manilenya

Mga karanasan, haka-haka, opinyon at rebuttal ng isang bobang pinay
Subscribe

modern day domestic helper cum blogger blogs about her employer

March 31, 2007 By: User Imagemanilenya Category: blog, pinoy diaspora

Sabi ko kung magpopost ako ngayon malamang sa hindi puyat na naman ako.  Pero dahil sa nandito na ako at puyat na nga itutuloy ko na. Magreply, magbloghop, magpost hanggang umaga.

Isang rason para hindi masabing isa akong dakilang chimi-aa.  Sino nga ba namang Bagong Bayani (Domestic Helper) ang may ganitong klaseng pribilehiyo…ang magblog hanggang gusto.  Okey lang.  Sa maniwala kayo’t sa hindi binabasa paminsan-minsan ng amo ko ang blog ko at ang masaya suportado nya ako sa pamamagitan ng pagpapagamit ng medyo bago pang utang na laptop at bagong wifi internet connection.  Sama ko na yung paminsan-minsan nyang pagkuha ng mga larawan na pwede kong maging subject matter, konsyerto ng isang pinoy band at minsang pagbigay sa akin ng isang IT Company sa pinas na nangangailangan ng mga bagong IT professionals.  Masaya.  Sobrang saya.  Saan ka nakakita ng ganyang klaseng amo?

Dito lang yun sa bahay ng pinagtatrabahuhan ko.

Rate this:
2.5

Viewed 1165 times by 233 viewers

RSS feed | Trackback URI

53 Comments »

Comment by no imageSchumey (Who am I?)
2007-03-31 04:56:42

Ang sarap naman. Mabuti nga at mabait ang iyong employer. Basta’t marangal ang iyong trabaho, iyan ay dapat ipagmalaki at hindi dapat ikahiya.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageeydyeyey (Who am I?)
2007-03-31 08:07:05

masaya nga! :) lucky u!
but im sure u are giving them the best of u that’s why in return they are so kind to u. it’s like reaping what u sow.

be proud!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagejho (Who am I?)
2007-03-31 09:33:07

wow! sarap sarap naman nang ganyang trabho… Suportado pa ni boss ang iyong ginagaw. Samantalang sa ibang company pakatago-tago pa ng mga empleyado yung mga internet ek-ek…
Buti na lang dun sa pinapasukan ko ok lang yang internet pero siyempre dapat wala kaming pending sa work…

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemicamyx (Who am I?)
2007-03-31 09:58:37

Mahal kong Ate Melai,

Bakit ba kailangan ko pa rin n=g mathematics sa pagcomment ko d2? :D

Anyway anyhow, swerte mo mabait ang iyong amo.. siguro napakabait mo talaga kaya sinusuklian din nila ng kabutihan ang iyong kabutihan (mlinaw ba? hahaha)

sorry ate inaantok pa ako.. namiss lang kita hehehe

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagegibo (Who am I?)
2007-03-31 12:26:59

ang galing. buti ka maayos ang amo mo. nasa hongkong ako last year at nakita ko kung paano pilit umaalis ng bahay ang karamihan ng mga dm na kababayan natin don dahil inuutusan pa rin sila kahit day off. mukhang di mo naman sinayang ang oportunidad. you have a great blog - a real inspiration to us newbies. :)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagebingskee (Who am I?)
2007-03-31 13:38:44

what a privilege! ang saya nga nun. iilan na lamang ang pinalad sa mga amo.

Rate this:
2.8
 
Comment by no imagejlois (Who am I?)
2007-03-31 14:42:18

Swerte ka nga mare! may kakilala yung kumpare ko dito na ganyan din ang trabaho eh tumakas sa amo nya umuwi na hindi man lang talaga pina-sweldo. Tinulungan na nga lang daw nila eh para maka-uwi.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagekeljuan (Who am I?)
2007-03-31 15:33:55

astig naman. pero kung tutuusin, dapat lang. huwag paaapi!:)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagelady cess (Who am I?)
2007-03-31 16:05:18

wow, ok yan ha. im glad you have a good employer. :)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageToe (Who am I?)
2007-03-31 18:20:22

Nalen, pag pumunta akong Singapore, pwede bang makitira sa boss mo? :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemalaya (Who am I?)
2007-03-31 19:44:31

masaya nga, sana ganyan lahat ng employers! mataas magpasuweldo, hindi nang-iisa o nagte-take advantage sa trabahador at gusto ring umunlad ang kanyang manggagawa.
paampon kaya ako sa employer mo? hehehe

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemyepinoy (Who am I?)
2007-03-31 21:09:14

Dapat binobigyan ng award ng gobyerno ang mga employer na ganyan.

