Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Please visit this site
    Recent Comments
      Shout Out!
    Sponsors
» 2007 » June

Isang komento sa email ang nabasa ko kanina lang, ni hindi ko matandaan na may ginawa akong maikling ewan ko kung tula na masasabi …. ang gasera.

gasera

Malamlam ang nilalabas na ilaw ng gasera sa lamesa

ang papaliit na apoy nito ay mamatay-sindi

hanggang sa maglaho ang madilaw na ilaw

kadiliman

umiindayog pataas ang manipis na baga

nag-aso pansamantala

hanggang balutin ng kadiliman ang paligid

patay na ang gasera

wala ng ilaw

kadiliman

Matapos akong makipag tsismisan kaunti kay She (sorry wala na akong panahong maglink) heto ako nagmamadali, rumaragasa ang mga daliri para makagpost ng kaunti. Mayroon na lang akong natitirang 20 minutos para magpost.  Noon kapag mga ordinaryong panahon sa harap ng pc kaya kong magpost ng entry ng kalahating oras gayung napakahaba ng panahon ko na magblog.  Ngayon, mukhang mahihirapan ako.

Continue Reading »

Viewed 164 times by 49 viewers

Ayaw kong aksayahin ang halos isang oras kong pag-upo dito sa public library ng Ontario, hindi naman kasi biro yung mahabang nilakad ko kasama ang inang ng tyahin ko.  Hindi naman halatang adik diba?

Medyo pasensya na lang sa mga kaibigang blogger, hindi ako makabisita.  Siguro sa susunod na pagpunta ko dito dedicate ko sa pagbisita lang sa mga blog nyo.

Continue Reading »

Viewed 150 times by 45 viewers

Paramdam lang. Nakakuha ako ng panahon na magpost at magsabing okey ako at gustong bawiin ang mga salitang sentimyento de asukal sa huling bahagi ng post ko. Wala pala akong dahilan para sabihin iyon.

Para sa iba o sa mas nakararami swerte itong nangyari sa akin. Siguro nga. Kaya tanggapin ko ng maluwag. Sabi nga kahit hindi ko plinano na mangibang bayan, anim na buwan ko rin itong hinintay. Natorture ang utak dahil sa mga medicals na pinagdaanan. Natorture ang utak dahil sa kaiisip kung ito ba ang gusto kong gawin o sumasabay lang ako sa agos ng pagkakataon.

Tama na yung ganoong mga pakiramdam. Siguro mas kailangan kong pagtuunan ng pansin kung paano ako mabubuhay dito. Pero mas masarap matulog muna kapag gabi at makahanap ng oras para matulog sa maghapon.

Tutal naman hindi pa nagrereklamo ang mga nagpapakain sa akin.

Salamat sa mga kaibigan na patuloy na bumibisita.

Rate this:
2.5

Viewed 186 times by 55 viewers

SAGITTARIUS - The Promiscuous One.Spontaneous. High appeal. Rare to find. Great when found. Loves being in long relationships. So much love to give.Not one to mess with. Very pretty.Very romantic. Nice to everyone They meet. Their Love is one of a kind.Down to earth,fun and sweet. Have own unique appeal. Most caring person you will ever meet! Amazing in the you know where.Not the kind of person you wanna mess with- you might end up crying.

Continue Reading »

Viewed 167 times by 46 viewers