Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Nalen Aguilar's Facebook Status Updates

        Nalen is sleeping........

        (Updated 16 hours, 42 minutes ago)

      Please visit this site
      Ads here
      • Advertise Here
        Chitika Referral
        Performancing Hive
        Social Media Marketi
        Authority Builder
        Blog Management
        Blog Stats
    Recent Comments
    Sponsors
Sa wakas!
By User Imagemanilenya | 38 CommentsLeave a Comment
Last updated: Tuesday, February 27, 2007

2000 noong pinilit/hinimok ako ni nanay na mag-aral ng reflexology, hesitant ako dahil wala akong hilig sa pagmamasahe.  Sa isip isip ko hindi kakayanin ng palad ko dahil ni hindi nga ako makapiga ng kalamansi ng maayos.  Sabi niya iyong anak daw ng kumare niya ay freelance massage therapist ay nag-aapply sa Dubai. (Nasa Dubai na nga siya ngayon at may asawa ng ibang lahi doon.)

“Malay mo.” sabi pa niya.

Dahil sa wala naman akong ginagawa saka napansin ko rin na baka nga nagsasawa na si nanay na pakainin ako at si Aya ng tatlong beses isang araw sama ko na yung padamit, konting pera kapag lumalabas saka pampa-aral kay Aya, pumayag na rin ako sa wakas.  Ilang pilitan pa yun na hindi ko na matandaan.

At long last nakapag enroll ako, nakahawak ng paa’t kamay ng mga kapwa ko estudyante, I found out na matututo pa ako ng ibang massage therapy. Natapos ang isang buwang theory, nagpraktis sa mga kapatid, pinsan at ilang kamag-anak.  Medyo nakakapagod din pala pero nakaka enjoy kaya sabi ko bakit di ko subukang mag-aral ng advance massage therapy which is chirotherapy.  Ayaw ko ng paa at kamay lang ang nahahawakan ko.  Gusto kong pagapangin ang buong palad sama ko na siko ko o pwedeng pati katawan ko idantay ko sa magiging pasyente (please note pasyente hindi kliyenta).  Nakakapagod pero masarap.  Masarap lalo na kung sasabihin ng pasyente ko na “ang sarap! ang sarap sarap!”

Pero pagkatapos kong mag-aral nito hindi ko rin naman ginamit, hindi ako naghanap-buhay bilang isang masahista.  Tama na sa akin yung magmasahe kapag tinawag ng mga tyuhin at tyahin, at masahihin ang mga ulo at mga kamay ni tatay gabi-gabi habang nanonood siya ng TV.  At noong huli masahihin ang mga balakang hanggang paa ni nanay noong nagkaroon siya ng problema sa paglalakad.

Medyo siguro dala ng hiya dahil sa hindi ako sanay humawak ng katawan ng may katawan kaya pinili ko na lang ang magtinda ng isda (negosyo ni nanay) kasama ni nanay.

Recently lang noong sipain na ko ng nanay ko papunta dito sa kinalalagyan ko nagamit yung pinag-aralan ko.  Paminsan-minsang natatawag para magservice.  Medyo nakakagulat dahil nagugustuhan ng karamihan ang pagmamasahe ko.

Pero habang nagugustuhan naman nila mukha namang paghihirap para sa akin.  Mahirap syempre, kahit na ba balingkinitan ang katawan ng mga babaeng namamassage ko, mayroon din mangilan-ngilang may katawan, at kapag lalaki naman (usually mga asawa din ng mga babaeng tumatawag sa akin) doble naman ang laki sa akin o mas pa.

Sabi nga ni younger sis dapat daw matuto din siya para naman mayroong tatrabaho sa katawan ko.  Minsang sinubukan nyang masahihin ako kasabay ng aking instruksyon  syempre, nangaykay ako sa sakit kinabukasan sa halip na marelaks.

Sa wakas (uy pumapalakpak! mawawakasan din ang mahabang entry)

Kagabi sa mall pagkaapos makabili ng bagong massage gadget ni kapatid at ni bayaw, sinubukan nilang gamitin ang bagong massage chair na promotion ng company.  Niyaya pa ko ni sis na subukan din pero nag-inarte pa ko noong una.