Napaka-swerti mo, para kang tumama sa lotto, di nga lang 100 million.

Happy weekend.

Rate this:
1.6
 
Comment by no imageghee (Who am I?)
2007-04-01 00:30:56

wow!napakaswerte mo nga,wala ka nang makikitang ganyang amo sa ngayon,imagine,bagong laptop at bagong wifi internet connection.

siguro dahil magaling ka nmang makisama sa kanila,you desrve it kaya ganon kabait sa yo ang amo mo :)

tulog na ako talaga…hehe..nite!!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageMon (Who am I?)
2007-04-01 01:01:54

6 and 9 eh di 69 ayaw tanggapin ang sagot ko whaaaaa!

Nalen tanda ko pa yung kwento mo about the the white-rabbit. Ikaw na siguro ang pinakamayaman na bata noon sa class n’yo. Ini-relate ko lang sa kwento mo ngayon. Haay naman, I’m really proud of you. Bihira sa atin ang di takot gumulong sa lupa para lang mabigyan ng magandang kinabukasan ang sarile at ang pamilya. One day soon you’ll benifit the result of hard work.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-04-01 01:41:49

Schumey,
tama! korek!
ipinagmamalaki ko po na ako’y isang kasambahay
sa bansang singapura :)

eydeyeyey,
yes edyeyey
I am proud to be pinay
and proud to be tsimi-aa ;)
salamat sa bisita :)

jho,
depende sa employer syempre
swerte lang talaga ako
tapos minalas yung pinsan ko naka ilang amo na sya dito di ko alam kung sa kanya may problem
o sa mga naging amo nya.

micamyx,
mahal kong mica,
sowee di ko pa napapalitan ang anti spam ko
yaan mo kapag nagkaroon ng time
hahanap ako ng plugin in na swak na swak at bagay na bagay sayo
yung saktong sakto baga. :)

hehehehe malinaw naman ang sinabi mo :)
kaw ang naguguluhan kasi antok ka na :)

gibo,
may mga kwento ring ganyan dito, minsan gusto kong ikwento yung mga karanasan ng ilang OFW
na may hindi magandang karanasan sa mga employer pero madalas din gusto kong ikwento
yung naging magandang buhay ng karamihan sa mga employer nila
pero kahit may maganda silang kwento…kapag naririnig ko naman yung kwento ng buhay nila bilang ina at asawa ng pamilyang nasa pinas…sa totoo lang naiiyak ako.

bingskee,
sa tingin ko marami pa rin naman
kaya nga marami pa ring hindi umuuwi ng pinas e diba :)
yun nga lang mas malakas ang impact ng mga balitang hindi magandang sitwasyon ng iba
kaya ganun.

jlois,
ganun talaga pre
may swerte may malas

keljuan,
kaysa magpa -api
uwi na lang ako ng pinas
tapos join ako migrante
sisingilin ko ang dapat singilin kung bakit kailangang
apihin ako sa ibang bansa para mabuhay ang pamilya
lol
teka
na- agitate ako ayo :)

lady-cess,
uunga e sobrang saya :)

Toe,
kailan? sige sabihin ko
papayag yun :)

malaya,
kaso hindi lahat ganyan e :(
uhmmnnn
saka ka na magpa ampon sa kanila kapag nagmigrate na sila sa Oz lol!

myepinoy,
alam ko dito may award na ganyan e
kaso di kami sumasali para magnominate at bumoto
ewan ko … wala lang :)

happy weekend din po

ghee,
mayroon din akong nababalitaan dito, madalas ako magtanong sa mga nakakausap kong kapwa DH e,
yung iba swerte yung iba malas… nakakalungkot kapag nakakarinig ka ng hindi maganda
pero sobrang nakakatuwa naman kapag nakakarinig ng magagandang kwento ng buhay nila.

Mon,
hehehehe sowee
yaan mo tatanggalin ko na yan :)
wahehehe hahanapin ko yung kwento ko bout white rabbit
ako yata ang di makatanda e lol!
Mon nabuhay ako sa lupa kaya sanay na kong magpagulong gulong doon
minsan ginamit pa ng nanay ko ang buhangin para lang makapagluto nung time na kailangang isanla ang kalang de gas para lang may maisaing :)
hehehe nubayan redundant ako :)

magdilang anghel ka sana Mon the Ninja kid..uy may palabas ka ha :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageChino Yray (Who am I?)
2007-04-01 02:00:49

dapat lang. haha okay ung ganyan na employer, supportive.

