“Hindi po ako kasali sa anumang partido o organisasyon, pero nung nabasa ko ang plataporma ng partidong ito, alam ko at nararamdaman ko na wala ng iba pang partido ang dapat na ihalal sa darating na eleksyon sa konseho kundi ang mga myembro ng partidong ito. Naniniwala po ako mga kasamahang estudyante na sila at wala ng iba pa ang tiyak kong magtatanggol at magsusulong sa ating mga karapatan bilang estudyante ng unibersidad na ito.”
Iyong boses na narinig ko ay galing sa isang estudyante na nangangampanya para sa kalabang mga kandidato ng partidong sinusuportahan ko, pero sa unang dinig pa lang maari akong magbago ng isip at higit pang kilalanin ang mga kandidatong nasa harapan ko at ang plataporma nila noong nag room to room sila sa klase ko.
Kung ganitong ganito sana ang narinig ko sa mga labi ni Manny Pacquiao noong napanood ko ang isa nyang interview sa Magandang Umaga Pilipinas, baka nagdalawang isip pa ako ngayon kung gagawin ko siyang bida sa entry ko. Pero hindi. Isang nakakapraning at hindi na kailangan pang pag-isipan kung iboboto ko nga o hindi ang taong ito.
Salamat na lang at hindi natuloy ang pagtakbo niya bilang pangalawang alkalde ng syudad na pinanganakan at kinalakihan ko.
Habang yakap yakap ko ang dingding, may mga pagkakataong halos iumpog ko na yung ulo ko sa pader habang pinakikinggan ko na lang hindi pinanonood yung interview sa kanya. Sa palagay ko nasayang ang oras ng newscaster na kausap nya, intelektwal pa naman ang dating ng naturang newscaster sa akin.
Unang maling narinig ko kay Pacquiao ay noong tinanong siya kung bakit sa Liberal Party siya kakandidato ang sagot niya ay dahil sa nandoon ang adviser nya at sumusunod lang siya sa kung ano ang sasabihin ng adviser nya. Wasted ika nga ng mga astig na chatter na kilala ko. Ang mga sumunod na sagot ay mga actually……hmmnnnnn at ilang mga napakahaaaaaaaaaaaabbbbbaaaaaaaaaannnnnnnngggggggggggg blangko (patlang).
Noong umaga ring iyon ay hindi siya sigurado kung anong posisyon ang tatakbuhan niya sa South Cotabato at dahil dito hindi kumbinsido ang newscaster na desidido ngang tumakbo si Pacquiao ngayong halalan. (Laking gulat ko kinagabihan noong nagdeklara siya na tumakbo bilang kongresista at kakalabanin ang kinakapatid niya daw sa kasal na si South Cotabato Representative Darlene Antonino-Custodio. Iba talaga kapag may adviser ano?)
Sa napaka intelektwal na pagkakataon na sana upang mangampanya ay naging superhero naman ang soon to be former Manila Mayor (sa susunod baka yung manugang  nya na si Miles Roces  ang maging mayor -la tayong magagawa dyan depende kung malakas ang kalaban), pero isa pang nakakadismaya dahil hindi naman nasagot ang simpleng tanong kung ano ba ang maipapayo niya bilang adviser ni Pacquiao. Isang mahabang litanya lang naman tungkol sa gusto ni Pacman na makatulong sa mga mahihirap (the usual reason syempre), gusto ko sanang ipasok ang ulo ko sa loob ng telebisyon at sabihing please lang, please lang sana naman tinuruan nyo munang magsalita at mag-isip kahit konti ang pinipilit nyong patakbuhin ano!
Di yata at kailangan ng boksingero ng isang matinong payo mula sa mga blagista na hindi kayang ibigay ng adviser niya. Ano sa tingin nyo? (sana may tumingin)
| 2.5 |
Viewed 714 times by 203 viewers









athem short term medical insurance
manilenya






Ha Ha HA! Teka bakit ba ako natatawa. Di ba dapat naiinis ako?
