Isang komento sa email ang nabasa ko kanina lang, ni hindi ko matandaan na may ginawa akong maikling ewan ko kung tula na masasabi …. ang gasera.
gasera
Malamlam ang nilalabas na ilaw ng gasera sa lamesa
ang papaliit na apoy nito ay mamatay-sindi
hanggang sa maglaho ang madilaw na ilaw
kadiliman
umiindayog pataas ang manipis na baga
nag-aso pansamantala
hanggang balutin ng kadiliman ang paligid
patay na ang gasera
wala ng ilaw
kadiliman
Matapos akong makipag tsismisan kaunti kay She (sorry wala na akong panahong maglink) heto ako nagmamadali, rumaragasa ang mga daliri para makagpost ng kaunti. Mayroon na lang akong natitirang 20 minutos para magpost. Noon kapag mga ordinaryong panahon sa harap ng pc kaya kong magpost ng entry ng kalahating oras gayung napakahaba ng panahon ko na magblog. Ngayon, mukhang mahihirapan ako.
Isang araw kasama ang isang pinay caregiver at si Mrs. Rice
Kung noon ay sa telebisyon ko lang napapanood ang isang caregiver na nagtatrabaho sa isang bahay, noong sabado nagmistulang imersyon ko ito sa isang pinay caregiver na nagtatrabaho kay Mrs. Rice. Isang 74 anyos na puti at nagsosolo sa bahay. Hindi gaano ang trabaho dahil may tatlong caregiver ang matanda na nagsasalit-salitan. Iba ang tagaapalengke sa tagalinis ng bahay at kasamag matulog sa magdamag. Pero lahat sila ay kailangang ibigay ang pangangailangan ng matanda.
Walang signipikanteng pagkakataon maliban sa nakita ko ng harapan kung saan sa documentary show ko lang napanood ang paglilinis ng inidoro ni Ate Vilma. Hindi ganoon kasignipikante dahil sa pinas lahat naman tayo ay naglilinis ng inidoro, maliban sa hindi sya gumamit ng brush. Walang signipikante. Hindi ko lang alam kung bakit kailangang magtrabaho ng ganoon ni Ate Vilma. Tatlong trabaho gayong nag-iisa lang naman sya sa buhay.
Si Mrs. Rice? masaya naman siya piling ng tatlong caregiver nya. Pero hindi ko alam kung masaya sya ng araw na iyon dahil sa napag-alaman kong nasa tabi-tabi lang ang anak nyang si Spencer Rice pero ni hindi sya pinuntahan para sa sandaling oras ng pagdalaw. Busy daw yata.
| 2.5 |
Viewed 879 times by 196 viewers

manilenya
Comment by