Bakit daw ako nagbablog?

April 21st, 2007

Tinag ako ni ManilaMom aka Ms Maia Jose, bakit daw ako nagbablog?  Tinatanong pa ba yan? Hindi na kaya di ko na gagawin lol!!! jowk jowk jowk…….syempre dapat gawin kasi friends na kami e.

Bakit daw ako nagbablog?

  1. Dito sa blog may boses ako.  Boses na hindi impit, hindi matinis at lalong hindi sintunado.  Naibibigay ko ang mga ideya ko sa bawat isyu ng may magandang tempo at kung mayroon mang hindi nagagandahan sa boses ko, wala pa namang nagsasabing tumigil na ako sa kakakanta.  Ang madalas ko lang makita sa comment box ko:  wala na akong gana sa isyu na yan…bahala na sila sa buhay nila.
  2. Dito sa blog nakakapagkwento ako.  Wala naman akong mga kaibigan na madalas kong kwentuhan, mga simpleng kwento ng pagkabata, simpleng kwento ng bayang pinagmulan.  Kwentong tundo.  Kwentong maynila.  Dito ko nalaman na yung mga karanasan ko o mga naging pangaraw-araw na buhay na madalas kong sabihing walang kwenta…walang thrill…wasted e sobrang ganda palang ikwento.
  3. Dito sa blog ko na feel na maganda ako.  Hindi ang itsurang panlabas syempre.  Dito ko kasi naramdaman na walang kwenta ang pisikal na kagandahan kung wala namang binatbat ultimong mga daliri mo.  Hindi sa nagyayabang ako, pero kung ikukumpara ko ang sarili ko sa ibang mga kakilala ko na parang ang tayug tayug…aba e isa lang ang sasabihin ko.  BASAHIN MO NA LANG ANG BLOG KO!
  4. Dito sa Blog nagmimistula akong matalino kahit hindi.  Basta lang.  Matalino ako peryud.  Wag mo na lang pansinin ang speleng ku dahil pwedeng mali mali spelling basta naiintindihan naman.
  5. Dito sa blog nagkaroon ako ng mga kaibigan at IKAW yun saka SILA.  Higit sa lahat nagkaroon ako ng fans…mantakin mo yun?

Ngayon dahil tag ito, syempre may rules.  Wala lang gayahin lang ang ginawa ko sa itaas, pwedeng ingles pwedeng tagalog, depende sa gamit mong lengwahe sa blog mo.  At pagkatapos ay magtag din ng lima pang iba.  At ang mga itatag ko syempre ay ang mga blogger na malalapit sa puso ko as in malapit talaga sa puso ko at kayo yun.  Kayong unang lima na magkokomento dito.  Sana merong magkomento.  Please Lord may magkomento sana.  Amen!

Viewed 1278 times by 114 viewers

No Responses to “Bakit daw ako nagbablog?”

  1. karmi Says:

    nyahaha.. pano ba yan ate, first akong nagcomment, so gagawin ko rin tong tag na ‘to? hehehe..

    halos pareho lang din tau ng mga dahilan kung bakit din ako nagbo-blog.. hehehe, pwera na lang ung maganda issue.. di kasi ako maganda, kyut lang.. :D
    iloveyou rin ate melai! mwah!

  2. Maia Jose Says:

    Not counted ako sa first five, siyempre, kasi ako na ang nag-tag sa ‘yo.

    Ang masasabi ko lang, ikaw ang isa sa mga hinahangaan kong blogger. Kumpleto kasi ang blog mo - utak, puso at kaluluwa. Nagpapakatotoo. Tumatatak ka hindi lang sa isip kundi pati sa damdamin ng nagbabasa rito. At ang nasisilip sa iyong kaluluwa ay talaga namang byutiful! Kaya feeling close agad ako sa ‘yo. Sana lang okay lang sa ‘yo, hehe.

  3. ey Says:

    ayyy! ngayon lang uli ako nakabisita, medyo abala. 3rd ako! pero oops not counted na rin kse tagged na rin ako ni manilamom, di ko pa nga nagagawa eh…namasyal muna ako :)
    korek ka dyan! i like ur blog, hope you’ll take this term positively…pang-masa! kse napaka-natural, simple pero malakas ang dating. kaya isa ako sa mga sinabi mong fans ;)

  4. malaya Says:

    Hmm, nasali ako! Yehey!

  5. Pipay Says:

    Dear Madam,

    Baket ganon? Lagi akong huli dati. Ngayon lang ako nauna (ng konti). Sali ba ako sa tag mo?

    Nyehehehe!

    Kamusta ka naman ngayon tita?

  6. razz Says:

    nyak!!

  7. razz Says:

    nyahahahahaa.. kanina apat lang ang nagcomment..hhehehehehe

  8. razz Says:

    kase me add add pa nalalaman, hindi ako nakaabot sa pang lima… pero akalain mo yun, hindi na ako nahuhuli sa comment… i like the song………………. :)

  9. razz Says:

    love ko talaga un song… wala lang nangungulit lang ako dito.. hehehehe… minsan lang kase akong makapagcomment dito na hindi late.. sarap magblog no, bakit kaya ako naaaliw sa blog mo?? ahehehehe

    malamang, kase feeling ko matalino na rin ako… hahahahaha…

    love ko song mo……

  10. razz Says:

    songs pala… like ko lahat…

  11.   Quicklinks roundup: Virgina Tech, joint ventures, loosing jobs, summer rain and romance by The Four-eyed Journal Says:

    [...] of Manilenya answers the question “Bakit ako nagbabblog?” (Why do I blog?) Her answers are profound and a must read for those who’d like to know [...]

