Overreacting o overacting. Pwedeng ibato ito sa akin ng mga kapitbahay ko ng humarap ako sa kanila na mangiyak-ngiyak at nagsasabing please lang huwag iboto ang mga taong bumibili ng boto.

baboy galing sa isang van na nagsasabing “courtesy daw ni mayor”

Ang van na naglalaman ng mga plastic plastic na baboy na pinagkakaguluhan ng mga taga tundo

isa sa mga nabigyan ng libreng baboy
Humahangos na dumating ang isang kapitbahay na may bitbit bitbit na isang plastic ng baboy “courtesy daw ni mayor”. Sino pa ba ang mayor ng MayniLA kundi ang tatay ni Ali Atienza na nito ko lang narinig ang pangalan dahil nga tatakbong mayor. Kung kilala siya ng ibang tao na hindi nakatira sa Lungsod ng Maynila, gusto kong sabihin na talagang hindi siya kilala ng mga simpleng mamamayan ng Maynila. Buti na lang tumakbo siya dahil kung hindi….HINDI TALAGA SIYA KILALA.
Hindi ganito kaeksaherado ang emosyon ko nung madaanan ko sa bandang Sta. Cruz ang isang opisina na may karatulang FREE COMPUTER COURSE. At ng makita ko ang kabuuan ng labas ng opisina pagkalagpas ng sinasakyan kong jeep ang isang napakalaking mural ng muka ni MILES ROCES.
Lantaran ang pamimili ng boto ng pamilyang ito. Papayag ba tayo?
Noong marinig ni nanay ang mga salita ko ang sabi niya “Maniniwala ba sa iyo ang mga tao sa labas”.  Ganun nga siguro ang kalakaran katulad ng sinabi ng kapitbahay namin, pero alam ko na alam nila na malinaw na “vote buying ito”.
Iyan ang trabaho ng mga nagtuturo kay Manny Paqciao kung paano sirain si Darlene Antonio na kalaban niya sa kongreso ng General Santos City.
Sa mga manilenyo at manilenya, ngayon lang po ako magsasalita ng tahasan para sa mga lokal na kandidato ng maynila. Please lang po huwag nyo silang iboto.

Viewed 1500 times by 365 viewers
May 11th, 2007 at 11:56 am
Pers ako. Yoko rin sa kanya.
May 11th, 2007 at 12:00 pm
Pero hindi ako botante sa Maynila, eh.
Tsaka mahirap din ang tumanggap ng bigay tulad ng baboy na yan etc., dahil may insidente na akong nabasa na nalason sa ibinigay na Maling ng isang kandidato sa probinsiya. Expired pala ang de-lata, namputsa pinasakam pa ang mga taong binigyan nila at buhay pa ang magiging kapalit kung nagkataong nasawi ang biktima.
Kaya nga dapat piliin ang dapat iboto dahil buhay at kabuhayan ng bawat Pilipino ang nakataya sa Mayo 14.
May 11th, 2007 at 12:04 pm
Sa isang banda, puwede ring taktika ng kalaban ang pamimigay ng pera o anuman, upang siraan ang katunggali sa puwesto.
Pambalanse lang ito kasi puwedeng itanggi ng kampo ni mayor ang ganyang sitwasyon.
Isa pa, sa rami na ng nagbibigay ng ganyan, tinatawanan lang ng mga kandidato ang mga ikinakasang disqualification cases sa kanila ng Comelec, ibig sabihin, sisiw lang sa kanila ang kaso at hindi sila naniniwala sa integridad ng Comelec na maipatupad ang nilalaman ng Omnibus Election Code. tsk…tsk…tsk, mga kandidato na natin yan ha.
Onli in da Pilipins talaga.
May 11th, 2007 at 1:30 pm
ang tanong: sino ang iboboto?
kahapon sa news me counterpart ang baboy episode ng tondo sa marikina (marikina nga ba? basta!), yung namimigay naman ng isda, ang sabi bahagi daw ito ng programa ng tumatakbong konsehal, anak ng isda! naaamoy namin ang lansa ng programa mo konsehal!
May 11th, 2007 at 1:52 pm
Hindi naman siguro iboboto ng mga taga-maynila yang mga kandidatong yan, dahil lang sa nabiyayaan sila ng panandaliang pantawid gutom. Well, sana nga?
