manilenya - Last updated: Saturday, March 31, 2007Sabi ko kung magpopost ako ngayon malamang sa hindi puyat na naman ako. Pero dahil sa nandito na ako at puyat na nga itutuloy ko na. Magreply, magbloghop, magpost hanggang umaga.
Isang rason para hindi masabing isa akong dakilang chimi-aa. Sino nga ba namang Bagong Bayani (Domestic Helper) ang may ganitong klaseng pribilehiyo…ang magblog hanggang gusto. Okey lang. Sa maniwala kayo’t sa hindi binabasa paminsan-minsan ng amo ko ang blog ko at ang masaya suportado nya ako sa pamamagitan ng pagpapagamit ng medyo bago pang utang na laptop at bagong wifi internet connection. Sama ko na yung paminsan-minsan nyang pagkuha ng mga larawan na pwede kong maging subject matter, konsyerto ng isang pinoy band at minsang pagbigay sa akin ng isang IT Company sa pinas na nangangailangan ng mga bagong IT professionals. Masaya. Sobrang saya. Saan ka nakakita ng ganyang klaseng amo?
Dito lang yun sa bahay ng pinagtatrabahuhan ko.
| 2.5 |
Viewed 145 times by 46 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, March 29, 2007Dati sanay akong maglakad, lakad na may direksyon man o wala. Dati din yung mga paa ko malayo ang nararating. Sasakay ito sa dyip o bus na maghahatid sa akin patungo sa kung saan. Nueva Ecija, Laguna, Pampanga, Antipolo, Bulacan, Marikina, Project 4, UP Diliman, PLM, MLQU, Malate, FEU, Mendiola, Plaza Miranda, Liwasang Bonifacio, Remedios, TM Kalaw, US Embassy, Recto, Quiapo, Sampaloc, Sta. Mesa, San Juan, Santol, sa may highway malapit sa amin, Roxas Blvd, Baywalk, Mayrics, Makati, Padis Point, Cowboy Grill, Pier One, likod ng CCP, Luneta, Batuhan, Smokey Mountain, Navotas, Malabon, Ongpin, Fish port, Sta. Cruz, Pedro Gil. Pwedeng nakatsinelas, naka rubber shoes, naka bulldog, sandals. Minsan hinahatid ng de trolley sa may riles ng tren galing skul hanggang Pandacan, o libutin ang Sta. Cruz, Laguna gamit pa rin ang trolly sa gitna ng riles kapag walang tren. Mananatili ako sa mga lugar na yan ng buong araw o kaya magdamag, uwian o aabot ng ilang araw hanggang sa malalaman ko na lang pagdating sa amin na sunog na pala ang bahay ng kapitbahay…konting konti na lang actually nadilaan na pala ang bubungan ng bahay namin.
Viewed 320 times by 113 viewers
manilenya - Last updated: Tuesday, March 27, 2007Ilang gabi pagkatapos kong makatanggap ng regalong libro mula sa isang kababayan, kaibigan, kasamang manunulat nagpasya akong bumili ng plastic cover para umpisahan kong lagyan ng cover ang mga librong isa-isa kong nabili. Sa awa ng Diyos dalawa lang ang natapos ko.
Gawi ko na ang tumingin-tingin ng mga libro sa malapit na bookstore dito. Iyon lang ang naging libangan ko sa tuwing lumalabas ako. Guess what kung ano ang madalas kong bilhin? Mga librong magtuturo sa akin kung paano magsulat ng ingles. Bobo kasi ako pagdating sa ingles. Pero sa awa ulit ng Diyos, yung mga binibili ko hindi ko rin naman nababasa katulad ng hindi ko rin nababasa agad ang ibang book na nakatambak sa ilalim ng dvd player ko.
