Melai, I’ve read your blog and I’m sorry talaga kung di maganda ang dating ng opinion ko sa plano mong mag-aral
Text ni kaibigan yan pagkatapos mabasa ang previous entry ko. Tinawagan ko agad siya. Paano ko ba sasabihing naisip ko lang na magandang i intro yung naging usapan namin sa gusto kong ipost. Ni hindi sumama ang loob ko sa sandaling usapan na iyon.
Noong isang gabi naitanong ulit ni youngest sis sa gitna ng kwentuhan namin kasama ni nanay, “Hindi nga, gusto mo ba talagang maging titser?”
Sabi ko lahat naman yata ng bata kung hindi maging doktor e pagtititser ang gustong maging paglaki diba? Pero ako ni hindi nga nag-isip na kumuha ng kurso na may kinalaman sa pagtuturo. Kaya hindi, wala akong naging planong maging titser.
Tapos ang kwentuhan.
Pero si kaibigan hindi pa tapos magkwento. Nagsisimula syang magkwento tungkol sa personal nyang buhay ng bigla siyang tumigil sabay sabing “waaahhh teka teka baka iblag mo na naman ito ha!”
Napansin nya kasi na may tatlong entries na ako na tungkol sa kanya. Napagisip-isip ko rin na baka simulan nya ng dumistansya o hindi na magkwento sa tuwing magkikita kami, but I have to admit na dahil sa wala namang interesante sa pangaraw-araw na buhay ko at dahil dito wala akong gaanong maibablag, ang pakikipag-usap sa kanya ay isang malinaw na pagkukuhanan ng mga magagandang topic.
Patawad kaibigan pero pang-apat na ito. Salamat.
Pahabol ni kaibigan. Nagbabasa na daw siya ng blog ko kaya please lang huwag ko na daw siya iblag.
Muli, patawad kaibigan. Talagang masarap ka lang iblag, hindi ba masarap pakinggan?
| 2.5 |
Viewed 331 times by 107 viewers









athem short term medical insurance
manilenya







siguro kahit panay2 ang pagsulat mo sa kanya sa blog , mahal na mahal ka pa rin niya. ewan ko lang kung tama ako (kasi mali ako nung huli, hehehe) pero parang ang sarap2 ng friendship nyo mas close pa kayo sa magkadugo.
haha, katakot ma blag, haha. kaya dapat maingat baka ma-quote sa blag, hihi.
gusto ko kapag retiring age na ako magtuturo ako, ewan ko kung bakit.
sa panahon ngayon parang ang mga bata gusto mag nurse at mag electronics engr. sana marami pa rin ang mag0isip mag aral ng titser
Ideally kasi, magpapaalam ka muna sa taong maisasama mo sa blog mo. Lalo na kung tungkol ito sa mga bagay-bagay na napagusapan ninyo. Private pa rin kasi ito sa pagitan niyong dalawa kaya kailangan talaga na ipaalam mo muna bago mo i-blog. Pero shempre, hindi talaga maiwasan ang mga ganitong bagay, magandang topic naman kasi sa blog eh.
Lolita Carbon, ang gandang pen name!
meron akong mga kakilala na nag-away at nagtampuhan dahil na-iblag. kaya ako naman, i kept mine far away from them.
kung masama ang tema mo siguro magagalit talaga siya at kung positive naman I think dapat na rin siyang matuwa..that means interesting nga ang buhay niya.
Hello melai:)
Ako naman medyo nag iingat mag blag tungkol sa aking mga kaibigan,respeto kunbaga sa kanila kaya ala silang blag eh dahil ayaw nila ilabas ang mga buhay buhay nila sa isang public forum tulad ng blog.Madalas kong naiblag eh mga taong nakilala ko dito thru net din,alam ko ,ok lang sa kanila yung mabanggit dahil alam nila at naintindihan nila ito at madalas ko rin maiblag eh mga taong (online o realworld) yung mga di ko masyadong type!magtampu man sila sa pagblag ko sa kanila,problema na nila yun tutal hindi ko naman sila masyadong typ ganun eh lol
makiki-trespass lng po. newbie po ako sa mundo ng blog. kya eto nagro-roam arnd luking for good blog. and i like this 1 melai(?). anyways, join lang ako. unsolicited opinion lang. tingin ko pag na blog ka sikat ka! be it good or bad blog. just like publicity in showbiz. good or bad publicity is still a publicity. un lng and ill be reading your blog more, melai(!).
cess,
hmmnn mas close pa kami kesa asa common friend na nagpakilala lang sa aming dalawa
I hope nga mahal na mahal nya ko lol!!, sana nga tama ka na this time
cruise,
lol kung wala ka namang ginagawang masama e bakit ka natatakot maiblag at maquote?
saya nga e diba kasi ibig sabihin sobrang aliw sayo yung magbablag tungkol sayo
minsan nga iblag kita lol!
dapat magturo ka kung paano kumuha ng magandang litrato kasi magaling ka e
gudluck sana nga makapagturo ka
jhay,
oo nga may fault e kasi naman bigla ko lang naisip tapos di ko na naisip na ipaalam sa kanya pero nung nabasa nya naman okey lang parang naulit ulit yung kwentuhan namin bout dun at sa tingin ko naman nag enjoy syang basahin
Kulas,
naalala ko lang kasi yung original na kumanta ng luha sa post mo kaya yun ginamit ko
Lazarus,
malabo naman na mag-away kami dahil sa naiblag ko sya dahil wala pa naman akong naipost na bad tungkol sa kanya
medyo iwas na rin ako now kasi yung nanay ko dati nagtampo sakin e
nona,
at talaga naman kasing interesting ang kwento ng buhay nya e
cheH,
lol! naalala ko yung isang post mo tungkol sa isang tao, grabeh taray mo nga dun e
dann,


