manilenya

Mga karanasan, haka-haka, opinyon at rebuttal ng isang bobang pinay
Subscribe

litratista

January 22, 2007 By: User Imagemanilenya Category: blog

 

litratista

 

Nag-aastang litratista, tatlong araw kaming may bisita galing pinas, at sa tatlong araw na iyon binuhos ko ang isang araw para maging litratista nila.  Sabi ni sis sa likod ko bakit daw ganoon, ako daw ang litratista pero ako ang mahusay na nagpopose habang hawak-hawak ang kamera niya.  Sagot ko, e talagang ganoon ang mga trying hard.  Naging litratista nga ako at ang modelo ko?

modelo

 

Siyempre ako rin.  Hindi ako pahuhuli kaya kailangan may litrato rin ako.  Napansin ko lang hindi na ako dapat pang malungkot, kailan lang kasi namumuroblema ako dahil sa bigla akong namayat. Dala siguro ng kaiisip.  Pero ayan ang ebidensya tumataba na ulit ako kaya pwede na ulit magpapayat lol!!  Swanget pero okey lang, sabi ni younger sis rakistang rakista ang dating.  Pagkatapos pala ng litratuhang ito napagisipan kong ipost yung mga kuha ko, tutal naman mapagpanggap akong litratista kuno.  Hindi ko malaman ang gagawin ko sa myjournal account ko, so I decided to post all the pics na kinuha ko using my handfone at kamerang mahablot ko.

Narito ang ilang larawang naipost ko na dito.

Rate this:
2.5

Viewed 819 times by 193 viewers

RSS feed | Trackback URI

36 Comments »

Comment by no imageTIKEy (Who am I?)
2007-01-22 14:58:05

aba aba danda ng ate ko…. good job! hehehe

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagejlois (Who am I?)
2007-01-22 15:01:14

langya! sungit ng comment bord ah? sinigawan ako “answer the question!” daw? eh tinatanong ko lang naman sino yang model mo na naka-shades? :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-01-22 16:38:27

tikey,
hehehehe danda ba? di ba ko nagpapa nose job at boobs job nyan lol!!
sana mga kasisteran ko lahat ang magcomment para lahat sabihin danda si ateng lol!!

jlois,
pre sensya ka na kasi sa tuwing online ako dami ko kailangang iremove sa akismet ko e, hirap pa mag-identify kung ano ang spam at kung ano ang hindi , wahehehehee ako na sasagot pre di ko kilala yung model na nakashades lol!!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagenona (Who am I?)
2007-01-22 18:19:37

oo naman, kasisteran! ala pang america’s top model ang pose eh :)
ayos na ayos ang kuha mo doon sa kabila, ngayon ko lang nalaman na may photo blog ka pala. Good job sis! ;)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemmy-lei (Who am I?)
2007-01-22 20:05:47

:(

di ko naman makita, puro X at error not found! Ano ba yan! pero nasisiguro ko na magaling ka ngang litratista at di nag-iinarte… hehehe!

pde ba email? hehehe!

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagemousey (Who am I?)
2007-01-22 20:10:13

modelong modelo ang tindig ha! im sure di lang isang subok yan dagdagan mo pa ng marami

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagekneeko (Who am I?)
2007-01-23 04:02:48

ano ba yan.. di naman dawa ako pasado waaahhh

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagekneeko (Who am I?)
2007-01-23 04:03:58

nawala tuloy ung comment ko na una.. ulitin ko na lang.. di ko makita ung mga pix…. hayyy

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageLAR (Who am I?)
2007-01-23 06:16:21

Nice to hear na nagpo-post ka na nang mga shots mo! Pero hanep ang ginawa mo, mahirap iyon. Isipin mong ikaw na ang kumukuha at sarili mo kinukuhanan mo! Wowww! :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagetekla (Who am I?)
2007-01-23 11:12:23

avah istariray ang dating :) anong panama ni angelian jolie sa posing mo ha…wal di ba? ulit nga post na ulet…1,2,3 CLICK

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageKulas (Who am I?)
2007-01-23 12:54:38

Wow, nice shot!

Rate this:
1.6
 
Comment by no imageSidney (Who am I?)
2007-01-23 14:04:35

I don’t understand all you wrote but I enjoyed the pictures of those lovely ladies ! ;-)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagejlois (Who am I?)
2007-01-23 14:39:25

galing kayong sentosa ba mare?

