
Astigin! sino ang magsasabing hindi naming kayang lusubin ang Baywalk sa gitna ng gabi habang nagkakalat ng lagim ang mga buhay na banda? Pangalawang beses na namin ginawa ito, noong una dumating ang pamilya ni younger sis mula sa Singapore kasama ng mga kamag-anak ni bayaw from Pangasinan ay nilusob na rin namin ang kalaliman ng inuman, kantahan at kainan sa Baywalk.
Kagabi, sampung taon na si Aya. Bitbit bitbit ang nilutong ginatang halo-halo, spaghetti, kalderetang baka at paksiw na tilapya apat na sasakyan kaming humilera sa tapat ng nahuling pating.
Hindi alintana ang pagkakagastusan kasi nga…may dala kaming baon at kami lang ang pwedeng gumawa noon. Kami lang kasi yata ang mayroong makapal na mga mukha e :).

Sa loob ng sampung taon ni Aya naalala ko na ito pala ang unang beses na binilan ko siya ng cake. Iba pala ang pakiramdam kapag nakita mo sa cake iyong mga salitang “From Mama”. Madalas kasi si nanay ang gumagastos para sa kanya.
Syempre pag birthday at may kaunting kainan may mga masasayang litrato.
***Gusto ko sanang pasalamatang ang dalawang mahuhusay na blagista na nakaalala sa birthday ni Aya. Si Senyor Enrique at si Tita Rhoda. Nagulat ako sa mga bati nila para kay Aya sa email at syempre natouched. Maraming maraming salamat po sa inyong dalawa. Mabuhay kayo!
| 2.5 |
Viewed 851 times by 199 viewers









itot
manilenya







wow, happy birthday kay aya ate..
astigin nga, sa baywalk talaga..
hinahanap kita sa picture, kala ko wala ka.. hehehe, pero nakita rin kita!
advance happy mother’s day sau ate melai..
pati na rin kay nanay…
mwah!!
Wow naman! Masaya at memorable ang mga ganyang birthdays… iyong simple pero magara! Simple dahil hindi mo kailangang pumunta sa mga first class na lugar pero magara dahil kumpleto at kuntodo baon pang pagkadami-dami. Alam kong napakaimportante sa iyo ng araw na ito kaya nakikihati ako sa iyong kasayahan at bumabati sa mahal na si Aya ng Happy Birthday!
Wow masaya nman sa bay walk lagi kong nakikita sa tv ehehe.. hapi bertdey ke Aya! at happy mothers day sayu! muahhhhhh
di yata ako nakatanggap ng invitation?
lol! sana nakita ko na rin si Aya…?
Happy 10th Birthday Aya. Halos teeny bopper na. Hala ka diyan Melai.
Uy batet ka emo at gigil? heheh nakichismis ang lola mo! hehe!
heto na naman ang iyong mathematical question na lagi ko na lang nakakalimutan sagutin…
Belated Happy Birthday sa iyong Aya!!!!!!
Belated Happy Birthday sa iyong dalaginding na si Aya at Happy Mother’s day sa iyo, Ate Melai.
Sarap talagang makasama ang pamilya sa mahahalagang okasyon.
happy birthday to aya!
kahit saan pa ang selebrasyon, masaya yan basta may kapamilya…o sige na nga pati kapuso!
hey hey hey!
Happy Birthday Aya!!!!
Ang saya saya naman ng iyong bday celebration!!!!
Karmi,
salamat sa bati
actually ayaw ko magpakita pero nakalimutan ko lagyan ng ibang mukha yung mukha ko e
LAR, marami pong salamat sa bati
..ganyan naman kami e hindi namin kayang magpabonggang party kaya tama na sa amin yang ganyan
Bro. VInce, di bale may date na tayo diba? pagdating mo magkikita rin kayo ni Ayaboom
jho, salamat po sa bati
karen, sinabi mo pa masaya talaga
smarie and ey, salamat po sa bati
happy birthday kay aya!!
astigin nga talaga at sa baywalk pa ang celebration! ang saya naman…
happy mothers day sayo! mwuaahuggz!
isang buong kampong ang dinala mo sa baywalk ah?
kumusta na ang pambansang blagista?
rho,
uy salamat sa bati
jlois,
mabuti naman ang pambansang blagista syempre :)..hehehehe katuwa nga e saka pinagtitinginan kami kasi naman isang buong iskinita ang mga kasama ko
Huli man daw at magaling, huli pa rin! Belated happy birthday kay Aya!
Ang saya-saya naman! Sana pala dumaan ako dito noong gabi na ‘yon!
Happy Mother’s Day, Nalen!
congrats sa pagbili ng birthday cake. so empowering! hehe
happy mother’s day kabaro, at ka-singleNanayness…
gingmaganda,


salamat sa bati..belated happy mother’s day din sayo
mabuhay tayong mga single nanay
kapareho mo pala ng name yung younger sis ko
Ging at ako daw ang nagpangalan sa kanya nun nung maliliit kami.
ahehehe. parang madaming pareho sa atin?
happy birthday kay aya heehee