Ang donut at mga aral ni Eddie

Hindi ko na itatanong sa sarili ko kung bakit ba kailangan ko pang maghintay ng dalawa hanggang tatlong oras para lang makabili ng dalawang dosenang donut dahil alam ko na ang sagot.Â
Katulad noong isang araw, tatlong oras na naman akong nakatayo sa isang mall dito. Kasalanan ko rin naman e, tinawagan ko si younger sis kung gusto nya ng donut dahil nasa labas naman ako. Siyempre natuwa siya.
Pero hindi katulad noong isang araw hindi ako kumpleto sa armas, pumupugak-pugak ang baterya ng handphone ko, ganoon din ng mp3 player na dala ko at higit sa lahat wala akong dalang libro na mababasa sa loob ng ilang oras na paghihintay. Ang meron lang ako ay paa na panlakad sa kalapit na tindahan ng makakain at konting barya na pambili syempre. Pwede na rin sana. Para ka lang nanonood ng sine, may sitsirya habang sumusulyap-sulyap sa mga nagdaraang tao na sumusulyap-sulyap din sa amin, nagtataka kung bakit kami nakapila sa mahigit na apat na tindahan sa mall na yun.
Bago ako pumila may nakita akong isang bookshop sa di kalayuan. Hinablot ko sa shelf ang libro ni Mitch Albom na The Five People You Meet in Heaven. Tinignan ko ang presyo sa likuran. Almost SG$15, P450 sa atin. Madalas kapag ganitong nagcoconvert na ako ng dolyar sa peso hindi na ko nakakabili pero ngayon kailangan ko ito.
Una kong nabasa ang Â
Tuesdays With Morrie pero hindi ko ito natapos o hindi talaga tinapos. Ang gusto ko kasi kapag nagbabasa ako ay yung parang nanonood ako ng isang pelikula. Yung nararamdaman ko bawat mga salitang binibitawan ng mga bida. Yun bang parang kasama akong namimingwit ni Eddie sa isang maliit na hole pababa sa dagat. Mararamdaman ko na ako si Dom na binigyan ng beinte dolyar para sa pamamasyal namin ng aking asawa. O parang ako yung batang kausap nya habang ang nanay ko kasama ng kanyang boyfriend ay nakasakay sa isa sa mga rides sa loob ng Ruby Pier.
Sulit ang $15 ko.
Hanggang sa pahina 60 pa lang ang natapos kong basahin. Pero sa animnapung pahinang iyon may dalawang bagay agad akong natutunan sa dalawang taong nakausap ni Eddie sa heven.
Una:
“NO LIFE IS A WASTE. THE ONLY TIME WE WASTE IS THE TIME WE SPEND THINKING THAT WE ARE ALONE.”
Bang! Tinamaan ako dito. Pakiramdam ko ang dami kong sinayang na panahon pero pakiramdam ko rin wala akong sinayang dahil wala akong marerealize ngayon na may sinayang ako sa buhay ko. Natuto ako, ngayon natututo ako at alam kong sa mga darating na panahon ay may mga matutunan ako sa mga pagsasayang ng panahon ko noon.
Pangalawa:
“Young men(women)  go to war. Sometimes because they have to, sometimes because they want to. Always, they feel that they are supposed to.”
Hindi ko alam kung yan nga ang pangalawang aral sa pangalawang tao na nakausap ni Eddie sa heaven pero para sa akin isa na itong aral.
Maraming rason kung bakit mula sa kinauupuan ko ngayon (harap ng pc) ay kailangan kong tumayo mula rito. Pwedeng dahil sa kailangan, gusto ko o dahil sa ito ang nararapat.
Excited na akong makilala pa ang tatlong taong makakausap ni Eddie sa heaven at excited na rin akong kainin pa ang binili kong donut kagabi. Masarap ito kapag galing sa oven.
| 2.5 |
Viewed 1383 times by 297 viewers

