manilenya - Last updated: Sunday, April 29, 2007Noong nabasa ko yung entry ni Mon tungkol sa tramo agad na nakapa sa isip ko yung naging kaharian ko kasama pa ng ilang mga batang kaedadan ko dito sa tundo.

Ito naman ang paraiso ko na malayong malayo sa tinirahan ko ng nakaraang dalawang taon at kalahati.
Viewed 309 times by 111 viewers
manilenya - Last updated: Friday, April 27, 2007Ang swerte ko bumubulwak. Ang swerte ko parang mga biyayang madalas mamutawi sa bibig ni Bro. Mike Velarde sa mga prayer rally ng mga El Shaddai, siksik, liglig at nag-uumapaw. Hindi matapos-tapos o walang katapusan. Parang gusto ko ng sumuko at sabihin sa mga nagkakalat ng swerte na TAMA NA, SOBRA NA, TIGILAN NA!]
Viewed 352 times by 123 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, April 26, 2007Sabi ni smarie dito  ”when it rains, it pours”. Sabi naman ni ate rhodora sa mga nangyari sa akin sa loob ng dalawang araw na pananatili ko dito e swerte nga daw. At mukhang ang swerte ko nga umuulan.
Iyong dalawang swerte ko mukhang nadagdagan eksaktong isang linggo ko dito. Mas matindi pa sa amoy ebak na natapakan ko at mas masakit pa sa kagat ng pusa na natapakan ko rin.
Viewed 335 times by 121 viewers
manilenya - Last updated: Tuesday, April 24, 2007Bago ang lahat ito muna:
LIBRE AT MALAYANG PAGSASANAY
SA PAGLIKHA NG AWIT
April 28, 29, May 5, 6, 12, 13
Sabado at Linggo lang, 2-7pmPangungunahan ni HEBER BARTOLOME
Sa kanyang studio-gallery
170 Banlat Rd., Tandang Sora
Quezon City
tel. 4530516
heberko@gmail.comPara sa reservation, tumawag o mag-email muna
maghanda ng 20 kopya ng lyrics
magdala ng cd ng kanta kung di kaya kumanta ng live
magdala ng gitara at meryenda kung kailangan
ANG WORKSHOP NA ITO AY WALANG BAYAD
Nakuha ko ito sa site ng  FilipinoWriter, gusto ko sanang sumali dahil sa libre ito pero naalala kong hindi ako gumagawa ng kanta, nagkukuwento lang ako ng buhay ko dito.Â
Kung sino man ang may hilig sa larangan ng pagkatha ng awit ng syempre may tema ng pagiging malaya ay tiyak na may malaking itutulong ang pagsasanay na ito.
Good Luck! Sana ay may sumali na makakakita nito.
| 2.5 |
Viewed 121 times by 47 viewers
manilenya - Last updated: Monday, April 23, 2007Tama ba itong naririnig ko? nasa admin page ako ng aking wordpress pero naririnig ko ang background music ng main blog ko? Multo? wahehehehe pilitin ko daw bang takutin ang sarili ko?
Swerte o malas? may mga sabi-sabi sa tabi-tabi na kapag nakatapak ka daw ng ebak (sana hindi ka kumakain) swerte daw yun. Para sa akin pinapagaan lang ng nagsasabi na swerte ka para hindi ka magtitili dahil sa nakaapak ka nga ng ebak.
Viewed 130 times by 40 viewers
manilenya - Last updated: Saturday, April 21, 2007Tinag ako ni ManilaMom aka Ms Maia Jose, bakit daw ako nagbablog? Tinatanong pa ba yan? Hindi na kaya di ko na gagawin lol!!! jowk jowk jowk…….syempre dapat gawin kasi friends na kami e.
Bakit daw ako nagbablog?
Viewed 163 times by 62 viewers
manilenya - Last updated: Friday, April 20, 2007Hindi ko alam kung ano ang nangyari dito, hindi ko maopen ang motorola handfone ko using USB. Gusto ko sanang ipost ang picture na kinuha ko kanina sa NBI office sa Quiapo. Akala ko ako lang ang nakapansin pero pagsilip sa likod ni Aya ang sabi niya ‘ay sira!’.
Gusto ko sanang ipost ang dalawang picture na nakikita pa ang mga letrang NBI sa tabi ng Philippine flag na SIRA. Nasira na siguro dahil sa ulan at malakas na hangin, wala na ang tahi sa mga dulo nya at may mga nalaglag na parte sa ibaba ng watawat.
Wala yatang nakakapansin dito. Hindi naman kasi yata nag faflag ceremony ang kagawaran ng NBI doon.
Pansin ko rin talagang hindi ito mapapansin dahil natatabingan ito ng mga bubungan ng mga tindahan sa gitna ng kalsadang iyon.
