Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Nalen Aguilar's Facebook Status Updates

        Nalen says although my mother is a street smart, it doesn't mean that I'm a smart ass....

        (Updated 1 day, 20 hours, 12 minutes ago)

      Please visit this site
      Ads here
      • Advertise Here
        Chitika Referral
        Performancing Hive
        Social Media Marketi
        Authority Builder
        Blog Management
        Blog Stats
    Recent Comments
    Sponsors
May magbabago nga ba?
By User Imagemanilenya | 28 CommentsLeave a Comment
Last updated: Sunday, February 25, 2007
“The duty of every filipino patriot is to love God, serve the Country, and protect the People”

The Vision:

1. Lasting Peace and Prosperity for the country

2. A free, educated and responsible Filipino citizenry that is bound together by a National Identity uniting them regardless of religion, culture, social status and ideology

3. Sovereignty and Territorial Integrity

4. A truly Democratic government founded on equality and social justice with an election process reflecting the true will of the informed people

5. Governance guided by social equity

6. An efficient and professional bureaucracy of honest, humble, competent and hardworking public servants

7. Public policy-making defined solely by National interest

8. National Interest centered solely on public welfare

Onward to righteous victory!
Oath of the New Katipuneros:
I am willing to lay down my life in the pursuit of the Vision
I will be loyal always to the National Interest
I am willing to be a catalyst of change of an oppressive and unjust society into one that advocates equality and social justice
I will respect human rights
I will not commit any acts of corruption
I will live a modest life commensurate to my legal means
I am willing to be punished should I betray any decree of this oath
I am doing this supreme act of sacrifice for God, Country and People with no promise of reward, compensation or recognition

Nadapa ako sa site ni cutiepie Trillanes, nakita ko sa URL nya yung magdaloparasapagbabago, sabi daw Magdalo Para sa Pagbabago, syempre magandang tagline yan para sa isang tumatakbong senador.  Pero tumaas din kilay ko katulad din ng pagtaas ng kilay ni Kris Aquino sa sinabi ng isa nyang contestant sa Game Ka Na Ba. (wow libre na ang isang post ko para kay Trillanes at plugging naman sa palabas ni Kris A.)

Sabi ng kontestant:

Galing ako sa public school kaya alam ko na hindi maganda ang kalidad ng Education System (plano nyang magturo ng Math).

Sabi ni Kris na gulat na gulat:

Ows?? ikaw ang magbabago ng sistema ng edukasyon?

Hmmnn katulad nung aspiring educator, si Trillanes nga ba ay may maibibigay na pagbabago?  At ano naman ang pagbabagong ihahain ng sundalo?  May bago ba? O may mababago pa ba?  Baka daw.  Tiyak daw meron sabi ng mga pumipitik, tumatapik, kumukurot, sumusuntok, sumisipa, gustong sipain si GMA sa pwesto.  Lalo pa daw at nailabas na Trillanes ang mga kabalbalan at mga umiiral na sistema sa military.

Ows??? tignan natin

Ewan ko.  Lumang pulitiko, bagong pulitiko.  Lumang trapo, bagong trapo.  Sila sila rin yan, may mga bagong sumusulpot kundi asawa, anak, pamangkin, kabit ng mga dating pulitiko.  Mayroon ding mga dating aktibista na nagiging trapo.  Mga artista na nagiging trapo at siyempre mga trapo na patuloy lang ang pagiging trapo. 

Walang pagbabago.  Nasa posisyon na pwedeng sa susunod oposisyon at mga oposisyon na sa susunod nasa posisyon.

Kaya kayang baguhin ni Trillanes yan?

Yung mga nakapost sa taas.  Wala yan, naaliw lang ako sa nasa sidebard ng site nya.  At saka check ko yan kung masusunod nya nga just in case na makapwesto siya.  Saka ko siya singilin ng sampung pitik sa tenga kada paglabag niya sa mga pangakong binitawan nya bilang sa salita nya’y Bagong Katipunero.