Sa tingin ko , pwede na rin si pacquaio kasi marami naman sa kongreso at senado, di rin marunong magsalita at mag-isip, mga pambutas bangko lang. sa ganintong aspeto, di ba wala namang pinagkaiba si Pacman sa karamihan ng pulitiko natin
On one hand, marami din sa kanila magaling magsalita, english pa nga eh, yon nga lang iba meron punto at karamihan, salita lang ang alam. marami din magaling mag-isip, yon nga lang pansariling kapakanan ang iniisip.
At di ba lahat sa kanila, meron sets of advisers na binabayaran galing sa pera natin.
Ang tanong, bakit nakakalusot ang mga ganitong mga tao sa kongreso at senado?
Sa tingin ko, pwedeng sabihin na si pacman ay representasyon ng mga taong nakaupo ngayon. At di ba parang symbolic nga eh kasi parang ang underlying message ni gloria sa mga Antonino, tapos na ang maliligayang araw nyo (20 years) at ang taong ito lang ang katapat nyo. “Ang taong dapat turuang magsalita at mag-isip.” O ano, laban pa kayo.
Kaya ang payo ko sa yo, hamunin mo na lang si Pacman ng boksing at hayaan mo na lang na sya ang bumasag sa ulo mo kesa ang pader na pag uumpugan mo ng ulo mo. Di ba ang galing ng headline: Pacman vs Manilenya. LOL.
Maidagadag ko ito, galing sa isa sa mga articles ni Conrado de Quiros titled Artista
“…– lack of brains is a veritable virtue in public office. Less brains, less pillage. Less brains, less ruination. ”
“The artistas can only mount a parody, the trapos can mount a tyranny. The artistas can only trot out an enchanted kingdom draped in tinsel, the trapos can build an Enchanted Kingdom strung with barbed wire.”
Iboto si pacman, mga trapos na mandarambong at sakim. Lalakas ang mga katawan natin kasi sa mas malawak na kangkungan tayo pupulutin. Kung dati banana repuplik ngayon kankungan repuplik kontra global warming. lol
Napanood ko sa tfc after na mainterview si pacman, yung 3 newscasters ay nagkatinginan at napaka sarcastic ng mga ngiti. Sa kilos pa lang di mo na kailangan magtanong bakit ganun ang reaction nila.
Laitin ba ang pambansang bayani?
Susuportahan ko si Manny Pacquiao, kasi sabi ng paborito kong singer “Laban Ko, Laban Mo, Laban natin to!”
(ang sakit na ng chan ko katatawa)
Marami ngang nangangampanya at nagpapa signature pa para wag ng tumakbo si PAcman, pero naku ano bang naisip na nman nyang mag pa uto sa mga adviser nya… ewan kojan.. naiinis ako.. buti nlang ala ako dun… babatukan ko un.. ung adviser.. nino? basta.. nyhahah
Pahabol:
Tama ang sabi ng iba… kung gusto nya tlgang tumulong at maging politician, pwede syang mag simula muna sa ibaba para matutunan nya ang mga dapat nya munang matutunan.. Councelor ganyan, pero congressman? pero marami nga syang supporters dba? kc magaling sya sa boxing at marunong din atang kumanta… hindi ko pwedeng maliitin ang kakayahan nya, pero tanggalan mo kaya sya ng adviser te? san yan tutungo?
kaya pala kumuha ng exam sa dep-ed si pakman para ma-qualify na candidate..akala ko pa naman magccollege na sya.
siguro kaya gusto nya maging congressman para yung panalo nya sa boksing eh hindi na mabawasan at sa gov’t na lang kukunin ang ipapamigay nya sa tao nyahaha..di kaya?
Manilenya.
Nakikiisa sa iyong pagngingitngit.
Paano na lamang ang maamong
mukha ni Darlene kung itatapat sa
mabalasik at bugbog saradong
mukha ni Pacman.
Magaling, magaling. magaling!
Village Tickler
hayyy utang na loob…sana naman makapag-isip ng matino ang mga tao sa GenSan.
bakit parang di na ako nagulat ng sabihin ni Pacman na tatakbo sya? di ko lang akalaing tototohanin nga nya.. please lang, sana di na nya ituloy ang pagtakbo.. ayos na ung maging magaling na boksingero sya’t madaming umiidolo.. pero ang mabahiran ng pulitika, la nang kawala dyan..
magboksing na lang sya.. kung gusto talaga nyang makatulong sa mga kababayan nya, sapat na ung magbigay sya ng karangalan sa bansa..
nakakahiya talaga…. parang ayaw kong angkinin na kababayan ko sya…
praning nga talaga… mas praning ang bubuto sa kanya…uuwi ako sa election para bumuto, magpapaka-praning ba ako???
