two and a half years ago

Taken last 2006 Chinese New Year kasabay ng mga litratong kinuha ko na nawala, ayun bumalik. Anyhow, ang tanong…ano ang kinakain ko dito?
Teka huwag nyo ng sagutin tutal wala namang premyo e.
Di yata’t naninilaw ako. Oks lang. Ganyan talaga nag-aaral magphotoshop. Matututo rin ako pramis, taga nyo yan sa bato.
Ang Kwento:
Dalawang taon limang buwan labing-apat na araw at may tatlong oras at kinse minutos, buwan ng nobyembre noong taon ika dalawang libo’t apat, November 21, 2004 in short ng pangalawang beses lumapat ng aking mga paa sa Changi Airport lulan ng Philippine Airlines. Ang sabi ko sa sarili ko mas masarap sumakay ng Singapore Airlines.
Bago pa yan ay maririnig ang tagatak ng mga daliri ko sa sa tono ng Leaving on a Jetplane saan mang sulok ng IRC o Internet Relay Chat. Opo. In between ng pagtitinda ko ng isda at paminsanang pagbabantay ng sari-sari store sa tundo ay nakakapag chat pa ako ng halos magdamag.
Malungkot ako syempre dahil sa alam kong hindi ko na magagawa yung mga bagay na gusto kong gawin pagdating ko dito. Walang EB/gimik, di na pwedeng magkompyuter (yan ang unang kabilin-bilinan ni younger sis nung makausap ko sa telepono noon. “walang kumpyuter ha!). Sa isang bwan kasing pananatili ko sa bahay nila noon ay nakapag-iwan yata ako ng dose mil (sa peso) na bill sa telepono. Libre ang dial up internet pero nakalimutan kong de metro ang telepono.
Isa pang malungkot dahil bukod sa kailangan kong iwan ang pamilya ko sa pinas ay maiiwan ko rin ang mga online friends na siya lang mayroon ako noon. Ang sabi ni Lolo, -lolo dahil habang nagpapabata ako sa ASL na 12-f-Tawi tawi siya naman ay halos kasing edad na ng nanay ko - “mag-iingat ka doon ha! huwag kang tatalon sa building tapos yun pala e tinulak ka lang ng kung sinong herodes doon.”
Syempre natakot ako sa sinabi niya kaya parang ayaw ko ng tumuloy, pero sinisipa na ko ng nanay ko palayo sa bahay kaya go na rin ako.
Noong isang araw nakita ko na naman si Lolo online. Hindi pa pala niya nakakalimutan yung paalala nya sa akin. Ang sabi niya:
Naalala ko pa rin kayong mga kaibigan ko, lagi kayong kasama sa mga dasal ko. Lalo na ikaw, kapag may nahuhulog sa building diyan, lagi kong sinasabi sa Diyos na “Lord, huwag naman po sanang si Nalen yun!”
Amen! sarap kutusan ni lolo.
| 2.5 |
Viewed 1237 times by 218 viewers

manilenya
Ako pers! Heheheeh
Kabait naman ni lolo! Hahaha… At least kasama ka lagi sa prayers nya!
Tagal mo na rin pala dyan, te. Leaving on a jetplane na naman ba ang tagatak ng mga daliri mo?
Wahahaha! Di ko alam kung matatawa ako dahil nakakatawa o maiiyak dahil sa iyong mga alaala.
Ano nga ba kinakain mo? Bag?
Hey, nabasa ko kay Niceheart, papunta ka ng Canada. Yahoo!
‘Di pala dapat tatay ang tawag mo sa’kin, dapat ay lolo. Hahahaha……
Grabe. Ganda ng intro. parang bilang na bilang at saktong sakto sa oras ah. haha
ate melai! inaabot ako ng madaling araw sa paghihintay ng pagload ng page pero di ko nasilayan kung ano yang kinakain mo sa pix. siyempre, intrigera ako. hehehe… miss ko na ang mabilis kong internet. yun lang. bow.
