Huli man daw at magaling, huli pa rin pero ika nga di bale ng huli basta dumating. Hindi ako makatulog hangga’t hindi ako sumasaludo. Nauna na akong sumaludo dito pero ito ang tahanan ko kaya nandito pa rin ako.
Gusto ko sanang ibalita na mayroong 50 na mga babaing muslim sa Morocco ang nakatapos sa priesthood nila. Unang pagkakataon daw sa kasaysayan ng relihiyon nila, hindi ko na ikukwento ang iba pang detalye kasi medyo pagdating sa muslim e nagiging kumplikado ang usapan. May negatibong reaksyon sa kalaban sa pulitika ng mga lider sa Morocco ngunit ganunpaman, isang bagsak sa isang pasulong na pagbabago sa kalagayan ng mga kababaihan sa relihiyong muslim.
So pwede na akong sumaludo ng makatulog. Isang SALUDO sa mga Superwoman DARNA ng aking panahon.
Kapag sinabi kong superwoman, sila iyong mga :
- kababaihang may 21 anak, sa dami nila ni hindi niya maalala ang mga pangalan. Tama ng tawagin sila sa numero na kung pang ilan sila. Pero kahit sa dami rin nila ni wala siyang sinabing pangit tungkol sa mga anak niya. Lahat daw sila mababait. Saludo ako sayo ma’am.
- kababaihan na hindi pinalad na magka-anak pero handang ibigay ang pagmamahal bilang ina sa mga batang iniwan o iniwan na ng mga magulang. Saludo po ako sa inyo.
- kababaihang nagkukumahog papuntang opisina sa umaga upang maghanap-buhay at nagkukumahog pauwi sa bahay sa gabi para muling gampanan ang responsibilidad bilang ina.
- kababaihang nakakaranas ng hindi pantay na pasahod sa mga pabrika dahil mga babae sila. Okey lang daw dahil pandagdag panustos naman sa pangangailangan ng pamilya.
- kababaihang bumubuo ng underground economy tulad ng mga tindera sa palengke, illegal sidewalk vendor, barker, manukyurista atbp (dami nila sa lansangan sama na natin pati mga snatcher sa recto).
- kababaihang gumagampan ng mga trabaho na sinasabi ng marami na “man’s world” tulad ng pagpupulis, security guard, drayber, kargador at marami pang iba.
- kababaihang niroromanticize masyado ang makalumang depenisyon ng pagiging babae pero syempre pinatatatag naman ng mga hindi magagandang karanasan (in short fanget) sa mga chauvinistang lalaki.
Ooooooopppssssss! Yun lang. Isang makabuluhang pagbati para kahapon sa mga buhay na superwoman/darna ng makabagong panahon.
At kung ikaw nama’y babaeng namatay dahil sa pagtatanggol sa aking karapatan at kalayaan, MABUHAY KA!
SALUDO AKO SA ‘YO!
| 2.5 |
Viewed 390 times by 98 viewers









itot
manilenya






Darna!!! Hehe…
Saludo din ako sau pards, sa pagsisikap mo sa ibang bayan para sa iyong pamilya kaso nga lang may kulang, hindi mo kasi ako isinama sa listahan ng pinapadalhan ng remittance…haha!
Nakakarelate ako dito…
“sa mga kababaihang nagkukumahog papuntang opisina sa umaga upang maghanap-buhay at nagkukumahog pauwi sa bahay sa gabi para muling gampanan ang responsibilidad bilang ina”
Saludo ako sa iyo mare at sa iba pang mga kababaihan syempre, dahil hindi naman mabubuhay ang mga lalake kung walang mga babae and I’m sure vice versa diba?.
sumasaludo ako sa yo ate, bilang isang ina, anak, at kaibigan…
pssst… may lalake na ba? naisip ko lang (si jlois kasi… hehehe!!!). musta na!
Ano na kaya ang nangyari sa simpleng babae? Meron pa ba niyan ngayon?
Lamang na ang lalaki sa populasyon ng Pilipinas pero mas magaling pa rin daw ngayon ang mga babae. Superwoman talaga hehehe.
Ooops wala akong ibig sabihin dito, pasintabi sa mga lalaking blogista.
Mabuhay tayong lahat!
ipagbunyi ang mga babae sa buong mundo….saludo ako sau melai
tanong lang po: baket may women’s month pero walang men’s month?
Medyo marami na rin ang nasaksihan at napaanak ko mismo.. At talagang mahirap yun.
napadaan lang para mag-add hahaha
napanood ko sa saksi kagabi na mas mahaba daw buhay ngayon ng mga girlets
kyut kasi tau and we rock!!!
hehehe.. san ka pa!
saludo ulit ako! para sa ating lahat.
layo ko kay supermom, 7 lang anak ko
mabuhay ang mga kakabaihan…
mabuhay si ate melai!!! mabuhaaaay!!1
ano ba ‘to!? parang kakandidato sa senado! nyahahaha! happy weekend te! ingatz ka lagi en God bless sa’yo!
Ako din kapatid! Saludo sa iyo…..ang magtrabaho sa ibang bansa at ang tiisin ang lungkot ng pagkakawalay sa pamilya! Mabuhay ka!

