Ayaw kong aksayahin ang halos isang oras kong pag-upo dito sa public library ng Ontario, hindi naman kasi biro yung mahabang nilakad ko kasama ang inang ng tyahin ko. Hindi naman halatang adik diba?
Medyo pasensya na lang sa mga kaibigang blogger, hindi ako makabisita. Siguro sa susunod na pagpunta ko dito dedicate ko sa pagbisita lang sa mga blog nyo.
Okey naman ako, medyo namamangha sa mga nakikita noong una. Sa mga pelikula lang kasi sa hollywood ko nakikita yung ganitong paligid e, lalo na yung mga bahay. Wala pa yata sa kalahati ng basement ng tinitiran ko yung bahay namin sa tundo.
Kailangan mag-aksaya ng tubig para sa lawn sa paligid ng bahay. Kaninang umaga nakalimutan kong malamig ang tubig at syempre yung hamog sa umaga. Sinubukan kong magsayang ng tubig este magdilig…muntik na yatang magyelo ang mga kamay at paa ko.
Kapag ikukuwento ko sa tito ko yun tiyak pagtatawanan ako dahil mag sasummer kaya dito, ibig sabihin medyo mainit na. Humid na nga ang tawag nila e.
Nakakahiya kay Inang. Lumabas na siya ng library, biglang inubo. Iwan ko na kayo.
Naks! bigla akong natutong sumulat gamit ang blog. Ito ang hindi ko kinahiligan noon ang gumawa ng mga snail mail o kahit email man lang. Para kasing wala akong ikukuwento. Buti na lang hindi ko na kailangang gumamit ng mga sobre para magpunta sa Post Office o, mag copy and paste/ multi send sa email. I hate doin that..parang nakakapagod.
Hanggang sa muli.
P.S pala.

Ang kyut nito tikey pramis! Maraming salamat ![]()
| 2.5 |
Viewed 340 times by 82 viewers









itot
manilenya






Your welcome te! muahhhhhhhhhh!
awts! pinagpala pala ako at nabisita mo… nasa ontario ka na pala. gusto ko din pumunta dyan…
ontario sa california? ganda dun, pati yung high school sa euclid avenue parang university ang dating. =)
hello po. . .bumibisita lang. naku nakakagulat naman nasa ibang bansa na naman po pala kayo
musta naman dyan mare! sana okay ka lang dyan
Ang bibo mo talaga. hehe
Wow Nalen! Nanjan ka na pala! Wishing you all the best in your new life!
Muntik na bang magyelo, te? Hehehe… Ingat sa frostbite.
Ingat ka dyan, te! At picture-picture
God bless!
Hi melaiskie!
Uy Ontario ka na pala…saya-saya naman
o sha keep on blogging mah dear!
menalen, ang pictures!!!!!!!!!!!!!
lucky you! i’m so happy for you, ganda. i wish you luck and enjoy your new life there to the fullest.
p.s. parang di ao tatagal dyan sa canada at mukhang sobrang lamig. hehe… pang africa lang talaga ako
Wish you all the best. Ingat sila este ka.
God Bless you.
huh!? ambilis naman…. parang nun last na post ko dito e nasa pinas ka pa…. lol… yngats!
iilang araw ka pa lang dyan e mukhang ang ganda-ganda mo na!!! yiheeee!!
great to hear from you ate! naku ganyan talaga, kahit summer e malamig pa rin. ayaw mo nun? hindi ka na pagpapawisan?! hehehe!
ingatz ka lagi en God bless!
ehehe.. aba alright!! sayang walang masyadong kwento.. pero sa mga susunod na post ni melai siguro napakrami i sha share na naman ang blagista ng bayan..
ingats na lang jan and.. keep us updated sa haybu-haybu..
Hay salamat! Nakabalita din kami sa iyo. I’m glad okay ka lang diyan at namamangha at nag-e-enjoy sa mga nakikita mo. Basta enjoy lang and magiging magaang ang buhay.
Ingat kabayan!
Uyy, nandito kana pala. San ka dito sa Ontario? EB naman tayo kapag di kana busy…
Welcome to Canada!
uuuy mukhang enjoy ka naman. sige, sukat ka ulit ha? medyo hindi na mainit dito, lapit na rainy season
Hi Nalen! Good Luck sa iyo diyan sa Canada. Masasanay ka din diyan.
nasa toronto ka ba?
sa canada ka pala… hehehe. =)
Ang ganda nung pagkakagawa ng image. =3
miss u ate melai.. ^_^
ingatz lagi..
Ikaw na ngayon ang reyna ng Public Library!
Basta ba lagi mo kaming balitaan dito. Ahahay!~
buti naman at okay ka dyan
picture naman dyan hee hee ingatsss po!
uy melai, nasa ibang parte ng mundo ka na pala. kelan din kaya ako mang-ibang bansa?
Ingat dyan! God bless!
manilenya,
maligayang pagdating dito sa norte amerika. ang isang pinsan ko ay librarian diyan sa ontario.
ipaghanda mo ang iyong sarili sa pagdating ng winter sapagkat namang tunay ang lamig ang dulot nito. umaabot sa kaluobluoban ng buto.
dp
melai!
yup..di naman halatang adik! hehe. op kors gagawa pa rin ng paraan para makapag-blog di ba?!
ok naman ang mga public library dito, i used to go sa library near my place also when i was new here.
hope to hear more kwento from u. i wanna hear your views & comments with regards to your new life there. it’s ok to be homesick sometimes, that’s just normal!
all the best to u!
blog adik talaga, ano? salamat sa sakripisyo para kami ay mabalitaan mo lamang.
ingat lagi, Te Nalen. mwah.
Happy Father’s Day! (dyan ba me celebration din?)
awww ang bilis ng panahon at oras. nasa Ontario ka na agad ate melai. last month lang nasa pinas ka pa.
anyway, GUDLUCK po and GOD BLESS sa journey nyo jan ^^
Naku narito ka na pala. Bisita ka sa amin at buong gabi you can use the internet..he!he!
Mainit na nga…very humid. Dilig ka pag medyo hapon na. o very early morning. Sayang nga ang tubig ano?
oks lang di makadalaw basta maka access ng internet solve na yun heheh…
picture naman dyan!