manilenya

Mga karanasan, haka-haka, opinyon at rebuttal ng isang bobang pinay
Subscribe

future diyaristas

May 01, 2007 By: User Imagemanilenya Category: blog, pasakalye

At long last nga daw natuloy din ang EB ko kasama sina karen, she at wendy kagabi.  Nagkamali pa ako noong tinuro ko si wendy at sinabing “Karen!?!!”  akala ko kasi mas malaki sa akin si malaya.    Masaya, nakaka-aliw at may nabanas sa pagkikita namin.  Masaya at aliw na aliw kami sa simpleng kwentuhan ng kung ano- ano lang tungkol sa blogging at nabanas yata iyong service crew ng Shakeys Banawe at hindi na kami nilapitan ulit.  Paano napansin na baka mapikot siya ng di oras ng isa sa amin sa darating na 2008 lol!

Mahigit na tatlong oras yata iyon ng kwentuhan at tsismisan ng kung anu-ano syempre may mga kategorya ng blog, pulitika, trabaho at kinahihiligan.  Mga blogger talaga.

Ilan sa mga naging usapan:

  • kailangan by 2008 ikakasal si wendy.
  • tatapusin na ni she ang nobela nyang hindi matapos-tapos.  Ang plano kailangan nya munang bawas-bawasan ang pagbablog hopping.
  • tutulungan siya ng dalawang diyarista sa pagtatayp at libre na rin ang editing.
  • lumalaki na daw ang nguso ni Mike Defensor sa kasasalita ng walang kwenta.
  • Si Mike Defensor daw umamin na kaya mahina sa rating dahil sa na iidentify sya kay GMA kasi daw galit ang taongbayan kay Gloria.
  • Si Mike Defensor daw noong una e gusto ng bumaligtad, diba nga diba nga gusto nya ng palayain si Erap?
  • pag nagkataon may sisibol na bagong dyaryo.
  • pag nagsimula na sa work si she talagang gagawa na kami ng dyaryo pero kailangan manlibre muna siya bago kami gumawa ng dyaryo lol!

Marami pang napag-usapan katulad ng palabas na Isang Tanong ng Channel 7 noong isang gabi na nakatulong sa aking ng konti sa desisyon ko kung boboto ba o hindi pero siguro sa ibang post na iyon.

Ang mga napansin ko sa tatlong kyutness na nakasama ko:

  • malayo sa mga seryosong pinopost ni karen, baby na baby siya sa paningin ko.
  • si she habang tinititigan gumaganda sa paningin ko. ang kyut na pramis.
  • kikay si wendy pero sweet ang dating nya sa akin noong naghiwalay kami sa may Espana.
  • silang tatlo…..mga simpleng babae pero smart mga kausap, kahit na puro biro alam mong may sense ang mga sinasabi.

Mga diyaristas ng susunod na panahon, biruan lang pero pwedeng totohanin.  Kahit fly by night pwede na rin..malay mo, malay natin.

Yung slide shows ng mga pic makikita dito, hindi ko maipost dahil wala akong plugin para sa slides

*****

Kung naalala nyo pala mayroon akong Unphotographable entry noon, nagtry  ulit akong gumawa ng bagong photoblog kung saan tunay na hindi kasiya-siya yung mga litrato lang ang makikita ninyo.  Pero syempre kailangan unang entry maganda, kaya silayan ang magandang babae..syempre maganda youngest sis ko siya e doon.

Rate this:
2.5

Viewed 2020 times by 278 viewers

RSS feed | Trackback URI

40 Comments »

Comment by no imagekarmi (Who am I?) Subscribed to comments via email
2007-05-01 23:54:02

ako dapat first!!! :D balik ako ate ha.. hehehe.. mwah!

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagekarmi (Who am I?) Subscribed to comments via email
2007-05-02 00:10:46

waaaa… ang saya ng EB ate.. baby na baby ba si ate karen? hehehe.. :) uwi ka ulit next yr ate!!!! kita-kitz ulit…..

Rate this:
1.6
 
Comment by no imageLAR (Who am I?)
2007-05-02 01:43:28

Wow, masaya iyan a! Mabuti naman at nakapag-EB ka na sa mga friends mo. Yaan mo, lapit na rin iyong EB natin, sana di ka ma-disappoint dahil wala akong kwentang kausap! he he he!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageMK (Who am I?)
2007-05-02 02:43:25

Oki-doki. Hapi-hapi lang. Walang korning-korni. Konting korni puwede. Ang galing ng posing-posing, ha. Ang saya bumarkada!