Rate this:
2.5

Viewed 575 times by 186 viewers

RSS feed | Trackback URI

28 Comments »

Comment by no imageLAR (Who am I?)
2007-02-25 01:15:04

Ang impression ko… lahat ng nasa politika, nagiging kurakot. Bakit nga ba sila nagpapakahirap sa pagpunta sa mga pwestong may katungkulan sa gobyerno? Pag mayaman ka, para saan? Mayaman ka na, hindi na kailangan pang maghirap pero para saan? Sa POWER! Mahihirap na nagpipilit maupo sa pwesto, bakit? Para yumaman at magkaPOWER! May bago ba? Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na isang araw, ang isang simpleng Juan dela Cruz ay gagawa ng mga bagay na magpapabago sa ating sistema sa bansa para sa ikabubuti nito. Umaasang balang araw, magkaroon ng disiplina at pagpapahalaga ang bawat Pilipino, mula sa maliit na paslit hanggang sa pinakamatandang mamamayan upang magsimula doon ang tamang direksyon tungo sa pagbabago. Aasa pa rin ba ako?

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageBayang Magiliw (Who am I?)
2007-02-25 01:22:45

LAR,
sabi habang buhay daw dapat may pag-asa :)
pag wala daw pag-asa walang buhay :)
pag walang buhay
patay
e di pa patay
kaya buhay :)
kaya dapat umasa pa :)

melai

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemyepinoy (Who am I?)
2007-02-25 01:31:04

Ito basahin mo: Migrants’ Manifesto for Issue-based Electoral Contest. Kung interested ka, paki-pirmahan mo. Maraming Salamat.

Ang sagot ko OO, meron magbabago. Ano ang magbabago, ang kanyang personal fortunes. Kaya dapat ang tanong, meron ba syang magagawang pagbabago para sa nakakaraming Pinoy.

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagedimaks (Who am I?)
2007-02-25 01:54:28

minsan nakakapagod na rin, pero laging nandun pa rin ang benefit of the doubt ika nga.. kaya tingnan nga natin, kung sakaling makaupo sya sa pwesto :)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagekarmi (Who am I?)
2007-02-25 03:22:55

naku, baka maging seryoso na naman ang comment ko ah.. teka nga..

siguro kaya nais ng mga Pinoy na magkaroon ng position sa gobyerno ay para nga sa pagbabago, ang hirap nga lang kapag nasa pwesto na sila, may parang naiinom ata sila na nakakalimutan na nila ang mga pinangako nila. nakakalungkot na ilang eleskyon na ang dumaan pero wala pa ring pagbabago.

buti na lang di ako tatakbo, sasakyan na lang ng jeep para mas mabilis.. hehehe.. KORNY!

Rate this:
1.6
 
Comment by no imageann (Who am I?)
2007-02-25 03:39:49

Minsan nakakapagod at nakatatamad na ring umasa. Mas bilib pa ako sa mga taong gumagawa ng sariling paraan para paunlarin ang sarili tulad ng pagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang lugar kaysa umasa at maghintay sa pagbabago ng gobyerno at mamatay ng gutom sa pilipinas. That’s only my personal opinion.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageJON CABRON (Who am I?)
2007-02-25 07:36:26

merong pagbabago.. siya ang makabagong gringo honasan.. sus!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagejlois (Who am I?)
2007-02-25 14:25:01

Syempre merong pagbabago, dahil may karagadagan na namang politiko trapo man o hindi. kaya abangan na lang ang susunod na kabanata.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagelady cess (Who am I?)
2007-02-25 15:51:01

ako po, hindi na ako nakikinig sa mga plata-plataporma ng mga yan. para sa akin, (most if not all) the candidates are willing to promise anything just to get votes, tapos pag nailuklok na, sari-sariling interes na.
but that’s just me :)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemousey (Who am I?)
2007-02-25 16:51:42

pareparehas lahat ng pulitiko. pat mga tactics at promises. iisa lang naman ang goal nila for self interes. sowee kung nawala ang ang aking paniniwala at bilib sa mga yan.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageVince (Who am I?)
2007-02-25 17:25:55

Most of the politician, (generalization na ito) handang gawin lahat para lang mailuklok. Sa katunayan, meron ding mga politicians ngayon na handang sumali sa eleksyon dahil parang popularity contest ang dating, kita nyo naman, buong bansa nakakita at nakarinig sa isang interview ni Korina sa isang sikat (ayaw kong aminin na kababayan kita, nyahahah!) na ayaw mag-Mayor kundi mag-Congressman na lang since mas madali daw ang trabaho, shameeee, naks! Pagbabago ba ang dinadahilan? siguro nga, parang muro-muro ang dating, stage play ala-pasikatan sa kongreso at sa senado, e, most of the time, palpak naman. Anong nangyari una sa hello garci, yung general na kurakot, yung mga protector ng rapist na ‘kano, at yung kano mismo, nasaan na? nawala na yung balita, ano ngayon isusunod sa Melo report? parang panandaliang aliw sa mga kababayan natin, let us see, after few days, may bago na namang patok sa tv at radyo, kung sino ang magsasalita, abangan! hhahahah!!!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagejho (Who am I?)
2007-02-26 06:19:09