Kumbaga.. kung san ka masaya eh.. suportahan taka! :)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-04-01 02:21:57

Chino Yray,
hay naku sinabi mo pa!
kaya nga ako paglaki ko
gagayahin ko sila
totoo!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageToe (Who am I?)
2007-04-01 07:28:08

Melai, joke lang! Jahe naman sa boss mo. :) But I do know we have some free miles to Singapore… kita na lang tayo pag pwede na namin gamitin. :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageAbaniko (Who am I?)
2007-04-01 12:17:34

Ang swerte mo sa amo, ah. Sarap magtrabaho ng ganyan. :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagebrVincce (Who am I?)
2007-04-01 13:48:13

ate, magkasosyo na ba kayo ng amo mo? blogger din ba sya? :D ayos ah! i hope i can convince my superior to blog din though they know about my site di naman ako pinagbabawalan pa :D

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagebrVince (Who am I?)
2007-04-01 13:49:39

mali pala yung email add ko sensya na po :)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagelhadymitch (Who am I?)
2007-04-01 17:34:29

ellow sis muzta poh! ang tagal kong d nakabisita d2!
wow masarap magtrabaho pag ganyan ang amo noh!
btw vote for me sa teen blog awards visit my site for more info.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageGypsy (Who am I?)
2007-04-01 18:49:50

Wala akong masabi sa amo mo, mapalad ka ngang talaga. :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageScarlett (Who am I?)
2007-04-01 20:05:27

Wow. Mapalad ka Melai! San ka ba naman makakita ng amo na pinapagamit ang laptop kasama pa ang free wifi connection?? Isa pang wow! Cool!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagesasha (Who am I?)
2007-04-02 02:47:58

Kaya nga ako di naniniwalang DH ka, te Nalen! Kasi halos lagi kang online! Hehe…

Swerte mo naman sa employer mo. Di ba madalas sa hindi pangit ang istoryang naririnig natin sa mga DH. At least may positive story na akong nabasa ngaun.

Sana lahat ng amo katulad ng amo mo :)

Rate this:
2.9
 
2007-04-02 04:54:47

Nakakainis… bakit ngayon lang uli ako nakabisita dito, ate melai?

Anyway, nakakatuwa naman at mayroon po kayong ganyang pribilehiyo. Dito kaya sa Pilipinas, papayagan ng mga amo na paggamitin ang kanilang mga chimi-aa ng computer at makipaglamfungan sa YM nang magdamag (i think that’s too much ^_^)

Pero naiintindihan po ba ng amo niyo po ang pinaggagagawa niyo sa blog na ito? ^_^

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagereyna elena (Who am I?)
2007-04-02 07:30:58

pucha! pina-add pa ako bago ako mag-pos! grabe namang higpit nang sikyo dito!

anyway! nakakairita ka talaga! pati boss mo partner in crime mo sa blog mo? nakuuuu?! pano ako makakakuha nang boss na ganun?

yong impakto kong boss, vinovoodoo ko na, di tablan, on-call ako, na-aksidente na ako, wala pang pakialam ang huditas, pati insurance deductible ko ayaw bayaran nang gagita, eto pinagdarasal ko’t sinindihan nang kandila na sana madapa talaga sya sa kanto nang opisina namin nang mga alas otso y medya kasi madaming tao dun sa kanto sa oras na yon.

kung pede pa lang ngang hiramin camera nam boss mo para makunan ko ang bwisit na boss ko habang nagdadalamurak ang mukha sa kalsadang ubod nang itim! nakkuuu!!!

swerte mo talaga! tse!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagekneeko (Who am I?)
2007-04-02 13:22:39

wheeww… ayos ah. pre, kala ko dati nakapag-asawa ka ng taga dyan hehehe…

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemyphemaster (Who am I?)
2007-04-02 14:14:15

Tagal na rin pala ako offline… nasa abroad ka na pala ms. melai. Mabuti po at mabait mga bossing natin jan. ingat po!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-04-02 18:09:04

Toe,
naku mam Toe baka kapag pwede mo ng gamitin wala na ko dito :(

Abaniko,
sinabi mo pa :)

vince,
kinoconvince kong magblog e wala daw syang time sobrang busy sa work
pero now bago ako umalis dito e kailangan nyang mag-aral magblog dahil wala ng mag mamaintain ng blog ng anak nya kapag umalis ako :)

lhadymitch,
gud lak sa teen blog awards :)

Gypsy,
kaya nga sabi ko GOD BLESS THEM e :)

Scarlett,
cool talaga :)

sasha,
hehehe laging patakas yan kasi kakahiya naman kung lagi ako online diba lol!
may hiya din naman ako :)
marami din namang positive story dito she
ang negative e yung reason bakit nandito ang mga kababayan nating mga DH dahil karamihan sa kanila e
mga graduate ng college at matatalino pero nagkakatulong lang.

