Segue

blog, pasakalye, pinoy diaspora

Napanood ko sa Rated-K kanina yung apat na  naging milyonaryo at a very young age (25 years old), one of them ay nagngangalang Lloyd Luna, writer ng librong Is there A Job Waiting For You?.  Hindi ko pa nababasa ang libro pero interesado ako katulad ng pagiging interesado ko kung paano siya naging milyonaryo.

Siyempre no “kahit ako’y ganito” (naks drama!) e gusto ko ring magkapera.  Minsan sa panahong nagsasawa na ko sa pag-iisip ng “normal” na buhay e extrabagansang pamumuhay naman ang tumatakbo sa utak ko, nangangarap ba.  At least naman kahit sa pangarap ng gising e naging sobrang alwan ang buhay ko, yun nga lang bigla akong nagigising sa reyalisasyon na tuyo na pala yung tubig na pinapakulo ko.

No.  Huwag kayong maniwala sa akin.  Hindi ko pinangarap na magkaroon ng sobrang laking bahay, wala sa isip kong magkaroon ng mga sampung kotse, isang helicopter o kahit isa man lang ferry boat.  O di kaya naman ay maglibot sa buong mundo kahit minsan sa isang taon lang.

Pero, tao lang ako hehehehe syempre no? ano ako tuod?

Pero ulit, dahil wala naman akong ginagawang paraan para magkaroon ng lahat ng yan e sorry ako.  Mangarap na nga lang ng gising …paminsan-minsan lang naman.

Ten years ago nabanggit ko sa isang male friend na “in 5 years magkakakotse ako, gusto ko may minamaneho na kong kotse.”

“Wow!” sabi niya.  “Iba ka talaga nalen, hanga ako sayo.  Buti ka pa kababaeng tao may pangarap.  Ako hindi ko naiisip yan.”

Sa awa ng Diyos wala akong kotse, kasi sabi ko lang naman yun e.  Sira lang ulo nung kaibigan ko kasi naniwala siya sa kin.

Pero itong si Lloyd Luna, nagdidikit pala ng mga litrato ng kung ano mang bagay na gusto nya sa isang malaking board tulad ng kotse, bahay at kung anu-ano pa.  Sabi pa niya kapag nakikita daw nya yung mga dinikit nyang yun, doon na naguumpisa ang mga plano kung paano makakamit yung mga gusto nya.

Parang ang sarap tuloy gayahin, parang naiinggit ako sa kanya kahit na para ding hindi bagay sa kanyang naka amerkana, lol! joke lang (taas dalawang kamay ko sayo pre lalo na’t galing ka palang PUP, totoo yan pre seryus.)

Ito talagang seryoso, kahit na naiinggit ako sa kanya (si LLoyd yun) may kontradiksyon naman sa loob ng bao ko.  Mas malaking porsyento kasi ng paniniwala ko na mahirap yumaman sa isang lipunan na sobrang dapa ang ekonomiya, malabong umangat ang buhay sa isang bansang kontrolado lang ng iilan ang likas na yaman at lakas paggawa.  Pwera na lang kung asawa ka ng pulitiko at matapang ang mukha mong baguhin ang pangalan at gamitin ang pera ng bayan sa pagpapalago ng sariling negosyo.  O kaya maghire ka ng mga empleyado ultimo katulong mo tapos dahil congressman/congresswoman ka e munisipyo ang magpapasahod ng mga empleyado mo.  O di kaya simpleng takbo ka na lang sa gobyerno at pagtapos ng term mo tiyak may sarili ka nang negosyo.

Oooppsss! yoko na,  na aagitate na ako masyado.

Kung may malaking porsyento na ganoon ang paniniwala ko syempre may maliit na porsyento pa ring nakikipaggitgitan sa utak ko.  Sabi nito “huwag kang mag-alala aasenso ka rin, yayaman ka yayaman ka yayaman ka yayaman ka yayaman ka…….nahihypnotize na yata ako……yayaman ka, yayaman ka, yayaman ka, yayaman ka.  Magkaka asawa ka ng milyunaryo na gwapo as in super duper gwapo to the max at ….milyunaryo kaya yayaman ka, yayaman ka yayaman ka.”

Paulit-ulit yun, nagpipilit sumiksik sa sentro ng noo ko.  Unti-unti ito na nakikita ko………

naks ferry!

naks ulet villa!

Oh my! pool sa tabi ng beach.

Bleh! nang-iinggit lang ako.  Segue lang ng medyo mahaba.  Diyan ako galing kung bakit wala akong post. Nagpasarap

kuno!