May 11th, 2007 at 1:53 pm
Sana trabaho ang ipamigay nila at hindi pagkain na ubos sa isang kainan lang.
May 11th, 2007 at 1:58 pm
Off topic, Napansin ko nga pala pambansang blagista ka na pala?
May 11th, 2007 at 2:01 pm
hey melai!
isumbong mo sa abs-cbn! hehe. kanina lang napanood ko sa news..nahuli yung tumatakbong mayor sa cavite di ba..namimigay kse ng bigas! isang malinaw na vote buying nga yan. kanya-kanyang pakulo!
May 11th, 2007 at 4:43 pm
Unahin ang mathematical question…
Buti na lang at taga Quezon City ako (pero sa Maynila natatrabaho)….
Sayang yung plastic na baboy… Sarap ulamin
May 11th, 2007 at 6:14 pm
Anak,
Sa Makati, ang pinamimigay ay inihaw na isda, lechon baboy, lechon baka at mansanas. Courtesy yan ng mga Genuino, anak ng chairman ng PAGCOR. Ang sarap ano? Si De Venecia ay absuwelto sa vote-buying, hindi daw bawal yung insurance card. Ah, kaya pala ok yung Philhealth Cards ni GMA, kahit na ito ay galing sa kaban ng bayan.
Kung di kaya ng COMELEC linisin ang eleksyon, tayo na ang gumawa. Bantayang mabuti ang inyong mga boto.
May 11th, 2007 at 6:31 pm
Rakenrol! ‘Yan pa lang ‘yan, ah? Eh pa’no pa kaya kung boksingero ang tatakbo? O kaya artistang nakasakay sa kabayo?
May 11th, 2007 at 8:28 pm
karen, actually biglang bawi yata kasi hindi daw galing kay Mayor yung mga baboy kundi daw sa isang katicket na tumatakbo namang konsehal pero syempre daw may basbas daw ni mayor yun, may mga pulis pa nga at sasakyan na pag-aari ng city hall,
Zherwin, makati daw sabi ni tatay Schumey e..yun nga ang tanong SINO NGA BA ANG DAPAT IBOTO? medyo mahirap na tanong sa ganitong klaseng sistema
jlois, pre sana nga no. sabi nga nila ganyan lang yan pero hindi ibig sabihin iboboto namin sila. hehehehe bagay ba sa kin yung title ko? lol!
ann, at sana mamigay ng pagkain at trabaho hindi sa panahon ng eleksyon.
ey, wala namang nagagawa ang sumbong sa mga istasyon ng tv at radyo…mas may nagagawa pa ang blog dahil mas marami yatang naaabot ang blog ngayon kaysa mga programa sa tv at radyo
pare-pareho lang yata kulay ng mga pulitiko e.
jhoanne, naku kahit sa QC ingat
tatay, gusto ko nga sanang mag volunteer sa Vforce nung nakita ko sa dyaryo kanina kaya lang e late na yata.
Jake, speaking of kabayo naku may konsehal na nangampanya dito as in nakasakay siya sa malaking kabayo na mukhang mamahalin tapos naka cowboy costume siya pero, walang interaction between him at sa mga tao..so paano kaya yun? para lang kaming nanood ng parada as in.
May 11th, 2007 at 10:13 pm
Leche yang Ali na yan. At ang mga Atienza. Pesteng *****. Spammer yan. Gaya-gaya pa ng outfit ng kanyang ama, as if he really liked it. SOOOO GAY!
Namamacquiao rin yan gaya ng kanyang ama. Brrr. Naiinis ako sa kanilang mag-ama. Maganda na ang Manila. Maganda na ang track record–kuno. Arrrgh.
—
Taga-Dasma, Cavite ako. Ang vote buying dito, ay naku. Di hamak na mas mura.
May 11th, 2007 at 10:14 pm
And oh, please update your links. I’m es2pido.uni.cc already.
And soon…. bwahahaha. .com na yan.
May 12th, 2007 at 5:16 am
Hindi ako botante ng Maynila at hindi ko rin alam kung sinu-sino ang mga kakandidato for mayor diyan pero isa lang ang alam ko para sabihin kong hindi nga siya dapat iboto. Kung sino man ang nakapanood ng interview niya kung bakit siya kasama sa bloat, eheste float pala ni Pacman nong nanalo siya, matatawa at pagtatawanan lang siya. Kawawang mga tao kung madadala sila sa kapirasong laman ng baboy. Pero iyong iba kasi, tanggap lang ng tanggap pero iyon pa ring gusto nila ang iboboto.
