Gusto ko talagang mag-aral tapos gusto kong kunin AB Malikhaing Sining. Kaya lang kung iyon ang kukunin ko tiyak nyan pagtuturo ang magiging trabaho ko.
“Tyong naman walang pera doon.” agaw eksena ng kaibigan ko habang sinasabi ko yun sa kanya na para bang nangangarap sa gilid ng kalsada. Iyong kaibigan ko masasabing may pera na bilang engineer sa isang semicon na kumpanya dito at nagbabalak pang magnegosyo. Single, nag-iisa at kapag uuwi ng pinas papasyal pasyal na lang - may pera na siya para sa akin.
Tinignan ko lang siya sabay sabing “wala naman sa akin ang pera e”.
Malamang masasabunutan ako nito ng nanay ko. Sabi niya kailan lang naiinis daw siya sa akin kasi noong bata ako, tinanong niya ako kung ano ang gusto kong maging paglaki ko. Walang kaabog-abog kong sinabi, stand sraight taas noo kulang na lang ilagay ko ang kanang palad ko sa puso ko na “Gusto kong maging titser!”
Pero noong nag kolehiyo ako ni hindi pumasok sa isip ko na mag tititser nga ako. Pero hindi rin pumasok sa isip ko na kailangan ang kunin kong kurso ay yung magkakaroon ako ng magandang trabaho at magandang sweldo. Parang nag-enroll lang ako dahil sa kailangan kong mag-aral at noong bandang huli nag-eenroll lang ako para masabing estudyante para may dahilan upang makalabas-masok sa loob ng kampus.
Pero hindi ibig sabihin nito, tinalikuran ko na nga ang pagiging estudyante sa gawa. Pumapasok pa rin naman ako sa tuwing may Oral Exam, Prelim, Midterm, Finals exam at higit sa lahat pumapasok pa rin ako sa tuwing kailangan kong ipagtanggol ang karapatan ko bilang estudyante ng unibersidad at bilang estudyante ng lipunan…….sa madaling salita isa akong estudyante ng kalsada.
Sa madaling sabi hindi ako pwedeng maging propesyunal ng kung anu-anong tinapos na kurso at mas lalong hindi ako pwedeng ming titser dahil sa hindi ko naman ako nakatapos sa unibersidad. Pero ang nakakagulat (para sa akin) sa gitna ng pagiging estudyante ng kalsada ay ang pagkakaroon ko ng malaking bahagi para makatapos at maging honor student ang isang pinsan (inaangkin ko yan kahit na hindi nya aminin) sa kanyang paaralan. Nagmistula akong guro sa pagbibigay sa kanya ng mga aralin kung anong klaseng lipunan, kung anong klaseng edukasyon, kung anong klaseng ekonomiya, kung anong klaseng pulitika at kung anong klaseng bansa mayroon ang Pilipinas sa kanya. At nakatutuwang tinatanggap iyon ng mga guro nya na may kasama pang “OO nga no” at “tama si Ano diyan.”
Kasabay ng pagiging Undergrad ko ay ang pag-iwan sa kalsada papuntang Mendiola, pero alam ko mas malawak na kalsada naman ang tinungo ko. Nagka-asawa, nagka-anak, nagkapamilya, nakipaghiwalay sa asawa, naging single mom at iniwan ang bansa. Pero hindi ibig sabihin noon na napagod ako. Alam kong babalik at babalik ako. At hindi man ako naging propesyunal na guro, alam kong sa aking munting gawa na nakapagtuturo ako.
At kung sakali nga na makapag-aral ako ulit. At kung sakali nga na sa akademiya ako mapunta, tangan-tangan ko pa rin syempre yung prinsipyong dala-dala ko. Hindi ako magsasabi sa mga magiging estudyante ko na mag-aral sila, at pagkatapos magtrabaho, humanap ng eksperyensya at mangibang bansa. Hindi ako magtuturo na paunlarin ang sarili nila para makatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng ibang bansa. Dahil alam kong matututunan nila iyan sa labas ng “klase ko”.
Isa lang ang gusto kong ituro sa kanila. Isang-isa lang. Iyong pagmamahal sa bayan. Linangin ang diwang makabansa. Hindi muling makakapagsimula ang bayan ko kung wala nito.
Huwag nyo kong seryosohin. Nangangarap lang ako.
