Paramdam lang. Nakakuha ako ng panahon na magpost at magsabing okey ako at gustong bawiin ang mga salitang sentimyento de asukal sa huling bahagi ng post ko. Wala pala akong dahilan para sabihin iyon.
Para sa iba o sa mas nakararami swerte itong nangyari sa akin. Siguro nga. Kaya tanggapin ko ng maluwag. Sabi nga kahit hindi ko plinano na mangibang bayan, anim na buwan ko rin itong hinintay. Natorture ang utak dahil sa mga medicals na pinagdaanan. Natorture ang utak dahil sa kaiisip kung ito ba ang gusto kong gawin o sumasabay lang ako sa agos ng pagkakataon.
Tama na yung ganoong mga pakiramdam. Siguro mas kailangan kong pagtuunan ng pansin kung paano ako mabubuhay dito. Pero mas masarap matulog muna kapag gabi at makahanap ng oras para matulog sa maghapon.
Tutal naman hindi pa nagrereklamo ang mga nagpapakain sa akin.
Salamat sa mga kaibigan na patuloy na bumibisita.
| 2.5 |
Viewed 903 times by 177 viewers

manilenya
Comment by