Blogging makes my world go round ang temang umiikot noong mga nakaraang araw sa blogosphere, isa itong meme na natabunan na ng panahon. Hinagis sa kin ni Toe -ganti- daw nya sa kapwa nya mga adik na blagista.
Kung may kantang Ng Dahil sa Pag-ibig ni -matagal- na singer na, si Ma’m Toe kumanta ng Dahil sa Iyo.
Dahil sa blogging ano nga ba ako ngayon o ano ba ang nagawa sa akin ng blogging.
Una, nandito ako alas dos ng madaling araw nag hahanap ng magandang template, nag eedit ng template, nagpost ng mga nawalang nakaraang mga entries (salamat kay Mon na naman). Sa madaling salita naga-puyat naman daw ako tapos maguiguilty ang lola nyo at sasabihin sa sarili na hindi na ko magpupuyat plamis.
Sabagay dati na naman akong napupuyat sa harap ng computer yun nga lang dati puro chat lang atupag ko, ngayon sa salita ni younger sis e may sense na ginagawa ko kasi bLogger na ko. Asus!! hinahanap ko sense wala ako makita tsk tsk tsk.
Pangalawa, natututo akong magbasa. Nagagamit ko na ang linaw ng mata ko na medyo lumalabo na rin dahil ito nga ako nagapuyat sa harap ng monitor na medyo madilim ang ilaw. Habang may binabasa sige basa ng basa kahit ano pinapatulan kasi baka may mahanap na pwedeng iblag. Pero madalas wala naman akong maiblag sa mga binabasa ko kasi mas masarap magkwento ng kung anu ano na lang at buti naman may naaliw naman kahit papano sa mga kwento kong kung anu-ano na lang.
Pangatlo, natuto akong magsulat magtype ng walang direksyon, walang malinaw na plano kung ano nga ba ang ipopost ko. Yung tipo bang gumagalaw galaw ang mga daliri ko kapiling ang mga letra dito sa keyboard ko, salat salat na lang at kung may mabuong salita, pangungusap, parirala abah e ang saya pwede na talagang magsulat ang mga daliri ko, wag lang gagamit ng bolpen kasi tyak di ko mababasa kung anu ano mga sinusulat ko. Para kasing kinalahig ng manok.
Pang-apat, napipilit kong maging isang may kwentang tao na dahil sa blogging. Tinuturuan ako nitong mangarap. Yun bang hindi na lang nakatigil sa isang bagay ang utak ko. Meron na kong maging gusto kong maging paglaki ko —-sabi yan ng mga bata— ibig sabihin nagkakaroon na ng direksyon ang buhay ko. Marami na kong gustong matutunan. Marami na kong gustong gawin. Ang problema lang kaiisip ko kung ano na ang gusto kong maging, medyo sa dami kasi e wala akong maumpisahan miski isa. Iniisip ko e baka kasi siguro mas nauuna yung pag-iisip ko kung ano ba ang gusto kong ipost di kaya?
Panglima…..wala na kong maisip tsk tsk tsk. At wala na rin akong mapasahan kasi halos lahat na yata ng kakilala kong blagista e nagawa na itong meme na ito.
| 2.5 |
Viewed 408 times by 122 viewers









athem short term medical insurance
manilenya






ate melai! gandang morning! marami din akong napala sa blogging. kaso di naman ako natatagayan. hahahha! ang kawawa ng dating!!! eniweys, ipasa mo man sa akin o hindi, mababasa mo ang version ko nito after jan.31! waaaah! malapit na iyon! =)
Marami naman talagang nagagawa sa atin ang blogging. Nai-inspire ka dahil na rin sa experiences ng ibang bloggers. Nare-realize mong marami palang tao na dumadaan din sa mga pagsubok na tulad mo, nangangarap din…
At pareho tayo, laging puyat dahil sa blogging! Hehehe
Gandang Sunday morning, te Nalen!
basta ako nagbloblog ako kasi gusto ko.. at masaya ako sa ginagawa ko..