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagedodongflores (Who am I?)
2007-01-23 16:26:15

Gorgeous! :)

Rate this:
3.0
 
Comment by no imageToe (Who am I?)
2007-01-23 17:42:38

hahaha! Cute comment ni Sidney. :) Oo nga Ate Nalen… vavavoom kayong dalawa ni younger sis! :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageMon (Who am I?)
2007-01-23 18:42:42

naks todo porma, me-paluhod luhod pa

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageethel (Who am I?)
2007-01-23 19:53:37

Melai muzta na!
hahha di rin pala pahuli ang litratista dafat lang noh, ganda ng lugar na yan sarap lumangoy at parang sarap ng weather walang winter :)

Eto na namana ng math challenge na ‘to sana pumasa ako, bulok pa naman ako sa math hehhehe

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagesirena (Who am I?)
2007-01-23 20:08:38

pede magpa-piktyur? pero hiramin ko muna outfit mo tante (type ko ;)) kc nilalamig na ako :P

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagerhodora (Who am I?)
2007-01-23 21:54:12

Hello! Wow, ang ganda ng bagong design mo. Alam mo, type ko ang istilo mo sa pagsusulat - deretsahan at ‘down to earth’, yun bang napi-feel ng nagbabasa ang mensahe.

Patawarin mo ako, pero tinag kita. Yes, I tagged you for a meme.

Dalawin mo naman ako sa blog ko, para malaman mo tungkol dito.

Salamat, bagong kaibigan!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageghee (Who am I?)
2007-01-23 23:24:06

wow!woot woot! hanep nga sa posing Nalen! :)
higit sa lahat,type ko yung jeans mo :)

ang galing mo na ngang photographer,at mind you,poise na poise pa habang kumukuha,haha!

pinaka type ko yung model ng unphotograble,si Aya yun db? :)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagekarmi (Who am I?)
2007-01-24 00:13:36

kagandahan!! ^_^

pwedeng-pwede ka ng litratista at modeloo ate.. baka yan na ang calling mo!!! :)

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagerHo (Who am I?)
2007-01-24 04:21:19

salubungin natin ng masigabong palakpakan si ate melai!!! yahoooooo….. ang galeng-galeng nman, tayps ko yung posing mo! dumarami na ang mga litratista ah… naks naman! ipagpatuloy mo lang yan te… ingatz po!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageniceheart (Who am I?)
2007-01-24 10:54:43

Magaling ka ngang mag-pose. Maigi ka pa at pumayat. Ano bang sikreto dahil ako ay hirap na hirap magpapayat. :)

Rate this:
1.6
 
Comment by no imageeric (Who am I?)
2007-01-24 11:17:27

Talagang pwedeng pwede ka na maging pro litratista!!!!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageiskoo (Who am I?)
2007-01-24 12:11:33

sabi nila ang tunay na magaling na photographer ay yung gumugulong gulong makakuha lang ng magandang angle at nakapag gawa ng unique composition sa isang normal na subject. potential ka!

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagetutubi (Who am I?)
2007-01-24 15:50:50

nice pics…ano camera yan?

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagetin-tin (Who am I?)
2007-01-24 16:40:36

akala ko naman kung ano ibig sabihin ng litratistsa :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageghee (Who am I?)
2007-01-24 23:10:25

sinisilip ko lang uli ang sexy mong foto :)

ano yung nakita kong post mo sa multiply ngayon?
titigil ka na?oh no….

ay naku,biglang nag ring ang telepono,telebabad ako yun pala andito pa rin ako sa site mo?ooppss.chori po :)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageMajor Tom (Who am I?)
2007-01-25 15:23:38

The shots are great. Napaganda naman ng background view; I bet it’s a famous beach out there.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-01-25 15:49:48

nona,
hindi ko naman regular na na uupdate yung mga photoblog ko sis :)

mmy-lei,
panget yungmga picture sis baka pag sinend ko sayo abihin mo yun ngeks yun lang pala yun
lol!!
thanks po
o ano naka sign up ka na ba sa BigSkymedia? :)

LAR, hehehehe talagang mahirap, biro mo bang kundi mahirap e ibibigay ko bigla kamera kay younger sis para lang makuhanan ko sarili ko lol!!

tekla,
nyahahaha!
angelina jolie ka dyan :)

MK,
thanks po mang kulas

Sidney,
thanks po Sidney
teka wow!! thanks for dropping by and leaving comment :)
sorry I can’t translate my entry in english :)
I’m not good at it lol!!
me boba sa ingles :)

teka ulet…
did I read it right?
me? lovely lady?
me…giggles…come here and let me give u a hug :)

jlois,
yes mare :)
este pare pala lol!!
uy bakit mo ko hanap last sat yata yun

dodongflores,
uy thanks po
teka totoo ba yan?
galing mam flatter ng new friend ko ha lol!