Salamat nga pala kay Renato Red Constantino dahil sa sinulat niyang THE LONG JOURNEY OF TIRED PEOPLE.Napatalon niya ang dibdib ko dahil dito. Maraming salamat at Mabuhay ka RED. Huwag kang mag-alala masyado mang mahaba ang nilalakbay ko hindi naman ako napapagod dahil alam kong mas mahaba pa ang lalakbayin ng mas maraming pinoy sa paligid ko.
| 2.5 |
Viewed 339 times by 115 viewers









itot
manilenya







Hi Nalen,
Isa ka pala siguro dun sa mga estudyanteng may hawak na plaka at sumisigaw ng Justice for all!!!! It reflects on your blog how you feel so much about our country. Tunay na Pinoy ka nga.
Sna nga matupad ang pangarap mo na makapagturo. Ako rin nakagturo noon sa mga college at highschool students, subject ” Computer (Lotus 123, BASIC programming at iba pa) Saglit lang yun pero marami akong natututunan.
gusto ko din magigng guro. pero sobrang bilib ako sayo at natutuwa. dahil napakabait mo sa bayang pilipinas. maaari ngang wala ka dito, pero di nawawala ang pagkakamakabayan mo at ang pagiging proud mo dito khet na minsan ay naiinis ka sa mga nangyayari, proud ka pa rin:)
Marami ang lumulisan na iniiwan ang pagmamahal sa bayan. Ngunit isa lang ang palagi kong isinsa-isip. Saan man ako mapadpad, wala akong ibang pinanggalingan kundi ang bayan ng aking sinilangan. Wala akong ibang pinagmulan kundi ang bayang kong Pilipinas. Ano man ang kahihinatnan ng iyong paglalakbay, alam kong yan ang iyong piniling landas. Naway maisalin mo sa iyong mga kapwa Pilipino ang pagmamahal sa ating Bayan.
Te Nalen, mas madalas sa hindi na sa labas ng classroom natin natututunan ang tunay na “aral” ng mundo. Yung mga aral na kailangan natin upang tayo’y maging isang kapaki-pakinabang na mamamayan ng bansa natin.
Itong blog mo ay isa ng instrumento upang matuto kaming mga hindi naman ganun ka-aware sa nangyayari sa paligid.
So titser ka na rin para sa mga katulad namin.
Yun lang naman. Natutuwa pa rin ako sa pinabasa mo, te! Astig talaga!
sana nga Nalen,naging titser ka n lang anoh?ang mga titser na kagaya mo ang kailangan ng lipunan
feel ko yan kahit na sa blog ko lang nasusubaybayan ang mga personal na bagay sa yo
pero,di pa huli ang lahat
I’m a teacher by profession, licensed… Pero hindi pa rin naman na-hired **sigh** Kaya I end up with different racket na lang…
Saludo ako sa iyo Kabayan! Hindi nabibili ang prinsipyo para sa sarili at para sa bayan at iyon ang isang bagay na hindi kayang bilhin ng pera. Maraming magaling magturo, tapos sa kolehiyo, kum lawde daw pero pagkatapos non, kurakot din ang babagsakan. Dahil walang prinsipyo at pagmamahal sa bayan. Hindi ako nagmamarunong o nagsesermon pero Pilipino ako at dapat lang na itama ang mga mali natin at ikalat ang mga tama para naman umunlad ang bansa natin. Maraming 3rd world countries pero sa lahat sa kanila, tayo pa rin ang pinakakulelat pagdating sa basura, korapsyon at krimen. Bakit kaya? Alam ninyo ang sagot, alam natin ang sagot pero walang ginagawa. Sana magising ang bawat Pilipino at pagtulungan ibagon ang bansa bago mahuli ang lahat. Mabuhay ka Pilipino!
tama wala naman sa pera yan, kahit malaki ang kinikita kung di ka fulfilled sa ginagawa mo, wala din. pero kung alam mong masaya ka sa field mo at nagagawa mo ang mnga plans and aspirations mo kahit sapat lang kinikita oks na.
bawat isa sa atin ay mas purpose at destiny, kung saan man tayo mapadpad o kung ano man ang maging profession natin, nawa’y matamo natin o magampanan ang ating pupose sa buhay, which i think nagagawa mo na ngayon!
Bilib ako sa iyong mga pangarap at ideals Manilenya. Kung lahat ng PIlipino tulad mo, aangat talaga ang bansa. At malaki na ang iyong natulong sa iyong bahagi sa pagtatapos ng iyong pinsan.
whoa! so pwede ko pala i-dedicate sa iyo yung kanta ng yano, kumusta na -
Kumusta na, ayos pa ba
Ang buhay natin, kaya pa ba
Eh kung hinde, paano na
Ewan mo ba, bahala na?
