manilenya - Last updated: Tuesday, February 27, 20072000 noong pinilit/hinimok ako ni nanay na mag-aral ng reflexology, hesitant ako dahil wala akong hilig sa pagmamasahe. Sa isip isip ko hindi kakayanin ng palad ko dahil ni hindi nga ako makapiga ng kalamansi ng maayos. Sabi niya iyong anak daw ng kumare niya ay freelance massage therapist ay nag-aapply sa Dubai. (Nasa Dubai na nga siya ngayon at may asawa ng ibang lahi doon.)
“Malay mo.” sabi pa niya.
Dahil sa wala naman akong ginagawa saka napansin ko rin na baka nga nagsasawa na si nanay na pakainin ako at si Aya ng tatlong beses isang araw sama ko na yung padamit, konting pera kapag lumalabas saka pampa-aral kay Aya, pumayag na rin ako sa wakas. Ilang pilitan pa yun na hindi ko na matandaan.
Viewed 134 times by 54 viewers
manilenya - Last updated: Sunday, February 25, 2007“The duty of every filipino patriot is to love God, serve the Country, and protect the People”The Vision:
1. Lasting Peace and Prosperity for the country
2. A free, educated and responsible Filipino citizenry that is bound together by a National Identity uniting them regardless of religion, culture, social status and ideology
3. Sovereignty and Territorial Integrity
4. A truly Democratic government founded on equality and social justice with an election process reflecting the true will of the informed people
5. Governance guided by social equity
6. An efficient and professional bureaucracy of honest, humble, competent and hardworking public servants
7. Public policy-making defined solely by National interest
8. National Interest centered solely on public welfare
Viewed 251 times by 82 viewers
manilenya - Last updated: Tuesday, February 20, 2007“Hindi po ako kasali sa anumang partido o organisasyon, pero nung nabasa ko ang plataporma ng partidong ito, alam ko at nararamdaman ko na wala ng iba pang partido ang dapat na ihalal sa darating na eleksyon sa konseho kundi ang mga myembro ng partidong ito. Naniniwala po ako mga kasamahang estudyante na sila at wala ng iba pa ang tiyak kong magtatanggol at magsusulong sa ating mga karapatan bilang estudyante ng unibersidad na ito.”
Viewed 257 times by 96 viewers
manilenya - Last updated: Wednesday, February 14, 2007
Maligayang Araw ng mga Puso, iyon lang. Wala akong masabi. Tama na ang isang malapit ng malantang rosas dahil malapit na rin namang dumilim ibig sabihin malapit ng matapos ang araw.
Viewed 108 times by 48 viewers
manilenya - Last updated: Monday, February 12, 2007Melai, I’ve read your blog and I’m sorry talaga kung di maganda ang dating ng opinion ko sa plano mong mag-aral
Text ni kaibigan yan pagkatapos mabasa ang previous entry ko. Tinawagan ko agad siya. Paano ko ba sasabihing naisip ko lang na magandang i intro yung naging usapan namin sa gusto kong ipost. Ni hindi sumama ang loob ko sa sandaling usapan na iyon.
Noong isang gabi naitanong ulit ni youngest sis sa gitna ng kwentuhan namin kasama ni nanay, “Hindi nga, gusto mo ba talagang maging titser?”
Sabi ko lahat naman yata ng bata kung hindi maging doktor e pagtititser ang gustong maging paglaki diba? Pero ako ni hindi nga nag-isip na kumuha ng kurso na may kinalaman sa pagtuturo. Kaya hindi, wala akong naging planong maging titser.
Tapos ang kwentuhan.
Pero si kaibigan hindi pa tapos magkwento. Nagsisimula syang magkwento tungkol sa personal nyang buhay ng bigla siyang tumigil sabay sabing “waaahhh teka teka baka iblag mo na naman ito ha!”
Napansin nya kasi na may tatlong entries na ako na tungkol sa kanya. Napagisip-isip ko rin na baka simulan nya ng dumistansya o hindi na magkwento sa tuwing magkikita kami, but I have to admit na dahil sa wala namang interesante sa pangaraw-araw na buhay ko at dahil dito wala akong gaanong maibablag, ang pakikipag-usap sa kanya ay isang malinaw na pagkukuhanan ng mga magagandang topic.
Patawad kaibigan pero pang-apat na ito. Salamat.
Pahabol ni kaibigan. Nagbabasa na daw siya ng blog ko kaya please lang huwag ko na daw siya iblag.
Muli, patawad kaibigan. Talagang masarap ka lang iblag, hindi ba masarap pakinggan?
| 2.5 |
Viewed 134 times by 51 viewers
manilenya - Last updated: Friday, February 9, 2007Gusto ko talagang mag-aral tapos gusto kong kunin AB Malikhaing Sining. Kaya lang kung iyon ang kukunin ko tiyak nyan pagtuturo ang magiging trabaho ko.
“Tyong naman walang pera doon.” agaw eksena ng kaibigan ko habang sinasabi ko yun sa kanya na para bang nangangarap sa gilid ng kalsada. Iyong kaibigan ko masasabing may pera na bilang engineer sa isang semicon na kumpanya dito at nagbabalak pang magnegosyo. Single, nag-iisa at kapag uuwi ng pinas papasyal pasyal na lang - may pera na siya para sa akin.
Tinignan ko lang siya sabay sabing “wala naman sa akin ang pera e”.
Malamang masasabunutan ako nito ng nanay ko. Sabi niya kailan lang naiinis daw siya sa akin kasi noong bata ako, tinanong niya ako kung ano ang gusto kong maging paglaki ko. Walang kaabog-abog kong sinabi, stand sraight taas noo kulang na lang ilagay ko ang kanang palad ko sa puso ko na “Gusto kong maging titser!”
Viewed 164 times by 63 viewers
manilenya - Last updated: Monday, February 5, 2007Nagising na lang ako bigla na ayaw ko ng gamitin ang mga katagang -ang blog ng bobang pinay-, una may nakapansin na baka daw isipin na sumasakay ako sa popularidad ng gumawa ng Bobong Pinoy. Pangalawa naisip ko na maaring makasakit ako ng loob ng ibang tao dahil kapag sinabing pinay maaring ipinakikilala ko na rito ang buong populasyon ng mga kapwa ko pinay katulad ng nasaktan ako ng mabasa ko sa isang pakikipag-usap sa isang kaibigan ang mga salitang “you know how stupid Filipinos are“. Pinoy kasi ako e. At kapag sinabi mong stupido ang mga pinoy para mo na ring sinabing stupido ako.
Iyong paggamit ko noon ng bobang pinay, isang katunayan lang kasi iyon ng pagiging self-depreciative ko pero iba pala kapag yung buong kalahi ko na ang pagsasabihan ng stupido. Parang hindi na ko makakapayag noon.
Kahit pa sabihing bumoto ang sambayanang pilipino ng isang artista sa pagkapangulo at noong bandang huli ay pinababa rin ng mga middle class kasama ng mga pulitikong may sariling interes sa nasabing posisyon, walang karapatan ang sinuman na sabihing istupido ang napakaraming mamamayan na bahagi ng mga pinaghahariang uri.
Continue Reading »
Viewed 374 times by 121 viewers


piapot