hay naku! puro pangako sila ngayon, tapos napapako naman kapag nahalal na sila. Yung mga ginastos nila sa Ads nila sa TV at radio, kanino nila babawiin iyon? sa taong-bayan? Kawawa naman tayo.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagePaeng (Who am I?)
2007-02-26 07:50:54

boto niyo si Trillanes. isa siyang idealist na graduate ng UP National College of Public Administration and Governance. ang pag-mutiny niya noon ay dala ng katiwalian na naungkat niya nang ginagawa niya ang kanyang thesis.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagesexy mom (Who am I?)
2007-02-26 10:32:31

i have lost faith in the political system, and i know, hindi ako nag-iisa. i thought after people power 1, things would be better, but where are we now? oh, Lord, grant us a miracle.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageMK (Who am I?)
2007-02-26 11:28:28

Hinde naman mahirap isipin na iyang listahan ng visions na iyan ay galing kay nana sana. Hinde naman sa salungat ako, just being realistic. Actually iyan ang visions ng campaign manager para sa kandidato.

Kung ipalalabas sa TV iyan, tiyak na may kasabay na: “I am so and so and I approve this message.”

Going straight opposition for the Senate affords a better chance/opportunity for change for better government.

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagemalaya (Who am I?)
2007-02-26 14:20:24

Naku Ate Nalen, under investigation ‘yang site ni Trillanes…ahehehe. Parang ‘yung site ni Nicanor Faeldon noon.
Sa site na lang siya nakakapangampanya, pero I think may followers ‘yan sa mga ka-brod niya…tahimik nga lang kasi bawal (”daw”) sa AFP ang makisawsaw sa politics.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageverns (Who am I?)
2007-02-26 18:10:31

maiba lang ako…nakita mo na ba ang ad campaign ni Ping Lacson?

jingle sha eh pero yung unang line parang ganito

” Si Ping…ang kinabukasan…” or something like that…

basta ang pagkakarinig ko…”siping ang kinabukasan” bwahahaha

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-02-26 18:17:41

myepinoy,
bakit naman Ministry of Migration and Development hindi ba dapat e Department? medyo nagkakatalo sa pangalang ginamit kasi alam ko sa Parliamentary Government gamit yan….. lol!! ayaw ko pa ng parliamentary kind of government sa ngayon kasi ibig sabihin nyan palo ako sa charter change :)

yung tanong mo..yun nga ang aabangan nating sagot pagkatapos ng eleksyon diba :)

dimaks,
bata ka pa yata para mapagod :)
salamat pala sa pagbisita :)

karmi,
hehehehe korny nga :)

ann,
but of course, your entitled to your own opinion :)
saka kaya nga tinawag kayong bagong bayani e :) kahit na wala na kayo sa pinas patuloy kayong nagiging bahagi ng ekonomiya ng pinas, actually utang sa inyo ng administrasyon kung kaya nasasagip sa patuloy na pagbagsak ang economy diba :)

Jon Cabron,
nabasa ko nga sa isang komento yan ..ganun nga daw sabi

lady cess at mousey
halos yata ganyan ang nararamdaman towards sa mga politician
pero minsan maganda pa ring tignan ang mga plataporma nila, dahil kahit papano may iilan na talagang mula sa masa para sa masa tungo sa masa na tatakbo :)

Vince,
si pakyaw ba ang tinutukoy mo? lol yun lang nasa isip ko e :)
hmmn nabasa ko entry mo …. dandang entry mabuhay ka :)

jho,
may mga sponsor daw sila huwag daw tayo mag-alala :)

Paeng,
ganun ba?
di sige boto kaya lang di ako registered voter dito e :)

sexy mom,
yung mga tao po sa people power one e yung mga tao din sa people power 2 tapos yung iba nakisawsaw sa people power 3
mukhang masaya naman po sila sa ginagawa nila e, pero ang problema ang mamamayan hindi masaya.
maraming salamat po sa pagbisita :)