Nagpapanggap lang yata akong mahilig magbasa katulad ng pagpapanggap ko na marunong akong magsulat.
| 2.5 |
Viewed 115 times by 36 viewers
manilenya - Last updated: Sunday, March 25, 2007
Wala akong masabi, wala akong makwento basta ang alam ko nag enjoy ako sa meeting namin kagabi ni Red.    We we’re supposed to meet last May noong umuwi ako ng pinas, pero sa hindi maiwasang dahilan (nahiya lang kasi akong makipagkita) hindi natuloy. And last night, narealize ko na ang hindi makipagmeet sa kanya sa loob ng mahigit isang dekada (hindi ko na banggitin ang taon at baka magkalabasan ng edad) ng hindi pagkikita ay para ka na ring hindi nabuhay sa mundo. Lol! exaggerated masyado pero yun talaga ang feeling. I had a nice time eating the very special Katong Laksa with him though hindi yung orig dahil nasa harap kami ng Sim Lim at hindi sa Katong mismo.Â
Viewed 139 times by 41 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, March 22, 2007Ang epilogo ko nasa bahay na ni Tikey. Ang blog entry ko nasa comment page na ni Sashing. Ano pa ba? wala na.
Daragdagan ko sana ng madrama at pwede ring may dagdag na nakaririmarim na istorya ang katapusan ng mga kwento ko sa loob ng anim na buwan, kaya lang itong si tikey na sobrang tuwa dahil isang taon nang namamayagpag ang blog nya sa balat ng net e kinongrats na ko.
Yep yep! matapos ang sampung minutong tensyon sa loob ng interview room, matapos akong kapa-kapain ng doktor, matapos ang apat na x-ray, ang TB test, sputum at ESR na magsasabi kung may kanser ako dahil sa kunyitong x-ray na yan. Pagkatapos kong halos maiyak dahil ang mahal mahal pala ng mga test na yan pero hindi natuloy dahil natapakan ang paa ko nung bading na nasa likod ko. Finally, ito na pala yung madalas niyong sinasabi na …IN HIS TIME.
Tapos na ang panahon ng masyadong pag-iisip, depresyon, luka-luka moments at higit sa lahat yung pagtatanong sa sarili kung ano ang gagawin ko kung uuwi na lang kaya ako ng pinas at kung ano naman ang gagawin ko doon. Opo, I’m going somewhere soon.
No. Hindi pa tapos ang kwento dahil may bagong chapter pa lang na mag-uumpisa.
| 2.5 |
Viewed 122 times by 38 viewers
manilenya - Last updated: Wednesday, March 21, 2007Ilang beses na rin naman ako umiyak nitong mga huling araw. Minsan kapag may naalala pero mas madalas mga simpleng bagay lang naman, dala siguro ng depresyon na bigla-bigla sumusulpot sa kin. Pero yang mga iyan, mga iyak na nagtatago lang sa kaloob-looban ng dibdib ko. Walang nakakakita kaya tago. Iba naman yung iyak na may kasamang hagulgol. Ang huling hagulgol na natatandaan ko ay noong gabi bago ako magpasyang mamuhay muli ng nagsasarili na may karay na sanggol pagkatapos kong subukang bumuo ng isang pamilya. Yung hagulgol na yun, isang gabi lang kasi kinaumagahan ibang ako na ko. Mali. Bumalik na pala ako sa dating ako. Ako na ulit ang panganay na anak ng mga magulang ko at ang batang bitbit bitbit ko ay ang bagong bunso ng pamilya.
Viewed 258 times by 56 viewers
manilenya - Last updated: Monday, March 19, 2007Napanood ko sa Rated-K kanina yung apat na naging milyonaryo at a very young age (25 years old), one of them ay nagngangalang Lloyd Luna, writer ng librong Is there A Job Waiting For You?. Hindi ko pa nababasa ang libro pero interesado ako katulad ng pagiging interesado ko kung paano siya naging milyonaryo.
Siyempre no “kahit ako’y ganito” (naks drama!) e gusto ko ring magkapera. Minsan sa panahong nagsasawa na ko sa pag-iisip ng “normal” na buhay e extrabagansang pamumuhay naman ang tumatakbo sa utak ko, nangangarap ba. At least naman kahit sa pangarap ng gising e naging sobrang alwan ang buhay ko, yun nga lang bigla akong nagigising sa reyalisasyon na tuyo na pala yung tubig na pinapakulo ko.