***See more pics here.

****Segue title kasi wala akong maisip na title****

Para pala sa lahat ng nagtatyagang magbasa…simpleng pamumuhay pa rin ang laman ng isip ko.

Rate this:
2.5

Viewed 801 times by 186 viewers

RSS feed | Trackback URI

30 Comments »

Comment by no imagerHo (Who am I?)
2007-03-19 20:10:30

hahahahaha! pasaway talaga itong si ate! nagpasarap lang pala… ang haba ng intro mo! hehehe! in fairness, ang gaganda ng mga pix! mukhang enjoy-enjoy ka namang talaga eh…

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagerazberry (Who am I?)
2007-03-19 21:10:56

waaaaaaaaahhhhhhhhh.. nawala comment ko… hindi ako nakapag add e.. huhuhuhu, haba pa naman nun

Rate this:
3.0
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-03-20 00:45:50

rHo,
pasaway ba :)
wala kasi akong maiblog tungkol dyan e :) kaya
nagkwento na lang ako ng kung anu-ano :)

razberry,
sensya na :(
yaan mo tanggalin ko na yan plamis

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagerHo (Who am I?)
2007-03-20 00:53:39

cute nga e! parang dramang-drama na ako sa una… tapos sa huli e mukha pa ni garfield yung makikita ko! hehehe!

hindi naman masama ang mangarap.. nasa sa atin na yon kung paano natin tutuparin ang mga pangrap na yan! basta magsaya na lang ng magsaya… after all, libre naman yan!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagerazberry (Who am I?)
2007-03-20 01:01:08

oh why.. 2nd attempt, nakalimutan ko na naman… hayayay… vovo ko.. :)

Rate this:
3.0
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-03-20 01:12:54

rho,
buti di ka naiyak nyahahaha!!
unga kahit sa pangarap man lang
e sumarap buhay ano :)

raz,
waaaahh nubayan!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageLAR (Who am I?)
2007-03-20 02:58:45

Bakit naman walang picture ng kotse at eroplano? At ni walang picture ng mararaming pagkain? Pero tama ka, hindi madaling yumaman sa ganitong klaseng lugar. Pero on the contrary, hindi man ganon kadali, wala din naman tayong magagawa kundi magsumikap at huwag gumaya sa mga walang kwentang tao na nagpapasarap sa pera ng iba. Hindi man tayo yumaman na katulad ng mga taong kinaiinggitan natin, at least, namuhay naman tayo ng tama at matino. Para sa akin, kayamanan na iyon. Hindi ko naman madadala ang yaman pag namatay ako. :) Pero gusto kong maranasang yumaman, siyempre. Pero sa ngayon, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko at kung para sa akin, para sa akin. Salamat sa pagpapaalala sa mga pangarap natin! Mabuhay ka kabayan! :) Galing mo talagang mag-hipnotize. he he he

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemyepinoy (Who am I?)
2007-03-20 03:02:28

OO, yayaman ka, yayaman ka nga. Subukan mo kayang magkompyut ng iyong “Net worth”. Baka magulat ka, di mo alam milyonarya ka na pala. OO, baka akala mo lang poor ka pero pag nakwenta mo na, mapapa wow ka at masasabi mo, OO nga milyonaria na si nalen.

Dito di ako gaano sang-ayon “O di kaya simpleng takbo ka na lang sa gobyerno at pagtapos ng term mo tiyak may sarili ka nang negosyo.” kasi bago ka manalo kailangan mo ng milyones at di pa sigurado kung mananalo ka kasi baka kaibigna ni garci ang makakatapat mo. So papaano mo maaabot ang goal mo na magkabusiness after your term.

Ay naku, kwentahin mo na lang muna ang net worth mo. kung gusto mo ng taga kwenta or wealth manager, tawagan mo lang ako, free of charge. promise.

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-03-20 03:30:05

LAR,
una sa lahat hindi kasi ako nag-eroplano nung nagpunta ako sa island na yan nagferry ako kaya ayan ferry ang nasa picture :)
yung tungkol naman sa pagkain kasi naman hanggang umuwi kami dito sa bahay yun pa rin pagkain namin e nakakaumay na tapos kung hindi adobong manok, pritong baboy at manok tapos
inihaw na baboy at manok buti na lang nung huli may kasama ng hipon, cake at pansit :)

UY agree ako diyan, ang pamumuhay ng tama at matino e kayamanan na :) kaya ako sobrang yaman ko na, yan ay kung ako ang titingin sa kung anong klaseng
pamumuhay meron ako ha, wag lang tatay at nanay ko titingin oks na :)

hehehehe galing ba? kits na hypnotize ka rin ba? :)

myepinoy,
ayon kay Dane Carlson ay ito ang blog worth ko :)

My blog is worth $98,229.96.How much is your blog worth?
kaya yes! mayamang mayaman na nga ako lol!

nyay!! ayaw , ewan ko kung ano pagdating sa yo nito :)
basta sabi $98,229.96. na daw ang manilenya :)
sus sumang-ayon ka na kasi no sa amin daming nagkanegosyo pagkatapos pumasok sa pulitika
sa una syempre maliitan ang negosyo pero daming malalaking tao nakikilala unti-unti pataas din ng pataas
ang pwesto kaya pataas din ng pataas ang raket, walang pera na yumayaman at mayayamang lalong yumayaman.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemyepinoy (Who am I?)
2007-03-20 03:58:38

O kita mo blog pa lang yan. Eh paano pa yong ibang mga assets mo. Pag nakwenta mo na, at nalaman mo mayaman ka na, wag mo akong kakalimutan ha.

HA HA HA…. pahingi nga ng pambili ng Apol MacBook Pro…

Rate this:
1.6
 
Comment by no imageBayang Mahiwaga (Who am I?)
2007-03-20 04:07:36

myepinoy,
nyahahahaha
wala na kong ibang asset kundi blog lang kung matatawag ngang assset lol!
at grabeh ha malapit ng mag hundred million yan e kung totoong pera yan
abah hindi lang apple macbuk bigay ko sayo plamis :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageMajor Tom (Who am I?)
2007-03-20 10:13:50

Yayaman siguro tayo pag ulitin natin ng isang libong beses na “yayaman ako…yayaman ako”, parang mahypnotize tayo. Naalala ko tuloy yung pelikulang “Somewhere In Time” kung saan naka balik siya sa unang panahon dahil inulit-ulit niya ang year na gusto niyang puntahan.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageYmir (Who am I?)
2007-03-20 11:59:14

nang nakita ko yung ginagawa ni lloyd luna na pino-post nya sa board yung mga gusto nyang makamit, nasabi ko sa sarili kong,”napanood din kaya nya yung self-help video na napanood ko kailan lang?”

kailangan ko pala talagang i-try yun… lolz

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagejoven (Who am I?)
2007-03-20 12:14:39

I guess hindi naman yayaman ang isang tao kung puro pagdidikit lang ng mga bagay na nais makamit at wala nang ibang gagawin kundi titigan at pangarapin lahat ng iyon. Syempre kailangan kumilos at magsumikap para maging realidad yung mga bagay na pinagdididikit na yon at syempre dapat malakas ang loob na harapin lahat ng hamon na susuungin sa pagtupad sa pangarap diba?.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageEuri (Who am I?)
2007-03-20 12:16:06

Wow. Gandang place. I wanna go there too. T____T

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagetin-tin (Who am I?)
2007-03-20 13:06:06

okay ka din magyabang ha. pasimple. hehehe. pero sa totoo lang antoinette (taus), ako din madaming pangarap. saws! kung natupad ang pangarap ko noon, naku! yaman ko na siguro. hahaha. pero hindi eh. ewan ko ba. gusto ko ng simpleng pamumuhay pero may mga gusto din ako na magarbo syempre :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageGypsy (Who am I?)
2007-03-20 13:13:46

Aba, powerful pala ang may dinidikit na litrato sa board…harinawang mapapasayo yang mga dinikit mong litrato above, as for me…hmm..sige nga, dikit ko litrato ni Hugh Jackman, tingnan natin anong mangyayari…

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageverns (Who am I?)
2007-03-20 14:17:29

ay iniwasan ko nga yung segment na yun at baka ngaragin na naman ako sa malalaman ko lolz :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemalaya (Who am I?)
2007-03-20 14:38:42

napanood ko din yan Ate Nalen.Si Lloyd Luna, galeng! may sarili nang kumpanya at a young age. tapos pondo lang pam-publish ng kanyang dream book ang hininging bayad sa kaibigan na ginawan niya ng 2 website.
ginagaya ko nga siya ngayon e (hindi sa paggawa ng website, dehinsko kaya yan e) pinapaskil ko na rin sa dingding ang dreams ko. hehehe at siyempre tutuparin. hindi puwedeng nakadikit lang sila sa dingding.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-03-20 16:01:55

Major Tom,
o talaga?
sana totoo yan ano?
:)
naalala ko naman sa sinabi mo yung old movie ni FPJ at Elizabeth Ramsey na napapanood ko nung maliit pa ko
sabi ni ER sa isang libong halik daw ni FPJ puputi sya
tapos di lang yun may ginawa pa sya kailangan daw paliguan siya ni FPJ ng gatas
biro mo yun?
pero walang nangyari di sya pumuti :)
e paano pa kaya kung puro salita lang?

