Sabi ko kung magpopost ako ngayon malamang sa hindi puyat na naman ako. Pero dahil sa nandito na ako at puyat na nga itutuloy ko na. Magreply, magbloghop, magpost hanggang umaga.
Isang rason para hindi masabing isa akong dakilang chimi-aa. Sino nga ba namang Bagong Bayani (Domestic Helper) ang may ganitong klaseng pribilehiyo…ang magblog hanggang gusto. Okey lang. Sa maniwala kayo’t sa hindi binabasa paminsan-minsan ng amo ko ang blog ko at ang masaya suportado nya ako sa pamamagitan ng pagpapagamit ng medyo bago pang utang na laptop at bagong wifi internet connection. Sama ko na yung paminsan-minsan nyang pagkuha ng mga larawan na pwede kong maging subject matter, konsyerto ng isang pinoy band at minsang pagbigay sa akin ng isang IT Company sa pinas na nangangailangan ng mga bagong IT professionals. Masaya. Sobrang saya. Saan ka nakakita ng ganyang klaseng amo?
Dito lang yun sa bahay ng pinagtatrabahuhan ko.
Viewed 1107 times by 125 viewers
March 31st, 2007 at 4:56 am
Ang sarap naman. Mabuti nga at mabait ang iyong employer. Basta’t marangal ang iyong trabaho, iyan ay dapat ipagmalaki at hindi dapat ikahiya.
March 31st, 2007 at 8:07 am
masaya nga!
lucky u!
but im sure u are giving them the best of u that’s why in return they are so kind to u. it’s like reaping what u sow.
be proud!
March 31st, 2007 at 9:33 am
wow! sarap sarap naman nang ganyang trabho… Suportado pa ni boss ang iyong ginagaw. Samantalang sa ibang company pakatago-tago pa ng mga empleyado yung mga internet ek-ek…
Buti na lang dun sa pinapasukan ko ok lang yang internet pero siyempre dapat wala kaming pending sa work…
March 31st, 2007 at 9:58 am
Mahal kong Ate Melai,
Bakit ba kailangan ko pa rin n=g mathematics sa pagcomment ko d2?
Anyway anyhow, swerte mo mabait ang iyong amo.. siguro napakabait mo talaga kaya sinusuklian din nila ng kabutihan ang iyong kabutihan (mlinaw ba? hahaha)
sorry ate inaantok pa ako.. namiss lang kita hehehe
March 31st, 2007 at 12:26 pm
ang galing. buti ka maayos ang amo mo. nasa hongkong ako last year at nakita ko kung paano pilit umaalis ng bahay ang karamihan ng mga dm na kababayan natin don dahil inuutusan pa rin sila kahit day off. mukhang di mo naman sinayang ang oportunidad. you have a great blog - a real inspiration to us newbies.
March 31st, 2007 at 1:38 pm
what a privilege! ang saya nga nun. iilan na lamang ang pinalad sa mga amo.
March 31st, 2007 at 2:42 pm
Swerte ka nga mare! may kakilala yung kumpare ko dito na ganyan din ang trabaho eh tumakas sa amo nya umuwi na hindi man lang talaga pina-sweldo. Tinulungan na nga lang daw nila eh para maka-uwi.
March 31st, 2007 at 3:33 pm
astig naman. pero kung tutuusin, dapat lang. huwag paaapi!:)
March 31st, 2007 at 4:05 pm
wow, ok yan ha. im glad you have a good employer.
March 31st, 2007 at 6:20 pm
Nalen, pag pumunta akong Singapore, pwede bang makitira sa boss mo?
March 31st, 2007 at 7:44 pm
masaya nga, sana ganyan lahat ng employers! mataas magpasuweldo, hindi nang-iisa o nagte-take advantage sa trabahador at gusto ring umunlad ang kanyang manggagawa.
paampon kaya ako sa employer mo? hehehe
March 31st, 2007 at 9:09 pm
Dapat binobigyan ng award ng gobyerno ang mga employer na ganyan.
Napaka-swerti mo, para kang tumama sa lotto, di nga lang 100 million.
Happy weekend.
April 1st, 2007 at 12:30 am
wow!napakaswerte mo nga,wala ka nang makikitang ganyang amo sa ngayon,imagine,bagong laptop at bagong wifi internet connection.
siguro dahil magaling ka nmang makisama sa kanila,you desrve it kaya ganon kabait sa yo ang amo mo
tulog na ako talaga…hehe..nite!!
