…….. bakit naman sa panahon ng tag-init wala akong makitang whitening lotion, soap o kahit anong makakatulong sa pumuti-puti naman ako kahit kaunti. Ang madalas kong makita sa mga groceries at convenient store dito ay puro lotion with sunscreen? Saklap ng buhay. Maglalakad ka sa gitna ng arawan, gustuhin mo mang magpayong hindi mo magawa dahil mahihiya ka. E nung minsang nakasakay ako sa kotse ng isang puti dito, may tinuro sya sa akin na isang lalaki na naglalakad na parang winter ang panahon as in tagong tago ang buong katawan (takot din siyang mabilad sa arawan tulad ko I’m sure) e pinagtawanan sya ng luka-lukang puti…winter daw ba? Sa isip-isip ko (sira! gaga! tonta! istupida! takot lang siguro sya sa araw tulad ko).
In fairness hindi naman ganoon lagi kainit ang araw. Minsan naglalakad ako mataas ang araw pero masarap ang hangin kaya okey lang. Pero minsan din ang lamig lamig naman, sabi nga ng uncle ko noong tinanong ko last October kung anong season dito …parang fool este fall daw.
Ewan ko, mula noong nagdecide ako na o siya sige na nga punta na ako diyan (dito) e palagian ko ng nakakausap ang tito ko sa telepono at nagulat ako ha! iba na siya. Spokening dollar na siya. Yun nga lang madalas din natatawa ako kapag nakaririnig ko siyang mag ingles. Hmmnn tama na…………..baka karmahin pa ako.
Back to the topic. Sa paiba-iba/papalit-palit na klima dito mga ate mga kuya, tyong at tyang eto ako, matindi ang sakit ng ulo at parang nilagnat pa kagabi. Nakakalungkot kasi (well binigyan naman ako ng gamot ng tita ko at pinasok pa ako sa room ng pinsan ko para lang bigyan ng gamot) pero iba pa rin ang feeling kung nandyan ang nanay ko kapag ganyang masama ang pakiramdam ko kahit na hindi naman talaga ako inaasikaso. Naiyak tuloy ako kaninang umaga pag gising ko. Ang lungkot…..masyado……
| 2.5 |
Viewed 343 times by 106 viewers









athem short term medical insurance
manilenya







Ganiyan talaga ang buhay kailangan mag sakripisyo.
kaya mo yan, melai!!!
Hay honga, sabi din nung friend ko mainit ngayon jan sa tate. tapos may sand storm pa sa arizona…
heat wave heat wave… dito din kaya sa pinas sobrang init! kahit na tagulan na…huhu
Eto ang hugs for you, te Nalen!
Emo ka lang kasi may sakit ka. Tawag ka na lang sa bahay para mawala yan hehe… Naku, akala ko pa naman puputi dyan, yun pala iitim pa hehehe… Kunsabagay sabi ni Canadian boy (sya yung nasa post ko, te) medyo mamumutla lang ang kulay pero di naman talagang puputi. Kasi sya moreno pa rin eh. Hehehe… Ipapakita ko sya sayo. Send ko sa email hehehe
Ingat ka dyan, te and get well soon! Mwah!!!
Hingi ka na din ng payo kay Kuya Joe. Pati kay Ate Sienna. Hehe.
hello!! na aliw naman ako sa blog mo, bago lang ako sa blogging eh, sana malink mko.. salamat!!
hwag ka na ma-sad, lahat naman tayo iba’t iba ang pinagdadaanan. sana bukas, masaya ka na! hugs!
ako man din puro tunning lotion nakikita ko dito kahit maghanap ako wala.
nalen… anoba, wag ka nang mag-emote. ganyan lang yan sa una pero kapag sa pangalawa na (mwahahahahaha!!!) este, ibig kong sabihin, sa tagal-tagal, masasanay ka na rin. in fact, you will actually enjoy the feeling of independence. basta be open to every single experience you can and will receive.
nagkasakit din ako nung first week ko nun na umalis ng pinas at nagpunta sa canada. pero it’s just your body getting used to the change in weather. ok lang yan. kaya mo yan, nalen. you can do this…
wag ka na lungkot ate…. nalulungkot din tuloy ako…
mainit nga ngayon dito, pero buti nga po nasa Canada kayo, at least mejo lalamig dyan kapag fall na.. eh gudluck, dito sa kinalalagyan ko, summer all year round!!
masasanay din po ang katawan nyo ate…
inom lang kayo ng gamot sabay tawag kay nanay para di nyo sya masyadong ma-miss… parang kasama nyo na rin sya dyan..
mwah!!! pagaling ka ate….
‘Wag kalimutan ang vitamins, ate. =)
Basta pagaling po ikaw and tekit easy.
Sa karamihan, ganyan ang pakiramdam ng bagong salta. Ganyan din ako noong una - gusto ko ng umuwi! Marahil dadaan ka rin sa manibalang na pakiramdam makalipas ang ilan pang sandaling panahon: gustong umuwi ngunit alinlangan dahil sa walang kabuluhan ang sakripisyo kung umuwi ng walang kahit ano mang tagumpay.
Huwag kang mabahala. Darating ang panahon mo. I-channel mo ang lungkot energy mo sa mga gawain na ikabubuti ng iyong skills. Try to strive for something better. Practice mo ingles mo, your interpersonal skills. Burahin mo yang pinoy nakakahiya bs at habang nakaharap sa salamin, i-practice mo hitsura mong nagsasalita. Ipa charming mo hanggan maging second nature na sa iyo.
Sure fire yan! Malilibang ka pa.
alam mo Melai..sabi nila pag ikaw daw ay naaarawan, tapos nauulanan, ang ending daw eh pagkabuang..eh pano na lang kung nalalamigan ka pa? hehe just messing with you
About naman sa products…malaki talaga ang market ng Sunscreen products sa western countries…sila kasi ang mataas ang risk magkaroon ng skin cancer. Anyway if you want to use whitening products, you still need to use products with sunscreen..both UVA at UVB
Cheers!
Hi anak! Mainit din dito, tapos uulan ng sandali. ‘Wag ka nang malungkot, labs ka namin ng mga utol mo. Ingat ka lagi at ‘wag makalimot tumawag sa taas. Labs yu!
ang mga puti mahilig sa tanning lotion kaya di sikat ang whitening lotion dyan… sobrang puti na kasi nila eh hehehe.
pagaling ka he. kaya mo yan!=)
Naku, ang kulay natin , kinaiingitan ng mga puti kasi gusto naman nila magpa-tan ng kulay. So dont worry, masasanay ka rin. just make sure to put a lot of sunscreen. SPF 50 pa. Hope you are feeling better.
But brown is the new white! And payong is the new fasyon accessory!
Actually I don’t know what I’m talking about. I’m still laughing after having read this. Thank you! Napatawa na naman ako sa isang katotohanan sa buhay ng Pilipino(a).
Cheers!
Pagaling ka Kabayan! Pansamantalang nawala sa iyo ang pag-aaruga at init ng pagmamahal ng isang ina pero nandito pa rin kaming mga kaibigan mo na laging makikinig sa iyo! Get well soon.