manilenya
Amina ang email mo sa wordpress.com para ma add na kita
eeehhh nakaka intindi ka nmn pala nang maigi na ingles eh. hahahah
Anak,
Mas interisado ako dun sa donut. Parang ang sarap. Ginutom tuloy ako. Lalabas muna ako at bibili ako ng Hot Loops. ‘Di mo pa yan natitikman noh?
so talagang bumili ka ng libro ate..
sarap nga nung donuts.. may natira pa ba? hehehe..
natapos ko na ring basahin ung tuesdays with morrie at yang five people you meet in heaven.. maganda nga eh.. saka ginawang pelikula yan ate, nakabili na ko ng DVD dito.. natapos mo na bang basahin? maganda ung ending! nakakaaliw lang.. hehehe.. syempre di ko sasabihin.. spoiler ito!
pag tapos mong basahin yan, basahin mo rin ung for one more day.. si mitch alboom din author..
mas mura nga naman ang librong yan kesa sa PSP ate..
Ganda di ba, te Nalen? Susme, 3x ko ng nababasa yan! At yan ang dala ko sa bag ko araw-araw. Adik eh! Hahaha
Ganda sobra nyan! As in yung mga quotes na makukuha mo… hay… the best!
Sulit na sulit ang SG$15 mo.
So nakilala mo na si Blue Man at si Captain… Excited na rin akong makilala mo pa ang 3
Kwento mo kung anong na-feel mo ha, te.
Parang napanood ko sa Hallmark yang 5 people you meet in heaven. Maganda sya.
Minsan talaga me tamang oras para mabasa mo ang isang libro. Minsan me nabibili ako, ang tagal na sa akin pero di ko pa nababasa. Meron biglaan naman tas dalawang araw na taps na.
sawarimo,
nasa comment box na ng guesblogger mo
Chino,
nagkukunwari lang ako na nakakaintindi ng ingles
tay,
talagang masarap
nakatimik ako ng Krispy Kreme galing diyan
hindi ako nasarapan
mas okey pa to
yung Hot Loops
tignan ko kung matitikman ko dyan pag-uwi
karmi,
uu bumili ako
yeah may donut pa, kinokonti konti namin kain ginagawang snack
oonga nakita ko kanina nung search ako bout the book, ginawa nga syang movie pero mas gusto ko kasi magbasa kaysa manood e
yeah baka nga sunod ko yun pag nagkataon may koleksyon na ko
sasha,

naku hehehe ikaw yata kahit magpaulit ulit basahin ang isang libro e tatagal
yeah nailagay ko nga sa twitter yung mga quotes na nagustuhan ko e..via phone kasi ako kahapon e feeling ko tataaas bill ko dahil sa twitter na yan kaya inoff ko na lol!
si Blue Man pa nga lang at si Kapitan ang nameet ko mamaya baka magbasa ako after nito
mas gusto ko to kaysa sa The Alchemist :), yep yep kapag natapos ko post ko ulit sya
Ferdz,
kapag sa Hallmark pinalabas talagang maganda, dami dun diba mga di kialala ang mga actors pero kapag naumpisahan mong manood di ka na makakatayo.
naku may mangilan ngilan akong nabili at nahiram na libro na hindi ko talaga nabasa, pero sabi mo nga kapag nagustsuhan mo ang isang libro minsan walang tayuan tapos lalo na kapag di naman ganun kahabaan diba
kadalasan mas maganda nga ang libro kesa sa movie.. pero maganda rin ung movie ate..
makikita mo nga kung sino si Blue Man..
sa ganda ng mga libro ni Mitch Alboom, di mo aakalaing sports writer sya! hehehe..
karmi,

