manilenya

Mga karanasan, haka-haka, opinyon at rebuttal ng isang bobang pinay
Subscribe

Kung kailan ayaw ko na ng pulitika

March 13, 2007 By: User Imagemanilenya Category: blog, pasakalye, politics

Kumana si nanay. Kahapon sa gitna ng aming brunch (wow sosi!), kasabay ng paghigop ng kape namumuwalan pa yata ng kaya toast ang mga bibig habang nagsasalita. Paminsan-minsang pagtikim sa kinakain kong nasi lemak, ewan ko kung saan galing yung ideya bigla siyang nagtanong.

“Bakit kaya ayaw sa atin yung ID System?”

Naks!  Syempre sinagot ko pero dahil sa uta-uta akong magpaliwanag, gusto kong sabihin sa kanya na “blog ko na lang tapos basahin mo ha!”

Kaninang umaga habang nanonood ng Magandang Umaga Pilipinas biglang tumambad sa tv si GMA, dumalo siya sa isang political rally ng Team Unity (daw) sabi ni nanay :

“Naku ewan! naaalibadbaran ako diyan.” (gusto nya kasi si Ping Lacson, minsan kwento ko kung maikukwento ko pa.)

Ngayong gabi sa Bandila (sensya na sa mga maka GMA7 TFC lang ang meron kami dito e), nagdeklara na si Ate V na tatakbo bilang gobernador ng Batangas, sabi ni nanay:

“Hmmnn ewan, usapan na nila yan para mapag-usapan.” (syempre nga daw mas lalakas kung may pinaguusapan)

Gulat ako, kumana ng pulitika si nanay…….gayung ayaw ko na ng pulitika.

Rate this:
2.5

Viewed 1867 times by 382 viewers

RSS feed | Trackback URI

23 Comments »

Comment by no imageLAR (Who am I?)
2007-03-13 02:56:25

Sabi nga nila, kung alin ang ayaw, iyon ang sumusunod sa iyo! he he he! :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagesexy mom (Who am I?)
2007-03-13 03:06:57

kasi here there everywhere politics ang pinag-uusapan, kaya sometimes one can’t help but voice out one’s gigil

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageSchumey (Who am I?)
2007-03-13 05:59:03

Tatahimik na lang ako, ayokong sirain ang araw mo. Kaya siguro wala na ako sa blogroll mo, puro politika kasi ang laman ng blog ko. Hehehe…

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagejhay (Who am I?)
2007-03-13 08:04:52

Wala naman talaga tayo magagawa. “Man is a political animal” sabi nga ng kung sino man yon.

Ang kinaasar mo siguro ay ang puro luma, bulok, konersabito at anti-mamamayang pulitika na namamayagpag pa hanggang ngayon sa Pilipinas.

Nakaasar talaga, hehehe

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-03-13 12:14:06

LAR,
uunga e sabi ko di na ko magpopost about politics pero tumatakbo naman sa isip ko madalas e pulitika tsk tsk tsk. e kasi naman ang iingay nila e di ako makatulog :(

sexy mom,
sinabi mo pa sexy mom

Schumey,
oh sorry po, hindi po ganoon yun. Nawala po ang manilenya nung last week ng December at nabalik lang after a month. Hindi ko nasave ang database ko kaya yung mga list sa blogroll kasamang nawala tapos paunti-unti lang ang balik ko :( sorry my fault po kasi di ko napagtutuunan ng pansin magdagdag, pero bumibisita naman ako thru other blogrolls at di kita nakakalimutan syempre :) added a na ulit at look at your name sa blogroll ko sana matuwa ka kasi ganoon ka po sa akin :)

jhay,
at sa basic unit of society mismo which is family nakikita ang bagsik ng pulitika diba :)

hehehehe totoo ka dyan jhay, sabi ko dati walang pagbabago ganun at ganun pa rin naman, pero kanina lang nung nakita ko sa balita na may pinatay na naman na witness ng judicial killing narealize ko na may nagbago kasi ngayon kahit ang simpleng mamamayan handa na lumabas para lang mapanagot ang pamahalaan sa pang-aabuso nito sa mamamayan kahit na buhay ang nakataya.

Kaya mabuhay siya na hindi ko pa alam ang pangalan.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageverns (Who am I?)
2007-03-13 12:15:58

I eat news about politics for breakfast…naks! ala Miriam Santiago eto hehe

Seriously..bahala sila sa mga buhay nila!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-03-13 12:19:35

verns,
bahala talaga sila sa buhay nila pero sana lang huwag na silang mandamay ng ibang tao diba :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagetin-tin (Who am I?)
2007-03-13 14:30:53

alam niya kse na ayaw mo na ng pulitika. kaya dun ka kinausap ng tungkol dun. tsaka pagbigyan mo na, bday naman eh. happy birthday sa kanya! :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageSchumey (Who am I?)
2007-03-13 15:32:53

nalen,

Naglalambing lang ako anak. Tama ka ka iha, sana ay ‘wag na tayong idamay ng mga trapong yan. Ang paglilingkod sa bayan ay isang adbokasiya, hindi negosyo. Ang siste, tayo na nagpapalamon sa mga yan ay tayo pa ang parang mga alipin.