“Try mo,”

“Ayaw ko nga, hiya ako di naman ako bibili e.” sabi ko.

“Ayaw itry, dalaga kasi.”  Tinukso na ko ni younger sis noong huli.

Paano naman kasi since nasa ground floor kami, kitang kita kami ng mga taong nakatambay sa bawat floor.

Pero noong bandang huli hindi na ko nakatiis, pagtayo ni nanay siya namang upo ko.  For 10 minutes trinabaho ng massage chair na nagkakahalaga ng S$8,800 mula talampakan ko hanggang leeg. Masarap pero hindi na siguro mauulit yun.

Kaunting palitan ng experience sa mamahaling massage chair noong pauwi na kami pero ang sabi ni younger sis “mas masarap pa rin ang haplos ng mga kamay mo.”

Naks naman!!!!

****************

Isang pagbati pala sa aking ka friendshipan sa kanyang kaarawan.  Maligayang kaarawan po muy pinoy! Sumaiyo sana ang kapayapaan ng puso at isip, sama na natin ang good health at sana yumaman ka pang lalo :)

Rate this:
2.5

Viewed 315 times by 100 viewers

RSS feed | Trackback URI

38 Comments »

Comment by no imageTikey (Who am I?)
2007-02-27 20:03:16

Pagkakataon kona tong makauna… ako gusto koring mag aral ng ganyan, tapos gusto koring mag pinta, mag kuha ng picture, mag edit ng picture, mag nurse at kung ano ano pa.. kaya pinili kong maupo nlang dito dahil nahihilo ako sa mga gustong gawin ko…

iniisip ko palang ung pag mamassage nakikiliti ni ako. dami ko kcing kiliti sa katawan ei! ayaw matanggal… heheh

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageTikey (Who am I?)
2007-02-27 20:04:02

sabi na nga pers onor ako… hehe nasilip ko kc ang comment mo habang ako ay nag iiscrap! heheh

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageBayang Magiliw (Who am I?)
2007-02-27 20:07:35

TIkey,
hehehehe first honor ka nga, at ako’y nagagalak congrats sa yo ineng :)
abah naman ano? tignan mo nga naman yan pareho pala tayo ng gustong gawin, pero gustuhin ko mang mag nurse di pwede kasi takot ako sa kahit na anong nasa loob ng ospital at higit sa lahat takot ako sa duguang katawan….ayaw kong magmasahe ng duguang katawan ano lol!!!
pero tulad mo sa dami ng gusto ko nahihilo rin ako kaya eto ako walang ginagawa lol!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemalaya (Who am I?)
2007-02-27 20:34:16

ako second ako! hehehe
syempre machine pa rin iyon…talagang mas masarap ang natural…mas masarap ang haplos ng kamay na mapag-aruga.
magtayo ka na lang kaya ng massage parlor sa Pinas, Ate Nalen?

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemyepinoy (Who am I?)
2007-02-28 04:00:15

Maraming salamat.

Rate this:
1.6
 
Comment by no imageLeah (Who am I?)
2007-02-28 07:22:18

Naku, ipinaalala mo na sa akin ang massage. Namiss ko tuloy. Di bale i have one coming up soon. Masarap magpamasahe lalo na kung sa isang professional na tulad mo. It brings patients like me , masarap na ginhawa sa mga sakit at kapaguran. Salamat.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagejlois (Who am I?)
2007-02-28 09:19:12

Tamang-tama pala medyo kailangan ko na rin ng masahe mare! :) okay lang kaya sayo? joke

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageMK (Who am I?)
2007-02-28 11:00:44

Noong umuwi ako sa Pinas nagpamasahe ako sa isang Sabadista na sa Germany pa nag-aral ng pag-masahe - Saraaap!

Rate this:
1.6
 
Comment by no imageverns (Who am I?)
2007-02-28 12:26:52

iba pa rin talaga ang haplos mo Melai hehe :) gawin mo na kasing career!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageann (Who am I?)
2007-02-28 12:28:53

Gusto ko ang nagpapamasahe pero ayokong mag-aral magmasahe. Meron din dito sa mall yung massage chair, di pa namin na try maupo kasi naman daming mga pana yung nakikita kong nauupo run, dumidikit yung amoy nila sa upuan.