May 12th, 2007 at 8:14 am
Huwag ka mag-alala, di ko talaga iboboto yan. Lim pa rin ako he he.
Yun eh kung makakaboto ako…..
May 12th, 2007 at 10:52 am
Hinde man bago iyang bilihan ng boto, sa pagtangap niyan, palalim ng palalim ang lubog natin sa putik.
Sa totoo lang pag tinangap ang suhol, talo na kaagad. Actually, walang panalo, botante o kandidato. Parang mahirap makita ang mali, hinde ba? E libre ng bigay, saan ka pa? Ano mali diyan, di ko naman siya iboboto!
Makitid na pananaw ang tawag diyan. Pero, mahirap mag judge kahit na parang malinaw ang kaso. Yung “parang” ang nakakabiso, hinde ba?
May 12th, 2007 at 11:46 am
Neil, hindi naman halata na asar na asar ka sa mag amang Atienza ha
LAR, isang isyu nga yang bloat este float ni pakyaw na yan e, nakatuon ang isip ko doon sa isang baguhang boksingero na kasama ni pakyaw na dapat sana e katabi niya sa harapan ang nangyari e naetsapwera
Arbet,
bakit naman hindi ka makakaboto?
uy salamat sa pagbisita
MK, base sa nakita ko kahapon at nakita ko noong noon pa tila nga talagang nalulubog tayo sa putikan na dala ng maduming pulitika.
May 12th, 2007 at 12:03 pm
hindi ko sya kilala, pero grabe naman yan… halatang-halata ang mga taktika! haaay naku!!
May 12th, 2007 at 12:44 pm
wow totoo pala itong kakupalan ni atienza………..
May 12th, 2007 at 12:55 pm
[...] Manilenya.com reported on her blog that a bag of Pork was distributed in Tondo, distributors said “Galing po [...]
May 13th, 2007 at 9:55 am
wow… Daring… Keep it up Pambansang blagista!
May 14th, 2007 at 2:35 am
hay naku, nalen. may sinabi dati tungkol kay Miles Roces. so young…so corrupt.
May 14th, 2007 at 3:46 pm
Paeng,
ano naman yun hindi ko yata nabalitaan?
May 14th, 2007 at 4:00 pm
Kung taga Manila lang sana ako, sa eleksyon hindi ko talaga iboboto tong taong to.
May 14th, 2007 at 5:50 pm
Rino,
pero sana hindi katulad ng mga taong nabanggit ko ang mga binoto mo diyan sa marikina
November 18th, 2007 at 3:08 pm
Alam nyo nung una ayaw ko rin kay Ali. Pero ngayon… wala na ang baywalk, wala na ang avenida… Nakakalungkot! Sayang lahat ng nagawa na sa Maynila.
Sana matuto na tayo sa mga kabalbalan natin. At lalo na.. nagmamarunong nang wala naman pala tayong mga alam.
Sige boto nyo pa yung matanda… Kung gusto nyo sa susunod… Yung bakla naman…
Para sa ganon… tuloy tuloy na maghirap ang Maynila.
January 25th, 2008 at 7:09 am
Dude, di bale nang matanda, basta lilinisin yung maynila. Masaya na ko kay Mayor Lim. nakakalungkot nga sa baywalk, pero pare, isipin mo naman, ang baduy ng design nun noon, maganda lang pag gabi, kase walang nakikita kundi ilaw. Ah, tsaka nga pala, kung may baywalk parin hanggang ngayon, dude, alam mo ba na di kumikita ang maynila dyan, Lahat napupunta sa bulsa. O baka di mo alam kase di ka nagbabasa?
ignorance is bliss pare, pero sana wag hanggang sa next na iboboto mo. Walang kinalaman kung bakla o matanda o kung ano man yan, ang mahalaga may capability para AYUSIN at hindi basta-basta “pagandahin” yung Maynila (Di naman maganda).
Mahal mo ba talaga bansa mo o wala ka lang pakialam?
No hard feelings pare, comment lang.
January 26th, 2008 at 12:46 am
nagulat ako :)..akala ko ako ang kinakausap mo dito si john john pala
e baka maka atienza yan kaya ganyan ang sinabi :)..maraming salamat pala sa pagbisita at pagkomento