Puputi din naman daw ako sabi ng tyahin ko. Katulad ni tyong na dating negrito pero dahil sa mahigit isang dekadang winter na ang naranasan nya dito e pumusyaw pusyaw na rin ang balat. Malas ko nga lang dahil pagkatapos kong mababad sa gitna ng arawan at sa gitna pa ng dagat eto ako at napasabak sa kainitan ng summer katabi ang mga farm.
Sabi ni tiyong konting tiis dahil maikli lang naman daw ang summer dito. Tatlong buwan na hindi naman palaging maaraw dahil madalas umuulan. Tatlong buwan na mas mahaba ang umaga kaysa gabi. Pero pagkatapos daw ng tatlong buwan na iyon baka naman sa lamig naman ako magreklamo.
Ganun yata talaga, walang kwenta ang buhay kung wala kang pwedeng ireklamo.
Negritang negrita na ako, siguro kulutin na lang ang buhok ko e ganitong ganito na naman ang itsura ko. Tatawa tawa lang yung mag-asawang umampon sa akin. Pero sabi ni Ate Vilma nung minsan huwag daw ako magpaputi dahil itong kulay ko daw na ito ang gustong gusto ng mga puti.Â
Sa isip isip ko So?!@#$@#@ hindi ko kako kailangang gustuhin nila ako..este ang kulay ko pala. Pero one time habang kasama ko nga ang isang may edad na babaing puti e pinuri puri niya ang kulay ko. Sabi niya noon daw kahit ano ginagawa nya magkulay tan lang daw sya. Mantakin mo bang pati Iodine e ginagamit nya sa balat nya noon. Isipin mong kahit na ilang litrong Iodine ang gamitin mo sa balat mo hindi ka magkukulay tan. Magmamarka lang sa balat mo yun ng ilang araw pero babalik ka ulit sa dati mong kulay.
Ang masaklap e kung masunog ang balat mo dahil sa chemical.
Gusto kong ipahabol………. nagustuhan nya rin ang pala ang long black hair ko. Siguro hindi nya nakita ang mga splits end dulot ng init ng araw.
| 2.5 |
Viewed 704 times by 212 viewers









athem short term medical insurance
manilenya







iba iba ang taste ng mga tao sa iba ibang bansa. The phrase “It’s always greener on the other side”, seems true!
Tayong mga Pilipino, gustong pumuti, ang mga Amerikano naman, gusto tanned.
Kaya if you want an American husband, stay tanned! hehe!
Nalink po pala kita. hehe!
Tandaan mo anak, black is beautiful. Negrito man tayo, araw araw naman tayong nag-gogoli. Ingat anak!
“Di ko pala nai-kwento sayo, nadapa ang tatay mong negro. Eto, medyo maga parin kaliwang braso ko. Hehehehe, tumatanda na talaga.
Hahahaha
Si ate oo, tama ang tatay. Makinig sa tatay hehehe… Ei seriously, talagang type nila ang ganyang kulay. Malay mo naman di ba? Baka magkaron na ng kapatid na blue-eyed or green-eyed dyan si Aya hehehe
Happy Friday, te! May award ka pala dun sa site ko hehe
Hi!
sabi nga nla e, morena is beautiful… o dba…
eh ate, kapag naglalakad ka dyan siguro inggit sa iyo ang mga puti. hehehe
hearthrob!!! hehehehe. pero tan nga gusto ng mga puti… kaya wag magpaputi habang nanjan
Totoo yan, yung neighbor naming puti nagpapa tan pa talaga kaso bumabalik din sa dati yung kulay nya.
Abangan ko yung kwento mo naman pagdating ng winter dyan…hehehe.
melai, hai naku pareho tyong ng problema! gusto ko din pumuteh!!! atlst dyan my winter db? e dto sa lungga ko superrrr init!! pno puro disyerto makikita mo, 2 mnths p titiisin ko winter narin, un nga lng wlang snow dto! hehe… nu bng pampa puti seryoso? hehe..ingat lang lagi! thanks sa comment!
hehehehe.. black is beautiful. kase ako ay morena rin in other words maitim.. likas papaya nga at kung anu-anong pampaputi hindi tumalab sa akin,madalas kase ako sa arawan.. pati nga met tathione, sinubukan ko na rin, pero hindi pa rin kase madalas ako sa ilalim ng araw..
Melai, tayong mga Pinoy ang may pinakamagandang kulay sa balat ng lupa. Hindi hilaw at hindi sunog. Tamang-tama lang. Kaya mainggit sila sa ‘yo.
May Schmooze Award ka nga palang pipik-apin sa blog ko. Para sa magaling makichika tulad mo! ;D
Hay naku ate melai.
METATHIONE LANG YAN. Hahahahaha!
pre… wag ka na magpaputi, ok lang naman ang kulay mo ah…
haha! may split ends ka pang pahabol ah. dun ako lalong natawa.
tagal ko nang umaaligid-aligid dito sa blog mo. hanggang ngayon wala pa din ako sa listings ng mga blog prens mo
Kabayan, kamuyamanggi ang kulay mo, hindi itim.
Maraming may gusto nang ganyang kulay at nababagay naman talaga sa atin ang ganyang kulay dahil tama lang ang timpla. Kumbaga sa luto, hindi sunog at hindi hilaw! Di ba mas sikat iyon! 
nakakaaliw ka talaga… wag mong isipin yung kulay! Pilipino ka kahit san ka man magpunta…. Ipagmalaki mo ang lahing kayumanggi….
kung ano nga ang pilit nating magpaputi, yun naman ang pilit nilang papapatan. yung kaibigan ko nga from austria, noong dumating dito para dumalaw wala na silang mag-inang gawon kung hindi magpasunog, sabi ko nga mukha na silang ita. sabi nila pag uwi daw nila sa kanila sa austria, maipagmamalaki daw nila na galing silang magbakasyon, the more na itim ka doon, the more na lilingon daw ang mga tao. oh well, ganun talaga, kanya kanyang hilig.
just dropping by to say hello