaho at bago nya ako ihatid sa bahay.
“First I want you to do my hair.”
“Ha?”, medyo nagulat ako sa tinuran nyang iyon nung unang araw na sunduin nya ako.
“You’ll dye my hair, you know how to dye hair?”
“Oh no, you wouldn’t like me to color your hair.”
“Why not?”
“I’m afraid I may ruin your hair.”
“Of course not, you can’t ruin hair and if you do, there’s a lot of hair color and we can do it all over again. Are you afraid sweetie? Don’t be”
Kapag ganoon na ang tono ng boses ni Doris medyo napapanatag na ako, malayo sa dating ako na (ehem) takot makipag-usap sa mga hindi marunong magtagalog.
“I don’t do that you know, It’s not my cup of tea. I only color somebody’s hair like my parents if they asked me to help them color those they couldn’t see.” , epal ko pa para hindi na ko piliting gawin ang gusto nya.
“Exactly, that’s why I want you to do my hair. I know you can do that.”
Oh my gawd! nagkamali pa yata ako ng sinabi. Wala akong nagawa kundi kulayan ang buhok nya bago ko simulang linisin ang cupboard nya. Medyo na excite pa nga yata ako dahil habang kinukusot ng mga kamay ko ang buhok nya e di ko namamalayang nabibigyan ko na siya ng libreng head massage.
Habang nililinis ko ang cupboard nya siya namang show nya.
“Eynalin, Oh my God! I can’t wait for you to see this. Oh I love it! This is exactly what I want. Look what you did!”
Halos mabitawan ko yung hawak kong baso.
“See. I know you can do my hair. Much much better than those in hair salon. Oh you’re an angel eyna-lin!”, sabay yakap at beso beso sa akin.
Uhmmnn one down. Natulungan ako ni Doris na mag-umpisang magtiwala sa kakayahan kong……magkulay ng buhok ng mga puti. Hindi ko alam kung makakatulong sa pag-usbong ng kahit na anong career na tatahakin ko sa mga susunod na panahon.
| 2.5 |
Viewed 969 times by 248 viewers

manilenya
Comment by