Tanong ko lang. ano ba ang mas nakakababoy? ang pagkanta ng Pambansang Awit sa ibang tono sa isang internasyunal na palaro o ang hindi pagpansin sa sirang watawat na naturingan pang nasa opisina ng isang ahensya ng pamahalaan?
Viewed 214 times by 73 viewers
manilenya - Last updated: Tuesday, April 17, 2007Kung pwede ko lang sunugin tong pc na gamit ko baka nasunog ko na, hang kulet! nakailang post na ko ng reply sa mga comment at nakapag-email na rin ako pero laging nagkaka-error. Inuubos talaga nito ang pasensya kong sobrang haba.
Ako yata ang bagong uwi na walang maipost, usually nakakapagpost ako agad sa tuwing uuwi ako dito, pero wala. Kaya kesa sa pilitin ko ang utak ko hanggang sa dumugo dapat siguro gawin ko na yung mga nakatenggang meme ng aking mga labidabi blogmates.
Viewed 157 times by 55 viewers
manilenya - Last updated: Sunday, April 15, 2007Kagabi:
Dinner treat ng employer ko kasama ni younger sis, pagkatapos ay isang malayang paglalakad sa may Clark Quay. Last bonding pagkatapos ng dalawang taon at kalahating pagsasama dito sa Singapore, naghanap kami ng maaring pagtawiran ng isang gabing saya ng makita namin ang reverse bungee. Sabi niya mag reverse bungee daw ako ang sabi ko hindi iyong ang depinisyon ko ng pagsasaya. Hindi ko trip at kahit kailan hindi ko yata gagawin ang mag bungee jumping o reverse bungee.
Viewed 155 times by 49 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, April 12, 2007
Hindi ko na itatanong sa sarili ko kung bakit ba kailangan ko pang maghintay ng dalawa hanggang tatlong oras para lang makabili ng dalawang dosenang donut dahil alam ko na ang sagot.Â
Katulad noong isang araw, tatlong oras na naman akong nakatayo sa isang mall dito. Kasalanan ko rin naman e, tinawagan ko si younger sis kung gusto nya ng donut dahil nasa labas naman ako. Siyempre natuwa siya.
Pero hindi katulad noong isang araw hindi ako kumpleto sa armas, pumupugak-pugak ang baterya ng handphone ko, ganoon din ng mp3 player na dala ko at higit sa lahat wala akong dalang libro na mababasa sa loob ng ilang oras na paghihintay. Ang meron lang ako ay paa na panlakad sa kalapit na tindahan ng makakain at konting barya na pambili syempre. Pwede na rin sana. Para ka lang nanonood ng sine, may sitsirya habang sumusulyap-sulyap sa mga nagdaraang tao na sumusulyap-sulyap din sa amin, nagtataka kung bakit kami nakapila sa mahigit na apat na tindahan sa mall na yun.
Bago ako pumila may nakita akong isang bookshop sa di kalayuan. Hinablot ko sa shelf ang libro ni Mitch Albom na The Five People You Meet in Heaven. Tinignan ko ang presyo sa likuran. Almost SG$15, P450 sa atin. Madalas kapag ganitong nagcoconvert na ako ng dolyar sa peso hindi na ko nakakabili pero ngayon kailangan ko ito.
Viewed 167 times by 47 viewers
manilenya - Last updated: Tuesday, April 10, 2007“Submit ko na? Sigurado ka na ba?”
At sinubmit na nga ang pagkakansela ng working permit ko. Yung tanong ng employer ko, parang hindi pa ko sigurado na magpacancel pero dahil sinubmit nya na nga online simula bukas ay isang linggo na lang ang pwede kong ipanatili dito. Isa na akong ganap na turista sa bayan ng Singapura. Naks! gandang pakinggan. Turista.
Viewed 155 times by 47 viewers
manilenya - Last updated: Saturday, April 7, 2007So compassionate, so faithful, so loving You are Our Father. 
We ask You to increase our faith and our love for You that we may use blogging as an instrument to fulfill Your purposes. May we become bloggers of truth and promoters of peace.
Help us to be steadfast in our Christian commitment that visitors may find in our blogs a source of encouragement and inspiration. Give us strength to proclaim Your word, that we may play our part in breaking down the walls of hostility in the world and use our blogs to strengthen the bonds of friendship, solidarity and love.
Viewed 124 times by 41 viewers
manilenya - Last updated: Wednesday, April 4, 2007
Taken last 2006 Chinese New Year kasabay ng mga litratong kinuha ko na nawala, ayun bumalik. Anyhow, ang tanong…ano ang kinakain ko dito?
Teka huwag nyo ng sagutin tutal wala namang premyo e.
Di yata’t naninilaw ako. Oks lang. Ganyan talaga nag-aaral magphotoshop. Matututo rin ako pramis, taga nyo yan sa bato.
Viewed 148 times by 50 viewers


piapot