April 1st, 2007 at 1:01 am
6 and 9 eh di 69 ayaw tanggapin ang sagot ko whaaaaa!
Nalen tanda ko pa yung kwento mo about the the white-rabbit. Ikaw na siguro ang pinakamayaman na bata noon sa class n’yo. Ini-relate ko lang sa kwento mo ngayon. Haay naman, I’m really proud of you. Bihira sa atin ang di takot gumulong sa lupa para lang mabigyan ng magandang kinabukasan ang sarile at ang pamilya. One day soon you’ll benifit the result of hard work.
April 1st, 2007 at 1:41 am
Schumey,
salamat sa bisita 
tama! korek!
ipinagmamalaki ko po na ako’y isang kasambahay
sa bansang singapura
eydeyeyey,
yes edyeyey
I am proud to be pinay
and proud to be tsimi-aa
jho,
depende sa employer syempre
swerte lang talaga ako
tapos minalas yung pinsan ko naka ilang amo na sya dito di ko alam kung sa kanya may problem
o sa mga naging amo nya.
micamyx,
kaw ang naguguluhan kasi antok ka na 
mahal kong mica,
sowee di ko pa napapalitan ang anti spam ko
yaan mo kapag nagkaroon ng time
hahanap ako ng plugin in na swak na swak at bagay na bagay sayo
yung saktong sakto baga.
hehehehe malinaw naman ang sinabi mo
gibo,
may mga kwento ring ganyan dito, minsan gusto kong ikwento yung mga karanasan ng ilang OFW
na may hindi magandang karanasan sa mga employer pero madalas din gusto kong ikwento
yung naging magandang buhay ng karamihan sa mga employer nila
pero kahit may maganda silang kwento…kapag naririnig ko naman yung kwento ng buhay nila bilang ina at asawa ng pamilyang nasa pinas…sa totoo lang naiiyak ako.
bingskee,
yun nga lang mas malakas ang impact ng mga balitang hindi magandang sitwasyon ng iba
sa tingin ko marami pa rin naman
kaya nga marami pa ring hindi umuuwi ng pinas e diba
kaya ganun.
jlois,
ganun talaga pre
may swerte may malas
keljuan,


uhmmnnn
kaysa magpa -api
uwi na lang ako ng pinas
tapos join ako migrante
sisingilin ko ang dapat singilin kung bakit kailangang
apihin ako sa ibang bansa para mabuhay ang pamilya
lol
teka
na- agitate ako ayo
lady-cess,
uunga e sobrang saya
Toe,
kailan? sige sabihin ko
papayag yun
malaya,
kaso hindi lahat ganyan e
saka ka na magpa ampon sa kanila kapag nagmigrate na sila sa Oz lol!
myepinoy,
alam ko dito may award na ganyan e
kaso di kami sumasali para magnominate at bumoto
ewan ko … wala lang
happy weekend din po
ghee,
mayroon din akong nababalitaan dito, madalas ako magtanong sa mga nakakausap kong kapwa DH e,
yung iba swerte yung iba malas… nakakalungkot kapag nakakarinig ka ng hindi maganda
pero sobrang nakakatuwa naman kapag nakakarinig ng magagandang kwento ng buhay nila.
Mon,
wahehehe hahanapin ko yung kwento ko bout white rabbit
hehehe nubayan redundant ako 
hehehehe sowee
yaan mo tatanggalin ko na yan
ako yata ang di makatanda e lol!
Mon nabuhay ako sa lupa kaya sanay na kong magpagulong gulong doon
minsan ginamit pa ng nanay ko ang buhangin para lang makapagluto nung time na kailangang isanla ang kalang de gas para lang may maisaing
magdilang anghel ka sana Mon the Ninja kid..uy may palabas ka ha
April 1st, 2007 at 2:00 am
dapat lang. haha okay ung ganyan na employer, supportive.
Kumbaga.. kung san ka masaya eh.. suportahan taka!
April 1st, 2007 at 2:21 am
Chino Yray,
hay naku sinabi mo pa!
kaya nga ako paglaki ko
gagayahin ko sila
totoo!
April 1st, 2007 at 7:28 am
Melai, joke lang! Jahe naman sa boss mo.
But I do know we have some free miles to Singapore… kita na lang tayo pag pwede na namin gamitin.
April 1st, 2007 at 12:17 pm
Ang swerte mo sa amo, ah. Sarap magtrabaho ng ganyan.