Ako naman maraming na meet through blogging na mga mababait na nilalang sa mundong ibabaw hah sepsep na kung sepsep hehehe
Enjoy the rest of your sunday melai dear! Ingat lagi!
Nang dahil sa blogging naging gamitin ang camera at bitbit kahit saan at baka may makitang magandang sublect na pwedeng pang update…hehehe.
di ko pa nagagawa etong meme na ito, buti walang nagpapasa kasi d mahanap ang bahay ko!
inampon muna ako pansamantala ni kuya kd, naawa sa akin eh!
buhay na naman ako at tataas ang grado ng mata dahil sa blogging
Nang dahil sa blogging, dumami ang kaibigan at kakilala. Hindi ba, ate?
Kumusta na?
alam mo ba na pang-apat ko nang subok na makapasok ng comment. siguro naman ito papasok na. hindi ko kasi pinapansin yung last space - yung may addition, kala ko wala lang yon. high tech kasi itong blog na ganito
anyway, gusto ko lang sabihin na relate ako sa #1. kung saan-saan ako napupunta para lang ma-improve ang “interior design” ng aking bahay.
^ yes! pumasok na! naintindihan ko na sa wakas!!!
ako sakit ng balikat ang natamo ko pag matagal nang nakaupo sa harap ng computer kaya ang gamot couch potato hehehe
dahil sa blogging.. hmmmm.. lab you ate melai! hehehe..
basta masaya lang ako.. ^_^
dahil kahit na magulo ang blogging world, masaya pa rin.. labo ba? hehehe.. andito pa kasi ako sa trabaho.. nakaw oras na naman…
Hi Manilenya. I’ve been reading your blog to practice my tagalog. I am not sure I got all of it, but I think I did.
Isn’t blogging great? You’re right about the writing and the other funs it has.
sana h’wag kayong masasawang lahat sa pag-bablog. marami kayong napapasiyang mga taong tulad ko na kakaunti lang ang ala-ala ng kabataan sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng inyong mga storya ay unti-unting nagbabalik ang nakalipas na kaligayahan.
Marami pong salamat sa inyong lahat na mga blagista. Sana po ay matunton ko ang inyong mga blog at nang tayo ay makakilakilala.
magandang araw po sa inyong lahat.
hahaha kala ko you’re gonna tag someone pa hehe. kakatuwa ka melai
nang dahil sa blogging,nakilala ko ang isang Nalen na napapabilib ako at nahipnotismo sa mga tagalog na ginagamit nya sa post nya
nang dahil sa blogging ay laging gumagana ang utak ko kung ano ang susunod na ibablog ko,tapos nakakalimutan ko din agad pag di naitype ng 2 days
Ako nman ng dahil sa pag ba blog nawawala ang homesickness ko.
dahil sa pag ba blog marami akong natututunan sa buhay..
at ang pinakamahalaga, dahil sa pag ba blog, nakakita at nakahanap ako ng mga kaibigan..
meron din akong natutunan sa blog, tulad ng sayo natututo na rin akong magsulat kahit papaano
dati di ako marunong talaga mag express ng sarili ko in words or writings,
sa photoblogging naman, parang lahat ng bagay tinitignan ko at pinapansin lahat ng interesting, hahaha
e sa nakakalibang kasi ang magbablog parang outlet xa ng kahit ano mang gusto mong sabihin or gawin, sakin parang time capsule ang blog andun lahat ng highlights ng buhay ko hindi naman kasi ibig sabihin kung anu ung nasa blog un lang ang nangyayari sa buhay mo xempre may iba pa aside dun. sabi nga nila “if you want to be a writer, you write” so kahit may sense o wala so what, blog mo naman un d b?
basta masarap mag-blog. period!
anovayan!meron pang “please add 1 and 5″ di ko na getching matsing,kala ko style lang.hehe
blogging is so addictive,para syang opium, nawawala ka sa sarili mo kaya kung ano-ano ang sinusulat sa blog.pero seriously, blog became an avenue for thoughts gone wild and to meet new people.ayun na!basta parang kare-kare ang blogging!