sige hanapin ko rin yung movie pero saka na pag nandun na ko para kapag homesick at nag-iisa may magawa pangtanggal ng lungkot
oo nga e diba actually hinahanap ko sya sa cable sport news na yun
gcng na gcng pa rin si ateng.. di na naman ata makatulog.. hehhe..
kapag ika’y nalolongkot at nalulumbay, tawagan mo lang ako ate..
osap lang tau.. 
maganda ba yang buk na yan?ako rin,pag nag convert na sa peso,wala na rin akong nabibili,pero if its worth it naman,why not?pwede na rin,hehe..
grabeh naman ang pila para lang sa doughnuts?? 2-3 hrs?ano yun,may kasamang gayuma?haha!
happy friday,Nalen!!
Grabe, ang tagal mo pumila para lang sa donut? Kung ganon kasarap, pipila din siguro ako ng ganon kahaba. Donut at magandang libro… perfect combination!
Alam mo bang noong isang araw ay nasa UP Shopping Mall ako, kalapit noon ay may isang bookstore at ang hinahanap ng 1 student na nakasabay ko ay iyang book na iyan. Marami na rin akong narinig na maganda raw iyan, makabili nga sa susunod at para makasama rin ako sa iyong adventure sa heven. Pero napuna ko mura iyong book doon sa may UP kesa sa mga bookstore, mabuti na lang at malikot ang paa ko ay naisipan kong maglibot after maghulog ng mail.
kulang na lang dyan kape! at wala nang hintuan ang pagbabasa.
the best ang book na yan, mas gaganda pa yan pagdating sa dulo, mai-inspire ka, maiiyak ka, mararamdaman mo yung flashback ng buhay ni eddie…
basa pa!
Abangan mo nga mare kung isa si san pedro tsaka si ugis sa na meet ni eddie sa heaven?
Unang basa ko sa title ng entry mo “Ang donut ni Eddie”. Kala ko me pagka naughty. di pala.
ahhh…i have yet to read that book. I only read Tuesdays with Morrie.
ano bang meron sa donut na yan at ganun kahaba ang pila? hehe. bago lang ba dyan? parang kaiba..nakaka-intriga!
tuesdays pa lang ang nabasa ko. buy ko nga ang five people…kailangan ba may donut din?
ako rin tinamaan… tagos sa laman, tagos sa buto… parang niratrat ako sa mga sinabing yun!
karmi,
hehehehe syang wala akong call card kaninang madaling araw e di sana tinawagan na kita lol!
ghee,
bili ka
maganda ang buk ms ghee
hahahaha ganun talaga dito kapag may bago as in pinipilahan lalo na kung libre
sa donut naman masarap naman sya e bago lang at wala talagang donut store dito kundi yun pa lang kaya talagang pinipilahan
Toe,
perfect combination nga
yung donut naman tyak makakain mo sa gutom dahil sa mahabang paghihintay lol..buti na lang may malapit na starbucks
Lani,
sabi nga ni ms bing mura daw mga libro dyan, sana magkarun ng time na makapasyal pag-uwi ko para yung masasave ko sa mga buk na bibilin ko sa national e pandagdag na rin ng another book diba?
zherwin,
actually basa basa ko sya habang pinepedicure ako ng nanay ko lol!
umpisa pa nga lang naiinspire ako saka naglalaro isip ko hinuhulaan ko na agad yung mga susunod na mamemeet nya depends sa story na binabasa ko pero madalas mali hula ko
salamat sa pagbisita
jlois,
hahahaha sige pre wento ko sayu kung sakali
jaypanti,
lol! sowee la ka nakita naughty
salamat sa pagbisita.
verns,
go and buy sistah para sa kin mas okey ang story ni Eddie kaysa kay Morrie, medyo nabato ako doon pero ganun din nman kapag hawak hawak mo yung book bout Morrie di mo rinnaman mabitawan
ey,
alam mo naman dito diba kung saan may pila o nagkakagulo ang tao lalong nadadagdagan ang pila kasi curious ang mga tao sa mga bagong nakikita lalo na kapag libre lol!, pero masarap kasi ang donut nila saka unang store to kaya ayun as in pilang pila talaga
it’s up to u kung gusto mong may donut habang nagbabasa lol!
billycoy,
niratrat? hahahaha! nice one!
btw congrats sa entry sa sa wari ko as a guest blogger
ay naintriga ako sa donut este sa libro hahah… mahanap nga dito at try ko basahin. sana di maamag at matabunan lang ng alikabok .
mousey,

kapag naumpisahan mong basahin tyak di aamagin yan, kung uulit-ulitin mong basahin gaya ng ginagawa ni sasha mas lalong di aamagin
yung donut kapag di mo kakakainin talagang aamagin
Ganda nga ng libro na yan; simula pa lang mind-bloggling na at challenging our understanding. That’s why it had been much talked about in the net…
parang maganda yang librong binabasa mo ah… kwnetuhan mo kami ha kung sino yung pangatlo…