  12. tondogerl Says:

    karmi,
    mwahahahaha! malamang isa ka sa limang dapat gumawa ng tag na to :) bale apat pa lang kayo takot yatang magcomment yung iba lol!

    Maia Jose,
    syempre okey na okey sa kin :) at ikinagagalak kong maging close sayo lol!!:)

    ey,
    naku bakit ka naman busy? puro work?
    baka yumaman ka ng husto nyan :)
    malaya,
    yehey!! may tag ka ulet! nagawa mo na ba yung una? lol!

    Pipay,
    naku tita pasok na pasok ka sa tag na to :) aba e katuwa naman ngayon maaga ka dito lol!!
    eto po pagod kanina lang nasa MOA kami ni aya :) kaw musta ka naman

    razz,
    hahahaha kulet mo razz nuka kasali ka sa tag ano pang-apat ka e :)

  13. sasha Says:

    Kasama ako sa fans! :)
    Hahaha, pang-anim na ako kaya di ako kasali? :P
    Mabyuti naman ako, te Nalen. Di na ako tambay starting Monday. Kaya pang-weekend na lang uli ang byuti ko sa rampahan hehehe

    Happy blogging and happy weekend!

    Kelan na ba ang EB ha? Bukas na ba? Hehehe

  14. sabog Says:

    sasha,
    uy kasali ka no lol! si karmi, karen,razz,pipay at ikaw wahehehehe kala mo ha!! kaya tag ko na to sayo :)
    hmmnn sige set na nga natin pero pakaskas muna ko ng mukha kasi kahiya tadtad ako ng tagyawat lol!!

  15. Chino Says:

    ngek! tinag na kita tungkol jan dati eh… O_O nakalimutan mo yata…
    http://www.chinoyray.com/archives/5-reasons-why-im-breathing-here/
    sabi mo pa gagawin mo..

    pero oh well.. ayan na.. haha

  16. Culture Shiok! Says:

    Balik Tondogerl uli!

  17. ey Says:

    musta ka na dyan?
    busy lang kuno! hehe. may tinapos lang na trabaho. now..pwede na uli mamasyal :)

  18. Pipay Says:

    Buti pa kayo bonding moments. Ok yan kse mamimiss mo uli si AyaGirl paglayo mo sandali…bwhuhuhuh…nacacarried away na naman ako…drama noh. ehehehe

  19. sasha Says:

    Hahaha, kasali pala ako! Cge ngaun mo pa lang naman ako tinatag, te :)
    Yey, set na natin! Bago ka lumipad. Gandang gabi sayo, te!

  20. nalen Says:

    Chino parang hindi mo ko tinag no di ko nabasa name ko sa entry mo na yun e..

    ey, eto hilong talilong lol! parang sobrang dami ng ginagawa pero wala naman, canvass ako ng ticket e.. kulit ng uncle ko may mura daw as in super mura wala naman akong makita :( kaw musta ka na?

    Pipay,
    asus magblog ka na lang para di ka macarried away kaso mo nakalimutan ko hehehehe mas nakaka carried away mga post mo :)
    sasha,
    dandang gabi din sige set na natin :)
    CUlture shiok, uu tondegerl ulet ako :)

  21. Ferdz Says:

    Eh kasi kaya kong mag blog pati nakaka aliw. hehe. Ok na ba yung ganung dahilan?

  22. kel Says:

    kaka-touch. naks. naalala ko tuloy yung iblog3.:)

  23. rhodora Says:

    Naku, pang-22 ako sa comment! Safe, di ako na-tag.. hehehe.

    Melai, totoong totoo ang mga sinabi mo dito. I share all these with you! :)

  24. rHo Says:

    hahaha!! hindi nga ako nakasali sa perst five mo dito te melai pero nadali naman ako ni te pipay! nyahahaha!

    ang ganda-ganda mo naman talaga ah!! ang kumontra, sila ang mga panget!! labyuuu te! mwuaaaahugggzz…

    kamusta ka naman dyan sa pinas ha???!

  25. no name Says:

    rHo,
    wahehehehe kala mo makakatakas ka? lol!
    musta ako? ayun dibanga nakatapak ng ebak ng aso at nakagat ng pusa? meron pang isa babablag ko na :)

  26. blogadeur Says:

    ang sarap magbasa ng blog sa tagalog lalo na kung may sense ang mga sinasabi.

    bilib ako sayo dahil yung mga sinasabi mo sa blog it comes natural!

    keep it up manilenya! :)

  27. manilenya Says:

    blogadeur,
    masarap naman makabasa ng ganitong komento :) maraming salamat sa pagdalaw :)

  28. micamyx Says:

    welcome back!

    isa ko sa mga tagahanga mo pero alam ko isa ka din sa tagahanga ko wehehehe

    cguro cute baby mo kasi may siya pinanganak hehe

    (walang konek ang comment ko)

  29. manilenya Says:

    micamyx,
    hehehehe syempre no kasing cute mo :)

Leave a Reply

CommentLuv Enabled

What's this?

You are currently reading Bakit daw ako nagbablog? at Manilenya.

meta