Reminiscin’

May 31st, 2007


Ang korni ng background (tinanggangal ko na huwag ng hanapin pa – lubha kasi akong nakornihan) pero ang picture syempre hindi korni.  Napag-usapan na naming minsan ni younger sis yung itsura ng dati naming lugar.  Kung papipillin daw mas gusto nya yung ambiance noon, yung yari ng mga bahay na miski kahoy, old fashioned at kulang na kulang sa rangya. At higit sa lahat…hindi dikit-dikit.

Kulang na kulang sa rangya pero saganang sagana sa hangin.  Mapuno pa at maraming mga halaman na inaalagaan ang mga residente, marami kasing mga bahay ang nagmamaintain pa ng kahit maliit na bakod.

Nakakamiss lang.  Hindi yung lumang bahay kundi yung masaganang hangin.

Habang ginagawa ko pala ang post na ito, nakakandong sa akin ang anak ng isa sa mga batang nasa litrato sa taas.

Litrato na bigla na lang binato sa akin ni youngest sis noong nahagilap nya sa lumang photo album.  Naaliw siguro.

Viewed 1596 times by 370 viewers

No Responses to “Reminiscin’”

  1. wendy Says:

    “I remember yesterday, the world was still young.” -Bear brand commercial…

    Nice pix ‘Te Melai!

    Ako, nami-miss ko ‘yung rice field sa amin. Doon kami naglalaro noong bata pa ako. Ngayon ‘di na pwedeng maglaro doon kasi ‘di na siya nawawalan ng tubig *sigh*

    Happy Thursday!

  2. wendy Says:

    Wow! Ako ang una.
    Bow!

  3. nalen Says:

    Parang natatandaan ko yung kanta wendy :) di ba retro yung mga pictures? ahhh yung matanda saka apo nya nagsasayaw yun ba yun? yung matandang lalaking may nunal? :)
    at least ikaw may ala-aala ng ricefield ako ilog na marumi lang e :)

  4. ann Says:

    Parang kami rin noon nakakapaglaro ng taguan sa gabi at malawak ang natatakbuhan ngayon ang tataas ng bakod ng mga bahay sa amin na parang ni ayaw ipasilip yung pinto nila.

  5. ann Says:

    Uy! Sabay pa tayong nag post..hehehe.

  6. nalen Says:

    Parang natatandaan ko yung kanta wendy di ba retro yung mga pictures? ahhh yung matanda saka apo nya nagsasayaw yun ba yun? yung matandang lalaking may nunal?

    at least ikaw may ala-aala ng ricefield ako ilog na marumi lang e

    ann, uunga e gulat nga ako parang nung una si wendy lang nakita ko :)

  7. myepinoy Says:

    Sa totoo lang, nakapanghinayang ang nangyari sa ating kapaligiran. Yong lugar noong bata ako na pinaghuhulihan namin tutubi, isda at kung ano ano pa naging SM North Edsa, ngayon meron pang Trinoma. Pati nga malalaking puno ng acacia sa harap ng subdivision namin naging poste ng LRT sa EDSA.

    Kung sabagay, meron namang ipinalit, malamig na hangin sa mga malls. he he.

  8. manilenya Says:

    myepinoy,
    uy! naalala ko tuloy noong bago pa lang yung dagat-dagatan sa Navotas..lam mo bang ang sarap doon noong wala pa yung mga nirelocate from tondo at ibang squatters area?..ang sarap manghuli ng mga palaka sa mga sapa sapa..ganda pang gumising ng sobrang aga kasi ang sarap ng simoy ng hangin sa umaga..tapos ang lawak ng lugar na hindi pa natatayuan ng mga bahay..
    mas masarap tambayan kaysa mall.

    musta na po? :)

  9. master Says:

    Tama na yan inuman na!

  10. mousey Says:

    miss ko din ang bahay ng lola ko sa probinsya na sariwa ang hangin. Na ang bakuran nito ay patuyuan ng mga palay at sa likuran naman nito na mga bukirin.

  11. bantay sa shop Says:

    master,
    tara na tara na..e bakit nandyan ka pa lol!

    mousey,
    parang ang yaman ng lola mo ha ang laki ng lupain may palayan pa :)

  12. Laarni Says:

    Tanim ka ng maraming puno at halaman sa paligid ng bahay nyo ngayon. Tiyak, mahangin na ulit at masagana pa.
    ;)

  13. nalen Says:

    Laarni,

    mahirap magtanim sa pero yung makikitang halaman dyan sa litrato e mga tanim ng tatay ko sa katabing bubungan na nakalagay sa apat na malalaking paso :)
    salamat pala sa pagbisita :)

  14. OFW LIFE Lestat_m Says:

    o ayan..reminiscin na namna ang mga tita..:)
    melai,, asan ka dun??..ikaw ba ung naiyak???…

  15. Jake The Miserable Says:

    Old-school.

    Nami-miss ko rin ‘yung kabataan ko, lalo na’t pinalaki ako sa Magnolia Chocolait na de-bote pa noon.

  16. old skul Says:

    Zaldy,
    lol! wala ako dyan plamis :)
    Jake,
    wow! ilang taon ka na ba Jake?

  17. karmi Says:

    ang kyut ng pic!!! hahaha.. asan ka dyan ate?

  18. Jake The Miserable Says:

    80s child ako, ate. Hehehe. Buti na lang. Mahal na mahal ko rin ang henerasyon ko. ;)

  19. manilenya Says:

    karmi,

    wala nga ako dyan kulet :)
    Jake,
    naks naman!
    e di mabuhay ka pala :)

  20. keysi Says:

    new theme again? LOL. This one’s more effective me thinks~

  21. Jake The Miserable Says:

    Trip na trip ko pa nga ‘yung mga commercials sa TV dati, katulad ng RA Homevision, Bear Brand Sterilized, Kaypee, at kung anu-ano pa. Pati mga palabas sa TV. So much fond memories. Ultimo Hao Flakes, nami-miss ko ngayon ‘yun.

