manilenya

Mga karanasan, haka-haka, opinyon at rebuttal ng isang bobang pinay
Subscribe

Isang pilit na post habang nagtutuwit

March 27, 2007 By: User Imagemanilenya Category: pasakalye

Ilang gabi pagkatapos kong makatanggap ng regalong libro mula sa isang kababayan, kaibigan, kasamang manunulat nagpasya akong bumili ng plastic cover para umpisahan kong lagyan ng cover ang mga librong isa-isa kong nabili.  Sa awa ng Diyos dalawa lang ang natapos ko.

Gawi ko na ang tumingin-tingin ng mga libro sa malapit na bookstore dito.  Iyon lang ang naging libangan ko sa tuwing lumalabas ako.  Guess what kung ano ang madalas kong bilhin?  Mga librong magtuturo sa akin kung paano magsulat ng ingles.  Bobo kasi ako pagdating sa ingles.  Pero sa awa ulit ng Diyos, yung mga binibili ko hindi ko rin naman nababasa katulad ng hindi ko rin nababasa agad ang ibang book na nakatambak sa ilalim ng dvd player ko.

Nagpapanggap lang yata akong mahilig magbasa katulad ng pagpapanggap ko na marunong akong magsulat.

Rate this:
2.5

Viewed 937 times by 169 viewers

RSS feed | Trackback URI

21 Comments »

Comment by no imageLAR (Who am I?)
2007-03-27 04:19:15

Ikaw, bobo sa english? Diyan naman ako di maniniwala. Basta, hindi mo ako mapapaniwala! :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageBoba! Tonta! Istupida! (Who am I?)
2007-03-27 04:21:19

Lar,
lol! maniwala ka totoo yan kahit ako’y boba di naman ako sinungaling :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageTIKEy (Who am I?)
2007-03-27 07:13:59

Tumigil ka sa kakasabing bobo ka.. diyan tututs. pupusta pa ako ng isang milyong kiss.. heheh!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageMon (Who am I?)
2007-03-27 07:19:20

Tama naman yata yung gamit ng libro, ako din ganyan patungan ng dvd player.

hahaha :P

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagesasha (Who am I?)
2007-03-27 09:24:55

Ako man ay di naniniwalang boba ka sa English, te Nalen! Abah! Basta, di ako naniniwala dyan :)

Akina, basahin ko yung mga libro ikukuwento ko na lang sayo, te! Hahaha

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagetekla (Who am I?)
2007-03-27 10:46:56

wala namang bobo pero merong bebi, bibi at bibo :)

gusto ko ang pagsusulat mo may style ka melai kung ano yun…basta gusto ko hehehe

ano yung nagtutuwit?

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-03-27 12:41:18

Tikey,
sige zipper ko na bibig ko lol!

mon,
lol! kawawang mga libro :)

sasha,
hehehehe baka di mo magustuhan yung mga binibili kong book sa mga book sale na napupuntahan ko :)

mam tekla,
nagtutuwit
yung twitter
ang saya kasi anytime from my handfone pwede ako magpost ng kahit maikling message lang :)
pwede ako mag hi sayo lol!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageverns (Who am I?)
2007-03-27 13:55:28

lolz..okay yung statement ni Mon ah :)

Anyway sige lang..at least kung super bored ka na talaga may hahablutin ka sa tabi tabi :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemalaya (Who am I?)
2007-03-27 14:10:28

hay…ako nga rin minsan may makikitang libro, minsan hihiramin ko sa pinsan ko pero makakalimutan ko ring basahin. nyah.
may naalala tuloy akong book na hiniram ko at hindi ko pa nababasa. hehehe

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageann (Who am I?)
2007-03-27 16:24:43

Neighbor ko dito dati takot sa english, naging husband nya British, after ilang taon may accent pa sya…hehehe.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageGypsy (Who am I?)
2007-03-27 17:06:43

Marami din akong nakatambak ng libro–binabasa pala dapat yon? Hmm..kala ko kasi pang puno lang ng bookshelf para maganda tingnan…Hehe.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagereyna juana (Who am I?)
2007-03-27 18:25:52

dumaan.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemyepinoy (Who am I?)
2007-03-27 20:43:24

Nagpapanggap na di marunong magsulat! Hello Garci, do you hear me? Hello Garci, ano ba, dyan ka pa ba?

LOL

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagekeysi (Who am I?)
2007-03-28 08:15:24

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa~ 10 years na ko hindi nakabalik dito~~

musta po?

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageiskoo (Who am I?)
2007-03-28 13:30:46

isa sa mga gusto ko dating kahiligan ang magbasa ng libro kaso mukhang wala talaga ako tiyaga, comics lang talaga ang gusto kong lagyan ng cover, sama na natin yung mga magazine, hehehe.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagesmarie (Who am I?)
2007-03-28 15:12:39

asus menalen! who said di ka marunong magsulat? aawayin ko! :) oist ganda, that’s the main reason why i love your blog, dahil maganda ang mga sinusulat mo.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagecuracha (Who am I?)
2007-03-28 16:18:12

sobra humble mo naman manay! bawat sinusulat pinag-iisipan yun noh! isa-isa lang ako pag bumili ng libro, pag natapos ko na basahin yun isa saka nako uli bibili ng bago. but since i started my love affair with the computer, it took me so long to finish a book. Naiisnab na eh.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagereyna juana (Who am I?)
2007-03-28 16:59:38

lahat naman natututunan e. kaya walang bobo magsulat.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-03-29 00:57:28

verns,
di ko pa pala na mention yung mga newspaper na araw-araw ko binibili pero hindi ko naman nababasa
pero di bale pwede pa ring mahablot yun kasi dahil sa wala namang ibang balita dito para na rin namang magasin yung mga dyaryong yun na pwedeng basahin anytime :)

malaya,
ako man naku may kailangan din palang isauling libro pero binabasa ko pa kapag nakasakay ako sa mrt e panubayan ;)
naalala ko rin na meron akong nirent na book sa isang rental dito na diko na rin nasauli pero okey lang collection naman saka mahal ng rent nun ha :)

ann,
hehehehe ganun ba?
ako tita ann
lapit na rin mag ka accent lol!

Gypsy,
hehehhee
now u know
kung para saan ang book ha :)
magiging iskolar ka pa naman sa UK lol!

reyna juana,
nakita ko nga dumaan ka e :)
ako naman naki usyoso sa malayang tulaan nyo

myepinoy,
di kita marinig gloria sorry
try again later
:)

keysi,
waaaaaaaaaaaaa
keysiiiiiiii
san ka galingggggggggggggggg???

iskoo,
naku
speaking of comics
dyan ako nag umpisa
walang palya yan araw araw:)

curacha,
yun na nga nagkakaroon ng conflict between reading books at pagbablog e :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagekeysi (Who am I?)
2007-03-29 07:38:15

melaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaai~~~
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa~
melaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaai~~~
melaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaai~~~
galing ako ng bahay. kakadating ko lang ng opisina! (shempre browse agad)
LMAO

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagejanus3185 (Who am I?)
2007-03-29 09:15:55

nakaktuwang post ate melai!!! :D

galing2… :)

Rate this:
1.6
 
Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.