Buti na lang magagaling ang mga tatakbo dito sa amin.
Siguro frustrated na rin ang mga tao dahil wala namang nagawa ang mga tinaguriang matalino. Sino ba talaga ang mga bayani ngayon? Di naman ang mga politiko. Kundi mga sport heroes tulad ni pacquaio, at ang lahat ng mga OFWs. Sabi nga ni pacquaio sa isang artikulo, di naman utak ang kailangan, kundi puso sa paninilbihan sa publico.
Pero mas gusto ko sa boxing na lang sya. Mas sikat pa sya kay GMA. And heroes are better remembered than congressmen.
isa lang ang sigurado ako dito, siguradong walang gustong makipag-debate kay pakyaw pag nasa kongreso na dahil siguradong pag eto napikon suntukan na lang ang kasunod. mwahahaha.
Kung itutuloy ni Manny Pacquiao ang kanyang ambisyon sa pulitika, sa aking palagay, iyon na marahil ang katapusan ng kanyang glorya sa larangan ng boksing.
ano ba ito! galing ako sa sobrang tawa sa post ni kd tapos eto rin makikita ko sa post!
well salamat sa paalala sis at iyan din ang problema ko ngayon dito… nakarehistro na ako at di ko kilala ang mga iboboto ko.
any idea?
myepinoy,
wahehehehe baka kasi akala mo nagpapatawa ako kaya ka natatawa
hmmnn pwede naman talaga siyang tumakbo e, yun nga lang kung simpleng magsasaka o manggagawa ang tatakbo sa kongreso o senado
yan ang hindi kayang tanggapin ng mas marami at ang masama pa dyan iisipin nila na sira ulo o luko-luko. since may pangalan so pacquiao
medyo nakakatawa lang ng konti para sa iilan o sa mas nakakarami pero ganun pa man, maraming sang-ayon lalo na ang mga pulitikong nakikisakay
sa kasikatan nya.
Pacman Vs Manilenya? wahehehehe yan ang patawa pero gandang headline yan myepinoy lol! Sisikat ako nyan tyak
galing wala na kong pinag-iba nyan
sa mga dumidikit sa kanya para sumikat
ann,
di ko na napanood yung mga sarcastic na tinginan ng mga newscaster kasi ewan ko ba putol putol lagi ang MUP dito e
Sa Wari Mo,
wahehehehe
baka naman si Pooh yang gusto mong suportahan hindi si Pacquiao
Tikey,
sabi ko nga kahit sino pwedeng tumakbo sa eleksyon pero sana lang alam ng tatakbo kung ano ang sisimulan nya diba?
tekla,
lol!!! sabi nya kaya daw sya tatakbo sa congress kasi gusto daw nyang makatulong sa taong bayan, sana nga lang
verns,
sana nga po
karmi,
naks seryoso nga ang komento
Vince,
wow kababayan mo pala si Pacman
hmmnn laki pala ng responsibilidad mo para i eduka ang mga mamamayan ng Souh Cotabato lol!!
Lazarus,
agree ako sa sinabi ni Pacman Lazarus na puso sa paninilbihan sa publiko ang talagang kailangan, pero bilang isang kongresman gagawa sya ng batas at kailangan nyang bumoto para sa ratipikasyon ng mga batas na gagawin ng kapwa nya magiging kongresista kaya kailangan din ang utak diba?
okey na lang na tumakbo sya pero kung sa umpisa pa lang na alam na at nakikita na nagagamit siya ng maraming pulitiko kabilang na si GMA parang I don’t think magagawa nyang makatulong sa nasasakupan nya dahil kailangan nyang sumunod sa kung ano ang interes ng mga pulitikong naka aligid sa kanya.
anyways opinyon ko lang naman yan
jlois,
lol! hehehehe matatakot ba?
rhodora,
I think so po
baka kasi pagod na sya sa kasusuntok kaya tatakbo na sya
mmy-lei,
wala rin akong ideya lol!!
wala akong mapili sa Unity ticket daw at maging sa Opposition
pare-pareho lang sila lol!!
dati kapag bumoboto ako
konting konting mga kandidato lang ang binoboto ko
di tataas sa limang kandidato e.
naku natatawa ako at malapit na akong maloka-loka! hahahahaha! susme! maawa naman sila oh… mas okay pa kay pacman ang maging boksingero na lang! sana lang maging bukas ang isip ng karamihan…
rHo,
sana nga po
hala hala hala! nu ba yun! hehehhe pakyaw talaga!
nakakainis naman yung math question mo. Hindi ko masagot hehe Nawala tuloy yung unang comment ko.
