manilenya

Mga karanasan, haka-haka, opinyon at rebuttal ng isang bobang pinay
Subscribe

Ayaw ko ng baboy!

April 20, 2007 By: User Imagemanilenya Category: pasakalye, politics, rebuttal

Hindi ko alam kung ano ang nangyari dito, hindi ko maopen ang motorola handfone ko using USB.  Gusto ko sanang ipost ang picture na kinuha ko kanina sa NBI office sa Quiapo.  Akala ko ako lang ang nakapansin pero pagsilip sa likod ni Aya ang sabi niya ‘ay sira!’.

Gusto ko sanang ipost ang dalawang picture na nakikita pa ang mga letrang NBI sa tabi ng Philippine flag na SIRA.  Nasira na siguro dahil sa ulan at malakas na hangin, wala na ang tahi sa mga dulo nya at may mga nalaglag na parte sa ibaba ng watawat.

Wala yatang nakakapansin dito.  Hindi naman kasi yata nag faflag ceremony ang kagawaran ng NBI doon.

Pansin ko rin talagang hindi ito mapapansin dahil natatabingan ito ng mga bubungan ng mga tindahan sa gitna ng kalsadang iyon.

Tanong ko lang.  ano ba ang mas nakakababoy?  ang pagkanta ng Pambansang Awit sa ibang tono  sa isang internasyunal na palaro o ang hindi pagpansin sa sirang watawat na naturingan pang nasa opisina ng isang ahensya ng pamahalaan?

*****

Kanina habang nanonood kami ng balita ay biglang pinatalastas ang bagong campaign ads ni GMA.  Ipinakita dito ang pitong batas na pinirmahan ni Gloria kasama na ang Anti-Terrorist (daw)  Law.  Sabi sa huli:  Mamuhuhan sa mamamayan.

Sabat ng tito ko:  Mamuhunan? sa mamamayan? O e di inamin nya na ring ginagawa nyang negosyo ang pulitika!

Isa pang hirit sa campaign ads naman ni Joker Arroyo:  Sabi ni Joker pag bad ka lagot ka kay Joker!

Sabat ng isa pang tito ko:  Ha? e bakit yung mga kasamahan mo sa ticket puro bad yun ha!

Wahehehehe! kulet ng magkapatid!

Maya maya nakita nila ads ni Chavit……………..wala na wala na!!!!!

Song for the day: Ayaw ko ng baboy! by Radio Sago Project
Speaking of project…may new project ako pero ewan ko kung magtutuloy-tuloy kasi para akong yung mga pulitikong kilala ko. Sa umpisa lang magaling.

Rate this:
2.5

Viewed 1936 times by 417 viewers

RSS feed | Trackback URI

28 Comments »

Comment by no imagekarmi (Who am I?)
2007-04-20 00:36:20

hala, una na naman ako! hehehe.. :D

ayoko ng baboy! gustong-gusto ko ang kantang to ng radioactive.. lalo na ung video! hehehe.. kakaaliw.. parang tamaan na dapat tamaan..

nakita mo na ba ung political ad ni Pichay ba un? hehehe.. Pichay, itanim sa senado.. nice… hay, politika nga naman, parang showbiz.. :)

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagejho (Who am I?)
2007-04-20 05:53:36

uy, nasa bansang sinilangan ka na talaga!!!!

Para sa akin, parehong baboy yung pagkanta sa ibang tono ng ating pambansang awit at yung hindi pagpansain sa sirang watawat…

Wala akong balak bumoto sa darating na halalan. Wala akong nakikitang karapat dapat.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageSchumey (Who am I?)
2007-04-20 07:37:51

Kaya ayaw palitan yung watawat ay dahil maliit ang kickback nito, Napanood mo na rin marahil yung campaign ad ng Team Unity na Rock. Ang bunso kong anak ay may ibang version nito. “We will, we will, corrupt you, corrupt you!” Mabuti pa ang paslit, alam kung ano ang tama’t mali. Sabi ng latest report, P2.075bilyon na ang nagagastos ng Team Unity sa kanilang kampanya, nakakalulang halaga! Ngunit sa kabila nito ay kulelat pa rin sa surveys ang mga kandidato nila.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagejlois (Who am I?)
2007-04-20 08:47:15

Dapat talaga piniktyuran mo kasi malawakang pambababoy nga ang ginagawa nila na pabayaan sira ang watawat na nakadisplay in public.

