Noong nabasa ko yung entry ni Mon tungkol sa tramo agad na nakapa sa isip ko yung naging kaharian ko kasama pa ng ilang mga batang kaedadan ko dito sa tundo.

Ito naman ang paraiso ko na malayong malayo sa tinirahan ko ng nakaraang dalawang taon at kalahati.
Hindi ganito ang itsura nito ng unang kamulatan ng mga mata ko. Dati itong maduming ilog na may mga nakaparadang mga bangka sa gilid. Iyong daungan ng bangka ang nagsisilbing palikuran ng mga bata kapag aabutin ng sakit ng tyan at paminsan-minsan lalo na kung madilim pwede na ring pagparausan ng mga matatanda. Sa tuktok ng ilog ay may mga malilit na puno na siya kong kinakapitan habang ninanamnam ng ilong ko ang mabahong amoy ng ilog. At sa isip ay kumakanta ng usong mga kanta noon. Ala Carmen Rosales na madalas kong mapanood sa mga panghapong palabas sa telebisyon.
Siguro dahil sa baho ng ilog, na kung sa malayo akala mo putikan lang na pwede mong lakaran papuntang ibayo, nagpasya ang pamahalaang Marcos na tabunan ito at gawing bahayan na lang (pandagdag na tirahan sa nagsusumikip na maynila). Saksi ako ng tabunan ito ng lupa at nagsilbing paraiso naming mga kabataan ang bundok bundok na lupa na tinabon sa ilog.
Dito ako natutong magbisikletang mag-isa, sumemplang at nagkasugat. Tumayo at taas noong itinayo rin ang aking bisekleta kasunod ng muling pagpidal. Ang sabi ko sa sarili ko kailangang matuto ako at malibot ang buong tundo gamit ang bisikleta ko.
Kung kailan naman ako natututong magbisikleta ng hindi na sumisemplang saka naman ito tinayuan ng mga kabahayan. Pero ganunpaman hindi naging sagabal ito para hindi namin mapanatili ang paghahari sa natirang munting kalsada dito.
Ito ang nagsilbing naging football court namin kasama pa ng ilang kabataan na mas may edad sa amin pati na rin ng iba pang magulang. Larong football for all ages ika nga. Saksi din syempre ito ng mga larong pinoy tulad ng piko, tumbang preso, luksong tinik, sipa, tsako, kalog-tansan at maging ng mga larong panlamay kapag may patay.Â
Naging mabait din naman para sa mga bata ang lokal na pamahalaan dahil binigyan kami (ng kabilang baranggay pala) ng isang plaza para sa mas ligtas na palaruan.
May mga laruang pambata katulad padulasan, swing at see-saw. Mayroon ding basketball court na paminsan-minsan ay ginagawa naming volleyball court. Noong nag tineyder kami ito ang nagsilbing “tambayan” ng binuo naming tropa. Tinatak na namin ang pangalan namin sa semento doon. Hindi na pwedeng angkinin ng iba dahil ang pangalan namin na pawang mga kabataang babae ang nakatinta doon.
Ang problema, ilang taon na ang nakararaan ay binawi na ito ng kabilang baranggay. Nilagyan ng alambreng harang ang palibot, nilagyan ng gate na kinakandado sa gabi at nilagyan ng dalawang palapag na bahay na siyang titiran ng pamilya ng nakabantay. Binabantayan nila ang mga nakaparadang mga sasakyan na nagbabayad buwan buwan. Ginawa itong parking lot na tutustos daw sa pangangailangan ng baranggay. Pero mas naging para sa pangangailangan ng sa ngayon daw ay nakaupo sa baranggay.

****Paunawa:Â Hindi ako nangangampanya sa may kaparehong pangalan na tumatakbo sa senado.
| 2.5 |
Viewed 894 times by 216 viewers