April 1st, 2007 at 1:48 pm
ate, magkasosyo na ba kayo ng amo mo? blogger din ba sya?
ayos ah! i hope i can convince my superior to blog din though they know about my site di naman ako pinagbabawalan pa
April 1st, 2007 at 1:49 pm
mali pala yung email add ko sensya na po
April 1st, 2007 at 5:34 pm
ellow sis muzta poh! ang tagal kong d nakabisita d2!
wow masarap magtrabaho pag ganyan ang amo noh!
btw vote for me sa teen blog awards visit my site for more info.
April 1st, 2007 at 6:49 pm
Wala akong masabi sa amo mo, mapalad ka ngang talaga.
April 1st, 2007 at 8:05 pm
Wow. Mapalad ka Melai! San ka ba naman makakita ng amo na pinapagamit ang laptop kasama pa ang free wifi connection?? Isa pang wow! Cool!
April 2nd, 2007 at 2:47 am
Kaya nga ako di naniniwalang DH ka, te Nalen! Kasi halos lagi kang online! Hehe…
Swerte mo naman sa employer mo. Di ba madalas sa hindi pangit ang istoryang naririnig natin sa mga DH. At least may positive story na akong nabasa ngaun.
Sana lahat ng amo katulad ng amo mo
April 2nd, 2007 at 4:54 am
Nakakainis… bakit ngayon lang uli ako nakabisita dito, ate melai?
Anyway, nakakatuwa naman at mayroon po kayong ganyang pribilehiyo. Dito kaya sa Pilipinas, papayagan ng mga amo na paggamitin ang kanilang mga chimi-aa ng computer at makipaglamfungan sa YM nang magdamag (i think that’s too much ^_^)
Pero naiintindihan po ba ng amo niyo po ang pinaggagagawa niyo sa blog na ito? ^_^
April 2nd, 2007 at 7:30 am
pucha! pina-add pa ako bago ako mag-pos! grabe namang higpit nang sikyo dito!
anyway! nakakairita ka talaga! pati boss mo partner in crime mo sa blog mo? nakuuuu?! pano ako makakakuha nang boss na ganun?
yong impakto kong boss, vinovoodoo ko na, di tablan, on-call ako, na-aksidente na ako, wala pang pakialam ang huditas, pati insurance deductible ko ayaw bayaran nang gagita, eto pinagdarasal ko’t sinindihan nang kandila na sana madapa talaga sya sa kanto nang opisina namin nang mga alas otso y medya kasi madaming tao dun sa kanto sa oras na yon.
kung pede pa lang ngang hiramin camera nam boss mo para makunan ko ang bwisit na boss ko habang nagdadalamurak ang mukha sa kalsadang ubod nang itim! nakkuuu!!!
swerte mo talaga! tse!
April 2nd, 2007 at 1:22 pm
wheeww… ayos ah. pre, kala ko dati nakapag-asawa ka ng taga dyan hehehe…
April 2nd, 2007 at 2:14 pm
Tagal na rin pala ako offline… nasa abroad ka na pala ms. melai. Mabuti po at mabait mga bossing natin jan. ingat po!
April 2nd, 2007 at 6:09 pm
Toe,





marami din namang positive story dito she
naku mam Toe baka kapag pwede mo ng gamitin wala na ko dito
Abaniko,
sinabi mo pa
vince,
kinoconvince kong magblog e wala daw syang time sobrang busy sa work
pero now bago ako umalis dito e kailangan nyang mag-aral magblog dahil wala ng mag mamaintain ng blog ng anak nya kapag umalis ako
lhadymitch,
gud lak sa teen blog awards
Gypsy,
kaya nga sabi ko GOD BLESS THEM e
Scarlett,
cool talaga
sasha,
hehehe laging patakas yan kasi kakahiya naman kung lagi ako online diba lol!
may hiya din naman ako
ang negative e yung reason bakit nandito ang mga kababayan nating mga DH dahil karamihan sa kanila e
mga graduate ng college at matatalino pero nagkakatulong lang.