R.A.8491, Chapter 1, Section 14. A flag worn out through wear and tear, shall not be thrown away. It shall be solemnly burned to avoid misuse or desecration. The flag shall be replaced immediately when it begins to show signs of wear and tear.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagezherwin (Who am I?)
2007-04-20 10:08:20

sa totoo lang, bawal ang magdisplay ng sirang watawat ng pilipinas, di ako sigurado pero parang bukod sa multa, pwede pa silang ikulong (sige nga, gawin nila yan sa NBI). sabi minsan sa balita, sa mga kumanta ng pambansang awit (sa mga laban yata ni pacquiao), si lea salonga pa lang ang kumanta na gamit ang tamang tiyempo at tono, in other words, si lea lang ang di nag-iinarte/nagpapa-impress pag kumakanta!

Rate this:
1.6
 
Comment by no imageverns (Who am I?)
2007-04-20 11:35:34

ay alam mo ba kung ano sabi sa akin “seems like you didn’t pass Math”

dyosme..naokray pa ako..mali addition ko hahahaha

Anyway wow…bayang magiliw ka na pala talaga Melai! So kumusta naman? hehehe nothing beats being home noh?

About your entry. Ay ambot. No big deal na yan ngayon. Kung noon di puwedeng maglakad habang nag fa-flag ceremony eh ngayon wa na paki mga tao. Nagbago na talaga si Juan de la Cruz.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageMK (Who am I?)
2007-04-20 12:30:33

Nel, Iyang gula-gulanit na bandera natin ang state of the nation ngayon. Bastusan talaga sa panahon ni GMA.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagerazz (Who am I?)
2007-04-20 14:23:37

parehas lang nakakababoy un… buti sana kung iniba lang ang arrangement ng kanta, kaso nasisintunado pa.. ahehehehe.

Rate this:
3.0
 
Comment by no imageGypsy (Who am I?)
2007-04-20 14:56:39

Kawawa ka naman, kararating mo pa lang, sirang flag na nakita mo. Whatta a welcome. :-( Sana ma-post mo yong picture–at mahiya naman ang NBI sa balat nilang makapal.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagetondogerl (Who am I?)
2007-04-20 15:09:01

karmi,
nakita ko na yung ads, naki ang dami palang nakakakilala kay pichay ultimong bata, sabi ng pamangkin kong limang taon iboboto nya daw si pichay, lol!! natawa ako dun :)
buti na lang pichay ang surname nya kundi…. nilangaw na siya lol!

jho,
ako man
hindi ko pa alam kung bobot ako o hinde :)
kung boboto man ako e
party list lang
ewan ko pag-iisipan ko pa :)

razz,
sa isang manganganta na tulad mo.. hehehehe sige payag na ko na nakakababoy nga ang ginawa ni Geneva lol!

Schumey,
negosyo nga po kasi kaya kailangan nilang sumugal, tutal naman daw kapag nanalo sila di lang doble ang balik ng pera sa kanila, maaring kulelat sila sa survey pero hindi tayo nakasisiguro dahil kahit ano magagawa ng mga taong nakasanla yata ang kaluluwa sa demonyo kaya dapat bantayan ang boto.

yeah nakita ko na nga yung We will rock you! ng team Unity…..walang dating ang ads.. mas gusto ko yung kontra katiwalian na ads syempre.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagetondogerl (Who am I?)
2007-04-20 15:21:08

jlois,
pre piniktyuran ko ang kaso di ko maupload ewan ko nagluko e

zherwin,
di mapapansin yan ng gobyerno dahil abala sa eleksyon e, at mas lalong di mapapansin yan sa mga susunod na araw dahil magiging abala naman sila sa pulitika, pabayaan na lang ang social services, siguro nga ganun na lang talaga yun.

verns,
yeah nothing beats being home nga kaya lang ang init sobra sumasakit ulo ko :(

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagerhodora (Who am I?)
2007-04-20 16:18:37

Uy, Melai, nandito ka na! :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagelady cess (Who am I?)
2007-04-20 20:00:29

hahaha! good point! good point!

off topic: may kamukha kang sexbomb dancer. hindi ko alam ang pangalan, pero itong mga pics mo sa side bar… naalala ko siya. pag nakuha ko yung pangalan sasabihin ko agad sa iyo.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemaster (Who am I?)
2007-04-20 20:47:31

oi! welkam sa pilipinas!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagekarmi (Who am I?)
2007-04-20 21:05:43

hahaha.. medyo slow ako dun sa joke mo ate!!! buti na nga lang pichay ang apelyido nya.. kichay ba un? hehehe.. di pa nga rin ako sure!!!

Rate this:
1.6
 
Comment by no imageailem (Who am I?)
2007-04-20 22:48:35

MK,
sinabi mo pa po
bastusan na nga talaga to!
tsk tsk tsk tsk!

Gypsy,
what a welcome talaga :( try ko post some other time yung pic sis totoo.

rhodora,
opo nandito na nga po ako ;)

lady cess,
naku nahiya naman daw ako doon may makakahawig lang sexbomb dancer pa e wala yata akong nakitang masyadong pangege dun :) sa tingin ko malayong malayo :)

master,
oi salamat! ano na balita? kelan ka balik saudi?

karmi,
wahehehehe pichat este pichay po :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagekarmi (Who am I?)
2007-04-20 22:53:57

hahaha.. pichat!!!!!!!!! :P

kitams, ang slow ko na, di ko pa nagets!!!!! hehehe…

Rate this:
1.6
 
Comment by no imageneneng (Who am I?)
2007-04-20 23:10:58

karmi,
hahahaha nukaba di ba napapanood si pichay sa tfc? at saka sobra siyang sikat as in.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagekarmi (Who am I?)
2007-04-21 03:54:59

wala naman silang pinapakitang commercial ng mga political ads sa TFC.. dapat nga ipakita nila diba?

sa youtube na lang ako maghahanap! hehehe..

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagemalaya (Who am I?)
2007-04-21 13:09:38

Kakahiya ano, NBI pa naman, sira ang watawat.
Repleksiyon din siguro yan ng integridad ng ahensiya.
HOY GISING!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagesabog (Who am I?)
2007-04-21 22:47:12

karmi,
meron. si oreta madalas kong makita dun e saka ilang team unity senatorial candidate ..si pichat este pichay lang wala :)

karen,
sinabi mo!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagesmarie (Who am I?)
2007-04-23 02:36:20

oo, nakakahiya nga. building mismo ng government, sira ang watawat =P anu ba yan?!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagerHo (Who am I?)
2007-04-24 02:48:12

elo ate melai… e di mag-chicken na lang tayo! nyahahaha! ako rin kasi… di masyadong kumakain ng baboy… masyadong ma-cholesterol! hahaha!

si GMA talaga… dapat dyan e tinatapon na lang sa kung saan eh! haaay… te melai, kaw na lang kaya tumakbong presidente ano??! tingin mo??

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagenalen (Who am I?)
2007-04-24 15:46:17

rho,
e macholesterol din ang gusto ko sa chicken e yung balat :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagenalen (Who am I?)
2007-04-24 15:54:58

smarie,
as in nakakahiya nga :(

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageiskoo (Who am I?)
2007-04-27 09:00:19

ang alam ko ang masama yung sira-sirang bandera na nakawagayway pa, considering na nasa nbi pa, grabe ah. yun namang mga kumakanta sa mga palaro, siguradurin lang na hindi sila pipiyok kundi masama yun, hehehe

Rate this:
2.9
 
2007-07-07 06:57:52

e281f022094d506de10fb03e32e88df3…

e281f022094d506de10fb03e32e88df3…

 
Trackback by blow job sluts
2007-07-18 13:34:04

blow job sluts…

Hello!…

 
Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
  • Welcome

    Welcome

    Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

  • Add me

    Add to Technorati Favorites
  • Please visit this site

    I want to inform all EC droppers that this site will no longer using and accepting Entrecards ads. Please free to visit Journal of a Pinay Expat for your EC drops. Thank You!
    Get a better job today!
  • Nalen Aguilar's Facebook Status Updates

      Nalen is zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!!!!!

      (Updated 18 hours, 45 minutes ago)

  • They talked already

    Comment Count BadgeGet your Badge!
  • Facebook Me

  • Top Commentators

  • Sponsors

    Click here to view entire collection
    Visit AnyCreditAutoLoansNow.com And Get Pre-Approved Tomorrow!
    Booksfree.com
    CashAngelsOnline.com - Online Cash Advance Loans
    Christian Cash Assistance
  • Meta