Pilipinas Game Ka Na Ba?#$@#!
Napanood ko kanina ang Game Ka Na Ba kung saan nanalo si Tuesday Vargas, sabi sa kwentuhan nila ni Edu Manzano:
Tuesday: matagal ko na pong pinagkakakitaan ang Game Ka Na Ba, naiahon na nito sa kahirapan ang pamilya ko.
Edu:Â O talaga? mga ilan sila?
Tuesday: Opo, mga eleven po sila. Iyong anim lang ang kilala ko yung iba hindi na. (tawa)
Edu: tignan mo nga naman yun ano? sana makuha mo na yung isang milyon para hindi ka na babalik dito ano?
(tawanan ulit)
Hindi nakuha ni Tuesday ang isang milyon kaya tiyak babalik ulit siya.
Ang moral of the lesson? Wala. Wala pang lesson e.
Simpleng kwentuhan lang ito pero kung iisipin pwedeng tagos hanggang dibdib ang mensahe. Naisip ko lang sana yung mga artistang gustong tumakbo dahil sa palasak na dahilang gusto nilang tumulong sa mga mahihirap ay magdalawang isip. Bakit hindi na lang kaya sumali muna sa Game Ka Na Ba o kung anumang pakontest na may malaking papremyo malay natin magwagi. Tutal naman kapag may malaking pangalan na malakas yan sa host (paniwalaan nyo ako kitang kita ng dalawang mata ko at rinig na rinig ng dalawang tenga ko kung gaano kalakas). Katulad ni Bayani noon, sabi niya kasi sa isang institusyon para sa mga bata mapupunta ang lahat ng panalo nya. E di wagi. Naiuwi ang isang milyon.
O diba! Tapos kapag naiuwi na ang isang milyon, magpa-aral ng mga out of school youth, humingi ng tulong sa iba pang mga kasamahang artista para madagdagan ang pondo. Kung gustong tumulong, tumulong na lang huwag nang ipangalandakan sa tuwing sasapit ang eleksyon.
Pero infairness, mahusay at hasang-hasa si Angelica Jones gayung unang subok nya pa lang sa pulitika, marunong umindak sa sayaw kahit na tinutuya ang pag-iingles. Yun nga lang sorry, hindi pa rin yun ang basehan ng pagiging mahusay na lider ng bayan.Â
May nag babat-in, mahina daw ang isang milyon, dalawang milyon o apat na milyon. Hindi sapat maging pondo sa ikalalakas ng pundasyon sa pagtulong. Kaya kailangan daw talagang tumakbo sa eleksyon.
Okey fine. Whatever!
| 2.5 |
Viewed 2314 times by 487 viewers

manilenya 
Welkam Bak Sa Akin!!!


Hindi ko pa nakikita ang game ka na ba na si edu ang host. Sya pala ang pinalit muna kay Kris.
Minsan may naikwento si Kris na may na meet daw syang isang tao at nagpakilala sya at nagpasalamat dahil isa raw sya sa mga natulungan ni Ninoy na makatapos ng pag-aaral. May mga scholars pala yung tatay nya noon na hindi nila alam (malamang hindi rin alam ng public) kaya nagulat sila. Kaya yun ang naging inspiration nya ngayon para mag-paaral din ng mga deserving students na gustong makatapos. Hindi na nya kailangan pang maging pulitiko para makatulong sa bayan.
stepping stone lang ng mga pulitiko ang pangako nilang makatulong para maluklok sila sa puwesto.
sa rami ng nangakong pulitiko sana mayaman na ang Pilipinas kaso mayaman nga sa utang naman.
***
mas sarcastic si Edu na magbigay ng punchline kaysa kay Kris.
Puro naman sila satsat, te Nalen, pero tignan mo kapag nananalo na nawawala sila at bumabalik sa pagiging aristokrato! Example, si Mar “Mr. Palengke” Roxas. Nung nangangampanya pa lang, makamasa, Mr. Palengke pa nga at tawag sa kanya. Nung manalo, bumalik na sa Araneta riches nya.