thanks for droppingby at my blog, balik ka ha…
mukhang ok yang libro na yan, pero tingin ko, di mo naman kailangang gumastos para ma-realize ang mga bagay na yan. libre ang mabuhay—sa buhay marami kang matututunan, higit pa sa sinasabi ng librong yan. humble opinion lang melai
gusto ko rin yang morrie book na yan pero di ko pa pinapatulang bilhin yung 5 chuchu. pero tingin ko, maganda din sya. makaorder nga sa amazon…
haaay naku te nalen!! sobrang ganda nyan… nakakatouch ang mga lines! susme! tingnan lang natin pag nabasa mo na ang pang-apat na makikita nya.. haaaaay…. mapapaiyak ka talaga!
bilhin mo rin yung DVD… ang napanood ko pa lang is Tuesdays with Morrie! grabe… iyak ako ng iyak! hahahaha! para akong tanga…
gudlak te nalen!! ikwento mo pa yung mga susunod ha… hihihi!
testing
omg, melai!!! nung sabi mong nagbabantay ng donut, for a while akala ko nag papart time ka sa donut shop…
ei! Melai,
Pers, I drink 5 drums of Dunkin Donuts coffee, before I drive to work, after I parked my car at work (walk ako sa Dunkin Donuts) and probably 5 million more times in between 9-5, then pag-uwi ko. Kulay Dunkin Donut coffee na nga ang aking dugo eh.
Anyway, I blogged about this book and my experience about how I got hooked into this 5 People You Meet in Heaven. It’s on this blog that I don’t maintain anymore dahil nakalimutan ko password! He He He
Eto sya: http://bizplanuniversity.blogspot.com/2006/04/5-people-you-meet-in-heaven.html
So bakit kailangan mo maghintay ng 2-3 hours para lang sa donut?
Di pa ako nag-aalmusal, tanghalian na. Di ko kaya maghintay ng ganun katagal. Gutom na ako!
aaak! melai, math na lang ang itanong mo.case sensitive yata angmga sagot sa questions mo. napapakamot na naman ako ng ulo
gusto ko lang sabihin na sulit ang binayad mo sa libro mo, marami akong kilalang nabago ng librong yan, at tila ikaw rin.
wala pa akong kopya, but i plan to get one soon.
Gaano ba kasarap yang donuts na yan at sobrang haba yata ang pila makabili lang nyan?
Papahirap yata ang tanong sa comment box mo, dati addition lang ngayon showbiz na…hehehe.
waaaahhh..Nalen! Nakailang wrong answer ako.
kel juan,
hindi naman ako gumagastos ng walang katuturan kel
iba ang books syempre..pero tama ka dyan.
naniniwala ako na hindi lang sa libro at sa apat na sulok ng eskwelahan natututo ang tao at ako bilang indibidwal malaki ang naituro sa aking ng malawak na kalsadang dinaanan ko, walang pagtatalo syempre
ate sienna,
may ebook yata dun mo na lang basahin para walang gastos lol!
maikli lang naman sya
Culture shiok,
kasi gusto ng kakain kaya kailangan akong magtyaga
katapat naman nya yung Mr Chippy doon sa basement ng Raffles City e kaya okey lang may nginangata naman ako habang naghihintay sa donut
lady cess,
heheheeh binalik ko na yung math
yung mga attempt mo nakita ko sa spam messages ko
mukhang okey pa yung math kasi minimal lang yung mga spam messages na nakukuha ko e unlike this one
ann,

walang kasing sarap lol!!
kapag wala kang makaing donut na masarap dito
okey na yun
hehehehe balik ko na yung addition ann
Ano ba yan, kakapramis ko pa lang doon kay AJA na magwo-workout ako bukas tapos ngayon naeengganyo naman akong bumili ng donut bukas. Balanced naman sila ‘no? Tapos itong book na ito matagal nang nasa “to buy” list ko. Sige, pagkagaling sa gym bibilhin ko ang book at babasahin sa donut shop with matching coffee. Adik din po ako sa coffee. Pag nabasa ko na, makaka-comment na ako nang matino sa next post dito, hehe.
Okay itong circle na ito, ah. Andito rin ang mga balak kong pasyalan. Uumagahin na yata talaga ako kaiikot.