    Nga pala, paki-update ang bago kong web address.

    http://www.jakethemiserable.com

    Thanks thanks!~

  22. keysinunez.com - Best Viewed with Firefox! » Blog Archive » Speed Links #1 Says:

    [...] Ate Melai on the otherhand, started Reminiscin’ about the way their place looked when they were kids. The picture rocks! I wonder if I still have [...]

  23. LAR Says:

    Wow! Buti pa noon, nakakapaghubad kayo, ngayon hindi na! he he he! :)

  24. ladycess Says:

    ay, oo, talaga. sariwang hangin, ok lang kahit walang aircon ang bahay. hindi maingay. hindi mausok.

  25. ey Says:

    uyy reminiscing! kse paalis ka na naman…

    i love old pics, they really bring you down memory lane. atsaka…pwede mo pa ipakita kay aya na ganyan kayo noong araw, nakahubo sa labas ng bahay! hehehe

  26. melai Says:

    keysi
    medyo nasira ko yata kakakalikot :)
    Jake,
    hahahaha! hindi ko yata maalala yung mga karamihang commercials na sinabi mo :) ahh oo naalala ko na kasi wala naman kami palang TV noon lol!

    LAR,
    hahahaha pwede pa naman daw lol!
    me humihirit :)
    cess,
    sinabi mo pa

    ey,
    naku yung mga tao sa litrato sobra tawanan nung nakita yang pic na yan :) pati mga customer dito sa shop :)

  27. zherwin Says:

    pareho tayo, yung bahay namin dati sa quezon, kahoy din sya at puro bintana, napapaligiran ata ng bintana yung bahay namin hehehe. ngayon, medyo nakiayon na sya sa panahon, pinaayos ng erpats ko yung bahay, medyo naging bato, nawala yung mga higanteng bintana. ang kagandahan lang ngayon, mas matibay na at pwedeng humarap sa tatlong bagyong milenyo! :)

  28. yorokobee Says:

    sarap talaga pagsariwa ang hangin.

    nice pic very sepia.

    thanks sa pagbisita sa aking bagong lungga.

  29. Lazarus Says:

    ang cute cute ninyo dyan. nakakaaliw!

    gawa ng kahoy din bahay namin dati. ngayon, kahoy pa rin.

  30. ria Says:

    te melai, bakit sinesor mo? hehehe. naalala ko din dito nung bata kami may mga bunduk-bundukan pa kami. kung madadapa ok lang kasi hindi pa sementado ang lugar, wala pang trak na dumaraan kapag madaling araw… hay…

  31. rHo Says:

    naku, namimiz ko na rin yung kabataan ko!! hehehe!! as if naman ganon na ako katanda db?! basta… masaya yung nuon, lutu-lutuan lang ng mga kung ano-anong damo… masaya na!! hehehe! naalala ko pa yung sa bahay namin nuon e tinitiklop ang mesa pag gabi tapos naglalatag kami ng banig para maging tulugan na!! ang galing… sa umaga sala, sa gabi.. tulugan!! pero kahit ganon, masaya talaga!

  32. miztakumi Says:

    hahaha astig!!

    kantahan kita ate, .. ‘those were the days my friend, they thought they never end, we sing and dance forever in the day…” hahaha d ko na po alam.

    mabuhay ka ate melay ^^

  33. Gypsy Says:

    Ay cute! Naalala ko yong kabataan ko sa Cotabato, palaging nababaha ang bahay namin–siempre inis si mader, kami naman tuwang, tuwa at maglalaro sa chocolate colored water. Hehe. Syanga pala, bakit kayo bold?! Hehe.

  34. master Says:

    Inuman na!

  35. kneeko Says:

    tama si master inuman na… tanghaling tapat hehe

    di pa ako nauwi ng bahay internet dito sa eastwood… mayamaya ako uwi para me magbukas ng gate hayyyyy.. mamaya na…

    ilabas ko rin kaya ang mga pictures na ganyan.. me buhok pa ako noon hehe

  36. jologs queen Says:

    woohoo! ang tagal kong d nakapost dito.

    baket kaya pag bata ang mga picture hubad? ^_^

  37. master Says:

    nalasing ako sa iced tea!

  38. sasha Says:

    Ayos sa pic ah! Parang naalala ko meron din kaming ganyan ng mga kapatid ko! Heheheh

    Happy Monday, te! Ready na ba ha? :)

  39. tin-tin Says:

    nakakamiss din yung buhay nung bata ka.. wala kseng problema. basta miss ko na kbataan ko at mga kababata :)

  40. Jenny-up the hill Says:

    Too funny! I love the censor splash!!

  41. Migs Says:

    Clever work with the censor tag. Hehe. Pero kahit na alam ko na ngayon ang tungkol sa old house niyo, hindi ko alam na ang cute cute pala ninyong magkakapatid! :)
    Sana nagpa-piktyur din ako nang ganyan nung bata pa kami.

  42. aileen Says:

    ang kukyut naman ng models nyo. :P

  43. dodong flores Says:

    Nostalgic photo, huh! :)

  44. cheapest provisional car insurance Says:

    cheapest provisional car insurance…

    configurations:myriad!retreat?brainwash responsively …

Leave a Reply

CommentLuv Enabled

What's this?

You are currently reading Reminiscin’ at Manilenya.

meta