Sasha,
yeah medyo medyo parang napapa awit na naman ako ng I’m Leavin on a Jet Plane nito
Toe,
pwedeng maiyak ka o matawa
kaya lang hinay hinay lang wag ka pahalata dyan baka sabihin naloloka ka
lol!
hehehe bag nga yata kinakain ko teka di ko matandaan e lol!
yes yahoo nga mam toe…salamat sa dasal for me
teka nagdasal ka ba talaga para sa kin?
lol!!
engks ng marami po mwahhh!!
Tatay Schumey,
hindi tama na sa king maging tatay kita lol!!
niloloko ko lang si lolo nun e nakasanayan na
Chino Yray,
talagang pinaganda ko intro chino
saka tagal ko pinag-isipan yan
ilang araw na sa utak ko yan tignan mo ngayon lang ako updeyt
kitam kundi ba naman maganda e magcocomment ka ba hanggang sa pinakaunang entry ko?
lol!!
salamat po
ria,

hindi mo talaga masisilayan ria kasi naman nasa loob na ng bibig ko e
uyy bakit gising ka pa?
heheheh balik ka japan para mabilis ang net
@ria
isipin mo na lang.. ham yan.
haha
@melai
hahaha
pag-iisipan ko pa noh.. unless.. babayaran mo ako para magcomment at basahin lahat ng post mo dito.
Galing mo nang mag-photoshop a! Sana maturuan mo ako ng techniques. Galing naman ni Lolo, alam niya kung ano ang pwedeng maka-nerbiyos sa iyo.
Basta mag-iingat ka lang. Lahat ng kaibigan mo, nag-aalala para sa iyo. Huwag mong kakalimutan iyon.
anong ginakain nimo?! aba! ang unang tanong eh, ba’t mo kinakain ang napkin? ano ba nangyari sa yo?! he he he
Wow, ang sarap mo naman kumain!
Cellphone ba yung kinain mo sa pic? :lol kasi lalagyan ng cellphone yang hawak mo at mukhang wala nang laman.
Ayaw magpakita ng picture skin. Leaving on a jet plane, may naalala lang ako…. Mukhang malapit na naman ang byahe mo ah.
Chino,
di na uy!
di nga ako pinapasweldo e
bayad daw sa paggamit ko ng laptop at internet ng amo ko
lol!
LAR,
pinagloloko mo ako LAR e ikaw ang magaling sa photoshop
kaw talaga oo!
sabagay ganyan ang mga magagaling hindi ipinagyayabang ang galing nila
thanks ng marami LAR
reyna elena,
kulang kasi yung ginawa ng mga aunty na dumpling nung chinese new year e sa sobrang gutom ko pati napkin kinain ko na lol!
MK,
kaya nga ako tumataba MK e kasi ganyan ako kumain
jlois,
nyahahaha! pre
uu handfone ang hawak ko
no hindi ko kinain sobrang tigas e.
pre iwan na kita dito
lis na ko in 11 days
ann,
bakit ayaw magpakita?
yeah uwi na po ako ng pinas ann
ayy parang ayaw mamigay! c”,)
all the bags are packed? ready to go? hmmm…leaving on a jetplane ka na.
enjoy your last few days there! ingat ka…
eydyeyey,


as in ayaw ko talagang mamigay
hehehehe di pa naman nakapak, parang di pa rin aalis
maraming salamat
ingat ka rin
Hay buhay. Di ko alam kung matatawa ako o mangingisi sa post. hahahahaha.
Dose mil? Dyus me, pantuition na un ng kapatid ko ah. Grabe naman ang telefono. Kawawa naman. Hahaha.
Kung kukutusan mo si Lolo, naku, hindi ka na niya machachat.