Anyway natawa ako sa ‘yo. madaling-araw ngayon , oy, kinabagan yata ako.
kaya wala akong tiyaga sa pulitika eh. Isa lang naman ang reason why these fools run for anything…power at power pa rin. C’mon, you don’t spend millions of your own money and then SERVE the people for almost nothing. That’s a lot of bullcrap.
Meron akong isang type na politician, yung mayor ng Marikina (jeez i don’t even know his name!) A man of less talk, more work. I hope he runs for president one day.
Boboto ako for the first time.
hmmm, sayang! sayang lang ang pera niya
na gagamitin sa kampanya … magtayo na
lang sana siya ng foundation mas makakatulong
pa siya!
i-boykuttt eeerrr i-boto na lang ang may buntot
Sirena Para Sa Senado!!!
P.S.
your “recent entries” dear…recept entries siya
ate melai, dapat siya ang maknock-out ngayon. as in. kailangang maitumba ang mga taong hindi alam kung ano ang pinapasukan nila. hindi sapat na rason ang kagustuhan niyang tumulong sa mga mahihirap para tumakbo. wag sana syang manalo (pati sila …. at sila …. waaah! ang dami!!!).
HA HA HA!
Tatawa na lang ako kesa sirain ko ang araw ko sa mga walang kwentang taong tatakbo daw sa kung anumang posisyon na gusto nila. Kaya nga ba hindi ako nanonood at nakikinig ng mga news at wala rin lang din namang magandang nababalitaan. Mabuti pang makinig sa tsismis sa kapitbahay, libre pa sa kuryente at madalas, may sense pa kesa sa kanila! Nag-iisip kumbaga!
Ganda ng post mo Kabayan! Parang gusto ko na talagang magpatiwakal!
e sabi nga ni idol, siya daw ang magiging tulay ng GenSan sa Maynila. pag nanalo si idol, konti na matutulog sa kongreso, kasi baka suntukin nya yung mga antukin!
I’m Pacman’s avid fan pero tama na seguro na sa boksing na lang muna siya. Othewise, kung gusto naman niya talagang mag-pulitiko, dapat mag-aral muna siya ng husto **sigh** That’s my shortest advice for him…
kewl!! baki t di na rin natin patakbuhin si mahal o di kaya si mura, why not si captain barbel o para mas bago si super inggo. kasi parang ang eleksyon ngayon teleserye na rin. hehehe ….
ella,
para di ka mabigo sa bandang huli diba
lol! e di tama pala yung sabi na yung mga writer daw e bobo sa math hehehehe jowk jowk jowk!
yeah tama ka doon, alangan namang iwanan yung malaking pinagkakakitaan kung walang mas malaking makukuha sa pagiging pulitiko diba? magtataka ka nga e kasi mga public servant pero ang dadatung ng mga hinayufak.
mayor ng marikina? hmmnn kamag-anak ni BF for sure… di na ko magsasalita kasi gustong gusto mo pala e lol!!!
sana nga tama ang pagkakakilala mo sa kanya
ria,
gulo ko gulo ko kasing gulo mo ko lol!!
nyahahahaha, naku e di wala ng tao sa gobyerno nyan di mo pa sabihing wala na lang gobyerno lol!! o mas maganda sigurong sabihin na ang mamamayan na lang ang nasa gobyerno? hmmn pede kaya yun? wahehehehehe baka masabihan pa tayo nyang anarkista lol!!! wag na lang wag na lang kasi noong high school ako sabi yung anarkista daw e satanista? totoo ba yun? lol! daming ewan na natututunan sa kung saan talaga oo
LAR,
wahehehehe dapat pala pangitan ko post ko para di ka makapag isip magpatiwakal
grabeh pag