wow showbiz
salamat sa paglundag, nabisita ko na rin ang blag mo at naaliw ako
antayin ko pagbabalik mo
oks lang kamo kay frenship di ko naman itsitsismis heheh …
happy vday!
Pinagbasa ko ng blog ko yung isang friend ko, sabi nya i blog ko raw kaya ang kwneto ng buhay nya na pang MMK. Sabi ko turuan ko na lang syang mag blog at sya na lang ang magkwento…hehehe.
wooow more than friends na ba parekoy hahahaha
hapi valentines day sau
Napadpad lang. Siguro, palaging nakakagat ni kaibigan ang dila nya dahil sa palagian mong pab ba blog sa kanya. Mabuti na lang at ako ay hindi mo kakilala.
Happy Balentaym!
namali yata ang pag sagot ko sa form dito…
eto na ang tama.
mali na naman… sana tama na eto. pakibura na lang ng mga walang kabuluhan na komento nasa itaas. Salamat.
hahahaha kaya ako inuunahan ko na pinsan ko “uy cousin nilibak kita sa post ko today” lolz
hapi balemtayms sa lahat.
akala ko ba hindi ka si “melai”? hahaha
mousey,
Happy Vday din po
ann, e kung yung buong kwento ng buhay nya hindi ko na maibablag yun
pero tagal ko na sya iniinvite magblog ang kaso mas gusto nya magbasa kaysa daw mag-isip ng ipopost
luigi,

lol! puro tama naman ang sagot mo sa addition ko
hmmnnn wag nga dapat na makilala kita kasi lagot ka lagot ka lol!!!
pero kung kilala kita di naman kita obablag kasi baka di kita ka close
yun ang gulong maliwanag
salamat sa pagbisita kahit nag flood ka lol!!
verns,
e di excited sya bigla makita postmo kasi nilibak mo e
hahahaha gusto ko yung word na ginamit mo nilibak
ralphT,
hindi nga
pero kasi naman melai ang sinabi sa kanyang pangalan ko nung common friend namin bago kami nagmeet kaya yun na rin ang nakasanayan nyang tawag sa kin.
LoL!
may hirit pa pala syang isa after ng tatlong blog for a friend. o nga masaya yung friendship na kilala mo yung tao, right?
happy valentines po…