Iba pa rin talaga yung haplos ng kamay, lalo pag asawa mo yung nagmamasahe…hehehe.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagekarmi (Who am I?)
2007-02-28 12:40:12

magkano pa-masahe ate? :) ako rin daw, masarap magmasahe sabi ng tita ko.. mabigat daw kasi ung kamay ko eh.. hehehe, ewan ko kung compliment ba un o ano..

nasubukan ko na rin dito yan.. ang umupo sa mga machine na nagmamasahe.. aus naman, medyo nakakaantok, ung tipong magpapaiwan na lang ako at sila na lang ang maglibot sa buong mall.. hehehe…

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-02-28 12:40:39

karen,
uyyy second ka nga :)
hmmnn malaking kapital kailangan diyan karen
minsan nga naiisip ko na mag-aral ng spa management dito saka ilang massage therapy kaya lang
mahal mag-aral dito di ko kakayanin
yung iba ngang lokal dito e sa Aussie pa nag-aaral :(

myepinoy,
wala pong anuman

:)

Leah,
naku hindi po ako professional :) nangangapa pa rin ako saka hindi ko siya talaga kinakarir e :)

jlois,
pre $50 lang para sayo lol!!

MK,
wow naman sa Germany pa talaga aral, sosyal e di sobrang galing nyan? e ako dito lang sa tabi-tabi nag-aral.

verns,
talagang iba ang haplos ko lol!!
sige tayo ka ng spa tapos kunin mo ako para karirin ko na :)

ann,
ako man noong una ayaw ko e, actually kahit minsan may tumatawag ayaw ko rin, nasa mood kung baga hirap din kasi di ka na pwedeng magtrabaho ng iba na kailangang magbasa ng kamay. hehehehe ganoon ba kagrabeh mga amoy ng mga yun at talagang humahawa na sa upuan? try mo minsan sarap din :)

uy sarap ba mag massage si tito KD? lol matry nga minsan wahehehehehe1!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-02-28 12:43:32

karmi,
ang maganda daw na compliment sa isang masahista e yung mainit daw ang kamay hindi basta mabigat :) kasi karmi yung bigat hindi sa kamay nararamdaman, kundi yung buong katawan mo nadadala ng kamay mo, ewan ko sabi lang sa akin :)

mura lang pamasahe :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagerazz (Who am I?)
2007-02-28 15:22:43

Ako gusto ko lang magpamasahe.. lagi kase masakit ang likod ko sa pagod, at kakaharap sa pc..

Ayan tuloy, gusto ko tuloy magpa spa now…

Gusto kong massage e yung medyo may pressure..

Rate this:
3.0
 
Comment by no imagelady cess (Who am I?)
2007-02-28 15:28:34

ang sarap siguro ng pakiramdam mo na natutuwa ang mga mahal mo sa buhay sa pagmasahe mo sa kanila.

mukhang bihasa ka na. may mga suki ka na siguro.

minsan kong nasubukan yung massage chair sa mall. meron kasi rito, PHP 20 for 3 minutes :D hindi ko masyado nagustuhan e. iba pa rin ang masahista.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageMajor Tom (Who am I?)
2007-02-28 15:30:39

Ang ganda ng idea na yan, siguro mag-aral din ako niyan; baka maging expert din ako tulad niyo.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageToe (Who am I?)
2007-02-28 19:31:01

Hi Nalen! Marunong ka pala mag-reflexogy? Mahilig din ako magbasa tungkol d’on kc maganda yata talaga ito sa kalusugan (basa nga lang, pero di ko alam kung pano). :) Napakagandang skill na malaman ‘yan. Di hamak naman sigurong mas masarap nga ang haplos ng kamay mo kaysa sa massage chair. :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageairwind (Who am I?)
2007-03-01 09:48:23

naks!! naman ako rin gustong-gusto ko magpamasahe. takot nga lang ako sa mga bulag. kasi ang bigat ng kamay. nun pagkatapos akong masahihen parang akong na gang rape… wehehe

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageSa Wari Ko (Who am I?)
2007-03-01 11:26:11

Napahalakhak ako ng mabasa ko ang “…piga ng kalamansi …”