itot
manilenya






Reminiscin ang lola melai ko! Akala ko ikinakampanya mo si Pwing! Hehehehe!
MB,
lol! kahit na gusto siya ng nanay ko hindi ko siya ikakampanya ano.
Sa katagalan kaya di mo ma miss yung malinis at malamig na paligid ng SG na naging tirahan mo rin for 2 yrs.
sabi nga ng isang awtor:
“Mid pleasures and palaces though we may roam,
Be it ever so humble, there’s no place like home.”
Di natin makakalimutan ang kinalakhang lugar saan man tayo mapadpad. . .Dito natin sinimulang binuo ang ating mga pangarap. . .
Napakasarap talagang sariwain ng kabataan. At masakit sa damdamin ang pang aagaw sa dating kinalakhan. Hindi mo ito malilimutan.
Hay Mare, feel ko ang kawalan mo ng playground/tambayan. Ganoon pa rin problema ng mga kabataan ngayon..walang lugar para sila makalaro–parang hindi priority dito sa Pilipinas ang mga bata (at ang mga needs ng kabataan). Hindi pa rin mapantayan ng outdoor playground ng mga play area na makikita natin ngayon sa loob ng mga mall.
ann,
hindi lang maiwasan yung ipagkumpara yun lang
saka medyo hindi na sanay sa maliit na bahay, mas mahirap linisin kumpara sa maluwang
30K,
tunay ka dyan
Gypsy,
mare kapag eleksyon maririnig natin sa karamihan ng mga tumatakbo…..na sila ay para sa mga kabataan pero sa esensya hindi naman…
shyet, mga batang walang disente at ligtas na palaruan. sintomas ng sintomas ng sintomas ng sintomas ng mas malalim na problema.
Anak,
Hindi lamang Tondo ang gustong gawing parking lot ng inyong alkalde. Lahat yata ng lote sa Maynila ay ganito ang plano nila. Imbes na ayusin at pagandahin, ginigiba at kino-convert sa parking lot ang mga gusali at park..
Yung eskuwelahan naman ‘y gustong gawing mall. Kulang na nga sa classroom, isisiksik pa yung mga batang apektado.
Sino nga kaya ang tunay na hari ng Maynila? Ang mga tao kaya o ang pamilyang mahilig sa Hawaiian shirt?
Talaga namang siksikan sa Maynila - noon pa yan. Gumagrabe ngayon. Halos lahat ng kalsada may bahay-bahayan. Nong huli kong bisita e may nagsasaing dun sa bakuran namin. Ng tingnan ko e, may sirang dyip na ginawang bahay dun. Walanging talaga, oo.
Mas lalong sumikip ang Maynila at mas lalong naging delikado. Sana naman magawaan ng paraan ng mga nakatataas ito. Pero sarap mag-muni muni no! Emote ka na naman a!
See you baka next week ha. Dami lang commitments.
Ate, mamaya na ha!
***
Yung lugar na kinalakihan ko, malaki na rin ang ipinagbago, wala na yung dati naming bahay.
Yung ilog din na pinaliliguan namin, ngayon nakakatakot nang paliguan, parang mudflow ang kulay. Yaiks!
tamang senti ba ‘to o tamang politika?! hehe.
naalala ko tuloy yung mga laro noon like what you’ve mentioned.
its always good to reminisce those childhood days.
ate’ you should be proud of ur place. andami kaya magaganda sa TONDO! ‘gaya mo na lang
Naalala ko na sinabi mo nga dati na tinabunan talaga yung ilog niyo. Parang di ako makapaniwala. Totoo pala. Grabe, ibang klaseng ala-ala yon… ang masaksing tabunan ang ilog.
halos walang pinagkaiba sa lugar namin sa quezon city, dating bukirin ngayon mga bahay-bahay na na may mga bakod na may mga parking lot ng mga taxi.
waaaaaaaaah…
gusto kong umuwi na!
kel,
anong malalim na problema?
malaking populasyon?
lol!!
tatay,
alin yung mga taong lumalabag sa batas ng comelec sa usapin ng pagkakabit ng poster sa kung saan saan?
ngayon ko lang nakita yung Ali Atienza ba yun? akala ko nga ang tatakbo e si Miles Roces e
nung una ayaw kong bumoto pero siguro kailangan ng isang boto nga talaga laban sa mga tiwaling nasa posisyon ngayon
MK,
e di lalo na kung nakita mo yung dalawang mag-asawang nakatira sa kariton at ang kariton nila nakapwesto sa gitna ng kalsada sa may recto.
LAR,
sige antay ko lang matapos yung komitment mo
ey,
lol! pwedeng pareho
jeniffer,
hehehe dami bang magaganda dito?
hmmn medyo oo
pero di ako kasali dun lol!
Toe,
oonga e minsan di maiwasang hanapin yung dating ilog kahit na sabihing mabaho na
iskoo,
kasi daw maunlad na ang QC kaya hindi na bagay yung bukirin..taxi na lang daw
diyan ka na ba o bakasyon lang?
mousey,
tara na uwi ka naaaaaaaaaaaaaaaa
ang sarap balikan ng nakaraan. o_O
galing ng entry mo.. naantig ang puso ko.. ..
naalala ko rin tuloy ang mga masasayang sandali ng pagkabata ko sa tinubuan ko lupa.. ..ayos..
Manilenya, Kamusta na, napadaan lang at naatraka sa kalye ng Tondo.
I also grew up in Manila but moved to QC in my teen years, don’t ask when, hahaha. Nice to read this kind of blog, keep it up and more power.
paraiso ng mga bata - malapad o makitid, mahaba o maigsi, lagyan ng bakod o ikandado makakaisip pa din ng laro ang mga bata. Walang problema - kahit na lumang bote o kinakalawang na lata pwede na. Ang mga namomoblema lang ay ang mga matatanda na hindi na marunong maglaro.
lestat_m,
wag ka mag-alala nangyayari din sa kin yan kaya di ka nag-iisa
uy sorry nasayang ba yung mahabang tinayp?
sensya na po
PO,
lol! at na attract ka pa sa kalye ng tundo ha
okey lang po ako
so kumusta ka na rin?