No. Huwag kayong maniwala sa akin. Hindi ko pinangarap na magkaroon ng sobrang laking bahay, wala sa isip kong magkaroon ng mga sampung kotse, isang helicopter o kahit isa man lang ferry boat. O di kaya naman ay maglibot sa buong mundo kahit minsan sa isang taon lang.
Pero, tao lang ako hehehehe syempre no? ano ako tuod?
Pero ulit, dahil wala naman akong ginagawang paraan para magkaroon ng lahat ng yan e sorry ako. Mangarap na nga lang ng gising …paminsan-minsan lang naman.
Ten years ago nabanggit ko sa isang male friend na “in 5 years magkakakotse ako, gusto ko may minamaneho na kong kotse.”
“Wow!” sabi niya. “Iba ka talaga nalen, hanga ako sayo. Buti ka pa kababaeng tao may pangarap. Ako hindi ko naiisip yan.”
Sa awa ng Diyos wala akong kotse, kasi sabi ko lang naman yun e. Sira lang ulo nung kaibigan ko kasi naniwala siya sa kin.
Pero itong si Lloyd Luna, nagdidikit pala ng mga litrato ng kung ano mang bagay na gusto nya sa isang malaking board tulad ng kotse, bahay at kung anu-ano pa. Sabi pa niya kapag nakikita daw nya yung mga dinikit nyang yun, doon na naguumpisa ang mga plano kung paano makakamit yung mga gusto nya.
Parang ang sarap tuloy gayahin, parang naiinggit ako sa kanya kahit na para ding hindi bagay sa kanyang naka amerkana, lol! joke lang (taas dalawang kamay ko sayo pre lalo na’t galing ka palang PUP, totoo yan pre seryus.)
Ito talagang seryoso, kahit na naiinggit ako sa kanya (si LLoyd yun) may kontradiksyon naman sa loob ng bao ko. Mas malaking porsyento kasi ng paniniwala ko na mahirap yumaman sa isang lipunan na sobrang dapa ang ekonomiya, malabong umangat ang buhay sa isang bansang kontrolado lang ng iilan ang likas na yaman at lakas paggawa. Pwera na lang kung asawa ka ng pulitiko at matapang ang mukha mong baguhin ang pangalan at gamitin ang pera ng bayan sa pagpapalago ng sariling negosyo. O kaya maghire ka ng mga empleyado ultimo katulong mo tapos dahil congressman/congresswoman ka e munisipyo ang magpapasahod ng mga empleyado mo. O di kaya simpleng takbo ka na lang sa gobyerno at pagtapos ng term mo tiyak may sarili ka nang negosyo.
Oooppsss! yoko na, na aagitate na ako masyado.
Kung may malaking porsyento na ganoon ang paniniwala ko syempre may maliit na porsyento pa ring nakikipaggitgitan sa utak ko. Sabi nito “huwag kang mag-alala aasenso ka rin, yayaman ka yayaman ka yayaman ka yayaman ka yayaman ka…….nahihypnotize na yata ako……yayaman ka, yayaman ka, yayaman ka, yayaman ka. Magkaka asawa ka ng milyunaryo na gwapo as in super duper gwapo to the max at ….milyunaryo kaya yayaman ka, yayaman ka yayaman ka.”
Paulit-ulit yun, nagpipilit sumiksik sa sentro ng noo ko. Unti-unti ito na nakikita ko………
Viewed 140 times by 47 viewers
manilenya - Last updated: Wednesday, March 14, 2007Sala sa lamig sala sa init.
Puwedeng pamagat ng pelikula o naging pamagat na nga ba?
Okey okey! sige na aminin ko na.  Babae kasi ako, o e ano ngayon? okey ulitin ko sa ibang tono. Babae po ako at tanggap ko yung mga katagang ibinabato sa aming mga babae na pabago-bago ng isip, walang pagtatalo diyan katulad ng hindi ako makikipagtalo kung sino malakas o kung sino ang mas matalino,babae ba o lalaki? pero….ummm tignan ang hintuturo kong nakatutok sa taas at nakatapat sa mukha mo (ala Maricel Soriano) na nagbabasa. Pero minsan syempre pabago bago ng isip pero ulit, may matatag na prinsipyo sa maraming bagay. Kaya sige okey na yun, sala nga sa init sala sa lamig.