Paturo nga ng Photoshop> Di ko alam yan.
amen!
ingat lagi melai.:)
eric,
nangangapa pa lang po
pag-uwi ko siguro yung isang bwan kong pagstay dyan e uubusin ko sa pag-aaral ng photoshop
kel juan,
maraming salamat kel
kaw din ingat lagi
Napakabitter
sweetfunny naman nitoAno yung kinakain mo? Mukhang tissue o yung bag lol
natatawa ako sa post mo. parang istorya ko. nanay ko rin ang mapilit na makaalis ako. ilang araw na lang ng flight ko, di pa ako nag-e-empake. ano daw ba? may balak daw ba ako umalis at bakit di pa raw ako nag-e-empuke! hahaha!! parang inip-inip ba?
sister, gulo talaga. ano ba talaga kinakain mo at parang ang sarap ng bag? mwehehehehe…. padalhan mo nga rin ako nyan dito ha?
san ba next na punta mo?
Ann,
hahahaha!!! natatawa ako lol teka lang
hehehehehe!!
pork dumpling yun e ubos na kaya walang makita sa pic kundi yung
tissue lol
e kasalukuyan ding hawak hawak ko yung handfone na nandyan sa maliit na bag lol
la ako mapaglagyan kasi nakiki celebrate lang kami sa mga chinese pipol e gate crasher nga lang kami dyan lol!
salamat pala sa bisita
kiwipinay,
asus ngayon din nanay ko mapilit lol! lam mo ba nong tinawag ko sa kanya na okey na visa ko di ko alam kung umiiyak o tumatawa yung boses e, pero syempre para naman talaga sa kanila to diba?
hehehehe wala na nga di ko rin matandaan kung ano kinakain ko basta naalala ko lang kumakain ako nyan e ubos na yata kaya tissue na lang nadyan lol tapos hawak ko yung handfone waaahhh paulet ulet ako dapat pala sinama ko na lang sa entry ko e lol!!
Canada po sis.
sigurado akong napkinyung kinakain mo - sa sobrang gutom, ano?
si lolo, nakakaaliw-ang nakatanim sa isip nya ay yung mga tumatalon sa mga building dyan sa singapore!
sexy mom,
hahahaha! sige na nga napkin na .. pero di po whisper yan plamis lol!
hay nakut tita sexy mom as in bukang daliri ni lolo yang mga nahuhulog sa mga building dito
dumaan ako!
ahehehe
Sige mare! ingat ka sa byahe mo! papunta sa bagao mong buhay! padlahan mo ako ng snowman ha!
asus talaga si lolo… very rententive ang memory. pero maganda na yan diba? Masarap alalahanin at balikan ang mga nakaraan.
Alam ko dapat yong kinakain mo ang i-guess ko pero na -distract ako sa earrings mo, cute eh. Hehe. Napaka- tweetams naman ni Lolo.
eric,
uy salamat sa pagdaan
jlois,
hehehehe sige pre di ko kakalimutan bilin mong snowman
jho,
pero ang nice ayan binigyan ako ng contct number ng taong pwede daw magbigay ng advice sa kin pag nandun na ko 
naku puro pangaral nga e, pabaon sa pupuntahan ko
musta naman mga kids?
Gypsy,
cute ba? $2 sing lang yan
parang mahirap kainin at nguyain ung kinakain mo dat time sa pic na yan ate.. un lang nakakagutom >_
mistakumi,
ang hirap nga kasi ang kunat nung niluto nilang pork dumpling e
EBs haha those were the days..
Mabuti ka nga nabubuksan mo ang photoshop, kahit madilaw nabuksan mo naman, hehehe. Ako wala talaga, kahit anong gawin, ni mapaputi o itim ang pic di ko magawa. Itaga natin sa bato matututo rin tayo, hehehe.
tagal mo rin pala sa Singapore, siguro Singapore passport holder ka na. ano nga ba kinakain mo, tissue lang kasi nakikita ko eh, hihi.
I also want to learn photoshop ate! yikes!!!
Lani,
natututo na ko ng konti lanii yipeeee
iskoo,
lol! PR nga hindi e singapore pass pa kaya
tisyu nga kinakain ko
janus,
explore mo lang
ano nga yung kinakain mo?tikoy?haha!
ako nga rin,di marunong mag photo shop..aral na rin kaya ako?