Napanood kita sa tv, sumama ka sa rali
Kasama ang mga madre, pinigilan mga tangke
Umiiyak ka pa sa harap ng mga sundalo
Namigay ka pa ng rosas na nabili mo sa kanto
Dala-dala mo pa, estatwa ni Sto. Nino
Eskapularyo’t Bibliya, sangkatutak na rosaryo
At sa gitna ng EDSA, lumuhod ka’t nagdasal pa
Our Father, Hail Mary from thy bounty thru Christ our Lord amen
Pebrero, bente-sais nang si Apo ay umalis
Ngiti mo’y hanggang tenga sa kakatalon, napunit a’ng pantalon mo
Pero hindi bale, sabi mo, marami naman kame
Kahit na amoy pawis, tuloy pa rin ang disco sa kalye
Ang pag-aaral naman ay talagang hindi dapat lamang limitahan sa apat na sulok ng silid-aralan, hindi ba? Dahil mas malawak ang dapat tuklasin sa labas ng paaralan, dahil doon tanaw ng ating mga mata at naiintindihan ng ating isip ang tunay na pangyayari sa likod ng tabing.
mareeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!! sobrang namiss ko ang pagbisita sa blog mo at namiss kita. superbusy sa trabaho with the meetings, reports, and out-of-town trips. haaaay. modernong pilipina talaga. charing! hahahaha! thanks for the birthday greetings, mare! missed ya! hugs and kisses!
Ang maging isang guro ay isang bokasyon. Saludo ako sa iyo sa pag-pangarap mong maging guro!!! Hindi sa edad yun o kung sa ano pa man. Ang mahalaga kung ano ang isinisigaw ng puso’t damdamin! Mabuhay ka kapatid!
So, sa iyong mga inilahad dito, hindi tunay na ito ay blag ng bobang pinay.
At ang tag line o by-line (ano man tawag nila dito) na ito ay katulad lang ng isang marketing strategy na something catchy o yong takaw imahinasyon.
Pasensya ka na, makulit ako. Ang masasabi ko lang saludo ako sa mga taong tulad mo. Di tulad ng marami lalo na ang mga karamihang pulitiko natin, meron mga kung ano ano Diploma, MA, Phd pero di alam gumawa ng tama na ikakabuti ng marami. alam lang gumawa ng ikakabuti nya - Kasakiman, in short.
Naala ko tuloy yong linya sa isang kanta - sinong dakila, sino ang tunay na baliw?
Alam mo may sister ako na dati ay wala sa loob ang pag-aaral. Pero dahil makulit ang nanay ko at halos araw-araw sya kung kulitin para lang pumasok sa school. Nakatapos din ng college at titser na sya ngayon. Pag naaalala nga nya yung nakaraan napapangiti na lang sya.
pre… kahit sa ngayon nag-aaral pa rin tayo… may mga bagay pa tayong gustong matutunan… pede ba ng turuan mo ako kung paano ang… hehe
isa kang dakilang Pilipino… dahil hanggang sa ngayon kapakanan pa rin ng ating bansa ang iyong iniisip…
tara uwian na at maikampanya ka namin sa darating na halalan…
Leah,
wow galing ka pala sa programming
Tin-tin,schumey,she,LAR,Toe and Scarlett
salamat
ghee,
lol malabo na
nangangarap lang ako nyan
di na ko makakapag aral ulit
dodong flores,
sayang naman
cess,
lol! malayo sakin ang kanta, una wala pa kong kamuwang muwang noong edsa 1 ang alam ko lang tumambay sa plaza sa malapit sa amin.
wala rin ako nung edsa 2, wala ako sa edsa sa twing may gustong pabagsakin pero nanonood ako sa harap ng tv.. nagaantay kung ano mangyayari.
pag nasa rali naman ako noon wala akong dalang mga santo, rosaryo at kung anu ano pa ..isang simpleng face towel lang ang dala ko pamunas ng pawis
malaya,
wala akong rebutt dyan sis
jerome,
..pero oks yan galing ng work mo
mare pahinga ka naman minsan
mareeeeeeeeee naku kung hindi non profit yang pinagtatrabahuhan mo grabeh sobrang yaman mo na sa kasipagan mo
myepinoy,
bakit nga ba ang kulet mo lol!!
ann,
salamat pala sa pangungulit ni nanay kung ganoon
kneeko,
tara tara
hehehe, mali