Kung simple lang san ang buhay, hindi natin kailangan ng pulitiko.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagelady cess (Who am I?)
2007-03-13 15:42:10

hahaha! ayon nga sa pamagat ng lumang pelikula ng star cinema starring aga muhlach and joyce jimenez - narinig mo na ba ang latest??? :D yan kasi ang latest dito kaya hindi maiwasang magbigay ng opinyon kahit ang mga ayaw pag-usapan yan (kagaya ko, hehehe!)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageGypsy (Who am I?)
2007-03-13 16:53:37

Nanay ko mahilig sa politics. Umagang umaga pa lang, makikinig na siya ng Bombo Radio tapos pag ayaw niya yong politics ng announcer, aawayin niya (yan ang nanggigising sa amin in da morning)–sabay patayin ang radio. O di ba, panalo siya sa political debate. Hehehe. Psst, ex link tayo–nasa blogroll ko na ikaw. :-)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagejlois (Who am I?)
2007-03-13 17:59:10

Tama si sexy mom sa kanyang komento na kahit saang sulok ng Pinas pulitika at pulitiko ang pinag-uusapan at ayaw man natin ng kasalukuyang pulitika apektado pa rin tayo ng mga kabalbalang pinaggagawa nila kaya hindi tuloy maiwasang mangigil ang iba nating kababayan. :D

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagejlois (Who am I?)
2007-03-13 18:01:06

dapat nangigigil ang smileys ko ah bakit nakangiti? he he he :(

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageMon (Who am I?)
2007-03-13 19:40:31

Hi nalen, siguro pag malayo ka sa atin, saka mo din ma-mimiss ang mga nangyayari. Nag u-update lang siguro si nanay.

Minsan napapasubo din ako sa ganyan, Ilan beses na akong nakapag comment sa topic ng pulitiko na pinagsisisihan ko. :(

niwey hi ulit :) startover si mon

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemalaya (Who am I?)
2007-03-13 20:06:44

Para kasing multo ang pulitika, kahit saang sulok meron at merong biglang magpaparamdam at magpapakita - NAKAKATAKOT!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemalaya (Who am I?)
2007-03-13 20:07:39

sakit na nga ulo ko lalo na isyu ng Vilma vs Ricky Recto na yan. grrrr. wish ko lang matapos na eleksiyon.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagerHo (Who am I?)
2007-03-13 21:11:06

e kasi naman, wag na kayo manood ni nanay ng TFC! hahahahaha!!

te, tama sila… masyadong mainit kasi ang usaping ganyan sa atin e kaya nagkakagulo ang lahat!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageEuri (Who am I?)
2007-03-13 22:59:55

Politics is one subject that I am always skipping. It’s because I hate it too. :)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-03-13 23:54:39

tin-tin,
hehehehe ganun ba?
kulit mo ha :)

Schumey,
wow naman! tinawag mo kong anak :) katuwa touched ako dyan, di ko pa narinig tatay ko na tinawag akong anak ng harapan, puro patalikod lol!!

alam mo tay, ganito yan e ..huwag na lang natin silang pag-usapan lol!!! la na tayo magagawa sa kanila di na sila magbabago dahil ang pwede lang magkaroon ng mga bagong tao sa gobyerno as in bagong mukha bagong pinagmulan dapat hindi kamag-anak na siyang mag-aaral ng panlipunang kalagayan ng bansa ….di ko na tatapusin nag sosound preacher na yata ako e lol!

lady cess,
unga sabagay showbiz at politics pareho lang sarap pagtsismisan lol!

Gypsy,
abah wagi nga ang nanay mo diyan at walang katalo talo kasi kung ayaw nya pakinggan isang click lang sa radyo talo na kalaban lol!

ei sorry din po gypsy at di ko naibalik agad yung link mo pero okey na po sya :)

jlois,
hehehehe ewan ko sayo bakit ganyan ang smile mo :)

Mon,
nye bakit mo naman pinagsisisihan?
siguro pati yung mga comment mo sa ibang politics category ko pinagsisihan mo ano?
okey lang yan at least totoo ka sa sinasabi mo diba? :)

ei gusto ko ang new blog mo :)

malaya,
napanood ko yung interview kay Ralph sa balita kanina biglang bawi siya di pa nya alam kung saan sya tatakbo pero ang gaganda ng mga sinabi nya sa hipag at kapatid nya. tapos galit na galit siya kay Sanches :)

hehehehe para bang horror films ang politics?

rHo,
naku mga chinese shows na nga pinanonood ni nanay now e, saka mga malay yung tipo bang nagbabasa na lang siya ng subtitle lol!!

Euri,
kaya dapat magrally tayo
tanggalin na ang salitang politics sa dictionary lol!!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageCulture Shiok! (Who am I?)
2007-03-14 01:19:52

NRIC… tulad sa SG. Bakit nga ba takot Pinoy sa National ID? Hmm…. baka alam ni Minister Mentor LKY.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagesmarie (Who am I?)
2007-03-16 14:37:16

menalen, tama ang sinabi ni mon. minsan, kung kelan ka wala sa pinas, tsaka ka mas nagiging aware sa mga nangyayari sa ating bansa. pero, kahit ayaw natin, dapat may pakilalam tayo kasi tayo ang apektado. ika nga ng aking ama dahil ayaw kong bumoto nun eh “wag kang maging mang mang, smarie.”

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagesmarie (Who am I?)
2007-03-16 14:45:49

p.s. bakit nga ba alang ID system? ako ok para sa akin yan

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagejay (Who am I?)
2007-03-16 18:50:52

Naku, ang nanay talaga… pero masarap din kasi mapgatripan ang kwentong pulitika.

Nga pala, bat nga pala di mo maisipang tumakbo sa party-list… “Manilenya… i-blog mo!”

hirap walang ibang maisip! nyahahahahahaha!

Rate this:
2.5
 
Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.