Mabuhay ka Super Darna at ang inyong mga uri.
Saludo ako sayo kasi ang dami-dami mo nang fans dito.
at kabilang ka na pala sa top 100 ng technorati! jusko, di na kita mareach! Hands salute to mamang melai! 
happy women’s day! mabuhay tayong lahat!
Mabuhay ang mga kababaihan!
Anim lang yung anak nung friend ko dito pero dahil walang katulong sa bahay para na ring 12 sa hirap nya sa pag-aalaga.
Nalen/Manilenya,
Mapagpalayang Saludo sa mga Kababaihang Nakikibaka!
Village Tickler
We would like to salute our women! especially the elderly Gabrielas out there. We currently have a project for the GoldenAcres’ home for the aged. It’s a celebrity auction. the website is http://www.tauspuso.tk
You do not have to buy or bid. Online bidding has yet to take off here. Just give our Lolo’s and Lola’s there sweet words of encouragement. Thank you very much po!
major,
hindi pa ko nagreremit kahit kailan sa pamilya ko sa pinas, yaan mo pag nasimulan ko damay kita
yan e kung masisimulan ko lol magdasal ka pre
jho,
dakila ka jho!
Jlois,
tama ka dyan pre
syempre walang pagtatalo
jay,
prend wala pang lalaki pero marami akong lalaki
isa ka na dun
wahehehehehe dami ko pinagpapantasyahan lol!!
MK,
simpleng babae ba ikamo MK? ako yun syempre meron pa ako
malaya,

mabuhay ka malaya
hehehehe huwag ka ng mang-intriga tiyak walang katapusang debate yan
saka pagdating sa gender dapat wala ng pinagtatalunan kasi tiyak walang tulugan yan
parang religion
mam teks,
nasagot ko na tanong mo sa blog mo kaya lang di ko po alam kung tama e
Richmond,
oo nga at isa ka pang dakila dahil kung wala ka at ang mga katulad mo
hirap manganak
mica,
o talaga?
abah magandang balita yan
karmi,
kaw lang kyut
danda ako e lol!!
sexy mom,
wala din daw po sa dami ng anak yan
sa tingin ko naman e napalaki mo ng super galing ang 7 mong anak e
rHo,
hahahaha unga
saka ka na lang magchat kapag tatakbo na ko ha lol!
Scarlett,
mas lalong saludo ako sayo
dami mo pera kasi lagi ka sa bangko
lol!
myepinoy,
salamat po
lica,
uyyyyyyyyyyyy licaaaaaaaaaa!!!!!!
buhay ka na ulit welcome backkkkkkkkk
mwahhhh!!!!
hahahahaha nakyutan ako sa tawag mo sa kin
lalo akong tumanda wahehehehe!!
lady cess,
happy women’s month po Cess
jhay,
at mabuhay rin kayong mga kalalakihan syempre
ann,
o e bakit di sya kumuha ng kasama?
dyan ba sa Saudi e hindi pwedeng kumuha ng magulang?
Village Tickler,
sa mga Kababaihang Nakikibaka lang?
e paano kaming hindi nakikibaka?
hmmn sabagay nakikibaka rin naman kami pala sa pangaraw-araw na buhay
kaya salamat sa yo.
GoldrenAcresph,
marami pong salamat sa pagbisita
Naku, maligayang International Women’s Month! Kapag kayo ay nagbubunyi, kami rin ay nagbubunyi! Magbunyian tayo! Yihee!
—
Naku, pacenxa uli kung madalang ako sa blog niyo po. Try ko maging madalas. Pag di ako nagpakita uli, pakibatukan niyo lang po ako tapos pagalitan niyo ang aking mga guro. ^_^
aaahhh, danda ka ba ate?
hehehe.. opo, kyut lang po ako eh.. ^_^
Pwede ring kumuha ng katulong dito, kaya lang hindi masyadong practical dahil magastos masyado. Sasagutin mo lahat mula sa visa, ticket, sponsor..etc. Pwera pa yung pasweldo mo at medical.
Hanga din ako sa’yo, Melai…
I know one woman who went into a very tedious hard labor just so she could feed her children. Do you know what she did? Namamasada siya ng padyak. Grabe… Ma-touch ka talaga…
ann,
same din pala dito kaya lang sa mahal ng gastusin dyan talaga sigurong di praktikal,
dodong flores,
hmmnn sa lugar namin may mga nakikita akong namamasada ng pedicab na mga babae pero usually mga lesbian sila. Nakakalungkot lang ano? kailangan na ngang magtrabaho para sa pamilya pero wala pang ibang pwedeng maging trabaho kaya kahit ano na lang pinapasok, siguro kung ako makapanood nyan maiiyak na lang ako.