Neil,
aba e ewan ko sayo kung bakit ngayon ka lang uli nakabisita dito lol

uhmnnnn sa amin pwede :) pwedeng pwede basta wala ng gagawin sa bahay, actually nakakapag online nga dati sa computer shop ng sis ko yun e :)

hmmn naiintindihan nya kasi pinay sya at naaliw daw sya ..galing galing ko daw lol!! kasi di sya nunong magblog e :)

reyna elena,
ganyan talaga buhay
lagi kasi ako wala kaya kailangan may sekyu :)
hahahaha!! hindi ka naman sobrang inis s bos mo ha
uy bakit ganyan boss mo dapat magstrike ka
grabeh yan ha bakit di binayaran insurance mo? pinapayaman mo sila ng husto pagkatapos
naaksidente ka ng siya me kasalanan pinabayaan ka?

kung ako sayo hanap ako ng ibang amo period.
tutal mukhang magaling ka naman eh
sila mawawalan hindi ikaw.

nahihiya na kong humiram kasi nga diba gamit ko na laptop nya tapos hihiramin ko pa cam nya
sobrang kapal ko na nun day

yaan mo pray na lang kitang makahanap ng bos na kasing bait ng mga amo ko :)
plamis!

mype,
san ka galing?
uhmmnn nung nagkabungguang braso tayo online
nandito na po ako ..mga 2004 pa :)

kneeko,
wahehehhe pre! walang magkagusto sa king taga rito e

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagejerome (Who am I?)
2007-04-02 21:35:04

hello! bloghoppin…’

ang bait nman ng amo mo, blog reader m p.. pmpadagdag s blog hits.. hehe..

yan ang makabagong Bagong Bayani (ang awkward yata ng phrase ko ah.. hehe)… marunong sumabay sa takbo ng panahon, lalo na sa teknolohiya.. keep it up!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagekeljuan (Who am I?)
2007-04-02 22:44:11

bagong url ko nga pala yan.:)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagesasha (Who am I?)
2007-04-03 00:22:08

Yung kapatid ng bespren ko nag-DH sa HK. Nag-apply kasi sa Canadian Embassy doon. Licensed teacher yun pero wala pang experience kaya di makakuha ng direct hire sa Canada. Eh mas mabilis ang processing sa HK kaya pansamantala nag-DH nga. After less than a year, nasa Canada na sya.

Yung iba ginagawang stepping stone yung pagiging DH kasi nga mas madali mag-cross country dyan sa labas ng Pinas.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-04-03 01:24:03

jerome,
redundant kasi kaya awkward :)
ei akala ko kaw si mareng bridgett ko lol sowee :0
salamat sa pagbisita!

keljuan,
sige add ko na sa links ko :)

sasha,
actually ganun din ang nangyari sa kin,
dahil sa mahihirapan akong umalis papuntang C dyan kaya andito ako

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagereyna elena (Who am I?)
2007-04-03 08:33:52

Sorry, it seems you didn’t pass math!!

BWISIT TALAGA! Hmpppttt! Ininsulto pa ako nang sikyo mo! Nagpos ako, pagkahaba haba, nawala!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagereyna elena (Who am I?)
2007-04-03 08:40:02

Please add 0 and 1

(he he he! naawa sikyo mo sakin!)

Anyway, as I was saying na nabura’t nawala, bow ang reyna sayo. Kasi nga, ibinalandra mo sa blog mo na DH ka and I know that to some people iba ang dating nyan and I am just impressed dahil here you are, very talented at talagang handang ipaglaban ang kagandahan nang isang kagaya mo. Eh sa blog mo pa lang nakakaloka na. Keep it up, talagang ang galing galing mo.

Sya, sa susunod, bibili pa ako nang suka eh.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagereyna elena (Who am I?)
2007-04-03 08:42:46

to SASHA dun sa number 3 comment:

a