Pinipilit ko pa ring maglagay ng plugin para sa mga embeded videos na gusto kong ipost katulad nito pero hindi ako makatyempo.
Two parts ng Isang Tanong ang napanood ko, unfortunately hindi ko na natapos yung last part nito kagabi. Sa dalawang beses ko sa harap ng TV (ibig sabihin maaga akong humihiwalay sa pc na gamit ko) ay kasama ko ang almost 10 year old daughter ko. Bonding naming dalawa sa matigas na sahig na higaan habang nakatutok ang mga mata sa telebisyon.
Hindi ko alam kung nag-eenjoy siya sa pinapanood namin pero ang alam ko parang may namumuong “confusion” sa isip niya lalo pa noong may nakita siyang mama na nagsuklay-suklay pa ng buhok gamit ang kamay na sumagot na dapat ng kalimutan ang Hello Garci isyu ni Gloria. Ang nakaraan ay nakaraan at dapat daw kalimutan na ang nakaraan na para niya na ring sinabi na kalimutan na ang kasaysayan.
Sa kabuuan ng unang linggo ng palabas, sa totoo lang tatlo lang sa sentarial candidates ang nakapag-iwan ng malinaw na sagot kung may karapatan nga ba silang iboto sa susunod na halalan. Kasama dito sina Dr. Martin D. Bautista na madiin na nagsalita tungkol sa paggawa mismo ng gamot na mas mura pa kaysa sa pag-aangkat daw ng murang gamot galing sa India.
Si Chiz na hindi maitatangging mahusay magsalita. Sana nga lang ay maging totoo siya sa sinabi nyang hindi siya paggagamit sa kahit na kaninong pulitiko at ang lahat niyang gagawin ay para lang sa ikalulugod ng sambayanang naghihirap.
Si Cayetano ay matatag pa rin sa posisyon nyang bawiin ang kapangyarihan laban sa mga mandaraya pero hindi ko pa rin alam kung para kanino nga ba talaga siya. Sapat na nga ba na nasa oposisyon siya?
The rest? Ewan ko..pag-iisipan ko pa.
Bago matulog si Aya habang nanonood kay Nikki Coseteng, isa lang ang nasabi niya. Hindi “goodnight mama!” kundi “ano ba yan? hindi naman nasagot ang tanong.”
| 2.5 |
Viewed 1091 times by 292 viewers

manilenya
Comment by