Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Nalen Aguilar's Facebook Status Updates

        Nalen is sleeping........

        (Updated 15 hours, 54 minutes ago)

      Please visit this site
      Ads here
      • Advertise Here
        Chitika Referral
        Performancing Hive
        Social Media Marketi
        Authority Builder
        Blog Management
        Blog Stats
    Recent Comments
    Sponsors
At dahil nga ayaw ko muna ng pulitika
By User Imagemanilenya | 28 CommentsLeave a Comment
Last updated: Wednesday, March 14, 2007

Sala sa lamig sala sa init.

Puwedeng pamagat ng pelikula o naging pamagat na nga ba?

Okey okey! sige na aminin ko na.  Babae kasi ako, o e ano ngayon? okey ulitin ko sa ibang tono.  Babae po ako at tanggap ko yung mga katagang ibinabato sa aming mga babae na pabago-bago ng isip, walang pagtatalo diyan katulad ng hindi ako makikipagtalo kung sino malakas o kung sino ang mas matalino,babae ba o lalaki? pero….ummm tignan ang hintuturo kong nakatutok sa taas at nakatapat sa mukha mo (ala Maricel Soriano) na nagbabasa.  Pero minsan syempre pabago bago ng isip pero ulit, may matatag na prinsipyo sa maraming bagay.  Kaya sige okey na yun, sala nga sa init sala sa lamig.

Malaki ang problema ko ngayon.  Mas malaki pa sa problema ni La Greta kung ano ang susuotin nya sa birthday nya.  Mas sobra pa sa laki ng problema ng pinas at mas na mas pa sa sobrang tagal na isyu ng nuclear weapon ng North Korea.

Lumolobo ako mga ate mga kuya, hindi ko maiwasang hindi ngumata ng kahit na ano.  Mula sa isang nakahihilakbot na itsura ng mga nagdaang panahon, sumobra kasi payat ko as in payat na lumaylay ang mga bilbil, masagwa yun diba?

Siyempre gusto ko yung seksi ako para makapagsuot ng mga seksing damit, pero yung pumayat ng mukhang nanguluntoy na bulaklak parang hindi yata maganda.  Ayaw ko ng ganoon, kaya sabi ko di bale ng mataba wag lang katulad ng itsura ko kailan lang.

Ang siste mga kafatid, eto ako lumalaki ang bewang, lumalobo mga braso, tumatambok ang pisngi (pero sabi ni sis mas okey daw pisngi ko now) at lumalaki ang wetpaks.  Okey lang sana lumaki ang behind e pero kung pati tyan at puson (sabagay talagang pusunin ako).  Di ko matake.  Kaya balik ako sa pag-iisip kung paano liliit ng hindi iimpis ang pisngi ko.  May mga naisip ako…uhmmn syempre tulad din ng naiisip nyo pero problema pang malaki.  WALA AKONG DISIPLINA E.

Pag mataba ka gusto mo pumayat, kapag payat ka gusto mo tumaba, kapag tumaba ka gusto mo pumayat.  Pag pum………..

Ah ewan gulo ko.

Rate this:
2.5

Viewed 324 times by 83 viewers

RSS feed | Trackback URI

28 Comments »

Comment by no imageLAR (Who am I?)
2007-03-14 04:14:05

Babae ka nga! Gulo mo, para kang buhok! :) Alam mo solusyon diyan? Tutal, mahilig kang kumain pero gusto mong ma-maintain ang figure mo, fruits ang kainin mo. Kahit sandamakmak na fruits at kahit gaano kadalas, hindi ka papayat at hindi ka tataba. Subok na iyan ng kapitbahay ng pinsan ko na humiram ng pala sa isa pang kapitbahay na bumili ng ulam sa kanto. :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageann (Who am I?)
2007-03-14 05:05:35

Ako rin noon sobrang payat kahit gaano pa karami kainin ko. Pero mula noong magsimula na akong manganak , wala na di na mapigilan kahit nga halos di na kumakain parang di pa rin pumapayat.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageSchumey (Who am I?)
2007-03-14 08:20:17

Ang alam ko, ang magulo, giyera. Baka naman bilugan ka lang, ayos na yon. Mahirap kasi yung payat na parang tisiko. Humangin man ng malakas ay hindi ka tatangayin.