Sino taya sa lakad na yan?

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageFerdz (Who am I?)
2007-05-02 06:57:15

Naks! EB ng magagandang dalagita. Mukhang ngakatuwaan kayo dyan ah. Anong ginawa nyo sa waiter nyo?!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageSummer (Who am I?)
2007-05-02 07:31:10

waw mukang happy happy ang eb nyu ah :) astig naman!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageEderic (Who am I?)
2007-05-02 08:16:17

Noong nasa UP pa ako, pangarap din namin ng ilang kaklase ko na magtayo ng diyartong Filipino. Pero sa ngayon, ang katuparan pa lang muna niyan ay ang Tinig.com. Makapagpa-EB na nga rin. :)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagesasha (Who am I?)
2007-05-02 09:10:00

Hahahahah… Natuwa raw ako!!! :) Sobra, iba talaga kapag nakita mo na yung kausap at kakulitan mo online. Mas mapi-feel mo ang palitan nyo ng comments, mas maa-appreciate mo sya, at either mas magugustuhan mo sya or turn off na. In your case, te, di mo sinira ang track record ko. Wala pa talaga akong nami-meet in person na di ko feel na blogger! Yipee!!!

Ang saya! Mas kalog ka pala in person. Saka dapat mas mahaba pa ang chika. Kulang ang 3 hours natin! :)

Matutuloy ang dyaryo na yan! Anong name ng dyaryo? Hahahah

Labyu, te!!! I’m so glad I’ve seen you in person na and found out you’re true pala :)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagesasha (Who am I?)
2007-05-02 09:11:48

Kulang pa ang oras para mas malaman mong mas madaldal pa kami dyan! Hahahaha

Si Wendy, kala ko nga nung una suplada. Yun pala may kakompetensya na ako sa daldalan! Hehehehe… Si Karen naman kala ko mahiyain. Yun pala bungisngis din at balita ko bumibirit yan, te! Dapat nasubukan natin eh hehehehe

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagerHo (Who am I?)
2007-05-02 09:49:50

huwaw naman… nagkita-kita na sila!!! naiingget daw ako oh!!! huhuhhuuhuhu…. tayps ko yang mga EB-EB na yan!!! happy ako para sa inyo…

oh, hihintayin ko yang dyaryong yan ha!! hihihi! ingatz lagi te! mwuaaahugggzz!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageey (Who am I?)
2007-05-02 10:53:55

wow ang saya! nakakatuwa naman…nice to see such kitakits. go girls!

more EB to come :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemalaya (Who am I?)
2007-05-02 11:56:12

Ate, lagay mo rin sa kin pics natin, hehehe.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagePipay (Who am I?)
2007-05-02 12:30:19

Wahhhh! Di ko makita ang pics, blocked kse ang flickr dito. Sayang.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageghee (Who am I?)
2007-05-02 12:58:06

ketsup and hot sauc beauties??hahaha!!

yay!ang gagaganda ng mga smile nyo,di na kalingang mamikot ng crew,kaakit akit kaya?hahaha!
nakita ko rin sa wakas si Malaya(Karen),oo nga,baby face pa sha,malayo sa image na nasa loob ko :)

at syempre,magpapatalbog ba si Wends and Sasha?LOL!mukhang ang saya naman!bat walang beer jan sa harap nyo?sana sinama nyo ako,para umulan ng beer,hehe..loko lang,mas type ko ang cocktail!

may pramis bang magpipigil sa bloghopping?hehe,okay,promises are made to be broken daw,hahaha!

tnx for sharing the pics!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagesherwina (Who am I?) Subscribed to comments via email
2007-05-02 13:43:14

Mamamatay ako sa post na ito! Nyahahaha

At nangunguna pa sa listahan… “kailangan by 2008 ikakasal si wendy?” Oh my gulay!!! Sino ba ang wendy na ‘yan?

