Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Please visit this site
    Recent Comments
      Shout Out!
    Sponsors
» 2007 » July

Si Doris yung puting nakasama ko ng may isang tingkad na linggo.  Kung naalala mo yung puting gustong umitim na tulad ko? Oo siya nga yun.  Dati siyang boss ng tyahin ko.  Tumawag kay Tyang at nagpapatulong mag-ayos ng mga gamit nya dahil lilipat na nga daw siya ng Toronto.  May trabaho si tyang kaya nung nalaman nyang libre ako e ako na iyong hinila nya para pahirapan kasama ng sangkatutak nya mga gamit nya sa bahay.

No.  Hindi nya ako pinahirapan actually, charing ko lang yun para kunwari drama ang buhay ko.  Dahil bukod sa pagtulong sa kanyang ikahon ang mga gamit nya, itapon ang mga basura, tulungan syang dalhin ang ilang kahon sa storage nya walisan at i-mop ang floor ng iiwanan nyang bahay at punasan ang mga bintana nya ay naging constant companion nya ako sa tuwing bago kami magumpisa ng trabaho at bago nya ako ihatid sa bahay.

Continue Reading »

Viewed 286 times by 108 viewers

Puputi din naman daw ako sabi ng tyahin ko.  Katulad ni tyong na dating negrito pero dahil sa mahigit isang dekadang winter na ang naranasan nya dito e pumusyaw pusyaw na rin ang balat.  Malas ko nga lang dahil pagkatapos kong mababad sa gitna ng arawan at sa gitna pa ng dagat eto ako at napasabak sa kainitan ng summer katabi ang mga farm.

Sabi ni tiyong konting tiis dahil maikli lang naman daw ang summer dito.  Tatlong buwan na hindi naman palaging maaraw dahil madalas umuulan.  Tatlong buwan na mas mahaba ang umaga kaysa gabi.  Pero pagkatapos daw ng tatlong buwan na iyon baka naman sa lamig naman ako magreklamo.

Continue Reading »

Viewed 317 times by 115 viewers

…….. bakit naman sa panahon ng tag-init wala akong makitang whitening lotion, soap o kahit anong makakatulong sa pumuti-puti naman ako kahit kaunti. Ang madalas kong makita sa mga groceries at convenient store dito ay puro lotion with sunscreen? Saklap ng buhay. Maglalakad ka sa gitna ng arawan, gustuhin mo mang magpayong hindi mo magawa dahil mahihiya ka. E nung minsang nakasakay ako sa kotse ng isang puti dito, may tinuro sya sa akin na isang lalaki na naglalakad na parang winter ang panahon as in tagong tago ang buong katawan (takot din siyang mabilad sa arawan tulad ko I’m sure) e pinagtawanan sya ng luka-lukang puti…winter daw ba? Sa isip-isip ko (sira! gaga! tonta! istupida! takot lang siguro sya sa araw tulad ko).

Continue Reading »

Viewed 133 times by 47 viewers

Busy ang lola nyo sa pagbabasa nito, hindi ko naisip sa buong buhay ko na isang araw kailangan kong mag-aral nito at humawak ng sasakyan.  Pero sabi nga habang nabubuhay kailangan maging open ka sa kahit anong possibilities kaya ang lola nyo, ayan nagrerebyu para sa written exam.  Kapag nakapasa umpisa na ng driving lessons.  Hopefully makapasa dahil mas madali daw makahanap ng trabaho dito ang marunong magdrive.

Rate this:
2.5

Viewed 127 times by 46 viewers