nang dahil sa blogging… marami akong napupulot na aral!
nag dahil sa blogging… napupuyat na rin ako at misan ay hindi na ako natutulog! hahahahaha!
nang dahil sa blogging… nakilala ko kung sino ba talaga ang mga tunay na kaibigan!
basta, masarap.. masaya.. at mapait ang blog!! iba-iba ang mukha ng mga tao… pero ang importante ay magpakatotoo!!
ria,
uy bukas ba plantsado na tong tag na to sa blog mo? yaan mo sa susunod na tag ko ikaw ang unang unang babatuhan ko
dandang gabi sayo muwahh!!
sasha,
uy dandang tuesday night at malapit ng mag wednesday midnight sayo
gusto ko yung huling nabasa kong entry mo pwede ka ng magsulat ng romance novel
jeniffer,
yan naman ang maganda e yung masaya ka sa ginagawa mo
elo cheH,
and through blogging din nameet kita …. ang saya saya kasi feeling ko joray ka pero pinapansin mo ko lol!!
ako kasi yung tipong di tinitignan ng mga matataray hehehehe!!
ann,
hay naku ann pansin na pansin ko nga gamit na gamit ang camera fone mo lol!! nagkaroon ka ng instant photo album through blogging
cess,
pasensya ka na po kasi kailangan ko maglagay ng anti-spam e
maraming salamat pala sa pagbisita
mousey, ako hindi balikat kundi yung mga binti saka yung mga daliri ko sa paa
hulaan mo kung bakit lol!!
karmi,
lab u too karmi
teka bakit naging magulo ang blogging world?
hello Shoshana,
I know you’ll get better in tagalog soon
hehehehe tama ba ingles ko
thanks for always reading my blog, I surely know you understand all my posts because I saw you commenting at times ….. keep on blogging, keep on reading my blog
Mon,

Ei nawawala daw yata blog mo hindi ma access ni ann papatulong sana
salamat naman at nabibigyan kasiyahan ka ng mga pinoy blogger
kami naman ang kwentuhan mo paminsan minsan kung ano ano ang mga naalala mo sa pinas noong nandoon ka pa
verns,
wala po ako tinag pero mukhang me gagawa daw sa ayaw ko at sa hindi lol!! kaya sa susunod na tag babato ko na talaga sa kanya
ghee,
naku ms ghee pareho tayo, naghuhugas nga ako ng pinggan e naglalaro sa isip ko yung ibablg ko pagtapos na ko maghugas ng pinggan may nakita akong bagong gagawin hanggang sa may makita ulet akong bagong gagawin hanggang sa makalimutan ko na yung ibablag ko ayun ilang araw wala akong post lol!!
uy gwabeh naman yan nahihipnotismo ka ng tagalog ko?
lol!! saya
Tikey,
at dahil dyan masaya ako para sa yo
iskoo,
at ang kakatuwa sayo kahit hindi interesting sa iba, nagagawa mong interesting ang mga photos mo
ate, bakit magulo ang blogging world? hehehe.. kasi andito ako..
mwah!!
Ate Nalen, pareho tayo, maloloka na yata ako sa kakahanap ng template na babagay sa’kin.
Ang sarap malaman, damay-damay tayo hindi lang sa ligaya kundi pati din sa pagdurusa. 
so may sense pala ang pag boblog… hehehehehehe.. Nakakasagabal nga ang trabaho sa pagbblog ko.. ayan tuloy hindi ako makapagblog masyado ngayon.. hayz…
ooops! labo na mata ko na miss ko na extra pala ko sa post na ito hahaha
You are always welcome lam mo yun diba
Gulo lang ang isip ko ngayon, daming due na project kasi. anyways, nag iwan na din ako kila Ann ng message.
Thanks for your friendship po
Mon,
your welcome at salamat din sa lahat