MK,
well of course tama ka dyan, kailangang lumakas ang opposition para labanan ang oposisyon na nagpopower trip, kahit na ba hindi tayo nakakasiguro na better government nga ang kahahantungan natin, tutal masaya namang umindak sa tugtog ng pulitika e, dagdag entertainment din yan sa nakakabagot na buhay diba. opinyon ko lang yan pero alam ko sa may pondohan, daming matatanda na inuubos ang oras sa huntahan ang aayon sa kin. :)

malaya,
under investigation ba? kaya naman pala walang updeyt e, at saka di ba nasa kulungan sya? paano nagkaroon ng computer at internet pala? di ko naisip yun ha :) at least ang batasan 6 noon nakakulong sa congress kaya nakapagblog :)

verns,
nyahahahaha!! masaya yun sipingan pala ang usapan e :) lol!!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageSchumey (Who am I?)
2007-02-26 22:34:56

nalen,

People Power 1 was a miracle, EDSA 2 showed how the greed for power corrupted and prostituted the sanctity of genuine people power. The regime of Gloria has succeeded in driving the nation into a state of desperation. Now people are too busy surviving and had lost their drive for change.

The Filipino has to wake up from this apathetic slumber before its too late. We the people are the driving force of this nation, to let go and sit on the sidelines would lay to waste the efforts and the lives of those who fought for our freedom.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagekneeko (Who am I?)
2007-02-27 04:12:45

pre, kapag kaw ang naluklok sa pwesto me magbabago talaga :)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemaster (Who am I?)
2007-02-27 10:15:20

sabi nga ni noel cabangon (inulit lang ni bamboo)

“totoy kumilos ka, baligtarin ang tatsulok”

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageghee (Who am I?)
2007-02-27 12:06:42

ewan ko ba,pag pulitika na ang pinag uusapan lalo na sa Pinas,nakakawalang gana kasi panis na lahat ng mga magagandang sinasabi nila kapag nangangampanya pa lang.Pero kapag naupo na,wala na…biglang twist..360 degrees ang ikot…nakakalimutan na nila kung sino sila..

hayy naker…

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageLazarus (Who am I?)
2007-02-27 15:52:23

It’s important that we choose the right President. This president will then have to chose/appoint the right people in the executive department. I think the camp of Bro. Eddie stressed this during the last presidential election.

Sayang lang ang kagalingan ng mga mambabatas if we don’t have the right people in the executive branch.

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagetin-tin (Who am I?)
2007-02-27 16:56:48

napanood ko yang episode na yan sa game ka na ba. halfday kse ako. bwahaahaha. bad! hehehe.

hay naku! ano ba ang nagbago sa pilipinas?

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageVillage Tickler (Who am I?)
2007-03-01 21:23:03

Melai,

A single question can be more influential than a thousand statements. — sabi ni Bo Bennett.

Village Tickler

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemelai (Who am I?)
2007-03-02 11:20:07

Village Tickler,
so mas may karapatan akong tumakbo kaysa kay Trillanes?
ayon kay Bo Bennet diba? :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagebillycoy (Who am I?)
2007-03-02 11:22:23

ang pagbabago naman hindi yan basta-basta, hindi naman sila diyos na sa isang pitik mababago na ang lahat.

ang masasabi ko lang, mga pulitiko sila hindi mga magician!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageBayang Magiliw (Who am I?)
2007-03-02 11:48:57

billycoy,
walang pagtatalo doon billy hindi sila magician pero katulad ni GMA noong umpisa “bagong pulitika’ daw ang dala niya, pero sa tagal nya sa pwesto sabihin na nating kahit noong senador pa siya may nakita bang bago?

hindi nating kailangan ng magic syempre, ang kailangan natin yung pagbabago na pasulong (hindi ko sinasabing biglaan pero may nakikita paunti-unti), yung mga batas na magpapataas ng kalidad ng pamumuhay ng mamamayan, mga batas na hindi umaayon lang sa iilan at kung sino mang pinagsisilbihan niya (dahil doon siya umaasa ng tulong pang pinansiyal), yung pagbibigay ng trabaho na hindi ningas kugon lang( halimbawa noong tumakbo siya ng presidente noong 2004 nagbigay siya ng maraming patrabaho at pagkatapos ng eleksyon dahil panalo na siya e naglaho ng parang bula).

sa loob ng mahabang panahon ang mga pulitiko mula pa kay Aguinaldo walang naibigay na pagbabago, pero magic maraming nagawa. Kaya nilang magikin yung kaban ng yaman.

Rate this: