Bumoto ako

blog, manila, politics

Let’s volt in ang drama naming magpipinsan pagkatapos bumoto.  Halos sabay-sabay kaming naghiyawan (sa isip lang) na eto kami - mga botante- ng aming panahon.

Ang tagal ko ring nag-isip kung boboto ba o hindi.  Sa puso at isip ko katulad ng sinabi kanina ni tatay “akala nyo ba kung GO ang uupo e magkakaroon ng pagbabago?”

Sasabihin ko bang “hindi na ko umaasa ng pagbabago”.  Well at least alam ko na kahit kaunti magkakaroon ng pagbabago, pakunswelo de bobo kung baga.

Okey lang yan.  Parang larong patintero.   Kailangan may pumigil  sa kasalukuyang administrasyon sa mga panukalang anti-mamamayan.  Hindi man mabago ang pamumuhay ng mga karaniwang tao at least may mga mananatiling sandigan.  Sana nga.

Excited si nanay at tatay sa eleksyon ngayong araw na ito.  Nagsulat pa sila ng kodigo bago umalis para lang ma disappoint lang pagdating sa presinto dahil sa nabilang sila sa mga deactivated voters.

Sayang ang dalawang boto!  Pero sabi nga ng driver ng nasakyang kong taxi kahapon “matalino na ang mga tao ngayon”, alam na nila kung sino nga ba ang karapat-dapat sa maupo sa posisyon.  Yun nga lang kapag may naupong kakaiba (basahin: natural na trapo at corrupt) ang dugo malamang sa hindi…..NADAYA!

Tunghayan ang journey ng manilenya kanina pagkatapos ng eleksyon.

Rate this:
2.5

Viewed 1479 times by 348 viewers

RSS feed | Trackback URI

51 Comments »

2007-05-14 23:11:12

ay ako din bumoto! tapos bigla akong lumipad papuntang davao. ang ganda di ba? miss ya, mare!!!!

Rate this:
2.5
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-05-15 16:28:25

kaingget naman yan kung saan saan ka napapadpad mare messyahh 2 :)

Rate this:
2.5
 
 
Comment by no imageMK (Who am I?)
2007-05-15 01:09:32

Hi Melai,

Good to know na bumoto ka. Para kang isang patak ng ulan na umiipong ilog. Hehehe, nagpasakalye pa si Kulas. Yung sinabi ng itay mo, para di ka o ang kabataan ma disappoint ang dahilan.

It doesn’t mean na hindi din sila umaasa ng pagbabago sa eleksyon na ito. Siempre lahat ng tao ay umaasa ng mgandang kinabukasan.

Huwag sanang magtagumpay ang mga mandaraya. Mabuhay ka, Melai! Mabuhay ang mga bumuboto! Mabuhay ang pinas!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageMK (Who am I?)
2007-05-15 01:58:57

Hi Melai, good to know na bumoto ka. According to the news maraming animaliang nangyayari sa eleksyon. Hirap ang mga titsers sa pangangalaga ng mga balot boxes. Walang mapagkatiwalaan.

Harinawa magdala ng bagong pag-asa ang elecksyon na ito sa bayan natin.

Rate this:
2.5
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-05-15 16:30:57

MK,
kadarating ko lang po sabi ng tito ko dami na daw balota ang naagaw…iba pa pala yung mga anomalyang nangyari kagabi…hopefully maging okey naman ang resulta…nangunguna ang karamihan sa GO…sana magtuloy-tuloy po

Rate this:
2.5
 
 
Comment by no imageLAR (Who am I?)
2007-05-15 02:04:37

Umaasa? Ewan ko, sa ngayon ang alam ko, lahat sila may kanya-kanyang hidden agenda at personal interests. Hindi nga siguro dapat mawalan ng pag-asa pero hindi ko maiwasang mabawasan ang pag-asang iyon habang umaandar ang mga araw. Sana nga totoong may pag-asa pa dahil sayang ang Pilipino at ang bansang Pilipinas.

Rate this:
2.5
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-05-15 16:33:01

LAR,
pag-asa lang ang meron tayo kapatid …huwag namang pati yan e tanggalin mo :)
uy I had a nicetime last sunday afternoon hanggang gabi ha :)

Rate this:
2.5
Comment by no imageLAR (Who am I?)
2007-05-16 06:16:56

Iyon na nga lang siguro ang pwede nating gawin. :) Mabuti naman at nat-enjoy ka. Sana di ka na-bore sa mga kwento ko. Hi kay Aya! I hope matuloy iyong plano nating photo stint. :) Ingat kabayan at salamat din sa pagpunta mo last Sunday.

Rate this:
2.5
Comment by no imageako (Who am I?)
2007-05-16 16:44:08

LAR,
naku hindi no, ayus ang kwentuhan natin last sunday..no dull moments yun nga lang lagi kami sa rest room ni Aya, naku yung bata lagi akong sinasabihan gusto nya daw makita ang site mo :)..yeah sana nga may time ka para sa photo stint na yan :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageLAR (Who am I?)
2007-05-17 06:18:23

he he he! Okay lang iyon. Second home ko rin ang CR e, lalo na kapag nagkakape at umiinom. :) Sana di siya madismaya sa makikita niya sa site ko. E mas magaling pa yata sa akin ang anak mo e. Kailangan lang ma-enhance ang style at malaman niya ang dapat at di dapat sa pagkuha pero artist ang anak mo. May time naman ako, titiyempo lang sa budget. he he he! :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-05-17 12:18:35

LAR,
naku si Aya may pinakita sa aking drawing ng box na skeleton lang naman, sabi ko sa kanya mahusay syang magdrawing..sa isip ko pwedeng architect..kasi fine line ang drawing nya at talagang all sides meron sya..for a 10 year old kid parang hindi mo well para sa akin hindi mo masasabing maganda ang drawing…kung baga perfect sa tingin ko tapos sabi niya “Ano ba mama mahusay ba ako sa photography o sa drawing?” basta sabi ko may talent nga siya :)

Katuwa lang :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageLAR (Who am I?)
2007-05-18 07:00:32

Dapat i-develop ang ganyang talent. It doesn’t matter kung sa photography siya magaling or sa drawing. As long as gusto niyang gawin, gawin lang niya basta hindi makakasama sa kanya. Mas maganda nga kung pareho. Gastos iyan! he he he! Pero sulit naman, I’m sure! Hi mo ako kay Aya!

Rate this:
2.5
 
 
 
 
Comment by no imageate sienna (Who am I?)
2007-05-15 04:26:02

aasa pa rin ako na may pagbabago. huwan of dis deys, magdidilubyo sa pilipinas at titigbakin ni god lahat ng masasamang pulitiko. pagkatapos ng delubyo, magkakasama pa rin lahat, andyan pa rin ang kapitbahay mo, pero ang pulitikong mandaraya, nawala na silang lahat na parang bula!

kaloka, diba???

Rate this:
2.5
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-05-15 16:34:10

delubyo inay?
hindi ba book of revelation yang sinasabi mo?
katakot namna yan…

Rate this:
2.5
 
 
Comment by no imagecarlotta (Who am I?)
2007-05-15 09:40:52

ako hindi nakaboto kasi wala ako sa pinas sa kasalukuyan. pero sa mga bumotong tulad mo, mabuhay kayo! =)

Rate this:
2.5
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-05-15 17:33:37

ang sarap mo naman …kita ko mga post mo sa multiply e .. ano gawa mo dyan now work o holiday lang?

Rate this:
2.5
 
 
Comment by no imagezherwin (Who am I?)
2007-05-15 10:51:55

yehey! mabuhay ang mga botante!

sad lang ako kasi suntok sa buwan ang chance ni martin bautista, kelangan natin ng mga taong tulad nya, sana ampunin sya ng malaking partido o di kaya maging secretary of good health cia. :)

Rate this:
1.6
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-05-15 16:35:45

zherwin,
wag ka alala..malay mo dumami yung boto nya parang gremlin lol!!..medyo may problema talaga sa kanya kasi nga hindi siya kilala ng maraming botante..pero sana nga makaupo siya sa DOH sa susunod.