Si Angelica Jones ba tatakbo? Susme! Lahat na lang sila! Si Cesar Montano kaya anong plataporma?
Si Edu na pala ang host nyan ano? Buti naman! LOL
ann,
akala ko dati si Toni Gonzaga nga e.
e kaya nga siguro kahit na anong pilit kay Kris na tumakbo sa senado di tumatakbo, salamat na lang
saka yung pagtulong naman diba hindi kailangang ipangalandakan talaga na nakakatulong sila, pero yung mga tumatakbo
binibida pa masyado yung mga naitulong nila.
malaya,
hehehehehe kahit naman kelan sarcastic yang si edu e
kaya lang madalas kaka antok sya kasi ang bagal mag host
di na yata siya tulad ng dati sa mga late night shows nya
o dahil kasi hindi sya bagay sa game show?
sasha,
hahahaha ganun ba?
pero napanood ko sya sa channe news asia dito
buong time ng show sya ang iniinterview
sa tingin ko isa sya sa pinaka playing safe na pulitiko sa ngayon
halatang pinangangalagaan mabuti yung pangalan ng lolo at tatay nya
si angelica jones tatakbo sa Laguna
hehehehe di ka halatang galit kaay Kris lol!
nakita ko sa news kanina (..o kahapon ba yun?) na tatakbo daw talaga si Pacquiao. Buti nalang di ako taga GenSan at di ako maapektuhan kung sakaling manalo siya.
Medyo maraming add lib si edu as a host, nakakadelay minsan. Pero masaya siya bilang contestant. napanood ko siya dati nung last episode ng deal or no deal. ang saya! hehehe
para sa akin, yung mga artistang pinapangalandakan nilang nagdodonate sila, parang kaplastikan lang at para lumabas na mabuti silang tao. buti na lang yung maging silent sila at maging unsung heroes.
hindi naman necessary tumakbo pa sa politika para lang makatulong sila sa ating bayan. hindi naman sila superhero para gawin yun.
Natutuwa ako sa sayo. “Must read” ka sa links ko.
Lica,
oo napanood ko rin kanina sa MUP desidido na nga daw si Pakyaw
nakaka-aliw naman talaga si Edu, siguro kapag nasanay na sya sa Game Ka na ba baka okey na sya panoorin
billycoy,
may tama ka dyan!
teka bakit yata walang halong patawa ang comment?
mas sanay ako sa may komedya galing sayo e
Richmond,
hehehehe “must read ba?”
kasi nung nabasa ko di mo alam kung saang category mo ilalagay
muntik ko na ngang iblog e ask ko kung saang kategorya ba pwedeng ilagay ang blog ko lol!
gusto ko sanang sumali sa game ka na ba. paano ba?
Lazarus,
alam ko magtetext daw yata para makasali
menalen, tama si ann. you dont need to go into politics just to help somebody. baka mamaya makasama pa sila dahil ala naman sila alam sa pagpapatakbo ng bansa. yung ibang tao, nagaral at pumunta pa sa law, tapos matatalo lang sila ng iba dahil mas sikat at kilala sa t.v.
meron talaga mga tao ginagawang hobby ang pumila dun sa mga game shows…. well thats their choice… wala namang masama … kesa naman maging pulitiko….. walang ginawa kundi
MAGNAKAW!
melo,
yeah wala ngang masama..actually naaliw ako kay Edu ngayon kaysa kay Kris kasi mas may personal touch ang pakikipag-usap nya sa mga contestant e..saka nakikita mo na matatalino ang pinoy
ei alam mo ba panu sumali ngaun sa pgknb? gusto ko talagang sumali i just dont know how, di sinasabi ni edu sa show.. hindi rin pinapatalastas.. hmm sori kaw pa napagtanungan. hakhak. either way, thanks. ^_^
Sorry Darwin, di ko po alam e, pero nakakatuwa kasi nung minsan napanood ko yung isa kong old friend doon bilang contestant
..try mo pumunta ng ABS-CBN
salamat sa pagkomento
manilenya’s last blog post..Ay palaka!