Mag hulahoop ka na lang para sumeksi ka. ‘Di ka man pumayat gaano, parang coke naman ang wangkata mo. Mabisang pang diet ay popcorn, yun na lang ang kaiinin mo.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagejlois (Who am I?)
2007-03-14 11:13:55

Hindi ka naman mataba ah? tamang tama nga lang sa height mo ang korte mo eh . :) sayang ililibre pa naman sana kita kaya lang pakiramdam mo tumataba ka na kaya hindi na lang. he he he. :D

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagebillycoy (Who am I?)
2007-03-14 11:49:03

siguro hindi mo dapat isipin na gusto mong tumaba o gusto mong pumayat… gustuhin mo na lang maging balanse o tama na lang ang lahat. patience and discipline lang yan… saka excercise!

nakupu… summer pa man din ngayon, baka kapag nagswimming hindi na makaahon sa bigat!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageYmir (Who am I?)
2007-03-14 14:02:00

nasa eating habits di n kasi natin yan.. if payat ka naturally siguro magiging madali for you mag slim down given the right foods to eat…

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemyepinoy (Who am I?)
2007-03-14 15:39:48

Pag may panahon ka, hanapin mo ang transcript o script o libro ng “Vagina Monologue”.

Ganyan talaga ang buhay. Pag di ka na affected siguro peaceful ka na. I mean, iba na ang mundo mo, 6 feet below the ground at merong nakalagay “RIP”. LOL

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagebrVincce (Who am I?)
2007-03-14 16:32:04

ate, medyo may halong “sex” yata yung pambungad mo , :D hahaha! di naman dahil babae ka a. may mga lalaki nga na magulo pag-uutak, errr, ayaw ko sanang banggitin pero ang kababayan ko tatakbo na naman uli, lalaki sya di ba? nyahaha! :D nways, basta pakalusog ka lang, kahit mataba o payat, ok naman yata e?

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageCulture Shiok! (Who am I?)
2007-03-14 21:57:30

Ako din lumolobo… simula ng lumipat ng trabaho… lumalaki na tyan ko. Dati rati, bilib sila sa akin dahil flat daw ang aking abs, kumpara sa aking mga katrabaho na hindi na makita ang pan de sal.

Hindi na ngayon,,, sabi ko nga, lumolobo na din ako.

Ako ngayon ay kasalukuyang kumakain ng veggie salad, let you know kung may epek. Pilitin ko ding mag-exercise konti. *wink* *wink*

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageiskoo (Who am I?)
2007-03-15 08:10:17

tabain ata tayong mga pinoy dahil sa eating habits natin. hayaan mo di ka nag-iisa.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagelady cess (Who am I?)
2007-03-15 08:14:35

hahaha! kung wala ka namang sakit, ok lang yan. pero kung gusto mo talagang pumayat… pag-usapan natin ang pulitika (hehehe, joke lang!)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagekurokuroko (Who am I?)
2007-03-16 02:44:10

asa akin pa rin iyung dvd mo. sorry ha. sobrang busy ko sa work kaya di ako makadalaw sa blog mo at hindi ko maipadala ang dibidi mo. sorry talaga. :(

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageMK (Who am I?)
2007-03-16 11:41:08

Likas na may kaibahan ang babae sa lalaki. Gayon pa man, pagdating sa kabutihan ng kapwa tao nagkakaisa ang kanilang paninindigan. Well, at least, iyan ang dapat. Sadly, hinde ganyan sa katunayan. Laging may salungat sa usapan.

Kung politika ang paguuswapan, malinaw hinde salat sa init o ginaw ang kaibahan. Walang sinasanto ang kaqsuwapangan!

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagesmarie (Who am I?)
2007-03-16 14:30:39

hi menalen, i haven’t been able to open your site for over a week, so ngayun palang me nagbabasa ng mga posts mo. ako rin, payat-taba-payat-taba… di ko rin maintindihan. pero mas maganda (talaga? hehe) raw ako na may konting laman, accoring to friends and hubby. kaya ayoko nang magmukhang kalansay. dibali nang tumaba, huggable naman :D

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagecuracha (Who am I?)
2007-03-16 14:55:41

i think when we reach a certain age, talaga atang kahit di kna kumain tataba ka pa rin. but u can still minimize this expansion process by eating the right food. by the way sistah, nasa germany ako. kaw, san location mo?

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageGypsy (Who am I?)
2007-03-16 17:55:13

Sister, try mo yong Cabbage Soup Diet, puyat talaga ako, pero yong tama-tama lang. Ang problema kung ma-take mo ang lasa. Yan din ata ang diet ni Manay Gina de Venecia kaya sya sumeksi…or…hala! tanggapin mo na lang na healthy ka, then there’s MORE of you to love, o diba. Ganun lang yan.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageGypsy (Who am I?)
2007-03-16 17:56:35

Oops, mali hehe. Hindi puyat, pumayat. Sumobra na talaga ang pangangape ko ah..

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageMon (Who am I?)
2007-03-17 10:23:53

dapat siguro kahit anong activities or pagkain, dapat gawin exactly at the same time each day.

