Swerte pa rin
Ang swerte ko bumubulwak. Ang swerte ko parang mga biyayang madalas mamutawi sa bibig ni Bro. Mike Velarde sa mga prayer rally ng mga El Shaddai, siksik, liglig at nag-uumapaw. Hindi matapos-tapos o walang katapusan. Parang gusto ko ng sumuko at sabihin sa mga nagkakalat ng swerte na TAMA NA, SOBRA NA, TIGILAN NA!]
Umalis ulit ako kanina upang kunin ang pasaporte ni Aya sa DFA, as usual dahil sa matagal akong kumilos (nagtawag sa mga travel agency para sa booking ng flight, nakipagkulitan sa telepono sa magiging employer sa pupuntahang bansa, nangutang ng pambili ng ticket, tinapos ang labahin, nagpunas punas/nagwalis-walis sa kwarto ni tatay at inasikaso ang pagkain ni Aya).
Pagdating ng DFA, ayos nagkakagulo ang mga tao sa kanto ng papunta sa DFA habang ang kalye paloob ay malinis ibig sabihin walang tao. Nagkalat ang mga pulis, patrol car at mga pulis na de motor.
Me bomba daw! me bomba!
Nagkuwento ang ilang tambay, actually nagtanong kasi ako. Nag-usisa kung paano nagkabomba doon. Ang sabi ng babaing marusing sa harap ko habang may hawak na patpat (hindi naman siya mukhang may sayad) may isa daw lalaki ang nag-iwan ng bag sa tabi ng poste at agad tumalilis. Noong una nga daw e nilalagay ito sa labas mismo ng Chowking kung saan ako nakatayo ng mga oras na iyon, pero nagbago daw yata ng isip ang lalaki at nilagay iyon sa kabilang bangketa.
Ayos! kahit saan ka lumingon maraming tao. Taliwas sa ginawa ko noong lunes, hindi ako nakitaan ng kahinaan. Hindi ako umiyak. Ni hindi nagtawag ng tulong although may konting kaba. Gusto ko sanang ilabas yung dala-dala kong digicam para kuhanan ang eksena lalo na nong nakita kong naglagay na ng yellow ribbon ang mga pulis pero hindi ko magawa. Natatakot kasi akong biglang maglahong parang bula sa mga kamay ko yung mumurahing digicam na siya lang naipundar ko sa mahigit dalawang taon kong pagtatrabaho sa Singapore.
Gusto ko pang mag-usisa pero mas matindi yung kapangahasan kong maglakad tuloy-tuloy patungo ng DFA, lubhang malayo ang ahensyang ito sa bahay namin. Ako pa naman kapag ganoong malayo ang pinupuntahan ay mas gugustuhin kong manatili doon ng mga dalawang linggo bago umuwi.Â
Nang akmang lalakad na ako papuntang DFA kasama ng iba pang patungo rin doon ay pinigilan kami. Kung gusto daw naming umikot papuntang Roxas Blvd, umikot na lang daw kami.
E di umikot. Habang daan mas lalo pang kumapal ang mga tao na gustong makitsismis, may nakita rin akong lalaking may nakasabit na SLR camera sa leeg pero hindi naman mukhang press. (Baka photo blogger).
Sa haba ng inikot ko kung saan nadaanan ko pa ang istasyon ng pulis sa gilid ng Rizal Stadium na halos parang walang alam sa mga nangyayari sa kabilang kalsada, nakarating ako ng DFA limang minuto pagkalipas na tapusin na ang pagrerelease ng mga pasaporte. Hindi ko nakuha yung pakay ko.
Ang swerte nga naman! nakadikit na yata talaga sa akin.
| 2.5 |
Viewed 2968 times by 544 viewers

manilenya 
Welkam Bak Sa Akin!!!


wrong timing lang. haha
Swerte mo talaga! Bilib na ako! he he he!
nagambala lang ng bomba!
kaswerte naman talaga.
at huwag na huwag ka maglabas ng iyong mga kagamitan sa kakalsadahan kung gusto mo pa tumagal sa iyong mga kamay ang mga gamit na iyon…
Paano na yan, lipas na tatlo e may panibago! May dalawa pa kaya? Bumili ka ng lotto ticket. Baka iyan ang kaharap. You never know.
Nagkataon lang yon mare!
usually it comes in 3….sobra-sobra na yata! bakit kaya?! better stop counting hehehe.
Ate, sinusubukan lang siguro ang iyong pasensiya.
Chino,
baka nga
LAR,
wahehehehe ganun?
jho,
naku kaya nga sa loob lang ako ng sasakyan nakakakuha ng litrato e
MK, lol! yuko nga
wala akong sampalataya sa lotto no
jlois,
uunga e daming pagkakataon kung kelan pa pupunta ako dun
ey, hehehehe yun nga ang sabi ko
ayaw ko ng magbilang
malaya,
ang tanong hanggang saan nga ba pasensya ko?
hahaha, melai pwede ka nang tawagin miss sablay.
Oks lang yang melai, malay mo pagdating ng swerte syo nyan sunod-sunod din. Matanong ko lang, kasama mo bang aalis si Aya?
Hahaha! This time, natawa na lang ako, Melai. Pero isipin mo na lang, sunod sunod din ang totoong suwerteng darating!
menalen, swerte ka talaga dhil di sumabog ang bomba habang andun ka
oh diva! ang daming adventures ngayun sa buhay mo =)
p.s. di raw ako pasado sa anti-spam addition mo. hehe… nabobobo na talaga ako. pero try ulet! haha