Rate this:
2.5
 
 
2007-05-15 11:03:51

agree ako sayo dyan te. Hwag na nating asahan na kung maluklok man ang karamihan ng mga GO candidates may magiging pagbabago agad-agad. Narealize ko din na basta ang importante may manatiling oposisyon sa Kongreso para mayroong patuloy na magbabantay sa mga katiwalian ng Presidente. Kaya ako bumuto rin para sa Go. Nakakadismaya lang yung nangyari kay Alan Peter Cayetano. Mabagal ang pagresolba sa kanyang petisyon ng COMELEC ukol sa nuisance candidate na kanyang kapangalan. Obvious naman na gawa ito ng administrasyon para salangin ang mga boboto para sa kanya. Kung sakali mang matatalo sya dahil sa mga uncounted o stray votes tiyak na ang ngiti ni GMA ay hanggang tenga. Sana nga lang manalo sya para slap on her face and her husband. Lagot sya kung sakali. . .hehe

Rate this:
1.6
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-05-15 16:39:09

tatlumpung libong isda ,

talagang ganun e, hangga’t kayang pakilusin ang mga galamay para hindi makapasok ang ilan sa oposisyon lalo na yung siyang dumidikdik sa kanila e gagawin nila manalo lang sila… pero tignan mo naman lumalaban naman si Cayetano diba :)..ngayon pa lang actually sampal na sa dati nilang sinasabi na 12-0. medyo bumaba na now mga 6 to 8 TU na lang daw … e sumisinghap singhap nga ang apat e diba?

dasal dasal na lang tayo :)

Rate this:
2.5
 
 
2007-05-15 11:08:28

bumoto* hehe

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagemelo villareal (Who am I?)
2007-05-15 12:41:08

nais ko rin sanang bumoto… kaso sa Quezon province pa ako nakarehistro…. pero masaya ako sa outcome ng eleksyon so far… ATIENZA!!!!!!!!!! KULELAT!!!!!!!!!!!

Rate this:
2.9
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-05-15 16:40:24

melo villeareal,
kulelat nga ngayon ewan natin bukas :)

Rate this:
2.5
 
 
Comment by no imagemalaya (Who am I?)
2007-05-15 13:33:05

Ate naipit din pala daliri ninyo sa pinto! Hehehe, ako din.
Sana mabilang ang ating mga boto.

Rate this:
2.9
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-05-15 16:41:13

Karen,
sana nga :)

Rate this:
2.5
 
 
Comment by no imagepaolomendoza (Who am I?)
2007-05-15 16:08:15

ayus. sana gumanda ang takbo ng pinas

Rate this:
2.5
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-05-15 16:42:24

Paolo Mendoza, sana nga po :)

Rate this:
2.5
 
 
Comment by no imagetin-tin (Who am I?)
2007-05-15 16:53:00

kamusta ba pandadaya sa inyo? kse diba mostly ang sabi nga pandadaya ang pagkakapanalo ng kandidato

Rate this:
2.5
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-05-15 16:54:45

tin-tin,
marami akong natanggap na balita at mga vote buying na nakita mismo ng mga mata ko bago mageleksyon at nung eleksyon mismo… hindi ko lang alam ngayong bilangan na.

Rate this:
2.5
 
 
2007-05-15 17:37:14

seems like all is becoming politically-inclined. . .hehe magandang pangitain

Rate this:
1.6
Comment by no imageSawa na sa pulitika (Who am I?)
2007-05-15 21:18:46

tatlumpung libong isda,

Sabi nga ang mga pinoy kahit na sabihin pa nilang “ayaw ko ng pulitika” e mahilig pa rin sa pulitika :)

Rate this:
2.5
 
 
Comment by no imagejPlamano (Who am I?)
2007-05-15 18:26:38

huhuhu… lalo tuloy akong nalungkot kasi hindi ako nakaboto… :(

Rate this:
1.6
Comment by no imageButi ako nakaboto (Who am I?)
2007-05-15 21:19:55

jPlamano,

huhuhu
e bakit naman kasi hindi ka nakaboto?

Rate this:
2.5
 
 
Comment by no imageairwind (Who am I?)
2007-05-15 18:57:20

ako di ako nakaboto kasi hindi ako nakapgrehistro, di ko kasi alam e. gusto ko pa naman bumoto. next time di ko na yan palalagpasin :)

Rate this:
2.5
Comment by no imageButi ako nakaboto (Who am I?)
2007-05-15 21:22:13

airwind,
next time ha?
sige inonote ko yan
lol!!