Neil,
aba e ewan ko sayo kung bakit ngayon ka lang uli nakabisita dito lol
uhmnnnn sa amin pwede
pwedeng pwede basta wala ng gagawin sa bahay, actually nakakapag online nga dati sa computer shop ng sis ko yun e 

hahahaha!! hindi ka naman sobrang inis s bos mo ha
hmmn naiintindihan nya kasi pinay sya at naaliw daw sya ..galing galing ko daw lol!! kasi di sya nunong magblog e
reyna elena,
ganyan talaga buhay
lagi kasi ako wala kaya kailangan may sekyu
uy bakit ganyan boss mo dapat magstrike ka
grabeh yan ha bakit di binayaran insurance mo? pinapayaman mo sila ng husto pagkatapos
naaksidente ka ng siya me kasalanan pinabayaan ka?
kung ako sayo hanap ako ng ibang amo period.
tutal mukhang magaling ka naman eh
sila mawawalan hindi ikaw.
nahihiya na kong humiram kasi nga diba gamit ko na laptop nya tapos hihiramin ko pa cam nya
sobrang kapal ko na nun day
yaan mo pray na lang kitang makahanap ng bos na kasing bait ng mga amo ko
plamis!
mype,
san ka galing?
uhmmnn nung nagkabungguang braso tayo online
nandito na po ako ..mga 2004 pa
kneeko,
wahehehhe pre! walang magkagusto sa king taga rito e
April 2nd, 2007 at 9:35 pm
hello! bloghoppin…’
ang bait nman ng amo mo, blog reader m p.. pmpadagdag s blog hits.. hehe..
yan ang makabagong Bagong Bayani (ang awkward yata ng phrase ko ah.. hehe)… marunong sumabay sa takbo ng panahon, lalo na sa teknolohiya.. keep it up!
April 2nd, 2007 at 10:44 pm
bagong url ko nga pala yan.:)
April 3rd, 2007 at 12:22 am
Yung kapatid ng bespren ko nag-DH sa HK. Nag-apply kasi sa Canadian Embassy doon. Licensed teacher yun pero wala pang experience kaya di makakuha ng direct hire sa Canada. Eh mas mabilis ang processing sa HK kaya pansamantala nag-DH nga. After less than a year, nasa Canada na sya.
Yung iba ginagawang stepping stone yung pagiging DH kasi nga mas madali mag-cross country dyan sa labas ng Pinas.
April 3rd, 2007 at 1:24 am
jerome,
ei akala ko kaw si mareng bridgett ko lol sowee :0
redundant kasi kaya awkward
salamat sa pagbisita!
keljuan,
sige add ko na sa links ko
sasha,
actually ganun din ang nangyari sa kin,
dahil sa mahihirapan akong umalis papuntang C dyan kaya andito ako
April 3rd, 2007 at 8:33 am
Sorry, it seems you didn’t pass math!!
BWISIT TALAGA! Hmpppttt! Ininsulto pa ako nang sikyo mo! Nagpos ako, pagkahaba haba, nawala!
April 3rd, 2007 at 8:40 am
Please add 0 and 1
(he he he! naawa sikyo mo sakin!)
Anyway, as I was saying na nabura’t nawala, bow ang reyna sayo. Kasi nga, ibinalandra mo sa blog mo na DH ka and I know that to some people iba ang dating nyan and I am just impressed dahil here you are, very talented at talagang handang ipaglaban ang kagandahan nang isang kagaya mo. Eh sa blog mo pa lang nakakaloka na. Keep it up, talagang ang galing galing mo.
Sya, sa susunod, bibili pa ako nang suka eh.
April 3rd, 2007 at 8:42 am
to SASHA dun sa number 3 comment:
alam mo yong pers kazin ko, ganun din ang ginawa. nag-DH sya sa Singapore and den, nag-apply sa Canada. Ayun na sya sa Mississauga. Basta sabi saken, bilis lang daw.
April 3rd, 2007 at 3:07 pm
swerte naman.. ang galing at talagang suportado pa.. hehehe. bibihira ang ganyang mga employer..
ayan, nagadd na muna ako, baka makalimutan ko na naman..
April 3rd, 2007 at 3:42 pm
wow naman! sarap siguro pag ganyan ang amo no? minsan padaan-daan din ang amo ko sa working station ko. Di ko na kino-close yung blog page ko..bahala na. Di naman kasi nila alam yung blog-blog hehe pero im pretty sure na pag nalaman nila kung ano ginagawa ko most of the time, surely mapapagalitan ako hehehehe
April 3rd, 2007 at 5:09 pm
hay…. sana ganyan kababait ung mga employer. pero shempre hindi naman lagi.
ang sarap mag work sa ganyang environment
April 3rd, 2007 at 5:19 pm
reyna elena,
abah naman maraming maraming salamat sayo … may isa ng bumibilib sa kin lol!!!
yaan mong paglingkuran kita mahal na reyna lol!!
