Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Nalen Aguilar's Facebook Status Updates

        Nalen is sleeping........

        (Updated 15 hours, 47 minutes ago)

      Please visit this site
      Ads here
      • Advertise Here
        Chitika Referral
        Performancing Hive
        Social Media Marketi
        Authority Builder
        Blog Management
        Blog Stats
    Recent Comments
    Sponsors
At sila’y nagbalik
By User Imagemanilenya | 17 CommentsLeave a Comment
Last updated: Monday, January 15, 2007

At sila ay nagbalik.  Narecover ko na lahat ng mga entries ko sa loob ng isa’t kalahating taong pagbablag.  Nagising na lang ako isang araw na narestore ang dati kong database.  Magic!

Utang ko yang kay preng Major, feeling ko lang.  Kahit hindi kami nagkikita ng mata sa mata, nagkakadamahan ng daliri sa daliri, nagkakarinigan ng tainga sa tainga at kahit na hindi kami nagkakausap kahit sa email man lang.  Isang komento lang ang naging tulay at naplantsa ang problema ko.

Noong makita ko ang database ng back-up ko ay sinimulan ko ng pag-aralan kung paano ko maibabalik ang mga post.  Trial and error lang at hindi ko dinidelete ang mga nililipat ko o kinokopya sa SQL Query, unti- unti naiintindihan ko ang myPHPadmin sa cPanel ng domain ko.

But the problem is makalikot ako masyado.  Iyan din ang nirereklamo sa akin ng kung sino mang may ari ng ginagamit kong computer.  Noong sa tingin ko okey na siya namang nadelete ko yung table ng mga latest posts ko kaya ang nangyari inimport ko na lang ulit yung nasa wordpress ko.  Hinahanap ko ang feeds ng mga pinakalatests posts ko kasama na ang tag-ulan pero hindi ko na siya makita.  Okey lang (siguro si Mon ay mayroon…sana.)

Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga blogger-friends, bloghoppers na nakisimpatya sa naging problema ko sa back-up at kay Ferdz, Mon, Mark, Poell at myepinoy na handang handang tumuolng at syempre pa ang aking pards na si Major - meron ka pang kailangang gawin lol!…antay kita -

I owe you all and ah lab yu all! Pramis. Peksman.

Rate this:
2.5

Viewed 365 times by 100 viewers

RSS feed | Trackback URI

17 Comments »

Comment by no imagepoell (Who am I?)
2007-01-15 19:48:15

you’re welcome…(kahit biglang nawala ung page mo, di ka mahagilap)

anyway you’re back! weebee!!! by the way kamukha nung game blog namin ung theme mo :P http://technoville.net/fun

Rate this:
1.6
 
Comment by no imageMon (Who am I?)
2007-01-15 21:37:43

yeyyyyyyy ! nagbalik na ang dating mga post mo.

Kaya lang sayang naman yung mga bago mong post. Siguradong meron ako kaya lang walang mga comments.

Ganito na lang, nag back-up ka naman diba? madali lang ibalik yun. Hanap ka ng pwedeng mag recreate ng database mo pero wag mo gawin dito sa host mo kasi magugulo nanaman yan. Kung wala ka makitang pwedeng gumawa nyan para sayo, padala mo sa akin gawin ko sa server ko.

Tapos export lang then madali mo na yan ma import.

sige kung papadala mo or kung malaki yung file just send me the link kung saan ko pwede download and I’ll do it.

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagecruise (Who am I?)
2007-01-15 21:59:47

tawag dyan bayanihan, iba talaga networks sa blog no, daming matulungin at mababait. sana kapag ako din naglipat may tutulong din, di ako maalam sa sql, atbp pa…

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageLAR (Who am I?)
2007-01-15 23:00:54

Maganda talaga ang nagagawa nang matiyaga at makalikot, daming natututunan at natutuklasan! Mabuti naman at na-revive mo na ang mga posts mo! Saludo ako sa tiyaga mo! :)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagemyepinoy (Who am I?)
2007-01-15 23:52:06

Salamat sa pag banggit kahit la naman ako talaga naitulong.

Masaya ako at bumalik na ulit ang iyong mga pinapaguran. Ngayon ang dapat mong aralin ay ang pag back up, ng isang buo, by table at kung ano ano pa na tungkol sa pagba back up.

