Ilang gabi pagkatapos kong makatanggap ng regalong libro mula sa isang kababayan, kaibigan, kasamang manunulat nagpasya akong bumili ng plastic cover para umpisahan kong lagyan ng cover ang mga librong isa-isa kong nabili. Sa awa ng Diyos dalawa lang ang natapos ko.
Gawi ko na ang tumingin-tingin ng mga libro sa malapit na bookstore dito. Iyon lang ang naging libangan ko sa tuwing lumalabas ako. Guess what kung ano ang madalas kong bilhin? Mga librong magtuturo sa akin kung paano magsulat ng ingles. Bobo kasi ako pagdating sa ingles. Pero sa awa ulit ng Diyos, yung mga binibili ko hindi ko rin naman nababasa katulad ng hindi ko rin nababasa agad ang ibang book na nakatambak sa ilalim ng dvd player ko.
Nagpapanggap lang yata akong mahilig magbasa katulad ng pagpapanggap ko na marunong akong magsulat.
| 2.5 |
Viewed 565 times by 134 viewers

manilenya
Comment by 