Ymir,
sige try natin :)

joven,
tama ka dyan pre
mabuhay ka
pwede ka ng tumakbo sa susunod na eleksyon
very well said :)

Euri,
sige punta ka tapos sama mo ko kasi
di naman talaga ako nag enjoy e :)
pero at least nalaman ko kahit papano
marunong pala ako lumangoy
langoy aso nga lang
:)

tin-tin,
teka teka
curious ako
ano ba yung pangarap mo dati na hindi natupad?
tara ng tuparin
ako ang iyong
fairy god ate lol!!

nagmamahal,
antoinette macho

Gypsy,
hehehehe sis may nakalimutan akong ipost
si Zach Braff :)

verns,
naku ha! sis anuyun?
hmmn teka
did I miss something here?
nawala yata ako hehehehe
bakit nangarag ka na ba sa ibang episode?
:)

malaya,
ako isipin ko muna kung ano talaga gusto ko
tapos iisipin ko rin kung magpopost ako ng kung ano ba talaga gusto ko :)
kasi di ko talaga alam e :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageTikey (Who am I?)
2007-03-20 19:52:33

Napanood ko din un at super napabilib ako.. pero sana mag tshirt nalang muna sya sa MRT tapus mag bihis nalang sa office dba? kc for sure napawisan na sya, kaya di na sya amoy mayaman… hehhehe

pero sa totoo lang binasa ko tlga mula simula hanggaang katapusan, hinintay kopang ma load ung mga pictures..

na miss na kita te!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagerhodora (Who am I?)
2007-03-20 21:45:17

Melai, naaalala mo ba yung sinabi ng nanay mo tungkol sa kamoteng tinatalbusan? Puwes - that same kamote, habang tumatagal na nakatanim, ay nagkakaroon ng bunga sa ilalim ng lupa…. :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageiskoo (Who am I?)
2007-03-21 00:08:34

ikaw pa melai, kaya mo mga pangarap mo. kung gusto mo ng 1 million sa 5 taon, eh di mag save ka ng 17 SGD

365 x 5 years = 1825 days
1000000 / 1825 = 547 pesos a day (17 SGD)… sisiw!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-03-21 00:52:36

Tikey,
gustong gusto ko to
“na miss na kita te!”
:)
talaga lang ha antay mo talaga mag load mga pics ha :)

rhodora,
ang talinhaga teka tama ba spelling ko?
o talinghaga? whatever lol!
magdilang-anghel ka po sana :)

iskoo,
aba iskoo! nasa sales ka ba? ganyang ganyan magplano ang mga nasa networking ha :)
pero grabeh ha husay kung ganun pala in less than 2 years milyunaryo na ko
kaya lang e wala pa yatang 17 SGD ang sahod ko isang bwan bilang domestic helper e :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagerHo (Who am I?)
2007-03-21 01:37:58

ako rin te… kaya kung hindi mo napapansin madalang na ako sa tagboard kasi naka-block dito!! huhuhuhu!!!

ala na tuloy ako makuleeettt!! nyahahahaha! tulog na te… madaling-araw na dyan ah!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagerHo (Who am I?)
2007-03-21 02:10:18

wala rin akong YM!! isa pang naka-block yan dito… nyahahahaha!!!

say mo?! ginawa na nating YM ang comment section! hahahahaha!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagerHo (Who am I?)
2007-03-21 02:31:52

hindi naman busy… mejo lang! nyahahaha!! oo nga te… lahat na lang ban! ewan ko ba… pero simula naman ng nagtrabaho ako dito, wala na talagang YM! buti nga hindi blocked ang blog eh…. kung hinde, paano na ang career ko nito?! nyahahaha!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageAvy (Who am I?)
2007-03-22 12:37:24

waw! kakatuwang post.
^_^

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-03-22 17:19:24

Avy,
salamat naman at natuwa ka :)
balik ka ulit sana :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageeric (Who am I?)
2007-03-25 11:05:39

Thoughts manifest themselves!

Kung ano inilalagay mo sa isip, Melai, yun din ang nagiging totoo sa buhay. Matagal ko ng ikinakalat ito pero ayaw maniwala ng mga kababayan. Tutok isip nila sa mga kahirapan :(

Rate this:
2.9
 
Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.