Talentada ka talaga sa pagsulat na “effortless” … napaka natural!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagesexy mom (Who am I?)
2007-03-01 12:25:36

sana naging isa ka sa mga anak ko…sarap siguro ng haplos mo. eto, nagbabayad na lang masahista, and most often, damay pa sila, gastos ko pa.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-03-01 17:20:42

razz,
yeah actually mas okey ang may pressure, nakakaalis talaga ng sakit ng katawan hindi basta pamparelax lang :)

lady cess,
pagkatapos ko imasage tapos sasabihin nila na ang sarap saka ang galing ko :) sarap talaga ng pakiramdam, pero kapag di pa ko nagsisimula at gusto nila pamasahe,, pag wala ako samood di masarap sa pakiramdam lol!!

sa escolta daw sabi ni nanay may libre kaya lang pipila ka daw kasi naman kaya libre promo nila para pag nagustuhan bibili daw ..one hour daw yun kaya lang hindi chair bed daw talaga :)

major Tom,
dati po may kasabay ako lalaki din prof sa Lasalle, mukha namang nag eenjoy siya noong nag-aaral kami pareho :)

Toe,
actually di na detalyado ang alam ko sa reflexology now kasi chirotherapy ang gamit ko sa pag mamassage na sinasamahan ko ng shiatsu although may kasama na ring reflex at accupressure..pero mas masarap di hamak yun sa reflexology lang :), tapos minsan nanonood ng mga iba pang massage therapy para malaman kung okey din ba yun :)

airwind,
nyahahaha ganun ba? e tyak takot ka rin sa akin kasi hard massage gamit ko e :)

Sa Wari Mo,
ganun?

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageScarlett (Who am I?)
2007-03-01 17:47:44

Aba aba, magaling ka pala magmasahe. Kaya lang, talagang nakakapagod ano. Kahit ako, pagnagpapamasahe ako, naawa din ako sa nagmamasahe sa akin. Isip isip ko,sa laki ng katawan ko (hehehe), malamang ay dinadasal nila na sana matapos na! Hahahaha.

Pero, galing ha, sana matikman ko ang pagmamasahe mo :-)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageScarlett (Who am I?)
2007-03-01 17:49:26

at tiyaka pala, talaga namang iba pa din ang “human touch” kaysa isang makina lamang na pinipindot pindot.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-03-01 17:58:21

Scarlett,
uyyy malamang uwi na ko ng pinas nito, malamang magkatrabaho na ko diyan :)
freelance masahista lol!! pwede! :) isa-isahin ko mga kablagista ;)
kaya lang sanay ako sa dollar ang bayad e lol!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageghee (Who am I?)
2007-03-02 07:31:24

waaahh,pamasahe namn Nalen!!
Siguro nga,masarap ang haplos mo :)

Yung mga masahista rin sa loob ng dept store ay kumukonti na,nung bumalik ako nung nakaraan,wala na raw yung masahista nila kasi masyado raw napapagod..Oo nga nman,habang na rirelax ang pasyente ay sa yo namn mapupunta ang sakit nag katawan :)Pero masarap talagang magpamasahe…

waaahhhh,ang sakit na ng balikat ko…kaba blog! hehe.

swerte ng magiging hubby mo,laging may service from you ;)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-03-02 11:18:54

ghee,
hehehehe hala sige punta ka rito massage kita :)
department store may masahista? saan yan sa pinas?
lol! mas malas magiging hubby ko kasi pagdating sa kanya pihadong masakit na katawan ko :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagejho (Who am I?)
2007-03-02 17:55:49

ako rin massage mo! hehe!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagesmarie (Who am I?)
2007-03-02 20:16:38

halu menalen! kamusta ka na? ako di pwede magpa masahe at nakikiliti ako. hahaha…. kahit mag blower lang ng buhok pagkatapos magpagupit, nakikiliti na. panu pa kaya kung full body massage? nakow poh!
anyway, hope everything is fine with you and your family :0)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageYmir (Who am I?)
2007-03-02 22:43:48

dumami pa sana ang iyong mga kliyente este pasyente at ng mabili mo na ang mamahaling massage chair…

Rate this: