Rebuttal ng isang manilenya
Nagising na lang ako bigla na ayaw ko ng gamitin ang mga katagang -ang blog ng bobang pinay-, una may nakapansin na baka daw isipin na sumasakay ako sa popularidad ng gumawa ng Bobong Pinoy. Pangalawa naisip ko na maaring makasakit ako ng loob ng ibang tao dahil kapag sinabing pinay maaring ipinakikilala ko na rito ang buong populasyon ng mga kapwa ko pinay katulad ng nasaktan ako ng mabasa ko sa isang pakikipag-usap sa isang kaibigan ang mga salitang “you know how stupid Filipinos are“. Pinoy kasi ako e. At kapag sinabi mong stupido ang mga pinoy para mo na ring sinabing stupido ako.
Iyong paggamit ko noon ng bobang pinay, isang katunayan lang kasi iyon ng pagiging self-depreciative ko pero iba pala kapag yung buong kalahi ko na ang pagsasabihan ng stupido. Parang hindi na ko makakapayag noon.
Kahit pa sabihing bumoto ang sambayanang pilipino ng isang artista sa pagkapangulo at noong bandang huli ay pinababa rin ng mga middle class kasama ng mga pulitikong may sariling interes sa nasabing posisyon, walang karapatan ang sinuman na sabihing istupido ang napakaraming mamamayan na bahagi ng mga pinaghahariang uri.
Para sa akin wala itong pinagkaiba sa pagdikdik sa isang babaing nireyp sa halip na akusahan ang rapist nito, pagpapakulong sa isang batang nahuling nang-amot ng tinapay dahil sa gutom sa halip na pakainin ito, at pagtanggal sa trabaho ng isang manggagawa dahil sa humihingi ng kaunting dagdag na sweldo sa halip na dagdagan ang sweldo nito.
Kung tumakbo man sa eleksyon ang isang artista wala tayong magagawa dahil karapatan naman nila ito. Iyon ang diwa ng sinasabing demokrasya, iyon din ang diwa ng sinasabing kalayaan. At malaya din ang mamamayan kung sino ang gusto nilang iboto, ngayon kung mayroon mang pagkakamali sa pagboto dahil sa bumoto sa maling kandidato o nagpadala sa kaunting suhol ang nakararaming pinoy, kasalanan ba nila ito?
Hindi ba masasabing kasalanan ito ng mga nagsasabing mas may isip sila dahil hindi nila ibobot ang mga kandidatong nabanggit ko dahil sa halip na magsalita sa pageeduka ng mamamayan ay mananahimik lang sa isang tabi dahil sa sinasabing kultura ng kapaguran? pero mas kultura ng walang paki-alam para sa akin.
Ngayon kung igigiit sa akin ang mga nakalagay sa Pedagogy of the Oppressed, bakit di kaya namin muling upuan ang nasabing libro para malaman ang esensya ng edukasyon para sa mga Pinaghahariang Uri sa lipunan? Hindi ko natapos ang libro pero malinaw sa akin na sa bandang huli magkakaroon ng pagkatuto hindi lang ng mga tinatawag na Oppressed kundi pati na rin ang tinatawag na facilitator ng pagkatuto.
Nakikita natin ang problema pero may mali yata sa pagbibigay ng solusyon.
Ito’y sa pakiwari ko lamang kaibigan.
| 2.5 |
Viewed 2157 times by 526 viewers

manilenya 
Welkam Bak Sa Akin!!!


Ang lipunan o ang mga tao ay tulad ng isang mahabang epiko o maikling kwento na kung saan ang mga bida, pag dating ng panahon ay nagigising sa katotohanan na dapat ng kumilos, magbago o gumawa ng bagay na ikakabuti nya, kung masama man sya o mabuti, dumadaating ang ganitong punto.
Di ba sa setting at plots ng mga lokal na pelikula at palabas sa tv (sabi nila ay sumasalamin sa ating pagka-pinoy), lalo na kay FPJ, ang bida ay laging inaapi, binubog at laging talunan pero pag napuno na ang salop, bumabangon para i redeem ang sarili at sa huli, nagtatagumpay.
kung iisipin, parang ganon na nga kasi sa tinagal tagal na ng bulok na sistema sa atin, ang lagi bugbog ay ang mga ordinaryong Pinoy na wala sa poder o walang koneksyon sa mga nasa poder.
Ang inaalala ko lang ilang henerasyon pa? At ano ang bagay na makapag-udyok sa mga Pinoy para bumangon at i redeem ang sarili nya at bawiin ang dapat ay sa kanya.
Sa tingin ko, hindi dahil sa kapaguran kundi dahil sa kahirapan ng buhay (na gusto ng mga naghaharing uri na umiral para di magkaroon ng panahon ang mga tao na magpatibay ang hanay. sa ekonomiya natin makikita mo kung papaano. konting ginhawa (kuno) sandamukal na paghihirap.) ang dahilan kung bakit.
Kahit naman siguro sino ay ayaw patawag na stupid o istupido.
***
mas naniniwala akong malawak ang kultura ng walang pakialam sa ngayon.marami ang hindi umiintindi sa tunay at kasalukuyang sitwasyon sa bansa - nabubuhay lang ang kaalaman sa galaw ng lipunan tuwing dumarating ang eleksiyon at nakalilimutan din ito nang tuluyan tuwing naluluklok na at nagpapakasasa na ang ilan sa puwesto.
Wise decision sa pagpapalit ng blog title mo–SALUDO ako kaibigan! At tama ka sa mga sinabi mo sa post mo. Pilipino at matataas na mga opisyal mismo sa ating bansa ang nagpapababa ng ating reputasyon sa iba. Isa ito sa mga dahilan kung bakit nananatili tayong 3rd world country. Nagpipilit ang maraming Pilipino na ilagay sa pedestal ang Pilipinas, lalo na ang mga nakikipagsapalaran sa ibang bansa, tulad mo pero hindi nila pinapahalagahan ang mga tao, kundi sariling interest. Lahat sana nang tao ay makabasa sa iyong blog na ito at kahit kaunti’y magising sa katotohanan na walang bobo o bobang pinoy/pinay. Ang kapwa Pilipino’y nag-aalisan dahil sa kawalan nang tiwala sa gobyerno at kakayahang makakita ng pag-asenso ng buhay.
Ahh, napakaraming problema na dapat binibigyang-pansin ngunit ang inuuna nila ay mga pansariling kapakapan. Kawawa lalo ang Pilipinas kung walang mga tulad mo na gumigising at nakakapansin sa kakulangan at kamalian nang nasa paligid. Ipagpatuloy mo kapatid ang magandang adhikain kahit man lang sa paraan ng iyong blog. Salamat sa isang Pilipinong tulad mo na hindi nagsasawang mahalin ang Pilipinas. Mabuhay ka!
I can relate sa mga kwento mong yan. Masakit pakinggan ang mga haka-haka ng ibang national tungkol sa mga Pilipino. Lalong masakit pakinggan yun kung sa pakiramdam mo ay para yatang totoo ang kanilang sinasabi.
Hindi lang naman sa Pilipinas merong mahirap, o merong nagugutom, o walang trabaho at lalong hindi lang sa atin merong gobyernong sugapa. Lahat yata ng nation ay ganyan ang problema pero gobyerno lang ba ang problema? gobyerno lang ba ang makapagpapaunlad sa ating bansa?
Mas importante bang magkaroon ng magandang reputasyon ang ating bansa o kasing importante yuon na maunawaan ng lahat ng Filipino na ang oportunidad ay hindi inaabangan kundi hinahabol?
Takot pa rin ba tayong maging katulong, maging tsuper, mag alaga ng anak ng may anak, mag bungkal ng lupa? Nag iipon ka ba o nag susugal? Bumibili pa rin ba tayo ng mga damit na halos buong sweldo na ang halaga?
Ayaw nating makarinig ng ganyan.
Ang totoo ay lahat po ng ito ay nangyayari sa buong mundo hinde lang sa mga Filipino.
i really never thought about it before
pero alamo..
it really did made sense!
Naalala ko tuloy noong nasa NY ako kung papaano nila pinagtatawanan ang ating pangulo dahilan sa kahinaan ng kanyang isip. Ang nakakagulat sa lahat, mga Flipino mismo ang grabe maglait sa kanya kanya ito namang mga puti nawawalan lamang ng respeto sa ating bayan.
Well said, ma’am. Ang pinakamalaking problema nating mga pinoy ay yung pagkakanya-kanya. Alam na natin kung ano ang mali, pero kanya-kanya tayo ng diskarte. Parang nasa loob tayo ng maze. Alam natin kung saan tayo pupunta, ang kaso iba’t-ibang direksyon ang tinatahak. Whoa, ngayon lang ulit ako nagtagalo ng ganito.
noong una kong nakita yung tagline mo, di ko masyadong pinansin kasi naman you are just referring it to yourself, di mo naman sinabi na lahat ng pinay ay boba. i was just thinking na may pagkakamali kang malaki sa buhay kaya tinawag mo na boba ang sarili mo at through blog ay mailabas mo ang mga ito. maganda rin na maging positive ang dating blog mo, its really up to you kung saan ka liligaya.
Mas ok yata yung bobang pinay kasi mahirap paniiwalaan na walang bobang pinay. Isa pa mas patok yung boba titulo pero ang tinik naman pala ng blog.
Eto lang masasabi ko ha: Ang daming “bobang pinay!” Hehehe…
Taka nga ako bakit bobang pinay ang nakalagay sa blog mo eh. Binasa ko naman ang archive. Wala akong nabasang post na boba ang nagsulat.
Akala ko na “ang bobang pinay” na tagline ay isang irony: parang boba sa pananaw ng iba ngunit mulat sa katotohanan.
ay di ko yun napansin. oo nga baka sa ibang sector iba ang impact.
Wow grabe itong entry na ito sis! Isang malalim na pananaw ng isang tunay na pinoy! Mabuhay ka Manilenya!!!!!
ako naman, hindi ko sineryoso ang tagline mo. pero tama ka, there could be people who would think negatively about it. so does this mean mawawala na ang tagline mo in the future?
since nakita ko ang blog na ito, natanong ko na sa sarili ko bakit kaya boba? mukha namang hindi sya boba…
dati naniniwala ako na walang taong bobo… pero sa pagdaan ng panahon, nagbabago ang aking theory.. marami sa mga tao ngayon ang hindi na pinag-aaksayahan ng panahon ang pag-isip sa mga tamang desisyon.. basta na lang… ganon na yata ngayon.. kakalungkot.
Basta ok sa ngayon ang resulta ng desisyon, ok na.. pano in the long run??
Mas okey daw kc ang magpakumbaba,,, kesa sa mag mataas… pano kung nilagay ko sa blog ko.. ang matalinong at magandang Tutubi… tapos okray ang aabutin ko! nyhahah! sarap magpa cute…
walang bobo dito sa mundo,, wag kang maniwala ke KULAS.. nyahhaha joke MAng Kulas…
lalim nun ha.
wala naman talagang bobo. tanga lang. hehehe. di naman kse kabobohan ang nangyayari, sobrang nagpapadala lang sa mga sinasabi ng iba. madalas para hindi sabihan na KJ o anuman, kaya sumusunod sa sinabi ng iba
Ate Melai! Di ko napansin a… Nababasa ko lang kasi kung gaano ka intelehente ang mga pagkakasulat ng mga nasusulat dito…
musta na nga pala?
myepinoy, ganun yata talaga masarap manood ng aksyon pero kung paulit-ulit na lang nakakapagod daw manood …. e kung ang manonood ang talagang gaganap sa palabas baka mas lalong mapagod … kaya wag na lang …..katulad ng wag na nga lang maki-alam tutal nga naman wala naman siya sa pinas … manood na lang sa malayo, mapagod sa kapapanood pero kapag nagkaroon ng biglang pagbabago sa plot saka sasawsaw at sasabihing yan ang pinoy …..ang galing-galing!
malaya,
nakakalungkot diba?
LAR,
balik ko na daw ang bobang pinay, may mga nagpoprotesta lol!!
salamat po
Aisha,
wala lang ako maipost
wag mo seryosohin post ko lol!!
eric,
yeah katulad ng pinoy din ang nagsabi sa akin ng “you know how stupid Filipinos are” kaya nga nakakadismaya
baddie,
masarap daw kasing maglaro ng maze e
cruise,
uy salamat sa paghahangad kung saan ako liligaya
Kulas,
wag daw ako maniwala sayo sabi ni Tikey lol!!!
ann,
as in talagang naghanap ka ha lol!!
Lazarus,
in a way para pong ganyan nga
Scarlett,
salamat po
teka nakauwi ka na?
musta ang pasyal?
cess,
lol para pong babalik
lam mo na babae
sabi pabago bago ng isip
razberry,
tama ka po dyan
wala ng rebutt
tikey,
sabi ko sayo bayaan mo ang mang ookray
di ba kung saan ka masaya doon ka
e masaya ka kung nakikita mong may cute, matalino at maganda sa blog mo e diba
jay,
eto inaantok ako
ikaw kumusta? kailan ka punta dito sa Singapore?
may makakameet akong pinoy blogger dito sa Sat sayang sana sabay sabay na tayong tatlo
Heheh ibig palang sabihin i Kulas maraming matitinik ang blog… maraming natitinik pag nagka ganun dba? tama ba ung intindiko? nyhahah!!! Peace tayo Coolas…
onga, ayaw ku sa mga mapang okray kala mo kung sinong perfecto… basta cute ako… at ikaw… period..
Tikey,
tama cute tayong dalawa, ang ma inggit sumali na lang para maging cute din lol!!
Isang masigabong pagbati sa iyo, Melai! Tama ang desisyon mo!
‘Ika nga - ‘respect begets respect’. Kaya kung makikita ng ibang lahi ang ating paggalang sa ating mga sarili, natural lang na tayo rin ay igagalang nila.
Ang hirap kasi sa atin kung minsan, masyado tayong mapagkumbaba. Yun bang, minsan, dahil ayaw nating masabing nagmamarunong, ang tendency natin ay ibinababa natin ang ating mga sarili. We become too self-effacing to the point that we are already ridiculing ourselves.
Pero, dapat nating alisin na ang pag-uugaling ito. Ipakita natin sa buong mundo ang ating tunay na talino at kakayahan!
Naku, Melai, sori ha, nadala ako. Para na akong sumisigaw nito ng “Makibaka! Huwag matakot! LOL!
Pero totoong totoo sa loob ko ang lahat ng sinabi ko. Mabuhay ka, Melai! Mabuhay ang Pilipina!
Well thought of…
Dami bang nagpo-protesta! he he he!
Kung gusto mo ng unique, classic at nakakatuwa na web title, very ideal nga ang Blog ng bobang pinay pero kung gusto mong magseryoso at hindi isipin ng mga bobong dayuhan na bobo ang Pilipino, ideal din ang webtitle mo ngayon. But either way, maganda para sa akin! Cute cute lahat! he he he! 
Okay na ang bagong tagline mo ngayon, kaya lang nakaka-distract lang yung advocacy sa gawing kaliwa natatakpan kasi yung “manilenya” kung sana’y maililipat mo sa kanan mas maganda.
Pero curious lang ako, ako ba yung makaka-meet mong blogger? lol
Hi melai,
Muntik na akong di makapag-post ng comment ah nyahahaha! Pinag-add mo ba naman ako ng 10 and 9 eh. O loko di nalito rin ang isa pang bobang Pinay , moi! hehehe
Well said, darleng, but frankly, I like bobang Pinay. Who gives a flying shit what they think? Puta pakialam nila sa gusto mong ilagay na pangalan ng blog mo? And why give a damn? Kung naaapektuhan sila, kung sino man silang FAKE sila, magtayo sila ng sarili nilang blog, magbayad sa domain at ilagay ang pamagat na —Ang Matalinong Pinay! Di ba? Tapos ang kuwento!
Nanggalaiti yata ako doon ah, sorry ha. And one more thing, if titles are biggies, I can imagine what people were thinking about the title of my blog for a year—Number 88 Blog ng Isang Masahista. O, ‘di ba? hehe
Melai, sali ka si Pinoy Moms Network. Kung nakatanggap ka ng invite, halika na! Kung hindi pa naman, go here to register: http://pinoymomsnetwork.net/ sige na, para mas masaya!
Kita kits tayo doon, ha? Hihintayin at aabangan kita!
rhodora,

salamat po sa pag iinvite
nandoon ako sa site now
sana nga mas maging masaya kapag kasali ako doon lol!