Viewed 152 times by 46 viewers
manilenya - Last updated: Tuesday, March 13, 2007Kumana si nanay. Kahapon sa gitna ng aming brunch (wow sosi!), kasabay ng paghigop ng kape namumuwalan pa yata ng kaya toast ang mga bibig habang nagsasalita. Paminsan-minsang pagtikim sa kinakain kong nasi lemak, ewan ko kung saan galing yung ideya bigla siyang nagtanong.
“Bakit kaya ayaw sa atin yung ID System?”
Viewed 150 times by 41 viewers
manilenya - Last updated: Monday, March 12, 2007Kwentong paulit ulit walang katapusan.
Kapag naririnig ko na kung hindi “narinig ko na yan e” ang madalas kong sabihin ay lalayo ako sa umpukan at may gagawin sandali, pero maya-maya lang babalik ako sa kwentuhan. Makikinig at titignan ang reaksyon ng mga kinikwentuhan ni nanay na madalas naman e kami kami rin o kaya sila sila na madalas ding makarinig ng mga kwento ni nanay. Daig pa si Lola Basyang.
Pero nung kinwento nya ito sa amin noong bagong dating siya dito parang may kakaiba. Hindi. Ibang-iba talaga. Parehong kwento pero may dagdag na drama.
Viewed 176 times by 57 viewers
manilenya - Last updated: Sunday, March 11, 2007Napanood ko kanina ang Game Ka Na Ba kung saan nanalo si Tuesday Vargas, sabi sa kwentuhan nila ni Edu Manzano:
Tuesday: matagal ko na pong pinagkakakitaan ang Game Ka Na Ba, naiahon na nito sa kahirapan ang pamilya ko.
Edu:Â O talaga? mga ilan sila?
Tuesday: Opo, mga eleven po sila. Iyong anim lang ang kilala ko yung iba hindi na. (tawa)
Edu: tignan mo nga naman yun ano? sana makuha mo na yung isang milyon para hindi ka na babalik dito ano?
(tawanan ulit)
Hindi nakuha ni Tuesday ang isang milyon kaya tiyak babalik ulit siya.
Viewed 306 times by 101 viewers
manilenya - Last updated: Friday, March 9, 2007Huli man daw at magaling, huli pa rin pero ika nga di bale ng huli basta dumating. Hindi ako makatulog hangga’t hindi ako sumasaludo. Nauna na akong sumaludo dito pero ito ang tahanan ko kaya nandito pa rin ako.
Gusto ko sanang ibalita na mayroong 50 na mga babaing muslim sa Morocco ang nakatapos sa priesthood nila. Unang pagkakataon daw sa kasaysayan ng relihiyon nila, hindi ko na ikukwento ang iba pang detalye kasi medyo pagdating sa muslim e nagiging kumplikado ang usapan. May negatibong reaksyon sa kalaban sa pulitika ng mga lider sa Morocco ngunit ganunpaman, isang bagsak sa isang pasulong na pagbabago sa kalagayan ng mga kababaihan sa relihiyong muslim.
Viewed 182 times by 55 viewers
manilenya - Last updated: Wednesday, March 7, 2007Sinulatan kita kanina. Pinagpag ko ang aking mga kamay. Kinuha ang ballpen na binili sa Popular Bookstore, tinanggal ang takip at mahinay na pinagapang ang mga tinta nito sa iyong pahina. Ang sabi ko uumpisahan kong magkaroon ng oras sa iyo, uumpisahan kong itutok ang mga mata ko sa iyo kahit sa maikling oras lang. Magkuwento ng kung ano ang nangyari sa akin sa buong maghapon, magbukas ng loob sa kung ano ang nararamdaman ko para bukas pagbukas ko sa iyo ay makita ng dalawa kong mata na may nangyari sa akin kahapon. Para bukas malaman ko na buhay ako kahapon at para bukas madama ko na buhay pa rin ako, nagbabasa.
Viewed 121 times by 43 viewers
manilenya - Last updated: Monday, March 5, 2007Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan.Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng
sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.Maramdamin ang isang matanda.
Viewed 128 times by 51 viewers


piapot


