Wala akong masabi, wala akong makwento basta ang alam ko nag enjoy ako sa meeting namin kagabi ni Red.    We we’re supposed to meet last May noong umuwi ako ng pinas, pero sa hindi maiwasang dahilan (nahiya lang kasi akong makipagkita) hindi natuloy. And last night, narealize ko na ang hindi makipagmeet sa kanya sa loob ng mahigit isang dekada (hindi ko na banggitin ang taon at baka magkalabasan ng edad) ng hindi pagkikita ay para ka na ring hindi nabuhay sa mundo. Lol! exaggerated masyado pero yun talaga ang feeling. I had a nice time eating the very special Katong Laksa with him though hindi yung orig dahil nasa harap kami ng Sim Lim at hindi sa Katong mismo.Â
Ang saya noong inabot niya sa akin ang chopstick na gawa mismo ng Greenpeace kung saan siya nagwowork.

Pero mas masaya ng bigyan nya ako ng book niya syempre, hindi ko naiwasang pumalakpak.

Buong araw ko ring pinag-isipan kung paano ba ko makakahingi sa kanya ng kopya ng book na ginawa nya mismo, pero ang bait talaga kasi hindi ko na pala kailangang humingi pa ng libro with matching dedication : “March 23, 2007 Para kay Melai, kababayan, kaibigan, komrad. Red”.
Although nahihiya ako sa kanya dahil sa naturingang dalawang taon na ako mahigit dito, nailigaw ko pa siya noong naghahanap kami ng pwede pang mapasyalan bukod sa little India, naging tamang bonding naman sa gitna ng basang kalsada dulot ng ulan, nilakad namin ang daan patungo sa isang simbahan na ginawang gimikan ng mga puting expat.
Hindi namin pareho nagustuhan dahil sa bukod sa mukhang mamahalin ang mga lugar e matatanda na mga tao lol! sama ko. Ang tahimik kasi, so niyaya ko siya sa Clark Quay ang sentro ng night life sa Singapore.
Doon sa Hooters, kapiling ang dalawang pitcher ng Tiger at ang paminsan-minsang pakikipagkwentuhan sa isang pinay waitress ay ang malayang balitaan tungkol sa buhay-buhay after PUP, tungkol kay Kalayaan, Rio at Luna na pamilya nya. Kay Aya, balitaan sa ibang colleague sa PUP, about blogging and writing kung saan syempre palitan din ng advices. Noong tinapos namin ang gabi bangenge na ko. Masayang bangenge na ako.
| 2.5 |
Viewed 765 times by 182 viewers

manilenya
Comment by 