Toe,
uyyy salamat Ate Toe :)

Mon,
nyahahaha
syempre trying hard nga kasi ako diba lol!

ethel
lol yaan mo papalitan ko rin yan spelling naman sa susunod lol!
paramas madali diba :)
di ko pa nasusubukang maligo dyan kasi di ako marunong langoy e lol!!

sirena,
e baka payat ka te neng hindi sayo kasya damit ko pag ganun :)

Dear Rhodora,
nadalaw na po ako sa blog mo siguro ilang beses na rin
yaan nyo po gagawin ko yung tag nyo one of these days
medyo nagulat nga ako, nagtaka kung bakit mo ko tinag pero since
natouched ako sa comment mo
maraming salamat po sa napakagandang comment
syempre gagawin ko yang tag mo :)
maraming salamat sa pagbabasa
at ikinagagalak kitang maging bagong kaibigan
lol!! napatagalog kang bigla sa akin ano :)

ghee,
sis niece ko yung nasa Unphotographable po :)
ay naku sis kung type mo yung jeans ko type ko naman yung damit mo sa eB nyo nina kuya at she :)
pag nagkita tayo arbor ha lol
saka yung boots grabeh patay na patay ako sa boots sis :)

karmi,
nyahahaha! calling ka dyan
malabo lol!

rHo,
asus
sister kasi kita kaya type mo posing ko lol!

niceheart,
madali lang po
mag-isip ka ng mag-isip
yung parang halos nababaliw ka na sa kaiisip ng kahit na ano na lang
tapos gawin mong sobrang depress ang sarili mo
papayat ka po :)

eric,
wow coming from you,
salamat po :)

iskoo,
abah kung galing sayo ang salita na may potensyal ako
maraming salamat po :)

Tutubi,
Nikon D70 po :)

tin-tin,
:)

ghee,
matagal na po yata yung post na yun :)
saka tagal ka di nakaonline nawala po yung blog kong manilenya pansamantala sa cyberspace ng hindi nyo nalaman :)

Major Tom,
sa Sentosa po yun :)
ang Sentosa ang isa sa pinakasikat na pasyalan sa Singapore…. maraming beach ang ginawa sa loob nun mga dalawa yata lol!!
Siloso Beach at Palawan Beach, meron pa yatang iba di ko alam ang pangalan :)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagerhodora (Who am I?)
2007-01-25 16:07:26

Manilenya… ang haba naman..ano ba ang palayaw mo? hehehe.

Salamat sa pagdalaw mo sa blog ko. Lagi din akong tumatambay dito sa blog mo, sarap kasing basahin, ng mga entries mo, pati mga comments. Pasensiya ka na ha, baka isipin mo, may pagkatsismosa ako. hehehe.

Aabangan ko ang gagawin mong meme… Tenk yu uli!

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-01-25 16:11:07

rhodora,
nyahahaha
okey lang yun
the fact na ipinopost ko yung buhay ko, buhay ng mga kamag-anak ko at buhay ng mga kapitbahay ko dito
ibig sabihin handa akong pagtsismisan lol!!
maraming salamat din po :)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagesasha (Who am I?)
2007-01-25 18:53:36

Turuan mo nga akong mag-pose na rakista, te. Hehehe

Buti ka pa, nag-isip namayat. Ako laging nag-iisip hindi pa rin pumapayat *lol*

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-01-25 23:29:40

sasha,
lol hehehehe di ko alam kung paano magpost ngn rakista :)
trying hard lang ako magpopose talaga :)
hehehehe e baka naman kasi lagi ka nga nag-iisip e kain ka naman ng kain :)
ako di na makakain sobra pa sa kaiisp kasi kaya namamayat :)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagejlois (Who am I?)
2007-01-26 18:30:43

wala mare! nangungulit lang! :) nasa eastpoint mall kasi ako non eh :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemanilenya (Who am I?)
2007-01-28 00:47:26

jlois,
waaahhh sayang lapit ka lang nun kaya lang wala ako sa bahay nun tsk tsk tsk

Rate this:
2.9
 
Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
  • Welcome

    Welcome

    Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

  • Add me

    Add to Technorati Favorites
  • Please visit this site

    I want to inform all EC droppers that this site will no longer using and accepting Entrecards ads. Please free to visit Journal of a Pinay Expat for your EC drops. Thank You!