Hindi nga maganda yung too skinny, pero siempre hindi rin healthy yun overweight ka diba.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageRichmond (Who am I?)
2007-03-17 14:34:59

Low Fat Low Carb Diet ka ngayon hehe.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageiskoo (Who am I?)
2007-03-18 10:25:12

sarap magjogging dyan sa singapore, kahit sa gabi di delikado.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageShari (Who am I?)
2007-03-18 10:41:13

Mind over matter lang yan. Pero look who’s talking, hehe. ;)

Sige, let’s talk politics na lang haha. :D

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageFerdz (Who am I?)
2007-03-18 15:47:59

Ako rin mahilig kumain. Pinagtatawanan na nga ako sa opis para daw akong me tindahan sa desk ko sa dami ng pagkain. Hehe.

Hayaan mo, maganda naman sa babae ang me konting taba.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageFerdz (Who am I?)
2007-03-18 15:48:50

Yey nakapasok na rin comment ko. Nahihirapan ako mag comment dati. Di ko alam kung bagsak ako sa math o me deperensya lng kung saan. Hehe

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagerhodora (Who am I?)
2007-03-18 18:34:44

Contest tayo, Melai… The Greatest (Weight) Loser.. hehe.

Oo, may pelikula na noon na ang pamagat, Sala sa Init, Sala sa Lamig. Si FPJ yata ang bida.. :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageBayang Mahiwaga (Who am I?)
2007-03-18 19:04:44

LAR,
nalaman ko na tyan ko lang ang lumalaki ng todo, di ako nakapagswimsuit kahapon nung nag swimming kami waaaahhhhhh

hmmn di ako gaano mahilig kumain ng fruits pero try ko kay alang baka naman yung bulsa ko mangayayat ng husto lol! kasi naman kinakain ko lang kung ano makita ko sa fridge e ..ibig sabihin di ako bumibili ng kinakain ko :)

ann,
buti nga ikaw e nung nagkaanak ka di na mapigil ang pagtaba
ako noong naalala ko mga katorse pa lang ako sabi ng isang kapatid ng friend ko
“ano ba yan kadalaga mong tao para kang buntis” nakatingin sya nun sa bandang puson ko :(
di ba kakahiya yun :(

Schumey,
hehehehe sige po try ko yung hulahoop ng pamangkin ko :)
baka nga sumeksi :)

jlois,
hehehehe [pre
kung libre okey lang na tumaba ng tumaba :)

billycoy,
naka ahon naman ako sa awa ng Diyos Billy :)

Ymir,
hilig kasi ako sa sitsirya e :)
at walang katapusang pagngasab ng kahit na anong makita sa fridge :)
at ako rin ang taga kain ng kaning lamig at tirang ulam dito
e yun pa man din an malakas makapagpataba :)

myeinoy,
so dapat pala magsaya ako dahil namumroblema pa ako?
hmmn sabagay may point ka dun :)

Vince,
heheheehe wala akong naisip tungkol sa sex nung pinost ko to :)
kaw bro ha
hmmnnn
ano ang iniisip mo nung nagbablog hop ka ha?
lol!!

Culture Shiok,
ei daming mga pinoy ang nagbabasketball dito bakit di ka sumama
yeah dami nga tumataba kasi sasarap ng mga pagkain dito e :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-03-18 22:17:18

lady cess,
hehehehe baka nga kaya ako patuloy na tumataba kasi blog ako ng blog tungkol sa pulitika e :)

kurokuro,
okey lang yan
alam ko naman e basta’t sikat laging busy
sige kung kailan ka na lang free :)
maghihintay ako syempre :)

MK,
hehehe ganun ba mang kulas?
mapa babae mapa lalaki basta’t pulitika usapan swapang talaga? :)

smarie,
ako rin para sa akin mas magandang tignan sa babae ang may konting taba mas seksi tignan pero akokasi puro taba yung tyan lang kaya sagwa hehehehe

Gypsy,
naku sis e mukha yatang hindi masarap kasi sabi mo kung matake ko lasa e ang hilig ko pa naman yung masasarap :)

Mon,
oo nga
dapat talaga disiplina at exercise syempre :)
try ko gawin yang dalawang yan :)

Richmond,
hehehe hopefully :)

iskoo,
ay oo dami nagdyadyaging talaga dito kahit gabi, minsan gusto ko subukan kaya lang tinatamad ako e :)

Shari,
uy! salamat sa pagbisita :)

Ferdz,
naku yun nga sabi sa kin ng nanay ko e
sabi nya paano daw ako hindi tataba hilig ko daw sa sitsirya
ei ganoon ba? akala ko hindi mo ko talaga dinadalaw e :)
yun pala yung math ko ang may diperensya lol!

rhodora,
hahahaha mag contest daw ba? :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageverns (Who am I?)
2007-03-19 13:57:10

mare find someone to break your heart..tingnan natin kung di ka papayat sa depresyon lolz :)

wala na kasi akong ibang maisip na suggestion lolz

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-03-20 00:49:21

verns,
wahehehehe try ko yan :)

Rate this:
2.5
 
Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.