Kawawang waiter… tsk! Bwahahaha

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagecuracha (Who am I?)
2007-05-02 14:02:25

ang saya nyo naman! kaka-miss tuloy ang pinas… esp. manager’s choice ng shakeys!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagenona (Who am I?)
2007-05-02 15:21:51

huwaw!!! kaingget! ang saya saya niyo….haha, kaaliw naman ang titulo ketchup and hot sauce beauties! haha Benta!
I’m happy for you guys…at last nagkita kita na rin kayo..more blog and EB! :)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageRichmond (Who am I?)
2007-05-02 15:39:21

wow ang aastig naman ng friends mo.. lalo na yung nagsusulat ng nobela…. ang galeng.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagezherwin (Who am I?)
2007-05-02 15:46:01

ang saya ng EB di ba? sana marami pang susunod (at sana kasama na rin kami) :)

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagejlois (Who am I?)
2007-05-02 17:50:36

Mukhang enjoy na enjoy talaga kayo sa EB nyo ah? sa susunod dito naman libre ko kayo kaya lang sagot nyo pamasahe. :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagejho (Who am I?)
2007-05-02 18:05:34

ang saya naman! It’s fascinating to really get to meet the person behind the blog.

nakalimutan ko sagutin ang mathematical question kanina…

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagekel (Who am I?)
2007-05-02 18:18:37

huwaw naman.
malaman yung naging usapan nyo.:)
sipag mo talaga magblog!:)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagesmarie (Who am I?)
2007-05-02 19:13:30

menalen, nakakainggit naman! miss ko na makipagusap sa mga kaibigan ng harapan, di lang over comments page ng blog or thru chatting =P

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemousey (Who am I?)
2007-05-02 21:38:37

ako na lang yata ang huli sa balita ng eb niyo. at maisa dyaryo pa ka nyo. aba ibang klase na yan hahaha…

ok pwedeng magazine for bloggers tapos sa life style section mga EBs hahaha…

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageMon (Who am I?)
2007-05-03 08:46:26

sabi ko na, meron din kasiyahan na aabutin. siempre sa una lang yun mga sablay.

kung kailangan n’yo ng taga lako ng dyaryo ay pwede ako :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagelady cess (Who am I?)
2007-05-03 17:02:48

wow, nakakatuwa naman. siguro ang sasakit ng tiyan nyo pagkatapos no? puro hangin lol!!

ang cool naman ng tshirt mo!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageSchumey (Who am I?)
2007-05-03 18:24:49

After elections na tayo magkita, alam mo naman busy si “Tatay” sa pulitika. Ginutom tuloy ako sa pics niyo nila Sasha.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageLeah (Who am I?)
2007-05-03 22:48:32

Very nice to get together di ba? Take the chance you can to meet anyone you can. Its good to meet and get to know friends in person. Looking forward to meeting you soon.

Ganda nyo lahat.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagekarmi (Who am I?) Subscribed to comments via email
2007-05-03 23:03:57

pansin ko nga, nanginggit talaga kau ni ate karen!!! waaaa.. epektib ate.. :P hehehe..

basta kailangan umuwi rin kau nxt yr!!!! DAPAT!!!!

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-05-03 23:23:30

karmi,
uwi ulit ako next year?
lol!! di pa nga ako nakaka alis ulit e :)
inggit ka no?
wahehehehe,
actually iniinggit ka talaga namin sa mga pic na yan e lol!!

LAR,
lol!! okey lang yan
wala rin naman akong kwentang kausap e :)
tyak magkakasundo tayo lol!

MK,
silang tatlo taya
ako lang libre
sabi ko nga sa kanila
“mga walanghiya kayo bakit di nyo ko pinagbayad?”
sabi ni karen talaga daw walanghiya sila :)
masaya talagang makipag EB ng libre ano? :)

Ferdz,
si Wendy niloko loko yung waiter nung una nagblush lang tapos nung huli di na mangiti hanggang sa hindi na kami binalikan..kulet e kikay na kikay :)

Summer,
talagang happy :)
salamat pala sa pagbisita :)

Ederic,
tyak ko mas maraming nahahagip ang Tinig.com dahil mas maraming nagnenet ngayon kaysa nagbabasa ng dyaryo :). Sige EB ka na at tignan na lang namin kayo sa blog mo :)

she

I’m so glad we met in person din :) although nahihiya akong makipagmeet..ewan ko ganun yata talaga ako sa net lang makapal ang mukha lol
and I am so glad dahil nilibre nyo ako wahehehehe!!!
yeah sana nga dapat mas mahabang kwentuhan kaya lang di kaya tayo maubusan noon? :)

musta pala ang job interview?

hahaha bumibirit ba talaga si Karen? at paano naman natin malalaman aber? mahal mag KTV arkila na lang tayo ng
videoke lol!