talagang ginawa kong ganyan yang comment ko para
ayan makita ko ng tatlong beses bale apat na beses ang pangalan mo sa single entry ko
o di ba ang saya apat nabeses nagcomment ang mahal na reyna sa abang domestic helper
wag ka na bili ng suka ako na lang bili para sayo
razz,
hahahaha! salamat naman at natuto ka rin sa wakas lol!
verns,
turuan mo kasi para sa tuwing magkikita kayo ang batian nyo na e ” ei visit ko blog mo ha!” lol!
miztakumi,
talagang ganun
swerte swerte lang
April 3rd, 2007 at 7:57 pm
Swerte mo naman sa amo mo, minsan pa chat naman sa kanya…hahaha!
April 4th, 2007 at 7:30 am
oo nga,swertihan talaga..nakakalungkot yung ibang natatapat sa salbaheng amo
good morning,Nalen!
Have a nice Holy Wed!!
April 4th, 2007 at 11:05 am
See, kahit anong trabaho, may perks..you just have to list it down and be thankful. Ma-mimiss ka siguro nila pag-alis mo. Dibale , may Wifi din dito.
April 4th, 2007 at 11:07 am
(Please add 5 and 3 - di ba otsu? tama di ba? baka masipa na naman ako nang sikyu mo!)
melai, sa kaharian ko, baliktad ang mundo. ako ang nag-sisilbi sa mga diwata’t engkanto dun. sama ano?
April 4th, 2007 at 11:57 am
ui.. miss na kita te’melai.. buti ka nga eh madaming time magbloghop.. ako sobrang kupad ng isp card.. nway *sob*
April 4th, 2007 at 12:02 pm
seryoso ka ba talaga? pero mukha ngang mabait ang amo mo. baka gwapo din. hahaha
April 4th, 2007 at 1:01 pm
you’re blessed to have them, siguro ganun din sila sa’yo
April 4th, 2007 at 2:14 pm
ann,
hehehehe sige bigayko sa yo ym ID nya
Leah, naku pinagdadala na nga ako ng webcam at headset e baka daw mas mura dito lol!! inuungutan ko nung laptop na ginagamit ko sabi ko hulugan ko na lang
May 18 pala ang flight ko dyan 
ang mga reyna ang mga utusan ng kaharian, kaya dapat magserbisyo dahil kung wala ang mga dwende at diwata wala kang pagrereynahan 
reyna elena,
e dapat naman talaga ganyan e
jeniffer,
wala rin akong gaanong time jennifer, mayroon lang kapag online ako pero di rin pwede magtagal dahil alam mo na…. I am not suppose to go online :)..musta na ba?
tin-tin,
lol! mukha ba kong hindi seryoso?
Misyel,
syempre naman
April 4th, 2007 at 5:29 pm
smarie,
naku smarie may kwentong ganyan dito sa baba ng block namin 17 years na sya sa amo nya pero lagi daw silang nag-aaway, taka nga ako e nag-aaway naman pala sila e bakit ayaw pang pakawalan kapag nagpapaalam sya.. sabi ng amo nya kung lilipat sya ng employer wag na lang daw, umuwi na lang daw sya ng pinas.
ang day off nya lang e parang kalahating araw sa isang linggo, swerte na sya don kasi yung karamihan dito e once a month lang ang day-off.
ako naman hindi nag daday off, tinutulak na ko mag day off ayaw ko pa kasi magastos sa labas saka wala akong maisip puntahan. Sumasama na lang ako sa kanila kapag lumalabas sila.
April 4th, 2007 at 5:35 pm
halu menalen, tama at swerte ka nga sa employers mo sis. iilan lang ang ganyan. but for sure, the reason they are like that is that you are also a good employer. swerte rin sila syo! =)
anyways, meron OFW dito, ayaw na dahil pati dayoff, inoorasan pa (tipong 8-5pm), tapos pag uwi ng hapon back to work ulet magalaga ng mga bata. then food nya, eh gastos din nya! sa mahal ng mga bilihin dito, ubos na ang sweldo nyang pinaghihirapan
April 9th, 2007 at 7:51 pm
Palitan ko na kaya title nung blog ko. hehehe…
Saya-saya talaga dito! Daming tao! Daming fans ni Melai!
Natuwa naman ako sa title ng post mo!
April 12th, 2007 at 11:05 pm
[...] ************* ang post na ito ay na-inspire sa post ni ate melai tungkol sa kanyang amo at trabaho.. [...]