Blog-novela ng totoong buhay
Ilang beses na rin naman ako umiyak nitong mga huling araw. Minsan kapag may naalala pero mas madalas mga simpleng bagay lang naman, dala siguro ng depresyon na bigla-bigla sumusulpot sa kin. Pero yang mga iyan, mga iyak na nagtatago lang sa kaloob-looban ng dibdib ko. Walang nakakakita kaya tago. Iba naman yung iyak na may kasamang hagulgol. Ang huling hagulgol na natatandaan ko ay noong gabi bago ako magpasyang mamuhay muli ng nagsasarili na may karay na sanggol pagkatapos kong subukang bumuo ng isang pamilya. Yung hagulgol na yun, isang gabi lang kasi kinaumagahan ibang ako na ko. Mali. Bumalik na pala ako sa dating ako. Ako na ulit ang panganay na anak ng mga magulang ko at ang batang bitbit bitbit ko ay ang bagong bunso ng pamilya.
Pagkalipas ng mahigit siyam na taon muli akong humagulgol, this time kayakap ko na si nanay. Hindi ko napigil pagkatapos ibaba ng nasa kabilang linya ang telepono.
Kung nabasa nyo na ang mga ito: Dadaanin ko na lang sa kwento, Dadaanin ko na lang sa kwento 2, at Epilogue:Speechless, pagkatapos ng may dalawang buwan natapos na rin sa wakas ang parang walang katapusan na anim na buwan kong pagkakakulong sa rehas na ako mismo ang gumawa.
Tapos na nga siya at wala na akong hinihintay pa. Maari na akong huminga ng maluwag.
Bukas ang tunay na epilogue.
| 2.5 |
Viewed 1463 times by 237 viewers

manilenya 
Welkam Bak Sa Akin!!!


may entry ka pala… o teka, babasahin ko na muna! hehehehe! perst ako haaaaaa! yahooooo!!
lol!! hehehehe expression na ba talaga yan? lol!
o sige…. tulog ka na te!! kaw tlaga… alas tres na pala dyan!! puyat ka na naman… susme!! sweet dreams te! mwuaaaahuggggzzz!!!
senysa ka na, mababa ang resources ko, low memory na kaya parang di ko marurok ang ibig sabihin ng iyong mga kataga dito.
Pero teka parang nasasakyan ko na. dapat nga lang na huminga ka na nang maluwag kasi lahat naman ng bagay nangyayari sa takdang panahon.
Teka, parang nagiging blog novela comment(?) na ito. Naninibago ako sa sarili ko. LOL
yeheeeeeeeeeeeyyy!!! sa wakas tapos na… mabuhay ka ate melai!! mwuaaahuggggzzz! isang maganda at matapang na ate melai na yan…
susme! aksyado ako sa coment… ito pa lang talaga ang totoo kong comment sa post mo! hehehe! tulog na… sweet dreams!
Mukhang nahuhulaan ko na ang sanhi ng pagdaloy ng iyong luha?, ito ba’y ang kabiguang makapag-trabaho sa kabilang panig ng mundo na kung saan ay umuulan ng nyebe?. Huwag kang malumbay, pahiran ang iyong luha at singhutin ang sipon na kasamang dumaloy sa iyong pagluha. Dahil hindi nagtatapos sa pagsasara ng pintuan ng opportunidad ang mga pangarap mo sa sarili mo at sa iyong mahal sa buhay.
may bukas pa? o sige bukas nalang din ako mag co comment. hehehe. just to say hi to you
Ang importante ay tapos na at maganda naman yata ang ending. Wala yata akong rekoleksyon ng mga bagay tungkol sa mga visa application o interview. Siguro nga kung kinabukasan ang nakasalalay dito ay talagang nakaka-nerbyos. Haaay! the things we do to get a glance of a better tomorrow.
Chins up Melai — reward is in two folds.
Nakuuu…nabitin ako, sis, ah! Okey, abangan ko bukas…o siya, tama na iyak, sama ka na lang sa UK.
Butin naman at iniyak mo yan parekoy…. marami pang darating… na ano nga ba? basta me darating pa…
yuhuuuuu basta masaya ako para sayo Te…
heto na e! hayan na o… enjoy ka ha! at pag andun kana, hanap agad ng blue eyes! heheh! muahhhhhhhh
Ganyan naman lagi di ba, te? Hagulgol konti para lang maibsan ang bigat ng dibdib tapos ok na. Masaya ako para sayo, te Nalen! At hihintayin ko ang epilogue ngaun. Sana mauna ako dun! Hahahah
Maganda tayo, te! At may igaganda pa ang buhay natin
Looking forward for that epilogue tomorrow…
Crying is good for the heart and eyes…nakakacancer daw pag hindi mo nilabas ang masamang loob mo…tsaka nakakalinis daw ng mata ang umiiyak, iwas sore eyes
cry on mamang melai!
ate melai,
teary ako lately dahil sa sama ng loob sa mga kasamahan ko sa trabaho. ayaw ko na ngang pumasok pero gusto ko lang tapusin ang 3 months probation ko. anywayz, nakapagdecide na ako at matagal ko din itong pinagisipan, magre-resign ako sa apr 6. ‘di ko kailangan ng ganitong work environment. bakit kaya meron mga taong bastos at walang respeto?
dapat lumabas tayo minsan ate (akala mo ang lapit ko lang ano *lol*)
ingatz
Ate Melai, luha na ba yan ng kaligayahan? Good luck! God is good!
naku, sorry, si tita mo ay hindi nakadalaw ng ilang araw, sobra kasing na busy…sisi ako, dapat nung depressed ka, kahit papano, nabigyan man sana kita ng lakas loob. you’ll be ok, dear…sama kita lagi sa pagsimba ko sa umaga–malakas ako sa Kanya!