Ang babait nyong tatlo wala akong masabi :)

rHo,
wahehehe iniinggit ka talaga namin lol!!!
naku e kailangan pala sabihin ko sa financer bilisan ng may mabasa ka ng dyaryo lol!!
ingat ka rin lagi mwahhhhuggzzzz!!!

ey,
kaw kaya kelan ko makaka EB? :)

karen,
uy panong lagay ko sayo pics natin? :)

PIPAY

uyyy yung naka link hindi po flickr kundi slide.com :)

ghee,
sila lang ang magaganda ang smile lol!! hehehehe jowk ko lang yung pikot thing kay wendy :)
hindi yata nagseserve ng beer ang shakeys e :) ewan ko lang kasi di ako nagpupunta ng shakeys kahit dati e.

hahahaha!! loko ko lang si she kasi para matapos nya yung book na ginagawa nya e wag muna sya magbloghop pagtapos na bloghop ulit tapos tigil bloghop muna para gawa ng second book :)

sherwina,
wahehehehe di ko rin kilala si Wendy lol!!

curacha,
tara ng umuwi at makipag EB :)

nona,
wow how’s Malaysia? :)
ano hindi ka na ba hiatus? :)
lagi kang wala e
hehehe aliw ba? e kasi walang mabuhay sa tuwing magpopose kundi ketsup at hot sauce lang e :)

Richmond :)
astig talaga hehehehe base pa lang sa mga naririnig kong mga sinasabi nila taas na dalawang kamay ko sa kanilang tatlo :0

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-05-03 23:35:49

zherwin,
unga sana sa susunod kasama na kayo :)

jlois,
wahehehehe nukabanaman lubos lubusin mo na libre mo na kami ng pamasahe :)

jho,
saya po talaga jho :)

kel,
sipag ba yung lagi akong absent sa blog ko? :)

smarie,
teka kaw ba e nakipag EB nung umuwi ka dito? para yatang di ka nagkwento? :)

mousey,
wahehehhee hindi!! gagawa daw kami ng dyaryp yun yun :)

cess,
hindi ba halatang maliit na sa akin yung t-shirt ko? lol!!

Schumey,
uy tagal ko ng gustong itanong yan kaya lang ayaw kong mauna hehehehe sige kaw po kung kailan ka free :) basta tay excited na ko :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageNeil (Who am I?)
2007-05-04 00:25:14

Hay buhay. May pa-eyeball eyeball ka pang nalalaman. hahaha.

Nakakatuwa naman po na may nakaka-meet kang kapwa bloggers. Nakailang invite na sa akin na makipag-EB, nang-iindyan naman ako. Sa kahirapan ba naman ng buhay, ipagbiyahe pa ko ma-Manila. Musta naman yon.

Nakatutuwa naman na nais nilang magtayo ng pub. Ewan ko. Pagka-graduate ko, magiging dyarista ba ako o hostong pornograpista? hahaha. Lol.


Natawa ako dun about Mike Defensor. hahaha. Too bad, he went on the President’s side ever since. His former NUSP colleagues detest him. I hate him.

He should switch shores.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageverns (Who am I?)
2007-05-04 11:35:16

wow naman! first EB mo ba to Melai? if yes…that’s great kasi happy ang first EB mo :) baka mamaya EB ka na lang ng EB nyan ha hehehe :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagebotante (Who am I?)
2007-05-04 17:16:20

Neil,
di ko matanggihan e :)

wahehehehe natawa daw ako dun sa hostong pornograpiya bakit may plano kang mag japan? :)
wala sigurong hindi nagagalit kay \mike \defensor ultimong mga karaniwang tao galit s kanya pramis.

verns,
malabong mangyari na mag eb ako ng mag eb:)

karmi,
wahehehehe di pa ga ako umaalis nukaba :)

Leah,
same here po :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagesexy mom (Who am I?)
2007-05-04 19:08:59

ang saya saya nyo naman! at dami mga pangarap, katulad ng paggawa ng dyaryo. mga bata pa kayo–you have lots of opportunities to fulfill your dreams!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemaster (Who am I?)
2007-05-04 20:27:04

hmmm… bakit di ako kasama?!

Rate this:
2.5