Ikalawa, ang pag re restore, prakitisin mo rin. Tutal naman nandito ka sa paid hosting at meron ka total (total nga ba) control sa files mo, pwede ka create ng isang sub-domain, sub-directory or kung allowed ka ng ilan pang domain dito, di create ka doon bago installation (ex. test.manilenya.com or manilenya.com/test) at doon mo pag aralan ang back and restore or whatever na gusto mo pag aralan. he he he.

Ikatlo, back-up sked mo (bak up bak up bak up), management ng back up files at safekeeping. siguro alam mo naman kung papaano ang maburahan, mawalan ng files, ma corrupt-pan, o ano mang pwerwisyuhan(???) na magagawa ng daliri mo(ha ha). Kaya kung ako sa yo, i burn mo sa dvd o sa cd back up mo para sigurado ka. wag mo lang uupuan ha…. joke lang.

yon lang ang payo kung libre, next time, meron ng bayad… HA HA HA.

Sana meron ka naintindihan para di kita singilin. Alam mo yong logic doon ha ha ha…

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagemyepinoy (Who am I?)
2007-01-16 00:01:14

Teka broken (este mali) yata mga links mo sa url’s namin ah. bakit naging puro dot org… he he he… Palagay ko la ka pa tulog…..

Rate this:
1.6
 
Comment by no imagemyepinoy (Who am I?)
2007-01-16 00:04:56

Teka broken (este mali) yata mga links mo sa url’s namin ah. bakit naging puro dot org… he he he… Palagay ko la ka pa tulog…..

Isa pa pala, pwede mag suggest, alisin mo na kaya script mo na disable right click, la naman yon silbi, pwede ko naman kopyahin lahat nakasulat dito eh… okey na yong open in new page or tab… sensya na, pakialamero kc ako eh. ha ha ha

Rate this:
1.6
 
Comment by no imageAgring (Who am I?)
2007-01-16 03:02:14

Salamat naman at narecover ang mga old posts mo. At least ngayon wala na problem. Well, enjoy blogging ka na!

Rate this:
1.6
 
Comment by no imageTIKEy (Who am I?)
2007-01-16 07:26:10

Kahit gaano kahirap basta natututo tayo hindi ba un nman ang imfortanste? nyahahha! at ang magaling pa nito ay willing tayong i share sa iba ang ating mga natutunan. diba te? nyahah paturo ako next time ha? heheh!

im glad, all is well…

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageLazarus (Who am I?)
2007-01-16 13:50:22

Welcome back old posts! Eto bang sinasabi mo na 250 lost posts?

I’m glad na back to normal na lahat. At ang dami mong natutunan.

Rate this:
2.9
 
2007-01-16 14:02:46

[...] Sermon ni Padre Sana ay sagutin ito ni Melai, Bro Vince, Mark Paul, Master Betong at utakGago sa kani-kanilang mga blog. At ng aking nag-iisang “ikaw” sa email. [...]

 
Comment by no imagecarla (Who am I?)
2007-01-16 14:24:52

dumaan ulet… ano nga pala title nung kanta dito at sinong kumanta? ganda ah. =)

Rate this:
2.5
 
Comment by no imagekneeko (Who am I?)
2007-01-16 16:34:23

ayos pre ah… sensya na huli ako sa balita d2…

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagetin-tin (Who am I?)
2007-01-16 17:52:25

wala akong naintindihan. ignorante tlga ako pagdating sa computers. hehehe. pramis! khet nagblo-blog ako at kung anu-ano pa.. pagdating sa ganyan wala akong maintindihan. hehehe

Rate this:
2.5
 
Comment by no imageghee (Who am I?)
2007-01-16 22:14:24

buti nman at naibalik mo na ang blog history mo. :D napakaimpostante nun sa tin!kaya nga nagtityaga akong dalhin lahat pag naglilipat ako ng bahay. :)

blog on na!!oks na oks na pala ang lahat :)

Rate this:
2.9
 
Comment by no imageann (Who am I?)
2007-01-17 00:18:23

Buti ka pa okay na blog mo. Bakit kaya ako hirap makapasok sa comment box ko ang mga nasa blogspot? Tapos url blocked pa ngayon dito ang comment box ng blogspot….hay….

Rate this:
2.9
 
Comment by no imagekarmi (Who am I?)
2007-01-17 13:57:52

pssssstttt…. :)

pangulit lang ate.. ^_^ wab yu..

salamat sa tulong!!!

Rate this:
1.6
 
Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.